Courting Him (Guillermo Serie...

By tearscream

5.7K 306 34

Carly Elizalde is the new girl in Hillpointe University. With the help of her cousin and her friends, she pla... More

First Encounter
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28

Chapter 6

218 15 0
By tearscream

Riddles

At hindi na nga ako tinigilan ni Levi. Kulang na lang magdeactivate ako ulit ng Facebook para hindi na siya magpost! Noong sinabihan ko siya, tumigil nga ang mokong. Ang problema, Messenger ko naman ang pinuntirya. Nakakainis!!!

"Carly, pa-saan ka?"

Napalingon ako kay Lia, isa sa mga kasama ko sa HDC-Street at kaklase ko sa PR. Kakatapos lang ng meeting namin at gutom na gutom na ako.

"Meet kay Tate, nasa cafeteria siya. Sama ka?" yaya ko.

She wrinkled her nose. "Nah. Ginto ang pagkain sa cafeteria. Mag-7/Eleven na lang ako."

Natawa naman ako sa sinabi niya. Nagpaalam na siya at matutulog daw muna siya sa Ladies' Lounge habang maghihintay sa next class niya.

Umalis na ako ng Club Office para maglakad papuntang cafeteria since malapit lang 'to. Every MW, from 3 to 4 PM eh club activity. Kaya nag-usap usap kami sa HDC-Street para malaman kelan kameng pwedeng magpractice na kumpleto kami knowing iba-iba ang class schedule namin. Dahil practice sched lang naman 'yung tinackle, maaga kaming dinismiss.

Dapat wala na akong klase pagkatapos neto pero hindi um-attend kanina si Gabriel ng Social Relations class namin dahil may meeting siya. Since available rin ang mga kaklase ko ngayong hapon, ngayon na lang daw siya magmi-meet. Besides, may announcement lang naman daw siya.

I don't like to admit it pero gustong gusto ko 'yung klase ni Gabriel. Noong una, I had doubts if he is a good professor but when he started with his interactive lectures and activities, I enjoyed the class. Ayoko nga lang aminin sa kanya dahil mang hahambog lang 'yon.

Pagdating ko sa cafeteria, pumila na ako para bumili ng pagkain bago pumuntang second floor kung nasaan ang pinsan ko.

Nanliit ang mata ko ng makita siyang kasama 'yung "best friend" niya. Umupo na lang ako sa harap nung dalawa.

"Hello," bati ko. Hindi pa nga yata ako papansinin noong dalawa kung di pa ko nagsalita.

"Annyeong," bati sa akin noong pinsan ko with slightly bow ng head.

I looked at her weirdly. "Koreana ka na ba ngayon?"

"Kailangan ko nang matutong mag-Korean para kapag may concert ang mga Kpop groups na ini-stan ko, kaya kong makipag communicate!" masaya pa siya sa pag-explain.

"Duh. As if maririnig ka nila? Papaakyatin ka ba ng stage? Swerte ka ba at tatawagin ka nila out of the thousands of concert goers? Ano ka, special?" pambabara ko.

She just pouted at me bago niya tinignan 'yung halo-halo niya na mukhang 'di pa nagagalaw. Napakunot noo siya at mukhang iiyak na. "Hala ang konti ng ice cream!"

I heard Yuan tsk-ed before he scooped some ice cream from his bowl to Tate's. Ngiting ngiti naman ang pinsan ko sa ginawa ng "best friend" niya.

"Sure ka akin na 'to lahat?" nakangiti pa at nags-sparkle ang mga mata.

Yuan nodded. "Oo. Konting-konti na lang iiyak ka na."

At sa harap ko pa talaga napili ng dalawang 'to maghaharutan? The audacity? Right in front of my salad?

"Respeto naman sa single na kagaya ko, ano," pagputol ko sa titigan nilang dalawa. Nakakakilabot. Feeling ba nila bida sila sa teleserye? Hindi ako na-inform na nagsu-shoot sila ng KDrama dito? At hindi ako bitter!

"Gusto mo bang 'di na maging single?"

Napatingin ako sa lapastangang biglang umupo sa tabi ko at napabuntong hininga. Kailan kaya darating ang panahon na hindi ko makikita ang pagmumukha ng lalakeng 'to?

"Annyeong, Jennings!" at nag-fist bump pa 'yung dalawang KSP. Pero ano daw? Jennings?

"Jennings kasi ang middle name niya. Tapos ang funny kasi sa Clinical Chem, under sa monitoring of quality control eh Levey Jennings chart. Kaya kapag nakikita ko 'tong si Jennings, QC agad naaalala ko," tapos tumawa pinsan ko.

Nagfake laugh na lang ako kasi ang korni niya.

Nanliit mata ni Tate sa akin bago siya ngumisi at tinignan nanaman ang katabi ko. "Gusto mo bang ligawan 'tong si Kamahalan? Tutulungan kita mapa-amo 'to."

"Tate!" pinanlakihan ko siya ng mata. Anong akala niya sa akin? Baliw na aso?

"Gusto ko 'yan, Tate!" nag-high five pa yung dalawa bago bumulong si Kumag kahit rinig ko naman. "Nauubos na pick-up lines ko dito sa pinsan mo. Saan ba 'to pinaglihi at sobrang sungit?"

"Ang alam ko, mahilig si Auntie Carla sa ampalaya noong pinagbubuntis niya 'yang si Carly," sagot naman ng walanghiya kong pinsan.

Sinipa ko siya sa ilalim ng mesa. "Pwede ba, tumigil na kayo." nilingon ko naman ang katabi ko. "At ikaw, bakit ba pasulpot-sulpot ka? Wala bang araw na 'di kita makikita?"

"Syempre, baka ma-miss mo kagwapuhan ko," he smirked haughtily.

Tinitigan ko siyang mabuti, "Saang banda ba 'yung gwapo sa'yo? Bakit 'di ko makita?"

Tawang tawa naman 'yung weirdo kong pinsan. Hindi ko na sila pinansin at nagsimula na akong kumain.

"Itaga mo sa bato, Carlotta. Darating din ang araw na ako ang hahabul-habulin mo."

I shivered in disgust. Hinding-hindi mangyayari 'yon.

Hindi na ako pinansin ni Kumag at kinausap na lang niya sina Tate at Yuan. Ang dami ngang dumadaang kakilala sa gilid namin at pareho pang kinakausap ni Levi at Tate. Bagay 'tong dalawa, eh. Parehong sikat dito sa campus tapos pareho ring may saltik sa utak.

Noong mag-alarm, signaling it's 4PM, nilinis ko na 'yung kalat ko at tumayo na.

"Alis na ko," paalam ko sa kanila. Kinawayan ako ng pinsan ko na busy pa rin sa pakikipag tsismis at tinanguan lang ni Yuan. Kinuha ko 'yung kalat ko at tinapon sa malapit na trash can. Claygo kasi. Clean as you go.

"Grabe 'to nang-iiwan!" habol ni Levi sa akin. "Pagkatapos kitang hintayin, iiwan mo lang ako? 'Wag ganon, Carlotta. 'Wag ako 'yung puro nag-e-effort sa relasyon natin!"

Tangin--

Pinaghahampas ko siya at gustong-gusto ko na murahin kasi ang lakas pa ng boses niya at napatingin sa amin ang ibang studyante! Punyemas talaga!

"Argh! Writer ka ba? Ang galing mong gumawa ng kwento!" singhal ko sa kanya.

Titig na titig siya sa akin bago siya humagalpak ng tawa. As in tawang-tawa siya! Nakakainis! Masyadong nakakakuha ng pansin!

"Carlotta, sure na ba 'yon? Ang corny ng pick-up line mo!" patuloy pa rin siyang tumawa.

Naramdaman kong uminit bigla mukha ko. Hindi naman kasi pick up line 'yun, eh! And I was trying to prove a point! Ugh!

"Bahala ka nga sa buhay mo," masungit kong sabi at iniwan na siya. Nakaka-bwisit talaga ang lalakeng 'yon!

Pagkapasok ko sa room na sinabi sa amin eh napalingon naman 'yung nasa loob sa akin. Akala ko kung ano na pero noong bigla silang nagsipag-'ayee' alam ko na nasa likod ko na si Kumag.

Hindi ko na sila pinansin at naglakad na lang ako papunta kay Georgina para tabihan siya.

"Naks, Levi, ngiting-ngiti! At sabay pa kayo ni Carly!"

"Iba kasi charisma ko," at nakisakay din si gago. Umupo siya kasama ng mga kaibigan niya bago lumingon sa akin. "'Wag ka masyadong kiligin sa akin, Carlotta."

"Ulul," tanging sagot ko sa kanya.

"Si Carly ba talaga 'yung kilig? Eh ikaw 'yung ngising aso kanina sa labas pa lang, ah."

Si Gabriel 'yon. Kakapasok lang ng room. Dahil sa sinabi niya mas kinantyaw pa kami. Isa pa 'to. Teacher naman sana pero gustong gusto ako asarin kay Kumag.

"Settle down, class. Start na tayo para makaalis na tayo," sabi niya na nakapagpatahimik naman sa klase. Inilagay niya ang dala-dala niyang manila envelop sa mesa bago niya kaming tignan lahat. "Do you remember the last time na nagbunutan kayo ng pangalan?"

Tumango naman kami.

"Well the names you pulled out has something to do with your Exit Assessment," simula niya. "Pero dahil medyo marami-rami akong ginagawa sa ngayon at pakonti na ng pakonti ang brain cells ko, I decided that we will play a game."

Ha? Ano daw?

"Shh! Quiet, let me explain first!" umingay kasi yung room. Ano ba tong pinagsasabi ni Gabriel? "I'll divide you in 2 groups. But that would be later. Sa ngayon, dahil nga busy ako, I need 6 heads to conduct the game. Para malaman natin kung sino ang anim, you must answer this first."

Binuksan niya ang envelop at dinistribute ang mga papel kada aisle. Nakabaliktad ang bond paper kaya hindi ko alam kung anong nakasulat at hindi pa kame pinapayagan na basahin kung ano mang naroon.

"The rules are simple. You have to get atleast 40 points. I'll give you 10 minutes to answer that. Ang unang anim na makakakuha ng 40 points pataas ang magcconduct ng game. Start now."

Kinuha ko ang papel na pinasa ni Georgina at napanganga. I heard groans from the rest of the class kasi nakakainit ng ulo. Riddles?! Why would he give us riddles?!

"Guys, reminder, 10 mins lang. Your time is running."

Agad kong sinulat ang pangalan ko at binasa ang naroon.

2 points each riddle. STRICTLY NO ERASURES. Best of luck!

Tae. Pencil na lang nga muna ang gagamitin ko.

1. Who makes it, has no need of it.
Who buys it, has no use for it.
Who uses it can neither see nor feel it.
What is it?

Okay. This one's kind of easy. Nabasa ko 'to somewhere. Sinulat ko agad ang sagot: Coffin.

2. What kind of room has no doors or windows?

Still easy. Naalala ko 'tong jinoke ni Tate sa amin last week. Tawang-tawa siya sa kakornihan niya. Akalain mong may maiaambag pala ang pinsan ko sa ganito. I wrote: Mushroom

3. As a stone inside a tree, I'll help your words outlive thee. But if you push me as I stand, the more I move the less I am.

What am I?

This... is hard. Stone inside a tree? Ang naalala ko lang na stones ay usually gawa sa mga alahas. Napatingin naman ako sa pencil na hawak ko at napatingin sa riddle. Aba ang tanga ko naman talaga, oo. Agad kong sinulat ang sagot: Pencil

"8 minutes more!" Gab announced which earned a few curses from us.

4. I have cities but no houses, forests but no trees, water but no fish.

Oh. I get it. I wrote MAP.

5. A masked man runs away from home. He turns left, and keeps running. After some time he turns left again and keeps running. He later turns left once more and runs back home.

Who was the man in the mask?

Runs back home? Hindi ba pwedeng siya 'yung may ari ng bahay? Jusko. Sumasabog utak ko dito!

But wait. Runs back home. Is it like a homerun? Hindi ba 'yun ang tawag kapag naka-goal ka? At kapag nanunuod ako ng baseball dati... Oh, shit! But what do you call that player?

Mas na-pressure ako noong nakita kong tumayo si Levi at pinasa ang papel niya kay Gabriel. Kahit 'yung iba naming kaklase nagulat din. Shit. Napaka-easy ba nito at bobo lang talaga ako?

At habang iniisip ko kung gaano ako ka-bobo, naalala ko ang sagot. It's the CATCHER in a baseball game!

"Okay, class! Since Levi got 50 points, he's the first of the 6. And I guess I forgot to mention this, pero ang unang anim na makakakuha ng 40 points, exempted na sa Exit Assessment!"

What the fuck? He could've said it earlier!

"Sana kanina mo pa sinabi, Sir! Nakakainis ka naman, eh," someone whined.

"Now, where's the fun in that?" he laughed evilly. "Hurry up, you only have 6 minutes!"

Nakakabwisit talaga tong Gabriel na to pero kailangan ko ng bilisan. Ayokong gawin ang EA niya dahil medyo twisted ang utak ng professor na 'to!

6. What begins with T, ends with T, and has T in it?

Easy. Teapot.

7. You can hold it without using your hands or your arms. What is it?

What else do you hold? Your breath.

8. What gets broken if it's not kept?

I'm not sure about this but only one thing came into my mind. A promise.

9. Feed me and I will live, but give me a drink and I will die. What am I?

So easy. Fire.

10. What cannot talk but will always reply when spoken to?

As I was contemplating what to answer, 3 students stood up. Nagmamadali pa silang ipasa ang papel nila kay Gab. Nagmadaling magcheck si Sir Gab bago sinabing,

"2 more, guys! Kim, Charlene and Lyka got 50 points, each."

Ang dali niya namang magcheck ng answers?

Napatingin tuloy siya sa akin. "Carly, tumatakbo ang oras. Meron ka na lang 5 minutes. Wala ang sagot sa akin."

I squinted my eyes at him before continuing to answer.

11. A man is found murdered in his office. The suspects are Peter, Julie, Jason, Molly and Brian.

In the office is a calendar with the numbers 6,4,9,10,11 written in blood.

Who is the killer?

Sinulat ko ang first letter ng buwan ng mga numbers na nabanggit at sinulat ang Jason.

12. Forwards I am heavy, backwards I am not.

What am I?

Not backwards is ton. And it kinda mean heavy. So I wrote Ton.

13. Turn me on my side and I am everything. Cut me in half and I am nothing.

What am I?

"3 minutes!" sigaw ni Gab. Shit! I immediately wrote the number 8.

14. Where there is light is the only place I can live. Yet if light shines on me I die.

Hindi ko alam kung tumatalino ba ako or dahil sa nagpapanic na ako kaya mas mabilis maproseso ng utak ko ang mga tanong. Sinulat ko agad ang salitang Shadow.

15. He has married many women, but has never been married. Who is he?

Easy! I scribbled the word Priest.

Akala ko tapos na pero tangina muntik na akong mapamura ng makita ang nakasulat sa baba! Kaya pala madaling nakapasa si Kumag kasi kahit etong huling riddle lang sadagutin, siguradong exempted ka na sa EA.

SPECIAL RIDDLE! 50 PTS IF YOU GET THIS RIGHT!

"Ugh!" I heard Georgina growled. Mukhang ngayon lang din niya nakita 'yung huling riddle.

I immediately read the riddle.

It's late at night and dark. A group of 4 friends, with just one torch between them, come to a river.

The only way across this river is a rickety old bridge that will only hold 2 people at a time and anyone crossing the bridge needs the torch to safely cross.

Alison is able to cross the bridge in 1 minute, Brian takes 2 minutes, Carol takes 5 minutes, and it takes Dave 8 minutes to cross the bridge.

Whenever 2 people cross the bridge together, they can only move at the pace of the slower person. Everyone must get across the bridge in 15 minutes.

How can they achieve this?

Okay, shit. Wait. Who's going with who? If Alison and Carol cross together, 5 minutes 'yon. Tapos kapag babalik si Alison with torch, magiging 6 minutes and give it to Brian? Who's gonna cross with Dave and it'll take 8 minutes. Pero if you add it up, 14 minutes 'yon and hindi pa nagkocross si Alison.

Oh, wait. It could be Alison and Brian, which takes 2 mins. Tapos babalik si Alison with torch, 3 mins in total. Carol and Dave can cross together and it'll take 8 mins. That'll be 11 mins in total. Tapos si Brian ang babalik with torch and kapag babalik sila ni Alison, saktong 15 minutes!

OMG I've never felt so smart! I was about to write my answer when there's a loud blaring coming from the front.

"Time's up, everyone!"

Saka ko lang napansin na may dalawang tao na sa harap ni Gabriel at mukhang nakapasa na.

Tangina. Binabawi ko na 'yung sinabi ko kanina. Ang bobo ko. Ugh.

Tumayo ako at binigay sa kanya ang papel ko, while glaring at him.

"Bakit ang sama mo makatingin sa akin?" he chuckled.

Kung wala lang kame sa classroom ngayon, kanina ko pa siya inupakan. Bakit ba kasi siya pa ang naging professor ko this subject? At sinabi ko ba talaga kanina na magaling siyang magturo? I'm taking it back! Ayoko na sa kanya!

"Okay, class! Ang exempted sa EA natin ay sina Levi, Kim, Charlene, Lyka, Justin and Reymon. Please see me tomorrow for the instructions, okay?"

Tumayo na si Gabriel at nagpaalam na sa klase. Tumayo na rin 'yung iba pero nakaupo pa rin ako at nakasimangot.

"Carly, hindi ka pa ba aalis?" Georgina asked.

I almost pouted. Gusto ko talaga masali doon sa anim, eh. Kasi ayoko ng Exit Assessment. Not because of the work, okay lang sana kung may activity siyang ipapagawa. Ang kaso kasi ang main concern ko eh si Kumag ang nabunot ko! Paano kapag kung ano ang activity concerning him? Ugh.

I grunted. Sumabay na rin ako kay Georgina na lumabas ng classroom. Nasa labas pa 'yung iba naming kaklase at nakita ko pagmumukha ni Kumag kaya hinila ko si Georgina palayo roon.

Hindi na sana ako makikita eh kaso may nag-iskandalo nanaman kaya napatingin grupo nina Levi sa amin.

"Kamahalan!" tawag pansin ni Tate.

Umangkla siya sa akin. Nagfifeeling unggoy nanaman 'tong pinsan ko.

"Hi, Georgina!" bati niya sa kasama ko. Napaka-friendly neto. Meron kaya siyang hindi kilala sa campus na 'to?

Nag-usap 'yung dalawa dito sa hallway. Nangangati na akong umalis dito kasi nababadtrip talaga ako pero ang pinsan ko, may plano pa yatang magpaka-Charo Santos. Ano 'to, ikkwento niya ba talambuhay niya kay Georgina?

"Carlotta!"

And I groaned.

"Hoy, Jennings, ang walang respeto! Andito ako at si Georgina pero si Kamahalan lang talaga tinawag mo," Tate pouted.

"Itigil mo nga 'yang kaka-pout mo. Hindi ka cute. Nagmumukha kang pato."

She gasped because of what I said and I laughed. Asar talo rin to minsan si Tate, eh.

Tiningnan ko naman si Levi at tatanungin ko sana anong kailangan niya pero nakatitig lang siya sa akin. Adik ba 'to?

"Hoy, anong kailangan mo?" naiinis kong sabi.

He cleared his throat. May plema ba to? "Ah. Wala lang. Sasabihin ko lang, ingat kayo pauwi!"

Tapos umalis din siya. Weirdo.

"Ayeee. Kayo ni Jennings, ah! Baka mamaya façade mo lang 'yang inis ka sa kanya pero malalaman ko na lang, crush mo 'yon!" eskandalosa talaga. Ang lakas ng boses!

"Tumahimik ka nga. Umuwi na tayo," yaya ko sa kanya. "Ikaw, Georgina? Saan ka?"

Georgina smiled. "May bibilhin lang ako sa bookstore. Una na ako, ah. Bye!"

We said our goodbyes and watched her climb a shuttle. Naglakad na rin kame ng pinsan ko.

"Kamusta na pala 'yung pa-quiz ni Sir Gab sa inyo?"

Napakunot ang noo ko sa tanong niya. "Paano mo nalaman?"

"Kasi inutusan ako ni Ma'am Marilyn, 'yung prof ko sa Biochemistry, na magcollect ng laboratory manuals. Tapos nakita ako ni Sir Gab, inimbita ako sa cubicle niya. Nagreklamo siya sa akin kasi ang dami raw niyang kailangan gawin. Ayun, ako na nagsuggest na magbigay siya ng riddle games sa inyo."

What?! Agad ko siyang binatukan. Nakakainis! Sana sinabihan niya ako para kahit papaano eh nakapagprepare ako! Edi sana, nakasali ako don sa anim!

"Aray! Bakit ka ba nambabatok!"

"Eh nagkita naman tayo kanina bago ako pumunta ng makeup class, bakit hindi mo sinabi sa akin may pa quiz pala si Gabriel?!" singhal ko.

"Eh ang unfair noon? 'Yung iba mong kaklase hindi nakakaalam tapos ikaw, dahil lang pinsan ka, okay lang na may leakage ka? Huy, bawal 'yon."

Hmmm. She got a point. Ang unfair nga tignan. Lahat kami nahirapan and for sure kakainin lang ako ng guilt kapag nga sinabi sa akin ni Tate.

"At isa pa, pinsan, wala ka talagang modo. Bakit Gabriel lang tawag mo kay Sir Gab? Professor siya dito, at prof mo pa."

I scoffed. "Saka mo na ako pangaralan kung may respeto ka rin sa kapatid mo."

She glared at me and stomped her feet. Parang bata! Eh, totoo naman ang sinabi ko.

Inisip ko na lang yung quiz kanina. Nakakainis. Sana pala binasa ko na lang muna 'yung riddle niya. Kung nakita ko lang agad na 50 points 'yung pinakahuling riddle, edi sana hindi ako nammroblema. Sayang din 'yun! Tama na sana sagot ko kaso di ako umabot sa oras. Ugh.

Hm. May naisip tuloy akong itanong kay Tate.

"Hoy, matalino ba 'yung si Kumag?"

She gave me a Cheshire-cat smile. "Sinasabi ko na nga ba crush mo 'yon! Bakit mo tinatanong, ah!"

I rolled my eyes. "Puro na lang crush nasa utak mo. Ang galing mo kapag ganito na pero kapag sa Organic Chem, wala kang alam!"

"Iba naman 'yun. Sadya lang talagang hindi nagtuturo 'yung prof ko doon kaya wala akong alam!" she answered. "Pero 'wag mo iniiba usapan!"

"Siya kasi unang nagpasa ng papel," sagot ko habang huminhinto dahil may dumaan na kotse. "So I'm curious if he's smart or may common sense lang."

Nag-isip naman naman ang pinsan ko (na minsan niya lang ginagawa). "Hm. Oo. Noong high school kami, grumaduate siya with honors, eh. Masipag din 'yon, eh. Kapag naglalaro siya sa basketball tournament nila, laging nanalo," tumingin siya sa akin. "Hindi sanay matalo 'yon. Kaya siguro siya ganon sa'yo."

I forehead creased. "What do you mean?"

"Kasi binabara mo siya lagi. Masakit ka sa ego niya. Kaya siguro nagsisikap 'yon na magkasundo kayong dalawa," paliwanag niya.

"He may seem harmless, pero, marami nang napaiyak na babae 'yon. Pero alam ko naman na bato na 'yang puso mo at 'di ka naman siguro magkakagusto sa kanya."

Hah. Hindi talaga.

* * *

Credits to the owner of the riddles used in this chapter. (;

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 80.4K 18
(Yours Series # 3) Kelsey Fuentes thought that after her failed experience in marriage, she would never dare try again. She was contented with her wo...
960K 14.7K 43
[REVISION COMPLETED] Ylyana Cervantes is living the life that anyone wants to have . . . but why is she still jealous of the handsome politician, Nic...
25.8M 473K 39
[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] She's the bride who arrived at the right time but in the wrong place. #TheBachelorsB...
1.1M 21.4K 28
Ano nga ba ang gagawin mo kapag napagtanto mong niloloko ka ng iyong asawa? Aawayin mo ba sya?mag-iiskandalo ka ba?o...manahimik na lamang? The loyal...