My Vampire Guard (COMPLETED)

Od LashKayrian

55.4K 1.6K 56

Bampira. Ang mga bampira na namumuhay sa unang kaharian ay payapa. Lingid sa kaalaman ng mga tao, may nabubuh... Více

MY VAMPIRE GUARD
SIMULA
KABANATA 01
KABANATA 02
KABANATA 03
KABANATA 04
KABANATA 05
KABANATA 06
KABANATA 08
KABANATA 09
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
WAKAS
A/N

KABANATA 07

1.2K 50 1
Od LashKayrian

PHOBOS' POV

Papalabas ako sa aming mansyon. Iyakan doon, iyakan dito. Patayan kahit saan. Maswerte kung maalam ka ng itim na mahika. Mayroon kang panlaban sa masasamang bampira.

Bago pa ako tuluyang makalabas ay may humarang sa aking hindi inaasahang bisita.

"Phobos, taksil kong kaibigan. Kamusta ka na?" nakangising tanong nito.

"Anong kaguluhan nanaman itong dala mo, Deimos?" galit na tanong ko sa kanya.

"Wala ka pa ring ipinagbago simula noon. Mainitin pa rin ang iyong ulo. Hindi ko malaman kung bakit natagalan ka ni Luna," natatawang pang-iinsulto nito.

"Bakit hindi mo na lang tanggapin na ayaw niya sayo?" pang-iinsulto ko sa kanya pabalik.

Nandilim ang kanyang paningin at nagtangis ang bagang. "Paano niya ako magugustuhan kung naunahan ako ng ahas kong kaibigan? Ahas na walang ibang ginawa kung hindi manira ng kasiyahan ng iba. Ahas na walang kahit kaunting pag-aaruga sa iba. Ang saya, hindi ba?"

Naramdaman ko ang paglabas ng aking pangil. Naiinis ako sa kanyang mga sinasabi. Hindi ko naman ninais na magkagusto sa taong gusto niya eh.

"Kahit kailan, hindi ko ginusto na magkasira tayo," ubos pasensyang sabi ko.

"Hindi mo ginusto? Ngunit bakit kinuha mo ang matagal ko nang minamahal? Walang kwenta kang kaibigan. Kahit kailan ay hindi ko maiisip na gagawin mo iyon. Walang silbi, inutil—"

Hindi ko na pinatapos ang kanyang sasabihin at kinuha ang espada na malapit sa akin at itinutok sa leeg niya.

"Tumigil kana, hindi totoo iyang mga sinasabi mo," nagpipigil sa galit kong wika.

"Hanggang ngayon pa rin ba, hindi mo maamin sa sarili mo na kaya ako nagkaganito, kaya ako nagrebelde dahil sa iyo! Kasalanan mo ang lahat. Kasalanan mo!" sigaw niya sa akin at tila hindi nasisindak sa espadang nakatutok sa kanyang leeg.

"Sa tingin mo, ikakamatay ko ang pagtarak mo ng espadang iyan sa akin?" nakangising sabi nito at humakbang paabante kaya napaatras naman ako.

"Tumigil ka na," maotoridad kong utos sa kanya ngunit sa isang iglap ay nakakuha na rin siya ng espada at nakatutok ito sa aking leeg.

"Hindi mamamatay ang bampira gamit ito maliban na lamang kung mahal mo ako, mamamatay ka," nakangising sabi nito.

"Deimos, alang-alang kay Luna. Itigil mo na ang pagrerebelde," pakiusap ko ngunit tumawa lamang siya ng malakas.

"Itigil ko ang pagrerebelde? Nahihibang ka na ba? Pagkatapos mong angkinin si Luna. Ni hindi mo man lang ako binigyan ng pagkakataon upang makilala niya ako," sabi nya at nakitang umigting ang kanyang panga.

"Paumanhin sa lahat. Humihingi ako ng tawad sa aking mga nagawa."

"Humihingi ng tawad? Hindi mo na ako kailan pa mabibilog. Alam mo, hindi basta-basta namamatay ang mga bampira. Pero kapag nasugatan, iindahin mo pa rin," nakangising sabi nito.

"Patawad Deimos ngunit kung nais mo ang makipaglaban sa akin, hinding-hindi kita uurungan," matapang na sabi ko at inatake siya gamit ang aking espada. Kaagad naman niya itong hinarang gamit ang kanyang espada.

"Seryoso ka ba talaga, Phobos? At sa tingin mo ay mananalo ka sa akin? HAHAHA! Nahihibang ka na," pang-iinsulto nito at siya namang umatake na sinalag ko gamit ang aking sandata.

"Hindi ka mananalo sa akin sapagkat ako si Phobos at ikaw si Deimos," nakangising sabi ko sa kanya.

"Kahit mas magaling ka sa akin gumamit ng espada noon, hindi mo na ako kilala ngayon," sabi nito at patuloy sa pag-atake na nilalabanan ko naman.

THIRD PERSON'S POV

Patuloy sa paglalaban ang dalawa. Naglalaban ang kanilang mga tingin na tila kanina pa nais pumatay. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay sa isang iglap ay naagaw ni Deimos ang espada ni Phobos at napaupo na lamang si Phobos at nagpakawala ng buntong hininga.

"Hindi na nga kita kilala ngayon," walang emosyong sabi ni Phobos.

"Hindi mo na ako kilala sapagkat simula noong naging taksil ka, nag-iba na ako," asar na sabi nito at sinubukang itinarak ang espada sa lalamunan ng dating kaibigan. Naiwasan naman ito ni Phobos ngunit nadaplisan ang kanyang leeg kaya ito nagdugo.

Napahawak siya sa kanyang nagdudugong leeg at iniinda ang sakit nito. Maaaring hindi nga mamamatay ang mga bampira gamit ang mga ganitong sandata maliban na lamang kung mahal mo ang mismong papatay sa iyo ngunit mararamdaman mo pa rin ang sakit.

Muling iwinasiwas ni Deimos ang espada at tumarak ito sa tagiliran ng hari ngunit walang kahit na anong sigaw ang narinig kay Phobos. "Para iyan sa pagsira mo ng ating pinagsamahan," galit na sabi nito.

Ipinikit ni Phobos ang kanyang mga mata. Nanghihina na siya kung kaya wala ng lakas upang lumaban.

Binunot ni Deimos ang espada na nakatarak sa tagiliran ni Phobos. Gaya ng kanina, makikita mo ang sakit sa mukha ni Phobos ngunit walang sigaw o daing kang maririnig.

Itinaas ni Deimos ang espada at muling itinarak ito sa tiyan ni Phobos. Hindi pa ito nakuntento at inikot pa ang espada habang nakatarak sa tiyan ni Phobos.

"Para iyan sa pagiging hindi maingat mo sa paggawa ng mga desisyon," galit na sabi nito at tuluyang napahiga si Phobos sa malamig na sahig.

Nang tanggalin ni Deimos ang pagkakatarak ng espada sa tiyan ng kaawa-awang si Phobos ay inilahad niya ang kanyang kamay ay mayroong lumabas dito na itim na mahika.

"At ito, para sa pag-agaw mo kay Luna," sambit nito.

Bago pa tuluyang patayin ni Deimos si Phobos ay may sinabi ito na hindi niya lubos na inaasahan.

"Patawad."

Iniiwas ni Deimos ang paningin bago tuluyang kumawala ang kanyang itim na mahika na tumama kay Phobos. Hindi niya ito kayang tignan sapagkat bumabalik lamang sa kanya ang lahat ng sakit ng nakaraan.

"Hindi ko inaasahang aabot ako sa ganito," natatawang sambit nito sa kanyang sarili. May luhang tumulo sa kanyang mata na agad naman niyang pinahid. Tinalikuran niya ang walang buhay na si Phobos at nagtungo sa silid ni Luna.

Bago pa ito makapasok ay mayroon siyang nakitang isang bampirang kasamahan niya na sakal-sakal ang leeg ng kanyang pinakamamahal. Si Luna.

"Nasaan ang bata?! Nasaan ang iyong anak?!" sigaw dito ng bampirang masama kaya iniwas niya ang kanyang tingin.

"W-wala! Hindi ko alam! P-pagkagising ko wala na ang anak ko!" sigaw ni Luna dito.

"Walang silbi," sabi nito at ibinukas ang kanyang kamay at lumabas ang itim na mahika dito. Muling tinignan ni Deimos ang napaka-among mukha ni Luna bago tumulo ang kanyang luha.

"Pumanhin. Paumanhin, sa lahat, mahal ko. Pangako magsasama muli tayo. Ako ang iyong mamahalin at hindi ang taksil," bulong niya sa kanyang sarili bago tinalikuran ang eksenang hindi niya nais makita.

Hindi niya kayang saktan ang kanyang mahal kaya hinayaan na lamang niyang iba ang manakit dito.

---

Humahangos na tumakbo ang anak ni Himalia patungo sa gubat nang makita niyang mayroong masasamang bampira ang nagbabantay sa nag-iisang lagusan patungo sa mundo ng mga tao.

Hindi niya alam ang gagawin. Natataranta na siya at balisa sapagkat kahit anong oras, maaaring may makakita sa kanyang masamang bampira at siya ay patayin.

Sumagi sa isip niya ang ibinigay na kwintas ni Luna kaya dali-dali niyang kinuha ito sa kanyang bulsa at ipinasuot sa sanggol na natutulog sa kanyang bisig.

"Pangako, hinding-hindi kita iiwan hanggat ako ay nabubuhay. Handa kong ialay ang aking buhay para sa iyo. Iingatan kita, aalagaan kahit palihim," nakangiting sabi nito sa bata at hinalikan ito sa noo.

ADRASTEA'S POV

Mula sa itaas ng puno ay nakangiti kong pinagmasdan ang anak ni Himalia na hawak ang anak ni Luna, si Europa.

"Hindi ako nagkamali sa pagpili,
Kapalaran ninyo'y magkatali.
Walang mag-iisa sa inyong dalawa,
Sapagkat kayo ay magkasama."

Nawala ang aking ngiti sa labi nang maramdaman na mayroong paparating. Agad akong lumundag sa mga sanga patungo sa kanyang kinalalagyan. Nang malapit na ako sa kanya ay bumaba ako at hinarang siya.

"Anak ni Deimos, ikinagagalak kong makita ka," nakangiting sabi ko rito.

"Sino ka?!" sigaw niya sa akin. Kitang-kita ko ang itim na awra na nakabalot sa kanya kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng awa. Ngunit wala akong magagawa dahil magbabago ang hinaharap kung gagawa ako ng paraan upang palayain siya sa kanyang sarili.

"Hindi na mahalaga kung sino ako. Anong ginagawa mo dito?" inosenteng tanong ko.

"Ano bang pakialam mo?!" asar na tanong nito at nilagpasan ako.

Hindi! Hindi niya maaaring makita ang sanggol!

Gamit ang aking makita ay gumawa ako ng punyal at ibinato ito sa kanyang gawi. Tumama ito sa kanyang kaliwang braso kaya galit na napalingon sa akin.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?!" sigaw nito sa aking ngunit sa halip na sagutin ay tumakbo ako pabalik sa mansyon. Gaya ng aking inaasahan ay sinundan niya ako.

Nang makarating ako sa harap ng mansyon ay tumigil ako. Susugurin na dapat niya ako nang sakal ngunit naglaho ako. Umakyat na lamang ako sa malapit na puno dito at pinagmasdan siyang galit na hinahanap ako.

Walang ano-ano ay tinakbo ko agad ang kinaroroonan ng anak ni Himalia at ng kasama niyang sanggol. Kailangan nila ang tulong ko.

Inabutan kong nakatitig ang ginoong may hawak na sanggol sa malalaking pader na napapaligiran ng baging at tila hindi alam ang gagawin.

"Anak ni Himalia, masaya akong nagkita tayong muli," bati ko dito.

"Adrastea, tulungan mo ako. Paano ko madadala sa mundo ng mga tao ang sanggol na ito? Tulungan mo ako," pagsusumamo nito kaya nginitian ko lamang siya.

"Kahit hindi mo sabihin, tutulungan at tutulungan pa rin kita," nakangiting sabi ko rito.

"Sa malalaking pader na iyan, may makikita ka pang isang lagusan. Hanapin mo ang malaking tinik doon at sugatin mo doon ang hintuturo ng batang iyan," sabi ko na mabilis naman niyang sinunod. Nagbukas ang lagusan kaya napangiti na lamang ako.

"Alagaan mo siya. Huwag pababayaan," bulong ko sa kawalan nang makalabas na sila sa lagusan.

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

6.7K 189 28
The last book of Battle Above the Clouds Series Everyone dreams for a perfect relationship. Some girls wants to marry a doctor,lawyer,architect and e...
13.4M 641K 49
"She's my best friend, and she's the thirteenth victim." Nangako si Althea Denise Limerick at ang best friend nitong si Elyse na hindi sila magiging...
10.9M 558K 53
Free-spirited Nahara Shalani Carjaval is. She couldn't be more pleased to be the center of attention and to be recognized as the most daring campus q...
12.7K 625 53
"Pinagtagpo pero 'di itinadhana." Paano kung ang paglayo niya ang tangi lamang paraan para masagip ka? Handa ka bang tanggapin na hindi kayo para sa...