Chapter 11: I hate her
Love is a fiction mo ang mukha. Kaasar. I’m not a hopeless romantic but hell! Nasisira ang image ng love dahil sakanya. Masaya naman magmahal kahit pa masakit. It only means that we’re just a mere human.
Gees! I can’t sleep and it’s his entire fault! Tama bang pagdabugan ako ng pinto kanina? Aba! Kung galit siya huwag niya akong idinadamay! Nakakapang-init ng ulo!
Shake it off! Shake it off, JL! Don’t lose your temper. Be cool. Take a deep breath and smile.
“Pero gees talaga! Hindi ako makatulog!” Agad akong tumayo at lumabas sa kwarto ko para kumuha ng maiinom sa kusina. Napatambay na rin ako dahil kini-clear ko pa ang isipan ko. Dapat talaga ay hindi ako nakinig kanina.
Isinubsok ko ang maganda kong mukha sa table at pumikit. Tinatamad na akong umakyat sa kwarto ko. Dito nalang yata ako matutulog? Kapag naiisip ko kasing nasa kabilang kwato lang si Damian ay naiinis lang ako! Pinagdabugan niya ako ng pinto!
“Bakit hindi ka pa natutulog?”Iminulat ko ang mga mata ko at tinitigan si Damian. Normal naman siya kapag nakapambahay. Naka-white shirt siya at black na shorts. Nakasuot pa ang kanyang salamin at tila ba tinatapos pa niya ang kung ano mang tinatapos niya. Nakakawala ng init sa ulo ang appearance niya.
“Hindi ako makatulog.” Mahina lang ang pagkakasabi ko pero alam kong narinig niya ito.
Kumuha siya ng baso at ng tubig sa ref. Umupo rin siya sa kabilang side ng table at panandalian niya akong tinitigan. May issue talaga ang taong ‘to saakin, e. Hindi naman ako assuming. Medyo lang.
Muli akong pumikit bago ako ulit nagsalita. “Damian? Naiinis ka ba saakin kaya ayaw mo akong tignan?”
“Ilang beses ko bang sasabihing hindi?”
“Kung ganun, sinaktan ka ba ni Leonna noon?” Pag-iiba ko sa topic. Narinig ko ang paghinga niya nang malalim kaya naman umupo na ako ng maayos. Hindi naman nagbago ang hitsura niya at nilalaro pa nito ang baso niya. Mukhang hindi naman siya nainis sa pagtatanong ko.
“Hindi niya ako sinaktan.” Nakayuko lang siya habang iniikot-ikot ang baso.
“Okay. Kung ganun, may nanakit sa’yo noon kaya siguro nasabi mong gawa-gawa lang ang pagmamahal. I’m no expert, Damian. Pero nasaktan na rin ako noon at masasabi kong ‘yun na ang pinakapangit na feeling na pwede mong maramdaman. Well, iyon ang pananaw ko noon pero mali pala ako.” Uminom muli ako ng tubig at saka siya tinignan.
Kaya naman niya akong titigan kapag ako ang nagsasalita. I wonder why?
“Nakapanakit ako ng tao. Ng mga tao dahil lang sa nasasaktan ako.” Sabi ko habang pinaglalaruan ko ang aking mga daliri. “Ang tingin ko kasi noon, ako ang naagrabyado. Ang immature ko kasi. Tapos ‘yung tanging lalaking minahal ko ay nawala saakin dahil lang gusto kong gumanti.”
“Gumanti?” Nabigla siya sa sinabi kong iyon.
“Alam mo naman siguro na never akong nagustuhan ng mga kaklase natin noon kaya siguro simula noong lumipat na ako ng bahay at ng eskwelahan, binago ko ang sarili ko. Naging mas matapang ako kasi wala akong kasama. Mag-isa lang ako. And then, ako na bigla ang sikat sa campus, isa na rin ako sa top students tapos nagmahal ako.”
“Anong nangyari?” Why am I telling him about my life?
“Nakalipas na ‘yon. Bakit ko ba biglang kinukwento sa’yo?” Tanong ko sakanya pero nginitian lang niya ako. Siraulong ‘to!
“Tell me more about your past.”
“Ang daya mo! Tapos ikaw, hindi nagkukwento.” Napapatitig talaga ako sakanya ng matagal tuwing ngumingiti siya. Ang ganda pa rin niyang ngumiti. Sumasama kasi ang mga mata niya tuwing ngumingiti siya. Idagdag na rin na magaganda at mapuputi ang ngipin niya.
“Biglang nanligaw yung taong ‘yun ng ibang babae. Naging sila kaya naman inagaw ko siya ulit. Nasaktan ‘yung babae but guess what?”
“What?” tsk! Ang boring naman nitong kausap. Hindi man lang nanghula.
“’Yung babaeng ‘yon ay mahalaga na saakin.”
“That’s great. Mabait ka naman talaga kaya tama lang na kaibigan mo na siya.” Hindi pa rin nawawala ang mga ngiti niya sa labi kaya naman napatingin na ako sa mga labi niya. Mapupula ito at halatang hindi siya naninigarilyo. Hindi talaga siya isang mabisyong tao. Naalala ko tuloy bigla yung aksidenteng pagdampi ng mga labi namin kagabi. In fairness, malambot ang lips niya. “May I ask you something?” Nakasalumbaba na siya ngayon at muling iniwas ang mga tingin niya.
“Sure.”
“Why are you calling me ‘Damian’, when in fact you were the one who named me ‘Carding’?” Akala ko naman serious question, hindi pala.
“It doesn’t suit you anymore. Anyway, I’m off to bed. Matulog ka na rin.” Hindi kasi talaga niy abagay ang pangalang Carding. Isa pa, ako lang naman kasi noon ang tumatawag sakanya ng pangalang iyon noon. Tapos pagbalik ko dito iyon na ang tawag sakanya ng karamihan? Naiinis tuloy ako tuwing naririnig ko ang palayaw niyang ‘yon.
“Goodnight.” Hindi na ako sumagot at umakyat na ako. Wala naman akong mapapala sakanya. Mukhang ako at ako lang naman ang magkukwento kung sakali.
Kinabukasan ay agad akong pinuntahan ni Leo sa table ko nang maiwan kaming dalawa sa faculty. Mukhang hinintay talaga niyang maiwan akong mag-isa para lang kausapin ako.
“I won’t tell.” Sabi ko habang binibilang ko ang forms na gagamitin mamaya ng mga estudyante ko sa isang experiment.
“Number?” Tumingala ako para tingnan siya. She’s holding her cellphone. “Number mo?” inirapan ko lang siya at saka ipinagpatuloy ang ginagawa ko. “Wala naman akong pakialam kung sabihin mo sa iba ang narinig mo.” She said kaya naman kinuha ko nalang mula sa kamay niya ang cellphone at saka ko tinawagan ang sarili kong numero para manahimik na siya.
“Ayan. Okay na?” Tumayo na rin ako dahil late na ako sa klase ko. Baka maingay na sila ngayon dahil walang nagbabantay sakanila.
“I’ll call you later. Night out tayo?”
“what?” Hindi makapaniwalang tanong ko sakanya.
“I’m asking you to join me! May malapit na bar dito and besides hindi naman tayo gagawa ng masama na ikakasira ng eskwelahan na ito. Gusto ko lang ng kasama at makakausap.”
“Ms. Leonna Grace Santiago kung may problema kayo ni Damian, huwag mo na akong idadamay.” Nauna na akong naglakad palabas ng faculty. Ine-expect ba talaga niyang sasamahan ko siya?
“Ms. Jade Louise Cruz sa ayaw at sa gusto mo ay damay ka na. Narinig mo na, e.”
“Gosh pinapainit mo ang ulo ko.” Mabuti nalang at walang nakarinig sa sinabi kong ‘yon. “Fine! I’ll see you later. Happy?” Sarcastic ko pang sabi.
“That’s great! Magpaganda ka. Kailangan din kasi natin ng social life!” Sabi pa niya at nakangiting iniwan ako.
“Duh! Hindi ko na kailangan magpaganda!” Pahabol ko pa!
Ghad I hate her! Di hamak naman ma mas maganda ako sakanya! Pinatulan talaga ni Damian ‘yun? Gees!
****
MADALING ARAW AKO GUMAGAWA NG UPDATE. Kaya siguro nilo-low blood nanaman aketchii. :<
Comment comment din XD