My Vampire Guard (COMPLETED)

Galing kay LashKayrian

55.5K 1.6K 56

Bampira. Ang mga bampira na namumuhay sa unang kaharian ay payapa. Lingid sa kaalaman ng mga tao, may nabubuh... Higit pa

MY VAMPIRE GUARD
SIMULA
KABANATA 01
KABANATA 02
KABANATA 03
KABANATA 04
KABANATA 05
KABANATA 06
KABANATA 07
KABANATA 08
KABANATA 09
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
WAKAS
A/N

KABANATA 21

1K 40 3
Galing kay LashKayrian

EUROPA'S POV

"Oo, Elara. Hindi naman kami magtatagal. Ibabalik ko ng buong-buo sa iyo ang prinsesa," rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses kung kaya iminulat ko ang aking mga mata.

"Oh sya, aalis na ako. Ikaw na ang bahala sa kanya. Basta ang bilin ko," rinig kong sabi ni nanay kaya napatayo ako agad.

"Calli?" tawag ko dito at agad hinanap kung saan ko narinig ang boses.

"Prinsesa, magandang umaga," bungad nito sa akin.

Tignan mo nga naman, ang aga-aga ang gandang nilalang ang sasalubong sa akin. Ang sarap tuloy gumising.

"Kamahalan? Mayroon po bang problema?" tanong nito kaya umiling na lamang ako.

"Saan pupunta si nanay? May pasok ba sya ngayon?" tanong ko. Usually kasi kapag Saturday wala syang pasok. Pero minsan pumapasok sya. Ewan. Ang gulo rin kasi ng schedule nya sa pagpasok.

"Opo kamahalan," sagot nito. Tamad na tamad naman akong bumalik sa aking higaan at isinubsob ang sarili sa kama. Inaantok pa ako.

"Kamahalan," tawag nito sa aking ngunit hindi ko siya pinansin. Niyakap ko ang unan at muling ipinikit ang aking mga mata.

"What the hell, Calli?!" sigaw ko nang biglang maramdaman na may tumalsik na tubig sa aking mukha.

Halos malaglag ang panga ko nang makitang naka-upo na ako sa kanyang kandungan at nasa banyo na kami.

"Kung tinatamad ka pong kumilos, ako na ang gagawa para sa iyo, kamahalan," nakangising sabi nito kaya agad akong tumayo mula sa pagkaka-upo sa kanyang lap.

"Tigilan mo nga ako! At isa pa, bakit ba gusto mong magbihis na ako?! May lakad ba?!" asar na sabi ko at itinulak ko pa ang malapader niyang dibdib. Nakita ko namang sumilay muli ang kanyang ngisi kaya napa-irap ako.

Lumapit siya sa akin kaya napalunok na lamang ako. "Paumanhin, kamahalan. Magbihis na po kayo o ako mismo ang magtatanggal ng damit mo?" bulong niya sa tenga ko.

Napa-iwas ako ng tingin at ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi. Ang sarap talagang sapakin ng isang Callisto!

"Hindi ba't sabi mo ay prinsesa ako? Ngunit bakit ikaw ang nasusunod sa ating dalawa?" mataras kong tanong ko sa kanya.

"Ikaw nga ang prinsesa ngunit ako naman ang tumatayong kawal, tagapag silbi, ama at iyong ina. Hindi mo man ito nararamdaman noon ngunit ipinangako ko sa aking sarili na ipararamdam ko ito sa iyo ngayon."

Napa-atras ako sa sinabi niya sa akin. Grabe talaga si Callisto! Bakit ba ganyan siya pagdating sa akin?!

"Magkana kana po, kamahalan. Aalis tayo pagkayari mo pong magbihis," huling pasabi nito bago tuluyang lumabas ng banyo.

"Iba ka talaga, Callisto," asar na bulong ko sa aking sarili bago tuluyang maghilamos at magbihis.

---

"Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ko sa kanya. Kanina pa kasi kami palakad-lakad sa kung saan na hindi ko alam kung may hangganan ba o wala.

"Pagod kana ba, mahal na prinsesa?" tanong nito sa akin.

"Hindi ako pagod! Gusto ko lang malaman kung saan tayo pupunta," bored na sabi ko.

"Pasensya ang kailangan, kamahalan," sagot nito at patuloy kaming naglakad sa tila walang katapusan na lakaran.

Napatingin ako sa aming kamay na magkahawak. Sinubukan kong bumitaw ngunit mas lalo pa niyang hinigpitan ang hawak.

Wow, improving ang Callisto. Last time di naman siya ganito ka-gentleman.

"Nandito na po tayo, kamahalan," sabi niya. Napatingin naman ako sa paligid.

"Ang ganda," usal ko nang mapagmasdan ang paligid.

Puro puno ito, maraming magagandang bulaklak at napakasadiwa ng malalanghap mong hangin.

"Nasa tuktok po tayo ng burol, kamahalan," nakangiting sabi ni Callisto.

"Seryoso?!" gulat na sabi ko. Hindi ko namalayan na umakyat na pala kami dito kasi nakatingin lang ako sa kamay naming magkahawak habang pumupunta dito.

"Maaliwalas dito at masarap ang simoy ng hangin. Nagustuhan mo po ba, mahal na prinsesa?" tanong nito bago tuluyang tumabi sa akin.

"Oo, gustong-gusto ko ito! Napakaganda!" nakangiting puna ko at inilahad ang aking mga kamay at dinama ang hangin.

"Hindi pa po kayo kumakain simula kanina. Tara, at baka ika'y nagugutom na," sabi nito at inilahad ang kanyang kamay upang ako ay alalayan. Tinanggap ko naman ito.

Sa ilalim ng isang malaking puno ay may nakalatag doon na tela. Nakita ko rin na nakapatong doon ang basket na dala-dala niya kanina.

Umupo ako sa tela. Si Calli naman ay naglabas ng mga pagkain mula doon sa basket na dala nya.

"Kumain na po kayo, kamahalan," sabi nito at inabutan ako ng tinapay. Tinanggap ko ito at pumiraso ng kaunti.

"Hindi mo pa ba nararanasan na kumain ng ganitong klaseng pagkain?" takhang tanong ko. Curious kasi ako kung puro dugo lang ang gusto ng mga bampira na gaya niya.

"Hindi at hindi ko nanaisin na kumain ng pagkain nyo," madiin niyang sagot kaya napangisi ako sa naisip.

Inabot ni sa kanya ang kapirasong tinapay ngunit tinignan nya lamang ito. "Kainin mo iyan," utos ko sa kanya at sapilitang ibinigay ang kapirasong tinapay.

"Ngunit kamahalan, alam mo po ba na—"

"Tigilan mo ako, Calli! Sino ang prinsesa sa ating dalawa? Hindi ba ako? Kaya sundin mo ako at kainin na iyan," nakangising sabi ko sa kanya.

Kitang-kita ko na parang nandidiri siya habang inilalapit ang kapirasong tinapay sa kanyang bibig. Mas kadiri pa nga dyan kung iinom ka ng dugo eh.

"Hindi ko po talaga kaya, kamahalan," naiiling na sabi nito at inilayong muli ang tinapay sa kanyang bibig.

Agad kong sinubo ang natitirang tinapay na nasa akin at kinuha ko ang nasa kanya.

"Sigurado? Ayaw mo nito?" muling tanong ko sa kanya.

"Paumanhin po, kamahalan ngunit—"

"Kailangan mo lang palang subuan para kumain. Dapat sinabi mo agad sa akin para kanina ko pa ginawa," sabi ko. Habang nagsasalita kasi sya ay sinubuan ko ng tinapay.

Akmang iluluwa nya ito ngunit pinigilan ko. "Ilunok mo iyan! Syempre nguyain mo na rin bago ilunok!" sabi ko pa.

Nakikita ko na napapapikit siya sa bawat pagnguya na kanyang ginagawa. Natawa naman ako ng bahagya. Inilunok na nya ito at tila hinahabol ang kanyang paghinga.

"Ano? Masarap naman, hindi ba?" nakangiting pang-aasar ko sa kanya.

Imbes na sumagot ay tumayo siya mula sa pagkaka-upo sa tela. Ilang sandali ay nakita ko na siyang nagsusuka ng... Dugo at tinapay?

"Calli!" alalang sigaw ko at hinagod ang kanyang likod.

"P-paumanhin, hindi ko alam na... Na ganito ang mangyayari," tarantang sabi ko habang hinahagod ang kanyang likod.

Inalalayan ko siya pabalik doon sa ilalim ng puno kung saan may nakalatag na tela. Kitang-kita ko sa kanyang mukha na hinang-hina siya kaya napasandal siya sa puno.

"Ano ba kasing kagagahan ang naisipan ko," naiinis na sabi ko sa aking sarili.

Muli kong pinagmasdan si Calli na nakasandal sa puno at hinang-hina. Nakapikit rin ang kanyang mga mata.

Nangalkal ako sa basket kung ano pa ang mga laman. Nakakita ako ng mga prutas, tubig, isang baso at kutsilyo.

Kinuha ko ang baso at kutsilyo. Hiniwa ko ang aking hintuturo at isinahod ang dugo sa baso. Hindi ko alam kung gagana ang naisip ko pero wala namang masama kung susubukan, hindi ba?

"A-anong ginagawa mo, kamahalan?" nanghihinang tanong nito.

"Kamahalan, anong nangyari sa iyong hintuturo? Gamutin mo na iyan, kamahalan," alalang sabi niya at kahit nahihirapan ay tinalikuran ako.

Kinuha ko ang baso at lumapit sa kanya. "Calli, inumin mo ito," sabi ko at inilapit ang baso na mayroong laman na dugo.

"A-ayoko po, kamahalan," tanggi nito tsaka bahagyang naglakad papalayo sa akin.

"Susundin mo ako o susundin?" taas kilay kong tanong sa kanya. Hindi niya ako sinagot at naglakad. Hinabol ko naman siya at itinapat sa kanya ang dugo.

"Inumin mo na," utos ko sa kanya ngunit umiling-iling pa.

"Ayoko po talaga," tanggi nito at umiwas ng tingin sa dugo.

Lumapit pa ako lalo sa kanya at itinapat sa kanyang bibig ang dugo. Tila pinipigilan niya ang kanyang sarili na inumin ito. "Sige na, inumin mo na," nakangiting sabi ko.

Mabilis niyang ininom ang kaunting dugo na nasa baso. Pagkatapos niya itong inumin at kitang-kita ko kung paano lumabas ang kanyang mga pangil. Dinig na dinig ko rin na hinihingal siya.

Tumakbo ako pabalik sa lugar kung nasaan kutsilyo. Alam ko kasing kailangan niya pa ng dugo.

Pagkarating doon ay agad kong koinuha ang kutsilyo. Hiniwa ko ang aking kaliwang palad.

"Kamahalan, tigilan nyo na po iyan," rinig kong saway niya mula sa aking likuran. Hinarap ko siya at nakitang iniiwas pa rin niya ang paningin sa akin. Lumapit ako sa kanya.

"Uminom ka pa. Alam kong uhaw na uhaw kana," nakangiting sabi ko dito at inilapit sa kanya ang aking palad na umaagos ang dugo.

"Hindi, ayos na po ako," sabi nito na nakatingin pa rin sa malayo.

Alam kong hindi pa siya ayos kaya lumapit ako sa kanya. Kitang-kita ko sa kanyang mukha ang pag-aalinlangan. Kung sisipsaipin nya ba ito o hindi.

"Callisto, kahit ngayon man lang sundin mo na ako," pakiusap ko dito.

Tinignan nya muna ang aking palad. Maya-maya ay walang pag-aalinlangan niyang sinipsip ang dugo na umaagos sa aking palad. Kitang-kita ko rin kung paano lumabas ang kanyang mga pangil.

Kahit nanghihina na ako at nasasaktan ay tinitiis ko ito para sa kanya.

Kulang pa ang pagbibigay ko ng dugo  kumpara sa kanyang mga nagawa at naitulong sa akin.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

14.3M 622K 56
Para kay Hezira ay isang kathang-isip lamang ang mga bampira. Hindi siya kailanman naging interesado sa mga ito. Pero lahat ay nagbago matapos ang is...
31.8K 691 19
|Complete| Book 1: Secretly Married To Mr President Book 2: officially married to Mr president. Book 3: Before our tale ends I love you till my last...
29.5K 937 49
Mystical Regal Academy Book 1 Kaithlyn Ezra Jones Transferre Student of Mystical Regal Academy Hindi tulad nang iba lumaki siya sa mundo nang mga tao...
8.7M 321K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...