To Love You

By greenNim

3 0 0

Zei Nia Dozon More

TLY
Prologue
2
3
4
5
6
7
8

1

0 0 0
By greenNim

Chapter 1: Red

Nasa garden ako ni lola at naka tambay doon. Tsaka nag tanim din pala ako ng sunflower na nakita ko sa tabi ng tv. Favorite flower ko din kase ang sunflower, so ayun, tinanim ko sa garden ni lola.

"Zeiiiii!" Nagulat naman ako sa pag tawag ni Ella.

"Oh ano 'yon?" I asked.

"Pupunta ulit tayo sa school, bibili tayo ng uniform. Lalo ka na, ang bibilhin ko lang ay 'yong PE" parang excited n'yang sabi. "Sure ako na bibili din sila Red ng PE kaya makikita ko na naman s'yaaaaaaa!!!" Ha? Okay.

"Ba't ba naging crush mo 'yon?"

"Haist, pinsan. Matangkad s'ya, baby face, cute dimples"

"Ha? Oh tapos?" Naguguluhan ko paring tanong.

"Bahala ka d'yan, maghahanap na ako ng magandang damit. Sunod ka na lang" napa 'okay' na lang ako at binalik ko ang atensyon sa tinanim kong buto ng sunflower.

Ilang minutes ay naisipan kong pumasok sa loob ng bahay. Nagbihis na ako dahil nase-sense kong pagmamadaliin na naman ako nito ni Ella.

At dahil mainit, nag short at t-shirt na kulay red. Sa tingin ko kase 'yon yung kulay na babagay sa short na suot ko eh. 'Di na rin naman masama 'yong short na suot ko dahil hindi naman sobrang ikli. Nag flat shoes din ako.

"Uy ready na ah. Let's goooooo na kayaaaaa"

Nagpaalam na kami at umalis na sa bahay. At s'yempre bago 'yon, binigyan kami ng pera pambili. S'yempre kailangan 'yon. 'Yong pera na pinanggagastos sa akin ay galing naman kay mommy, pinapadalhan kami, so no problem na 'yan.

Nang makarating ay madami pang pila kaya umupo muna kami sa upuan. At dahil nandito nga ang magtotropa, ayun kinikilig ang isa.

"Huy para kang kiti-kiti d'yan!"

At dahil walang magawa, nilabas ko ang cellphone ko at tinawagan si Rina. Buti na lang ay nagpa load ako. Hah? Marunong ako magpa load at gumamit ng load 'no!

"Uuuuyyy musta na d'yan?" Rina asked.

"Okay lang. Mainit-init lang"

"Wow? Parang dito hindi ah? By the way, saan ka mag aaral?"

"'Di ko na sasabihin, 'di mo rin naman alam eh"

"Leche ka parin"

"Hahahahahaha, gago ka"

"Hoy! Bad words!"

"Wow? Parang hindi ka nagsasalita ng ganun ah?" Depensa ko.

"Oo. Mabait ako eh"

"Hatdog!!!"

"Ka"

"Si Hanz? Kamusta na?"

"Ayun, miss ka na daw. Kasama ko nga eh. Kausapin mo?"

Pumayag naman ako. Ibinigay n'ya iyon kay Hanz at nag usap kami. I miss him! Ano na kayang itsura nun?

"I miss you. Kelan ka babalik?" Hanz asked me.

"College?"

"Ang tagal pa"

"Tch, 3 years lang. It's okay, kamusta na pala? Hoy baka nambababae ka!"

"HAHAHAHA" narinig ko ang hagalpak n'yang tawa. 'Pag nagkita kami, sisipain ko talaga 'to.

"Hindi mangyayare 'yan 'no!" Sagot n'ya.

"Weh???"

"Oo nga, promise i love you" bwiset kinilig organs ko dun ah! Nag 'i love you too' ako para sweet.

Nag usap pa kami ng nag usap hanggang sa malapit-lapit na kami sa pila kay nagpaalam na ako kay Hanz.

"Sino ka-call mo?" Ella asked.

"Best friend and boyfriend ko" sagot ko.

"Luh? May boyfriend ka na?" Kakasabi lang eh! Tumango naman ako.

Natahimik naman kaming dalawa. Napatulala na lang tuloy ako. Habang inaantay na umusad ang pila.

Aksidenteng napa tingin ako sa magtotropa. Tinignan ko isa-isa sila. Una kong tinignan ay yung Kei, nababaduyan ako sa 'Keiard' eh, Kei na lang. Sumunod ay yung Sage, 'yong parang masungit ata? Mukhang masungit eh. And 'yong crush ni Ella. Huli kong tinignan si Shin.

His seductive eyes and lips, pointed nose. Wow napapa English ako doon ah? Basta, 'yong feeling na 'pag titignan ka n'ya, parang nang aakit. Or malalim 'yong tingin. Tama ba yung mga pinagsasabi ko dito? Susme.

"'Wag ka masyadong tumitig, baka makahalata" bulong ni Ella. Natauhan naman ako.

"Ha?"

"Sus. 'Ha' daw pero makatitig kay Shin, nakoooowww!" Pang aasar n'ya. Luh? Natulala lang ata ako. Ba't ko tititigan 'yon?

"Ikaw nga may crush kay Red eh!" Oooppss, napalakas.

Tinignan ko 'yong pwesto nila para tignan ang reaksyon. Inosente kung tumingin 'yong Red. Napatingin din sa pwesto namin 'yong Kei na kanina pa nagsi cellphone, tinignan n'ya din si Red. Para bang nag uusap gamit ang mata.

Parang naiisip ko tuloy 'yong usapan nila gamit ang mata. Like...

Kei: Uy p're, Red daw? Color 'yon diba?

Red: Gago p're, pangalan ko 'yon!

Kei: Ay pangalan mo ba? Akala ko kulay.

Red: Kulay din 'yon eh.

Kei: Ha? Kala ko ba pangalan mo?

Red: Tang ina mo bahala ka d'yan!

Ganyan 'yong naiimagine ko ha!

"Ah... Hmmm, diba crush mo 'yong kulay Red? Diba Ella? Favorite color mo 'yon diba?" Medyo nilakasan ko para marinig n'ya.

"Oo!"

Nang mapansin kong binalik na nila ang atensyon nila sa mga ginagawa o kung ano man ay agad akong hinampas ni Ella.

"Sira ulo ka!"

"Kulit mo eh!"

"Nakakahiya! Sana maka uwi na tayo agad! Zei naman kase eh!"

"Hindi ko sinasadya okay?"

"Eeeehhh! Ang tagal nila bumili ng uniform! Sisingit na nga lang ako!"

"Luh kaya mo? Malapit lang sila sa atin oh" pangba blackmail ko.

"Haisssstt"

Nag antay lang kami hanggang sa kami na. Pinasukan sa akin 'yong parang pang madre pero hindi s'ya totally na pang madre? Gets n'yo ko? Bahala kayo d'yan. Basta, tawag daw doon ay Gala. Gey-la' 'yong pagkaka pronounced ha? And then 'yong daily uniform at last, PE. Bumili din kami ng libro. Nakakainis lang dahil ang dami. Duh? Sakit sa muscle 'no!

"Ano ba 'yan ang bigat! Nagugutom tuloy ako!" Reklamo ko nang nasa labas na kami. May nagtitinda ng kwek-kwek kaya iniwan ko muna kay Ella 'yong mga libro at bumili ng kwek-kwek at palamig.

Doon ako kumain at hindi pa pinupuntahan si Ella. Bumili ulit ako ng dalawang 20 pesos na kwek-kwek at isang palamig. Akin 'yong isa pang 20 pesos. 'Di pa ako busog.

"Kuya pabili nga po" sabi ng boses lalaki. Hindi ko 'yon pinansin. Hinihintay ko lang talaga na ibigay ni manong sa akin 'yong binili ko.

"Hoy Red! Libre mo kami!" ...

"Bahala ka d'yan Shin!"

Sheeeeeeetttt!!! 'Di naman siguro nila ako namumukhaan 'no? Pasimple akong tumalikod sa kanila.

Nang binigay ni manong 'yong binili ko ay agad akong umalis. At inabot kay Ella 'yong kwek-kwek at palamig.

"Ang bigat ng libroooooo!" Reklamo ko parin. Duh? 11 or 12 lang naman ang libro na dala namin plus 'yong mga susuotin pa.

"Magta tricycle na lang tayo. Ang inet!"

Napa tingin ako kay Shin sa kwek-kwekan habang kumakain. Napansin kong kahawig n'ya si Hanz. 'Yong tipong kapag pinagsama sila ay parang magkapatid. Parehas din sila ng pagtingin. Tingin na nang aakit.

Napa lingon si Red sa amin, agad ko namang sinalo ang mga inosente n'yang tingin.
Teka lang, hindi ko ma-ddscribe ng maayos! Inosente pero malalim ang tingin? Naiimagine n'yo? Hayss! Basta. Tinatamad na ako mag paliwanag.

"Uy crush mo nakatingin sa'yo oh!" Bulong ko kay Ella. Lumingon naman s'ya.

"Hala! Ang pogi n'ya talaga!"

"Tanga, mas pogi 'yong Shin!" Pag eepal ko.

"Type mo lang eh"

"May boypren na ako, duh?"

"Edi wow"

Nag aantay kami ng tricycle pero wala pang dumadating. Minsan 'yong iba snobber. Kala naman nila pogi sila at maka snob, tch. Ayaw pa nila mamansin, choosy pa sa pasahero.

Pumunta muna ako sa upuan ng waiting shed. Nangangalay na tuhod ko.

Nandoon parin ang magtotropa. Ang ingay nga eh. Tawanan ng tawanan.

"Zei! 'Lika na!" Sigaw ni Ella. May tricycle na pala.

Agad kong kinuha 'yong mga libro at uniform. Medyo natagalan ang paglalakad ko dahil ang bigat talaga nung libro. 'Yon talaga 'yong nagpabigat eh. Pesteng libro kase ang dami!

"Bilis Zei!" Pagmamadali sa akin ni Ella. Aba teka lang hirap na hirap na ako dito!

"Wait lang. Ang bigat kaya!"

At sa wakas! Nakarating na ako sa tricycle. Pumasok na si Ella sa loob at sumunod naman akong pumasok. At dahil din sa kabagalan ko ay nag salita si kuyang driver na 'bilis neng bagal mo'

Pabuhat ko sa'yo 'tong mga libro eh!

Napa irap na lang ako. Nakita man o hindi ang pag irap ko, wala akong pake!

Continue Reading

You'll Also Like

17.1M 656K 64
Bitmiş nefesi, biraz kırılgan sesi, Mavilikleri buz tutmuş, Elleri nasırlı, Gözleri gözlerime kenetli; "İyi ki girdin hayatıma." Diyor. Ellerim eller...
89.3K 320 13
As the title says
Lucent By ads ¡¡

Teen Fiction

182K 4.2K 18
lucent (adj); softly bright or radiant ✿ ✿ ✿ My brother's hand traces the cut on my right cheek for some minutes. I have no idea how a cut can b...
1.1M 62.5K 40
Millie Ripley has only ever known one player next door. Luke Dawson. But with only a couple months left before he graduates and a blackmailer on th...