That Bitch Dancer is a Virgin

By ACmiks

333K 10.7K 878

[ COMPLETED AND UNEDITED ] Shakia Melendez was a model student, a model sister, and a fighter. Her world rev... More

NOTE
PROLOGUE
TBDV 1
TBDV 2
TBDV 3
TBDV 4
TBDV 5
TBDV 6
TBDV 7
TBDV 8
TBDV 9
TBDV 10
TBDV 11
TBDV 12
TBDV 13
TBDV 14
TBDV 15
TBDV 16
TBDV 17
TBDV 18
TBDV 19
TBDV 20
TBDV 21
TBDV 22
TBDV 23
FACTS
TBDV 25
TBDV 26
TBDV 27
TBDV 28
TBDV 29
TBDV 30
TBDV 31
TBDV 32
TBDV 33
TBDV 34
TBDV 35
TBDV 36
TBDV 37
TBDV 38
TBDV 39
TBDV 40
TBDV 41
TBDV 42
TBDV 43
TBDV 44
TBDV 45
TBDV 46
TBDV 47
TBDV 48
TBDV 49
TBDV 50
TBDV 51
TBDV 52
TBDV: The Last Chapter
Epilogue
Afterwords

TBDV 24

5.3K 163 2
By ACmiks

Shakia's POV

"Bes, 'yung totoo natatae ka ba?"

Napalingon ako sa kaibigan kong si Leyrei. "Ha?" wala sa loob kong bigkas.

"Kanina ka pa kasi hindi mapakali diyan, baka kako nagpipigil ka lang. Bes may banyo tayo at wala pa naman si Ma'am eh. Alam mo naman na concern lang ako sayo diba?"

I could almost hear a sympathetic, 'Its okay, I'm here bes' after what she said.

Pinagsasabi nito?

"Tae mo mukha mo. May iniisip lang ako." I glanced at the wall clock nervously. Mag-aalastres na, dalawang oras nalang at haharap na ako kay kamatayan.

"Wanna share it?"

"Ayokong ipasa, wala ako ng app na 'yan eh." I swear I wasn't attempting-

"Was that supposed to be funny?" Leyrei asked with a dead-panned face. Minsan lang mangyaring lumabas ang ganyang mukha niyan, kapag lang napaka walang kwenta ng mga naririnig niya.

"No. It was supposed to shut you up." Iniwas ko ang nag-iinit kong mukha sa mapanuring mata nito.

"Balakajan. Makapag facebook na nga lang, baka nag-update ng status si kwass hehe."

Hindi ko nalang siya pinansin at sinimulan kong isaksak sa utak ko na nitong nakaraang labing-walong taon ay naging makabuluhan naman ang buhay ko.

"Bes!"

Muntik na akong malaglag sa gulat dahil sa biglang pagtili ni Leyrei.

"Naaano ka na naman ba ah? For the listener's sake bes, keep it down!"

Hindi na ako magugulat kung ang dahilan ng pagtili niya ang litrato ng fil-am niyang crush. Stalker.

"Why didn't you told me?"

Or not.

Patay-malisya akong nag-iwas ng tingin. "Ano na naman 'yan ah?"

Nagsalubong ang mga kilay ko ng halos isubsob ni Leyrei sa pagmumukha ko ang hawak niyang cellphone.

"'Yan! Ano iyang eksena niyo ni Evankhell Hanford ah?"

"Ilayo mo nga 'yan, naduduling ako," lukot ang mukha kong sabi. Isinubsob ko nalang ang mukha ko sa desk ng magsimulang i-play ni Leyrei ang nakuhang video sa eksena kanina.

I really have a bad feeling about this. God knows how pissed Evankhell is right now, he might even be plotting ways to murder me at this moment. O baka naghire na siya ng firing squad para i-execute ako mamaya pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan sa suite niya.

Kung pwede lang sana na hindi na ako bumalik doon.

"Miss Melendez, pinapatawag ka sa opisina ng Dean."

Napalingon ako sa babaeng pumukaw sa tumatanga kong diwa, nakadungaw ito sa tarangkahan ng pintuan namin. Ilang segundo na ang nakalilipas pero parang 'di parin naproseso ng utak ko ang presensiya niya.

"Hey! Earth to Shakia!" Mahinang tinampal ni Leyrei ang kaliwa kong pisngi na hindi naman na talaga kailangan.

Hindi na ako nagtanong kung bakit ako pinapatawag dahil malalaman ko din naman mula sa Dean. Okay na 'yong ibang tao naman ang sumorpresa sakin, nitong nakaraan kasi ay sarili ko lagi ang nasosorpresa sa padalos-dalos kong aksyon.

Walang imik na lumabas na ako ng silid namin at tinahak ang daan tungong opisina.

"Good afternoon Mr.Cortez," bungad ko pagkapasok.

The grim expression on the Dean's face tells me I'm in for a bad news. I swallowed nervously.

Inignora nito ang pagbati ko at pinaupo ako sa upuang nasa harap ng desk nito.

"Let's wait a bit more before starting."

I shifted my gaze from my feet to the walls of the room. Pakiramdam ko ay nililitis ako, which is ridiculous because I've done nothing against school policies. Wait..

Lumipad yata sa kung saang dimensyon ang kaluluwa ko nang marahas na bumukas ang pintong nasa likuran ko at tingin ko nga'y nagtrip to heaven na din ito ng pagkalingon ko ay mukha ni dimunyu ang nasilayan ko. Nothing except his deadly aura speaks of what happened in the canteen.

He looks ready... ready to strangle me to death.

I flinched when he slammed the door shut. Sige lakasan mo pa, ang sarap niya kasi sa tenga eh.

"Mr.Hanford!" gulat din na bulalas ng Dean.

Evankhell ignored him as he covered the distance between us and towered over me for a moment before settling on the chair opposite mine. Inurong ko ang upuan ko kahit hindi naman magkalapit ang mga tuhod namin ni dimunyu.

"Why are you late?!" matigas na tanong ni Mr.Cortez.

"Traffic sa EDSA," sagot ng tinanong na sa akin nakatingin. Pakiramdam ko ay tino-torture niya na ako sa isip niya kaya minabuti kong ituon ang buong mukha at atensyon sa Dean. I could feel my left cheek burning from his intense stare and I could hardly hold on to my composure.

"Are you two aware of the positions you're holding in this university?" panimula ng Dean.

Napatungo ako. Damn it! Mukhang alam ko na kung saan tutungo ang usapang ito. Kung hindi lang sana ako inunahan ng init ng ulo ay baka naiwasan ko ang gulo kanina. 'Pag nagkataon ay si Evankhell lang ang masisi dahil siya naman talaga ang nagpasimuno nito.

'Bakit ba kasi gumanti ka pa Shakia?' saway ko sa isip ko. 'Eh bakit ba kasi gago siya?' sabi naman ng isang parte ng utak ko.

"You know that your actions will affect the University's reputation considering that you, Miss Melendez, is the Student Council President and you, Mr.Hanford is the son of our university's founder. Kalat na kalat na ang video ninyo sa social media, nakakahiya! Is that what you learned from this university?! I'm so dissapointed." Tinanggal nito ang salamin sa mata, nilinis gamit ang hinlalaki kahit wala namang dumi, at ibinalik ng suot.
"I don't want this kind of event to happen again. Am I clear?"

"Yes, sir." Sabay pa naming tugon ni Evankhell. Nagkatinginan kami pero agad ko ding ibinalik sa Dean ang atensyon dahil nininerbiyos ako sa klase ng titig ni dimunyu.

"Anyway, how is the preparation for the ball going?"

Patay. Masyado akong nabusy sa iregular na pangyayari sa buhay ko kaya nakalimutan ko ang tungkol sa ball. I swallowed hard and shifted on the chair in discomfort.

"Right, miss Melendez have you gathered all the officers like what I ordered?"

Kumunot ang noo ko at kahit labag sa loob ay sinalubong ko ang masamang titig ni Evankhell. Kelan niya sinabi sakin 'yan?

"What are you-" Natahimik ako nang bigla kong maalala iyong tagpo kung saan una kong nalaman na siya ang anak ng presidente. Yeah right.

"I- I haven't." Sagot ko sa naging tanong ng dimunyu.

"That's very responsible of you," he said sarcastically. Gusto ko tuloy siyang itumba mula sa prente niyang pagkakaupo.

The Dean drew a deep breath and said wearily, "You have three weeks remaining 'til the ball. I hope everything will be ready by then. You are dismissed."

Ngunit ni isa sa amin ay walang tumayo. Binabalanse ko pa kasi kung ano ang mas ligtas; ang mauna akong lumabas o mahuli. Pag nauna ako ay mabilis akong masusundan ni Evankhell, pag nahuli naman ako ay baka abangan niya ako sa labas ng opisina, o pwede din namang mainip siya sa kahihintay sakin kung sakali diba?

Kung iniisip mo na ina-assume kong may gagawing masama ang lalaking yun sakin ay tama ka.
Tinginan palang pumapatay na eh.

"I said, you are dismissed. Ano pa bang hinihintay niyong dalawa?"

Alanganin akong ngumiti sa Dean sabay sabing, "May sasabihin pa po kasi ako sa inyo Mr.Cortez."

He raised a brow. "What is it?"

"Uhm. I'd rather talk to you alone sir." Tinapunan ko ng tingin si Evankhell. Out jerk!

"Mr.Hanford, you are excused."

I heard the demon clicked his tongue before leaving, slamming the door behind him.

"That..." Hindi na itinuloy ni Mr.Cortez ang sinasabi at bumuntong-hininga na lang. Kapagkuwan ay itinuon niya ang atensyon sakin. "May sasabihin ka miss Melendez?"

"Uhh.." Wala naman talaga akong sasabihin, nagpahuli lang ako para 'di ko makasabay ang taong 'yon.
Saglit akong nangapa ng sasabihin. Sabihin ko kaya sa Dean na ang gwapo niya? Yeah, and I could try tumbling now.

"Well?" The old man raised his eyebrow impatiently. He had also started tapping his pen against the table.

"Mr.Cortez I just wanna say err..I'm really sorry for the scene we've created. It won't happen again, I promise you that."

Sana may x-ray vision ako ngayon para makita ko kung inaabangan ba ako ng dimunyung iyon sa labas ng opisina.

Paranoid ba ako o ano? Takte kahit naman anong iwas ko sa kanya ay sa suite niya rin ako uuwi. Hindi naman pwedeng hindi dahil baka ipagkalat niya ang tungkol sa dati kong trabaho at siraan ako sa presidente. My shoulders slumped upon that thought, I'm really hopeless.

It took me a moment to notice that the Dean is looking at me and he seemed to be saying, 'that's it? .

Dahan-dahan akong tumayo. "Sige sir. Mauna na po ako."

"VAN! BABAE 'yan!"

Malakas na boses ni Aaron ang bumungad sakin paglabas ko ng opisina. Kita kong hinaharangan niya ang daanan ni Evankhell at mukhang pinipigilan niyang makalapit sakin ang pinsan niya.

"What the fuck Aaron?" salubong ang kilay na asik ni dimunyu.

"Van, alam kong nabadtrip ka kanina pero men, hindi sapat na dahilan iyon para maghasik ka ng lagim dito," puno ng kadramahang sabi ni Aaron, "sa bahay mo nalang ilabas ang init mo bro," dagdag pa nito.

I don't know if I should feel grateful or if I should just condemn Aaron. But for now, kelangan kong lumikas. Mabilis akong naglakad palayo doon habang nababadtrip pa si Evankhell sa pinsan niyang maluwag ang turnilyo.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8K 83 3
mwah . !! #πŸ’‹ '𝖨 π—€π—ˆπ— π–Ώπ–Ύπ–Ύπ—…π—‚π—‡π—€π—Œ π–Ώπ—ˆπ—‹ π—’π—ˆπ—Ž, π—π—ˆπ—‰π–Ύ π—’π—ˆπ—Ž 𝖺𝗂𝗇'𝗍 π—…π—ˆπ—π—‚π—‡ 𝗍𝗁𝖾 𝖼𝗋𝖾𝗐' setdatrend x fem!reader COMI...
294K 15K 29
❝You'd have to be crazy to love me❞ // ❝Good thing they call me the Mad Hatter, then❞ ✯ Louis Partridge x Reader ✯ After escaping her boarding scho...
10.4K 352 7
"seems like everyone but me is happy It hurts more to laugh than to cry." 【#TXT ; μ΅œλ²”κ·œ & μΊ‰νƒœνœΈγ€‘ γ€€γ€œ οΌ£οΌ―οΌ­οΌ°οΌ¬οΌ₯οΌ΄οΌ₯οΌ€ γ€€γ€œ read at your own risk. γ€Œpeeked at: #2 in...
164K 4.1K 32
You coincidentally bump into Kim Taehyung himself on the day of your audition for BigHit. What could possibly happen next?....