Seducing Mr. Pervert 2: Still...

By MShopeless

392K 9.9K 2K

If you thought you totally got over with him, think twice, because maybe you're still into him. © August 2014... More

Still Into Him
Prologue
1: Reminisce.
2: Way back.
3: The start.
4: Statistics.
6: Probability.
7: Caught.
8: Meet me.
9: You're dead!
10: Silenced.
11: Love-Hate.
12: The Boss (1)
13: The Boss (2)
14: Storm
15: Jealous
16: Jerk
17: Drunk
18: Teased
19: Threat
20: Cliff
Author's Note
21: Regret
22: Locker Room
23: Don
24: Stunned

5: Hate you!

20.6K 629 102
By MShopeless

I dedicate this chapter to Khei. Hi bata! Sorry hindi ko nadedicate sa mismong birthday mo! Hehe. Ang cute mooo! Again, belated HAPPY BIRTHDAY!!!

*

Life is about learning from the past, trusting your intuition going forward, taking chances, finding moments of happiness, and realizing everything is simply a lesson that happens for a reason.

Chapter 5: Hate you!

"Storm ano ba?! Ibaba mo nga ako!!! Letse talaga! Ibaba mo na sabi ako eh!!!"

Kanina pa ako nagwawala, pero letse talaga si Storm! Nakakamatay ng brain cells! Paano ba naman kasi, bigla na lang akong kinarga at parang sako ng bigas lang na kinarga sa balikat nya. Gago 'di ba?

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako, o mabubuwisit o kikiligin o mababanas eh. Para kasing baliw! Ilang beses nya na bang ginawa sa 'kin 'to? Once? Twice? Thrice? Para akong tuta lang na sinampay nya sa balikat nya. Ugh! Nakakainis talaga!

"Sinabi ng ibaba mo ako eh! Ano ba?!"

Nakakahiya na talaga, kahit kasi nakatiwarik ako dito kitang kita ko pa rin na madaming nakatingin sa 'min, emeged!

"G—Good morning Master" Narinig kong bati ng isang babae. Hindi ko alam kung na saang lupalop kami ng Pilipinas, basta ang alam ko lang, bawat madaanan namin binabati at tinatawag siyang Master.

"Hindi mo ako ibaba o sisigaw ako ng RAPE dito?!" In-emphasize ko talaga 'yung word na rape para ma-threaten siya.

"Go on" Kaso oo nga pala, Storm 'yan eh. Walang nakaka-threaten sa kanya. =____=

"STORM PUNYETA SINABING IBABA MO NA AKO EH!!!"

Pagkasabi ko no'n, ibinaba nya na ako, isinara nya ang pinto saka niya ni-lock 'yung door knob. Napa what the fuuuudge na lang ako. Yung totoo, bakit parang nasa condo kami?

TEKA! Nasa condo kami?! Oh my gee!!!

"Hoy Storm binabalaan na kita! Kung ano man ang binabalak mong gawin itigil mo na dahil hindi ako magdadalawang isip na sapakin ka!"

May pa action action pa akong nalalaman, feeling ko tuloy iniisip ni Storm na nag-aadik ako.

"Green minded” Sabi nya sabay upo do’n sa couch. Nagdekwatro pa ang loko habang tinititigan ako ng napakalagkit.

 

“Wow ah! Nakakahiya naman sa ‘yo.”

“Tss. Green minded ka talaga.”

 

“Ano ba? Hindi nga sabi ako green minded eh! Pervert ka lang talaga!” Pagkasabi ko no’n, agad siyang tumayo, lumapit sa ‘kin at saka ako nginigihan na akala mo may gagawing hindi maganda.

 

“Ano bang gusto mong palabasin ha?” Seryoso ngunit may kapilyuhang sabi nya. Shit talaga! Nanginginig ako sa pinaggagagawa ng Storm na ‘to eh!

“AAng gusto ko lang, ppalabasin mo na aako.” I was stuttering, oh my gosh!

 

“Sorry, but sorry.” He said huskily. Nanlaki na lang ang mata ko ng makita ko siyang palapit nanaman sa ‘kin.

 

“Hohoy teka! Ano, tteka?!” Hindi  ko mabigkas ang gusto kong sabihin dahil nilalamon ako ng tensiyon ko. Paking tape naman talaga oh! Bakit ba nakakatense si Storm?

Hinawakan nya ako sa magkabilang balikat at sapilitan nya akong kinaladkad paupo sa couch na kanina lang ay inuupuan nya, at saka nya ako kinulong sa mga bisig nya. Tinitigan nya ako ng matagal, matagal na matagal. Hindi ko alam, pero parang may gusto siyang sabihin pero hindi nya lang masabi.

“Kapag may ginawa kang hindi maganda sasapakin talaga kita” Nangangatog ang kamay ko habang sinasabi ko ang mga salitang iyon maging ang boses ko ay nangangatog din.

Hindi ko alam, siguro nakakakaba lang talaga kapag nasa harapan mo mismo ang campus hottie na mahal ng lahat na EX mo na ngayon. Siguro nakakakaba lang talaga kapag konting agwat na lang ang pagitan ng mga labi nyong dalawa. Siguro nakakakaba lang talaga kapag nasa malapit na ‘yung taong gusto mong nasa malapit lang sa ‘yo. Siguro gano’n nga.

Mas inilapit nya pa lalo ang mukha nya kaya napasandal ako sa sandalan ng couch, halos nakahiga na ako do’n habang si Storm naman halos daganan na ako. Gustuhin ko mang kumawala, hindi ko magawa dahil nakaharang sa magkabilang gilid ko ang mga kamay nya.

“Storm, promise. Sasakalin talaga kita kapag hindi ka pa umalis sa harap ko.” Banta ko. Nasu-suffocate na kasi talaga ako sa presensiya nya. Ang guwapo kasi talaga eh! Putek!

Hindi siya sumagot, at parang wala talaga yata siyang balak sumagot dahil kahit anong sabihin ko wala siyang reaksiyon na pinapakita. Si Storm nga talaga siya. Si Storm na mahirap basahin ang nasa isip.

Tatahimik na sana ako at hindi na sana muling magsasalita pa, kaya lang si Stom na loko loko may ginawa nanamang nakapagpataas ng balahibo ko! Tumabi ba naman sa akin at saka ipinatong ang ulo nya sa lap ko! Loko loko talaga! Ano ba kasi ang gusto ng lalaking ‘to?

“Storm ano nanaman bang binabalak m?!” He cut my words by his words.

“I want to confess” Sabi nya habang nakapikit. Hindi ako nakasagot dahil pakiramdam ko, may importante siyang sasabihin.

“There’s something in you that makes me so crazily attracted to you”

Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko, at pakiramdam ko bumalik ang lahat sa amin. Pakiramdam ko bumalik kaming muli sa simula, sa simula kung saan magulo kami pero maayos pa ang lahat. Naalala ko bigla ang kahapon, ang nakaraan naming dalawa. Nung mga panahong halos patayin ko na siya sa utak ko, nung mga panahong kinamumuhian ko siya. Naalala ko bigla nung unang beses nya akong hinaikan sa kwarto ko, nung pareho kaming hindi makatulog dahil nasa iisang kwarto kami, nung inaaasar nya ako at napipikon ako, nung inaaway ko siya at sinisigawan, naaalala ko lahat. Pati ang paghiga nya sa lap ko dati nung hindi siya makauwi sa kanila dahil may bagyo, pati ang pangaasar nya sa ‘kin ng flat chested tandang tanda ko pa.

Mas maayos pa nung mga panahong ‘yun. Mas maayos pa nung mga panahong hindi kami.

Saglit akong natahimik, dinadama ko ang bawat sandaling kasama ko si Storm. Sa totoo lang, hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko, madalas galit ako sa kanya pero kapag kasama ko naman siya pakiramdam ko wala ako sa mundo.

“AAno ba SStorm!” Wala akong ibang naisagot, wala kung ‘di ang iiwas ang sarili ko.

“Umalis ka nga sa lap ko! Ano ba naman ‘yan! Ang dami dami namang unan oh! Alis daliiii!” Pinagtutulakan ko siya para umalis na siya sa lap ko kaso ang tigas talaga ng ulo ni Storm promise!

“Hoy Storm ano nanaman ba?! Nakakainis ka na talaga ah!” Pinipilit kong kumawala kaso napakalakas talaga ni Storm, hindi ko makaya ang puwersa nya. Ayaw nya talagang umalis mula sa pagkakahiga sa hita ko.

“Isa! Kapag hindi mo pa ako pinakawalan isusumbong na talaga kita sa! Sa! Sa mga!” Fuuuudge! Ano baaaa? Saan ko ba siya isusumbong ha?

A. Sa mga pulis.

B. Sa Papa ko.

C. Kay Chester. Or…

D. Kay Lola Paula?

“Kanino ka magsusumbong?” Napadilat ang mata nya dahil sa sinabi ko. Seryoso, hindi ko talaga alam kung kanino ako magsusumbong.

“Sa… Kay…” Ano ba Hannah?!

“Kay?”

“Kay Dj!” Nabigla ako ng biglang lumabas sa bibig ko ang pangalan ni Dj, at ewan ko ba kung saang lupalop ko nakuha ang pangalan niya.

Pero hindi ko akalain na mas mabibigla ako, dahil si Storm biglang tumayo. Napasunod na lang ang mata ko sa paglakad niya palayo sa ‘kin, pumasok siya sa isang kuwarto at saka pabalibag na isinara iyon. Ilang salit pa’y may narinig na lang akong malakas na lagabog na nagmumula sa kwartong pinasukan niya kaya naman nagmamadali akong tumungo doon.

“STORM?! STORM?!”

Malakas na kinalampag ko ang pinto ng kwarto nya, pinipilit ko ding buksan iyon pero naka-lock. Sa totoo lang, nagsisimula na akong kabahan, ano ba ang problema? May nasabi ba akong hindi maganda?

 

“Storm, buksan mo ang pinto!!!” Ano bang nangyayari? Kinakabahan na ako!

Hindi na talaga ako mapakali, kinakabahan na ako at pakiramdam ko may something na nangyayari kay Storm sa loob ng kwarto nya. Sa sobrang takot ko, umusog ako ng kaunti para bumuwelo, nagbilang ako ng isa hanggang tatlo at saka ako tumakbo papuntang pinto.

Kaso… *BOGSH!*

Pareho kaming tumilapon! Babanggain ko sana ‘yung pinto dahil nga hindi nya binubuksan, kaya lang nung malapit na ako bigla nyang binuksan kaya instead na banggain ko ‘yung pinto eh sya tuloy ‘yung nabangga ko! And worst is, sa kama pa kami tumilapon. ANG AWKWAAAARDDD!!!

Heto nanaman po kami. Kung kanina siya ang nakapaibabaw sa ‘kin, ngayon ako naman. Ang awkward talagaaaa!

Aalis na sana ako sa ibabaw nya kaya lang ewan ko ba! Parang bigla akong pinigilan ng mga titig nya. Nakakainis na talaga ang mga titig ni Storm! Ewan ko ba! Parang may Hypnotic power ang mga mata niya.

“Storm, okay ka lang ba?” Tinitigan ko ang bawat sulok ng mukha nya, in-examine ko pati ang ulo nya para malaman kung okay nga lang ba siya. Hinawakan ko sya sa noo, sa pisngi, sa ulo, pati sa mga labi hanggang sa matigilan ako sa ginagawa ko.

He is staring at my lips and he is so fvcking hot!

Hindi ko alam kung bakit at kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para yakapin siya, basta namulat na lang ako na yakap yakap ko na siya. Yakap yakap ko siya ng mahigpit na mahigpit. Nag-alala talaga ako sa kanya, sobrang nag-alala talaga ako.

“I hate you Storm! I hate you!” Bakas sa boses ko ang mga iyak. Oo, naiiyak ako ngayon at ‘yon ay dahil kay Storm.

“Nakakainis ka! Pinag-alala mo ako! Nakakainis ka talagang Storm ka!”

Unti unti ko na lang naramdaman ang pagganti ni Storm ng yakap, kagaya ko niyakap niya din ako sa bewang kagaya ng pagyakap ko sa kanya habang nakahiga siya at habang nakapatong ako sa kanya.

“Sorry…”

Sorry? Sorry lang ang masasabi nya pagkatapos niya akong pag-alalahin? Sorry lang ang masasabi nya pagkatapos niya akong paiyakin ? Gago talaga si Storm. Gago po talaga siya.

 

“I hate you Storm!”

 

“I’m sorry, freak girl ko. Hindi na uulitin ‘yon ng Storm mo…”

*

Note: Mahina ang internet kaya hindi ako nakapagupdate agad. Sorry naaa. Bitin lagi ang mga update ko, alam ko yan. Anyways, ngayon pa lang ako magti-thank you sa mga nakasama slash nakahuli slash naka-spot sakin sa MIBF. Wala talaga sana akong balak magpakita dahil nga ako ay nahihiya kaso ang gagaling nyo maghanap! Haha. Special mention to Ate Regilyn, Ate Che, Arnilene, Allea, Kim and Khei. Kayo na talaga! Thank you din pala sa bumili ng book ko. Yaan nyo, balang araw mapipirmahan ko din yan. Labyu SEDUCERS!

P.S. Vote and comment po. :D

Continue Reading

You'll Also Like

113K 4.8K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...