My Personal "BODY" Guard by s...

By spunchbob

1.7M 10.5K 2.2K

una sa lahat, binalaan kita, boring ang umpisa nito at puro kakornihan ang laman ng kalagitnaan nito wahaha... More

ATTENTION: (must read!!)
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 3.5
Chapter 4
Chapter 4B
Chapter 5A
Chapter 5B
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 7B
Chapter 7B (restricted)
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10 (rape scene)
Chapter 10
Chapter 11
restricted
Chapter 12
Chapter 13A
must read! :))
Chapter 13 B
Chapter 13 C
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17A
Chapter 17B
Chapter 17C
....
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20A
Chapter 20B
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26A
Chapter 26B
Chapter 27A
Chapter 27B
Chapter 28
Chapter 28B
Chapter 29
Chapter 29B
Chapter 29C
Chapter 30
Chapter 30B
cool off </3
Chapter 31
Chapter 31B - [Si JunJun]
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37 - Gabriel's POV
Chapter 37 B
Chapter 38

Chapter 24

18K 102 29
By spunchbob

Chapter 24

Mall na lang yung choice kong puntahan dahil gusto kong magpalamig ng ulo. lilibangin ko ang sarili ko sa mga damit at kung anu-ano pang usong bagay bagay! hindi na muna ako papasok sa klase, I don’t care, basta magshoshopping muna ako!

alam kong mas maiirita lang ako kapag pumasok ako, baka maiba na naman yung mood ko kapag pumasok ako eh. hindi ko alam kung babalik na naman yung pagkasensitive ko, or mas lalo lang akong tatapang para ipagtanggol yung sarili ko.

everyone kasi is acting weird towards me, as if my virus ako at may nakakahawang sakit. yung mga titig nila saakin mula ulo hanggang paa, minamata-mata nila ako. ang point ko lang naman, wala naman akong ginawang kasalanan di ba?! so bakit nila ako tinatrato na parang ang dumi dumi ko?! masyado silang apektado sa sinapit ko?! Sila ba yung nawalan?! Tss. Ako yung nawalan eh, pagkakatanda ko right?! pshhh

I rolled my eyes kasi naman naiinis ako sa tuwing naiisip ko yung mga reactions ng tao sa Near Western University kanina nung nakita nila ako. ang OA nila. tsss

anyway, habang naglalakad-lakad ako sa loob ng mall, napansin ko na parang may sumusunod saakin! kanina ko pa nararamdaman yun eh. as in kanina pa.

habang nasa taxi kasi ako kanina, may motor na parang nakasunod saamin, pero isinawalang bahala ko lang yon dahil masyado naman akong feeling kapag inassume ko na may pakay saakin yung taong nagdadrive nung motor na yun. saka baka guni guni ko lang yun..

saka baka coincidence lang na pareho kami ng way ng pupuntahan.

saka isa pa, natural nasa kalsada kami kaya syempre may mga sasakyan talaga sa likuran at harapan namin. kalsada nga di ba?! may kalsada bang hayop yung mga dumadaan?! Pshh okay, ang corny ko..

so, hindi ko na pinakialaman pa yung mga sasakyan na nasa likuran namin, mas pinili kong mag-ipad na lang muna habang nasa byahe saka sandali lang naman yung byahe eh, hindi naman kasi masyadong malayo sa school yung mall.

pero ngayong nandito na ako sa mall, hindi talaga mapalagay  yung loob ko. may kutob akong may sumusunod talaga saakin.. pshh!

pero baka nga guni-guni ko lang 'to?

hala sige, naglakad ako ng naglakad.. hindi ko inisip na may nakasunod saakin. Tingin lang ako ng tingin sa bawat stalls at kapag trip ko, pumapasok ako at namimili ng kung anu-ano..

nung napadaan ako sa Bench, may naalala ako bigla..

favorite kasi naming puntahan nila Trix, Monic at Amy yung stall ng Bench at Penshoppe kasi naman yung mga models dun na lalaki, masyadong nakakabusog sa mata.. yung ano pa lang! yung ano! hayyyyy nako! basta.. nakakabusog sila.. ang sarap sarap kainin este titigan nung abs nila, lalo yung mga model ng bench body, yung tipong walang shirt tapos nakajeans lang? o kaya nakashirt tapos nakabriefs pero yung shirt nakataas para makita yung abs?!

SHEEZ! Naglalaway ako. -_______-

Lagi akong natutuwa sa tuwing kasama ko sila Trix sa mall, kasi yun agad yung pinupuntahan at pakay nila tapos kung anu-anong katatawanan na naman yung gagawin namin. Hayy parang ewan lang talaga..

namiss ko tuloy biglang kasama yung mga yun pati si Peter. kaso panigurado ako, naapektuhan din sila sa nangyari..

hindi ko alam kung kamusta na sila, kung ano ang bago sa kanila, kung may lovelife na ba sila or what! Ang dami kong gustong malaman, kaso nahihiya ako sakanila.. sobrang nahihiya ako sa inasal ko sakanila nung mga huli naming pagkikita.

parang pinalayas ko sila, parang sinisi ko kasi sila sa mga nangyari kesyo iniwan kasi nila ako, iniwan nila kami ni Joshua basta ganun ganun. masyadong magulo lang talaga siguro yung isip ko nung mga panahong yun, kaya halos lahat talaga ng taong lumalapit saakin, sinisisi ko sa mga nangyari. kaya eto ako ngayon, walang mukhang maiharap sa kanila..

tatawagan ko sana sila kaso narealize ko na iba na yung number ko dahil bago na yung cellphone ko kasi hindi ko na alam kung nasaan yung luma kong cellphone. nakakalungkot kasi wala sa phonebook ko yung number ng kahit isa sa kanila. Laslas :/

siguro sobrang busy sila kaya hindi kami nagkita-kita kanina sa school, o kaya destined talaga na magkawatak-watak na muna kami.. hayy!

wala na akong balita sa kanila kahit na ano. masyado kasi akong nagpaka-vain sa bahay kaya tuloy eto, nag-iisa na lang ako ngayon. psh!

***

mga bandang 6pm ng maisipan kong umuwi. nagtagal ako sa mall kakalibot at saka napagtripan kong panuorin yung The Mistress, kasi fan ako ng John Lloyd-Bea love team XD

 yung feeling na hindi ko ineexpect yung ending nun? geez. panibagong twist para sa mga Filipino Movies yung The Mistress dahil hindi typical yung ending. karaniwan kasi ngayon, hindi pa man natatapos yung eksena, nahuhulaan na ng manunuod yung susunod na mangyayari pati yung ending. pero yung The Mistress, shocking "daw"! XDDD

at syempre, mag-isa lang akong nanuod. :/ I treat myself, minsan ko lang gawin to eh, minsan lang akong magkaroon ng oras para sa sarili ko, sinubukan kong mag-enjoy sa sarili ko.  yun nga lang nakakalungkot kasi parang dati lang pag nanunuod ako ng movies na mga ganito, si Josh lagi yung kasama ko, tapos holding hands kami habang nanunuod tapos sinusubuan ko siya ng popcorn tapos ikikiss niya ako.. hay! nakakamiss lang talaga yung presence niya.. yung mga kasweetan niya. >////<

okay so much for that movie at saamin ni Joshua, narealize ko na gabi na kaya agad akong pumara ng taxi at nagpahatid papunta sa village namin. dead battery yung phone ko kaya hindi ko na natawagan pa si Manong Romy. wala akong choice kundi magtaxi

nakikinig lang ako sa iPad ko ng marealize ko na huminto bigla yung taxi na sinasakyan ko.. tinanggal ko yung earplug sa tenga ko at kinausap ko yung driver ng taxi.

"ohh manong, bakit?!" nagtatakang tanong kung bakit biglang nahinto yung taxi.

"eh ma'am nagkaroon po ng konting aksidente.. may lalaking nakamotor po yung sumemplang. maya-maya mawawala rin yung traffic" paliwanag niya

"lasing siguro noh?!"

"hindi ko lang po alam, pero sabi nung nakausap ko na lalaki sumemplang daw po kasi may biglang tumawid na aso kaya ayun, iniwasan niya."

"ah sige po.." ibinalik ko na yung pakikinig ko sa iPad ko.

gamit ang wattpad app sa iPad ko, naghanap ako ng mababasa. nakita ko sa what's hot yung My Personal BODY Guard, inilagay ko ito sa library ko dahil naattract ako sa title at oh-so-hot cover nito. hindi ko alam pero nangati akong basahin yun..

nakakagulat dahil pang-open minded reader lang daw yun.. grabe lang talaga. nakakatakot yung author. XD

Pero kahit hindi ako open minded, at pasaway ako, binasa ko pa rin.. binasa ko yung prologue at tila nag-init ako, at nakarelate, as in tumpak na tumpak yung prologue sa kwento ng buhay ko. Yung feeling na parang nangyari na saakin yun?! Yung iniwan ako ng mahal ko, may bagay na pinaka-iniingat-ingatan ko ang kinuha saakin ng sapilitan, binlackmail ako.. hayy basta..

yun nga lang, hindi ako nakarelate sa last part. ang sabi kasi dun, "May isang lalaking handang magtiyaga, umintindi, at magmahal sa'yo sa kabila ng mga past experiences mo na tinuturing mong isang malagim na panaginip.. matuto ka pa kayang magtiwala muli?"

nagulat ako dahil naudlot yung pagbabasa ko, kasi si manong biglang umandar. Napadaan kami dun sa nakabuwal na motor. Dahil sa curiosity, napatingin ako sa motor na nakabuwal, nakita kong nakahiga yung motorista na may suot suot na leather jacket yata. hindi ko masiguro kung anung kulay dahil madilim na masyado..

hayyy ano nga bang pakialam ko sa driver nayun. paalis na sana yung tingin ko dun sa lalaki ng biglang magtagpo yung mga mata namin. gosh! nakita niya ba ako?! sheez! hindi nga pala tinted yung taxi na nasakyan ko..

nag-iwas ako ng tingin.. hanggang sa tuluyan na kaming nakalayo..

hindi ko na itinuloy yung pagbabasa sa iPad sa kadahilanang masamang nagbabasa habang bumabyahe, nakakalabo ng mata. kaya ayun. nakinig lang ako ng music habang tinitignan kung tama pa ba yung daang tinatahak namin ni manong driver.

***

"oh manong eto po. keep the change.." inabot ko na kay manong yung bayad ko sa metro ng taxi, atat na atat na akong pumasok sa bahay dahil tiyak na tiyak akong pagagalitan ako ni papa.

bigla akong hinawakan sa braso ni manong, na siya namang ikinagulat ko.. ang lamig nung mga kamay niya. siguro dahil sobrang lakas nung aircon sa loob ng taxi kaya ganun..

"manong bakit?"

"iha, pagpasok mo sa kwarto mo baliktarin mo yung mga damit mo.. nakita kasi kita kanina sa rearview mirror na pugot ang ulo mo.." seryosong sinabi saakin ni manong yan..

O______________O

nagsitayuan yung balahibo ko..

natakot ako ng sobra..

ako pugot ang ulo?!

nanatili lang akong nakatayo sa labas ng gate namin at tulala.

pumasok na si manong driver sa taxi niya tapos saka niya binuksan yung bintana..

"iha, binibiro lang kita.. hahaha sige salamat nga pala! mag-iingat ka palagi.." tumawa si manong driver. pinagtatawanan ako..

ginugood time niya lang pala ako, bakit kasi ang bilis kong maniwala?! sheez! pero kahit paano, natakot talaga ako dun sa pugot ulo thingy na yun.

sabi kasi nila di ba pag yung isang tao, nakitang pugot yung ulo, mamamatay daw yung tao na yun kaya tuloy yung iba laging sinasabi na baliktarin yung mga damit para kontrahin yung pamahiin na yun, para hindi mamatay yung tao..

HOO!! 'hinga Dennise, huminga ka' sabi ko sa sarili ko habang inaantay kong bumalik yung sarili ko sa earth!

***

"oh bakit ngayon ka lang.. bakit hindi mo kasama yung mga body guards mo, bakit hindi ka nagpasundo?" sunod-sunod na tanong saakin ni papa. Iyan ang sinalubong niya saakin na tila may halong galit yung tono ng boses niya..

gosh! sabi ko na eh, magagalit na naman 'to..

"may accident po sa daan, natraffic yung taxi na sinasakyan ko.."

"I'm trying to call you pero patay yung phone mo. Wala kang kasamang bodyguards kaya hindi ko alam kung napano kana.. Dennise, inaabala mo ako sa pagtatrabaho ko dahil sa kakaalala sa’yo.."

"pa, deadbatt yung phone ko.. besides you don’t have to worry, malaki na ako, wala naman pong nangyari saakin diba?! I’m here, I’m safe, I’m alive.."

"yun nga, pero kailangan mo ang body guards mo, kailangan palagi mo silang kasama for your protection..”

“palagi na lang bang kasama dapat?! pero pa----” sinubukan kong magreason-out pero pinutol niya yung sasabihin ko..

“wala ng pero, pero.. bakit hindi ka pumasok sa klase mo?! sinabi saakin ng admin na hindi ka manlang daw pumasok kahit isa sa klase mo.. di ba nag-usap na tayo?! Dennise! umayos ka na naman plss! nakakahiya ka! ikahiya mo naman na ama mo ako.."

"see, sa'yo na nanggaling papa.. 'nakakahiya ako'" pinagdiinan ko yung nakakahiya at ako

"look pa, sinubukan kong pumasok dahil naisip ko na para saakin 'to at para sainyo din, pero pa, lahat ng taong nakakakita saakin ang tingin saakin ang dumi dumi ko.. tinitignan nila ako mula ulo hanggang paa, yung iba sinisisi ako kung bakit nawala si Joshua, lahat sila parang diring-diri saakin na para bang ako yung lumalabas na masama.."

"----------------" tahimik lang si papa. Nagnod siya sa mga body guards na nakapalibot saamin at isa-isa silang nawala sa paningin ko..

"nagtataka kayo bakit kumalat? bakit nila nalaman?! bakit ako yung sinisisi nila? Bakit ganun yung tingin nila saakin?! kasi pa, ikaw lang naman si Emmanuel Pangilinan, ikaw lang naman yung pinakamayaman dito sa Pilipinas na kayang gawin lahat ultimo ipakalat na nawawala ako gayundin ang sinapit ko, kaya mong kontrolin lahat eh, kasi mayaman ka. ikaw lang naman kasi yung nagmamay-ari ng mga malalaking kumpanya dito, ikaw lang naman lahat pa.. at nagtataka sila dahil wala ka man lang nagawa para iligtas si Joshua, and now, ako yung sinisisi nila dahil nakikita nilang kasalanan ko lang lahat ng ito. Kayo lang naman papa yung nagpakalat eh, pinakalat niyong nawawala ako at ginahasa ako.. dahil sainyo kaya ako nagsusuffer ng ganito. dahil sa'yo pa!!" hindi ko na naiwasan pero naiyak na lang ako sa sinasabi ko..

pumiyok piyok na ako masabi ko lang lahat ng yan kay papa. Hindi ko alam kung may point yung sinabi ko pero gusto ko lang talagang ilabas lahat ng kinikimkim ko na tila nadagdagan pa lalo dahil sa pagpasok ko sa NWU.

kasi naman, kasalanan niya bakit ko mas hiniling na magboracay, kasalanan niya bakit kumalat na ginahasa ako, kasalanan niya lahat, kontrolado niya lahat eh, marami siyang koneksyon! oh edi anong napala ko ngayon?! -_________-  

Iniwan ko si papa dun ng hindi pinapakinggan yung susunod na sasabihin niya. Sana naman maintindihan na niya ako.. sana naman pls.. nasasakal na kasi ako..

Naisip ko na, bakit ganito?! akala ko okay na ako eh, akala ko unti-unti nang bumabalik yung dating ako. pero bakit sa tuwing bumabalik ako sa bahay na'to mas lalo kong naiisip na nag-iisa lang ako?!

tumakbo ako papunta sa kwarto ko, umiiyak ako.. ay mali, umiiyak na naman pala ako. Malayong-malayo sa Dennise na kanina’y matapang at palaban..

bakit kasi ganito?! Bakit kailangan paulit-ulit na ipaalala ng bahay na ito na nag-iisa na lang ako?! Bakit sinasabi nila na magmove-on ako pero sila itong paulit-ulit na inuungkat yung nakaraan ko?! Nakakapagod din yung paulit-ulit eh.. sinusubukan kong maging malakas at labanan yung takot pero sila itong nagpapahina ng loob ko, ni wala silang tiwala saakin na kaya kong mag-isa..

kinuha ko yung maleta ko at nag-ayos ako ng mga gamit ko para ilagay don yung mga kailangan kong mga damit..

nakapagpasya na ako.. magpapakalayo-layo ako.. iiwanan ko muna sila para iayos ang sarili ko. hindi ko man alam kung saan ako pupunta, saan ako mapapadpad, pero bahala na.. alam kong hindi ako pababayaan ni Joshua.. alam kong palagi lang siyang nasa tabi ko, ginagabayan at patuloy akong pinoprotektahan..

buo na ang desisyon ko, iiwanan ko muna ang buhay na ito..

*****

(c) neodge 

Continue Reading

You'll Also Like

855K 23.6K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...