The Professor's Daughter ! ✔

By iamnyldechan

156K 3.3K 198

My Boyfriend is The Professor Book 3 Dont forget to read the first 2 books before reading this. My Boyfrien... More

O n e
T w o
T h r e e
F o u r
F i v e
S i x
S e v e n
E i g h t
N i n e
T e n
S p e c i a l C h a p t e r
S p e c i a l C h a p t e r
E l e v e n
T w e l v e
T h i r t e e n
F o u r t e e n
F i f t h t e e n
S i x t e e n
S e v e n t e e n
E i g h t e e n
T w e n t y
T w e n t y O n e
T w e n t y T w o
T w e n t y T h r e e
T w e n t y F o u r
T w e n t y F i v e
T w e n t y S i x
T w e n t y S e v e n
T w e n t y E i g h t
T w e n t y N i n e E n d C h a p t e r
E p i l o g u e

N i n e t e e n

3.4K 86 5
By iamnyldechan






Feena's POV


Nagulat ako sa lumitaw na text ni Mama. Pagbukas ko ng lockscreen bumungad agad ang message niya.

Ikaw na magsundo kay Kenneth.
  - Mama

Nagtataka ako dahil ibinilin niya sa akin ang kapatid ko kahit alam niyang may pasok ako.

"You okay?" huminto sa paglalakad si Sandro. Pababa na kami ng hagdan at binalak na namin umuwi.

"Yeah. Nagtext si Mama. Nakakapagtaka lang." wika ko.

"Bakit?" agad niyang tanong.

"Sunduin ko daw si Kenneth. Mukhang may lakad si Mama?"

"Baka. Then samahan na kita sunduin siya so hindi hassle." ngumiti ako sa suhestyon niya. At least hindi ako mahuhuli sa pagsundo sa kapatid ko. Pero ipinagtataka ko lang at may biglaan lakad si Mama.

--

Nagulat si Jeremy habang malayo palang ay nakikita na niya si Alicia na naghahadali sa paglalakad. Sinalubong niya ito.

"Hey. Napadalaw ka?" Nagulat si Alicia sa bumungad sa kaniya. Nakita niya agad si Jeremy, isa sa mga co teacher ng asawa niya.

"I'm here for Vladimir. Hindi kasi siya sumasagot sa tawag ko." pag aalala niyang wika.

"Vlad already left. Akala ko uuwi na siya?" hindi nakasagot si Alicia.

"What? Already? Pero wala pa siya sa bahay? Wala na ba siyang klase?" sunod sunod niyang tanong. Umiling si Jeremy.

"Wala na. Mukha masama ang pakiramdam. I'm worried about him. Sanay akong tahimik iyon but his silence now is killing me. Nakakatakot. May nangyari ba?" nalungkot si Alicia hindi niya alam paano ipapaliwanag ang mga sigalot sa pamilya niya. Ang tangi lang niyang magagawa para sa mag ama ay bigkisin silang muli ng pang unawa niya. Pero lalo lang silang lumalayo sa isat isa.

"Okay. I shouldn't asked. Baka nagkasalisihan lang kayo. Uuwi yon si Vlad. Maybe he just need space?" wika ni Jeremy nang maibsan ang pag aalala ni Alicia. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat at sinamahan pababa ng gusali.

"Sana nga Jeremy.  Sana nga.." sagot lang niya.

--

Feena's POV

Nakita ko kaagad si Kenneth na tumatakbo palabas ng classroom niya. Agad niya akong nakita at si Sandro.

"Si Mama?" agad niyang tanong na inaasahan ko na. Sanay kasi ito na si Mama ang nagsusundo sa kaniya.

"Umalis ata. Pinasundo ka niya sa akin e." sagot ko at sinabit ko sa kanan balikat ko ang Spiderman na bagpack niya. Humawak siya sa kamay ni Sandro at lumayo sa akin. Biased talaga ang kapatid ko na to. Nilalayuan niya ako pag may nakikita siyang ibang tao.

"May car ka Kuya Sandro?" Tanong ng kapatid ko habang hawak hawak ang kamay nito.

"Yeah why?" nangiti si Kenneth na akala mo nanalo sa lotto. Biased talaga ito.

"Ate, mukhang okay si Kuya Sandro. Masaya kasama si Kuya Zion pero eto may kotse pa. Ang hirap magdecide!" bigla akong namula sa walang preno niyang pagsasalita. Hinatak ko siya at tinakpan ko ang mukha niya.

"Ate!" inis niya habang gigil na gigil ako sa paglalamukot ng mukha niya. Ipapahiya niya pa ako kay Sandro.

"Is Zion courting you?" nahinto kaming magkapatid sa sinabi ni Sandro. Seryoso ang mga mata niya ganundin kung paano siya magsalita. Naniwala nanaman siya sa kapatid kong abnu.

"H-Hindi ah.!" pagkakaila ko.

Biglang hinatak ni Kenneth ang kamay kong nakatakip sa bibig niya.

"Anong hindi? Eh diba crush ka niya kaya lagi siya sa bahay?" wika nanaman ng kapatid kong chismoso.

"Really?" hindi ko alam bakit ako kinakabahan sa mga tanong ni Sandro. He's like a detective trying to interrogate me with his stare. Nakakataas balahibo.

"Uhhh.." Hindi na ako makasagot. Nacorner na ako ng mga mata niya. Pasimple akong kumamot sa ulo ko at ngumisi na akala mo totoo.

"Kung liligawan ba kita? Okay lang din sayo?" nabura ang ngiti ko sa sinabi niya.

"Ha!" gulat ko at halos lumuwa ang mata ko sa narinig.

"Think of it. I can wait." matipid niyang sinabi at nauna ng lumakad sa amin. Humabol sa kaniya si Kenneth habang ako hindi makagalaw sa kinatatayuan.

Did he just confessed?

Humawak ako sa dibdib ko. Halo halong emosyon na hindi ko mapakawalan. Sandro likes me?

--

Wala ako sa sarili na nakauwi ng bahay. Pagbukas ko palang ng gate ay nagtatakbo na si Kenneth papasok sa bahay. Hindi na ako nakapagpaalam kay Sandro dahil gumulo ang utak ko sa bigla niyang pagtatanong kanina.

But he said, he can wait?
Ano ba dapat ang maramdaman ko? Kiligin.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ko na pakiramdam ko ay mapulang mapula pa din hanggang ngayon..pati ang dibdib ko na akala mo may kabayong itinatakbo ang puso ko.
Nakakabaliw.

Una si Zion and now, Sandro?
This is crazy.

Binuksan ko ang front door habang hawak ang bag ng kapatid ko.

"Ma?" huminto ako nang makita siya sa sala at tahimik. Nagtataka ako sa kinikilos niya. Kapag uuwi ako, nasa kusina palang I'll heard her voice pero ngayon, she seems gloomy. Nilapag ko ang mga bag na dala ko sa sofa at lumapit sa kaniya kahit hindi pa ako nakakapaghubad ng sapatos.

"Ma? Nakauwi na ako." mahina kong wika at humalik sa noo niya." You okay?" sunod kong sinabi. Humawak siya sa braso ko. I felt her trembling.

"Your dad wasn't at school. Ang sabi ni Jeremy umuwi na siya. Pero pag uwi ko. Wala siya." parang naluluha na si Mama habang nagsasalita. Lumuhod ako sa harap niya at hinawakan siya sa dalawang tuhod niya.

"Baka may pinuntahan lang si Papa." pagpapakalma ko sa kaniya.

"I guess so. He was so guilty on hurting you. He was crying." nagulat ako. Papa is crying? Pero hindi siya ang taong tipong iiyak.

"Ma, may kasalanan din naman po ako." wika ko.

"Alam ko. Pero anak, patawarin mo na ang Papa mo. He just wants the best for you. Wala siyang intensiyon na masaktan ka." namumuo na ang mga luha niya pero pinipigilan lang niya.

"Opo Ma." sagot ko pero sa loob ko ay parang ang hirap. Ayoko lang mag aalala si Mama kaya't sumang -ayon nalang ako sa mga sinasabi niya.

"Uuwi din si Papa." wika ko at niyakap siya. Lalo akong naiinis kay Papa. Pinag aalala niya si Mama. Hindi niya alam kung gaano kabado si Mama at takot kapag nawawala siya na parang hindi na siya uuwi sa tuwing nagkakaproblema sila. Ganito ba siya humarap sa problema? Tinatakasan niya? Paano siya naging haligi ng tahanan kung ganyan siya?

Inasikaso ko ang pagluluto ng hapunan para sa amin. Habang si Mama ay nakaupo sa sofa malapit sa bintana at doon  ay nakalingon sa labas at naghihintay kay Papa. Nadudurog ako habang nakikita siyang ganon. Pabalik balik siya sa pagchecheck ng phone kung nag message si Papa. Wala ba siyang pakiramdam. Hindi man lang niya sabihin kung nasaan siya.

Nagluto ako ng adobong manok para sa ulam namin. Matapos niyon at nagyaya na ako para kumain pero hindi natitinag si Mama sa paghihintay. Ni hindi ko siya mapatayo sa kinauupuan niya at hindi siya makakain hangga't wala si Papa.

Ano bang nangyayari kay Papa? Akala ko ba he was so head over heels kay Mama noon? Bakit ngayon ganito nalang niya balewalain si Mama?

"Ate, kakain ba si Mama?" Lumingon ako sa kapatid ko na katabi ko sa hapagkainan.

"Hindi. Hihintayin daw niya si Papa." inis kong sagot."Tapusin mo na yan then matulog kana ng maaga. Sasamahan ko si Mama dito." pumayag ang kapatid ko. Ayoko din siyang mag-isip dahil masiyado pang bata ang kapatid ko para madamay sa mga away namin ni Papa.

Matapos namin kumain ay inayos ko si Kenneth bago siya paakyatin sa kwarto. Naglinis na ako ng kusina at sandaling umakyat sa kwarto ko para maligo at magbihis.

Naalala ko ang kwento ni Mam Catherine tungkol kina Mama at Papa. Nabanggit niya ang pangalan ni Zach, schoolmate siya ni Mama at isa siya sa may gusto dito. Halos siya din ang dahilan kung bakit muntikan ng matanggal sa pagtuturo si Papa ng ilabas niya ang totoo sa lihim na relasiyon nila ni Mama. Pero ang hindi ko pa din maipaliwanag ay kung yun lang ang dahilan, bakit ganoon kagalit si Papa sa kaniya? At hindi naman natuloy ang pagkakatanggal ng lisensiya niya. Ang sabi ni Mam Catherine, kausapin namin si Mr. Aries Hermosa. Pamilyar sa akin ang pangalan niya. Parang nababanggit noon ni Papa ito at alam ko matalik siyang kaibigan nina Mama. Ang hindi ko lang alam ay kung saan ko na siya makikita.

"Feena!" nagulat ako sa narinig kong sigaw ni Mama. Halos naghadali ako sa paglabas ng kwarto at nagtatakbo ako sa hagdan. Nagulat ako nang makita si Mama na kalong kalong si Papa habang wala itong malay at halos humandusay na sa pinto.

"Nak, tulungan mo ako alalayan ang Papa mo." utos niya at kinuha ko ang isang braso ni Papa at isinampa ko sa balikat ko. Sabay namin inalalayan si Papa hanggang sa maihiga siya sa sofa. Walang malay si Papa at halatang lunod sa alak. Lalo akong naiinis sa kaniya, pinag aalala niya si Mama at malalaman namin na uminom lang siya. Anong klase siyang ama at asawa?

Tumakbo si Mama patungo sa kusina at dumampot ng maliit na palanggana saka naglagay ng maligamgam na tubig habang ako kumuha ng malinis na towel. Bumalik siya kay Papa at inabot ko ang towel sa kaniya.

Ayokong pagmasdan si Papa sa ganoon kalagayan kaya't bahagya akong lumayo sa kanila. Naisipan ko nang umakyat sa kwarto ko. At iwan nalang si Mama doon.

--

Tuloy sa pagpupunas si Alicia sa mukha ng asawa. Alam niyang hindi madalas nag-iinom ito at alam din niya ang dahilan kung bakit nagawa nanaman nitong maglunod sa alak. Huli niyang nakitang ganito ang asawa noon mamatay si Veena. At nadudurog ang puso niya pag nakikitang ganito si Vladimir.

"Sana kinausap mo nalang ako. Hindi ganito." naiinis na sinabi ni Alicia. Nagagalit siya sa sarili dahil wala siyang magawa para sa asawa. Mahal na mahal niya ito at nasasaktan siya pag ganitong mahina ang asawa niya dahil noon palang hindi ito nagpapakita ng kahinaan. Lagi itong umaaktong matapang para sa mga anak. Pero kung alam lang ni Feena ay napapagod at humihina din ang ama niya.

"Ingatan mo naman ang sarili mo." wika ni Alicia at ipinatong ang palad sa dibdib ng asawa. Ramdam niya ang mabilis na pintig ng puso nito. Hindi maalis sa kaniya ang takot, na may maulit sa nakaraan.

"Vladimir naman.." usal niya at niyakap ang asawa. Biglang may humimas ng buhok niya at agad siyang umangat dito. May malay si Vladimir pero papikit pikit pa ang mga mata niya.

"I'm sorry for making you worried." wika ng asawa at hapos lumuha si Alicia sa narinig. Niyakap niya itong muli.

"Huwag kana ulit iinom!" sigaw niya dito at narinig niya ang pagbungisngis ng asawa. Nakaramdam siya ng inis at kinurot ito sa tagiliran.

"Aray! Lasing ako. Sorry na." ngumiti si Alicia sa reaksyon ng asawa.

--

Feena's POV

Patakbo akong bumaba ng hagdan habang nagmamadali na ako sa pagbibihis. Nahuli ako sa paggising dahil gabi na din ako natulog. At hindi ko gugustuhin mahuli sa klase.

Nakita ko kaagad si Mama sa kusina at nagluluto. Nakahanda na ang almusal at tingin ko okay na si Papa.

"Kumain ka muna bago pumasok." narinig ko na sinabi ni Mama bago ako makalabas ng pinto. Huminto pa tuloy ako at napilitan dumiretso sa kusina para maupo sa kainan.

"Malelate na ako Ma." pakiusap ko. Humarap siya sa akin at nilapag sa harap ko ang isang tupperware.

"Magbaon kana lang." Wika niya at inabot ang tupperware sa akin. Kinuha ko iyon at nilagay sa isang paperbag.

"Papasok na pala ako." paalam ko at humalik sa pisngi niya. Kinuha ko na agad ang bag ko at patakbo na ako sa pinto.

"Sumabay kana sa akin." nagulat ako sa tinig na iyon. Its from Papa. Lumingon ako sa hagdan at nakita ko siyang inaayos ang manggas nang suot niya.

"Po?" ulit ko na para bang mali ang narinig ko.

"Sumabay kana sa akin Feena." pag ulit niya at hindi na ako nagkakamali. Sabay kami ni Papa na papasok.


--

Nakatayo si Summer sa harapan ng gusali ng College of Law. Maagang pumasok si Sandro kaya wala siyang choice kundi sumabay na din dito. Inaantok pa siya at hindi siya gaano nakatulog ng maayos sa pag-iisip na sa wakas, abot kamay na niya si Blake. Ang highschool crush niya.
Hindi niya maiwasan kiligin sa kinatatayuan habang inaalala ang mga nangyari kahapon.

"Mag isa ka lang?" nagulat siya at halos mabitawan niya ang bag na bitbit. Nakita niya si Blake sa harapan niya.

"Ha. Ano.. aaa.. oo.. a-ako lang.." utal utal niyang sagot. Natawa si Blake sa pagkabulol niya. She blushed and embarassed. Pakiramdam niya kasi nananaginip pa siya.

"Well, me too. Napaaga ako ng dating. Dumaan ako sa inyo. Sasabayan sana kitang pumasok." nanlaki ang mga mata ni Summer sa narinig.

"Ha! Sorry! Si Kuya kasi." Blake smiled.

"Its fine. Dapat mas inagahan ko para naabutan kita."

"Ha?" natawang muli si Blake.

"Okay. Just come with me. I'll treat you coffee." wika ni Blake at hinawakan ang kamay ng dalaga. Hindi na nakatanggi pa si Summer at sumama na sa binata.



---
iamnyldechan ♡








Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
522K 1.7K 153
Complete story Tagalog / English
24.7M 558K 156
This is not a love story. This is a story about LOVE.
44.6K 1.3K 25
A girl named Thalia grew up longing for love and acceptance. Until a man came into her life to make her realize that she don't need to be perfect to...