Moonlight Blade (Gazellian Se...

By VentreCanard

8.4M 467K 122K

Jewellana Leticia is an outcast. She has been a victim of mockery as she couldn't keep up with the other god... More

Moonlight Blade
Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 2

169K 9.8K 3.4K
By VentreCanard

Chapter 2

Estranghero

"Isang uri lamang ng kagat ang tinatanggap ng isang Gazellian."

Hinayaan ko ang sarili kong tumitig nang matagal sa harap ng binata habang pinuproseso ang mga salitang kanyang binanggit sa akin.

Ito ang unang kumalas ng mga titig sa pagitan ng aming mga mata at agad itong tumalikod sa akin, humakbang patungo sa kanyang kabayo.

"Leticia, malaki ang posibilidad na ang punyal ang matatagpuan sa ilalim ng talon."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ibinulong sa akin ni Hua. Kung nasa talon, imposibleng makuha ko ito dahil bukod sa mahina ang aking kapangyarihan sa mundong ito, wala akong abilidad sa paglangoy.

Kung hindi pa dumating ang prinsipeng ito, marahil ay hindi na maganda ang nangyari sa akin.

Bumalik ang mga mata ko sa binatang mukhang handa nang lumisan. Siya na lamang ang natitira kong pag-asa, isa pa, tumatakbo ang oras. Hindi ako maaaring magtagal sa lugar na ito.

"Ngunit binata..." tawag ko sa kanya.

Sumulyap ako sa talon, mabibigyan niya kaya ako ng tulong?

Saglit itong tumigil sa paghakbang pero nanatili siyang nakatalikod sa akin.

"Hindi ba mas nakabubuting magtungo ka na pabalik sa inyo? Higit na mapanganib para sa batang bampirang katulad mo ang maligaw sa ganitong lugar."

Ngunit higit na mapanganib ang gintong pamalo ni Maestra!

"N-Nais ko lamang hanapin ang p-punyal ng aking ama..." mariin akong pumikit sa aking ginawang pagsisinungaling.

Isa itong napakalaking kasalanan para sa isang dyosang kagaya ko. Ngunit hindi ka pa tuluyang dyosa, Leticia, wala ka pang basbas.

"Punyal?" humarap na muli ito sa akin.

Tumango ako sa kanya at itinuro ko ang talon. Saglit siyang sumulyap dito bago niya ibinalik ang mga mata sa akin. Dalawang beses niyang pinagpabalik-balik ang kanyang titig sa akin at sa talon.

Marahan niyang isinuklay ang kanyang isang kamay sa kanyang magulo at basang buhok, huminga nang malalim hanggang sa lumapat ang kanyang dalawang kamay sa kanya bewang. Bumabang muli ang kanyang titig sa akin.

Naghalo ang hindi ko mapangalanang emosyon sa kanyang mga mata.

"Ito marahil ang dahilan kung bakit ka nalulunod kanina, tama ba?" mabagal akong tumango sa kanya.

Totoo naman, hindi ba? Muntik na akong malunod dahil sa paghahanap sa punyal.

"They are trying to kill you! Alam ba nilang hindi ka marunong maglangoy?" Sa pagkakataong ito ay hindi ko agad nasagot ang katanungan niya.

Sino ang sinasabi niyang papatay sa akin?

"A-Ano?"

"Your parents! Nasasakupan ba kayo ng Parsua Sartorias? Mahigpit ipinagbabawal ni ama ang pagbibigay nang mabibigat na tungkulin sa mga batang bampira. Lalo na kung may posibilidad itong makapagpahamak ng buhay."

Nanatili akong nakatitig sa kanya. At mas naging balisa ito sa aking isinagot na ekspresyon.

"I'll definitely report this to father!"

Pinagmasdan ko lamang ang binata, ilang beses nagbalik-balik ang kanyang mata sa kanyang kabayo, sa talon at sa akin na parang hindi ito makapagdesisyon.

Nagsimula na siyang maglakad nang pabalik-balik, hawak ang kanyang bewang at nagsalita sa kanyang sarili tungkol sa batas, panunungkulan at pagpapahalaga ng kanilang kaharian para sa buong emperyong kanilang nasasakupan.

Sinabi ko lamang sa kanya ang mga magulang ko at ang utos nila tungkol sa punyal, na walang katotohanan, pero ngayon ay nasa batas na ang kanyang pag-iisip.

"I should present this to father..."

"No, I don't want to disappoint him... he thought everything was good..."

"But I can't just disregard this baby vampire and her situation..."

"How many are them?"

"They could be suffering for years!"

Umiiling na siya habang kinakausap ang sarili. Halos mahilo na ang aking mga mata sa kanya at sa walang katapusan niyang pagkausap sa kanyang sarili.

Ngayon naman ay nakahawak ang kanyang kanang kamay sa kanyang baba habang nakatukod sa kanyang kaliwang braso ang siko nito. Wala rin tigil sa pagtulo ng maliliit na patak ng tubig mula sa kanyang basang buhok at kasuotan.

Malalim itong nag-iisip na hindi alintana ang kanyang basang kaanyuan.

"Should we send the palace guards?"

"We need to see each family..."

"Or should I ask the advisers first?"

"Or I should ask Zen? But he's no good!"

"Or I could go and see it to myself... but Lily's waiting for me..."

Ako naman ngayon ang bumuntong-hininga, lumapit ako sa talon at marahan kong nilaro ang kamay ko sa umaagos na tubig.

Patuloy pa rin ang binata o ang prinsipe sa pagkausap sa kanyang sarili. Muli siyang bumalik sa pagbanggit ng batas. Ayon sa ilang nabasa ko tungkol sa mga bampira, mga hari, reyna, prinsepe at prinsesa ang namumuno rito. Kaya hindi na kataka-takang marinig ang batas mula sa kanya.

"Or maybe to mother?"

"Maybe she will understand... I can't just give this news to my king, this will disappoint him..."

"Or I'll just wait... wait? What for?"

"Which part in Parsua?"

"Damn it! I'm confuse..."

Napahilamos na ang prinsipe sa kanyang sarili, na parang sobrang laki na ng problema niya. Nagsimula lang sa nawawalang punyal, pero ang konklusyong pumasok sa kanyang pag-iisip ay umabot sa iba't-ibang emperyo ng mundong ito.

Mga pagkukulang ng bawat henerasyon na mga nanungkulan, mga pagkakamaling maaaring naging sanhi sa pang-abusong pag-agaw sa kalayaan ng mga batang bampira at marami pang iba na pati pagsasagawa ng ritwal na hindi naayon sa tradisyon ay nadamay.

Masyadong komplikado ang pag-iisip ng prinsipeng ito.

"Nais ko lamang humingi ng tulong para sa aking punyal, ngunit tila naungkat na ang pinakalumang batas ng inyong emperyo dahil dito." Kumento ko.

Natigil sa pagsasalita ng batas ang prinsipe, lumingon ako sa kanya, nakakunot na ang kanyang noo sa akin.

Tumalim ang titig nito sa akin, nagdilim ang kanyang buong presensiya at pakiramdam ko'y biglang nanlamig ang hangin.

Hanggang sa iniwas nito ang kanyang mga mata mula sa akin sa pinaka-iritado nitong paraan, na parang hindi natuwang may nilalang na pumuna sa kanya.

Ngunit... ang mga mata niya...

U-Umirap ba siya sa akin?

Oh dyosang may gintong latigo! Ako'y saglit na napapangiti.

"Hua, inirapan niya yata ako..." bulong ko sa kaibigan kong langgam na ngayon ay nawalan na yata ng lakas sumagot sa akin.

Hindi ba sanay ang prinsipeng ito na may sumisita sa ginagawa niya? Kanina pa siyang nagsasalita ng batas! Hindi ako interesado!

Hinintay ko siyang sumagot sa mga sinabi ko, pero mabilis lamang itong sumakay sa kanyang kabayo at mukhang nainsulto siya sa aking ginagawang pagpapatigil sa kanya.

"Aalis ka na ba?"

Hindi ako sinagot ng prinsipe at hindi man lang lumingon sa akin. Mabilis nitong sinipa ang kanyang kabayo at sa isang iglap ay nawala na ito na parang isang bula.

"Hmm, antipatiko!" sigaw ko nang makalayo siya.

Sinimulan kong gisingin si Hua. Bakit ba nawala na naman ito ng malay?

"Pinisil ka ba niya nang malakas kanina?"

Dumapa na ako sa lupa at pumangalumbaba ako habang pinagmamasdan ang umaagos na tubig.

"Anong gagawin natin, Hua? Ang tagal na nang inilagi natin dito, baka mapansin na nila ang pagkawala ko. Ayoko na ng gintong latigo."

Sinubukan kong paulit-uliting gisingin si Hua pero mukhang mahimbing ang pagkakatulog nito.

"O maaaring bumalik tayo sa susunod na araw?"

Siguro ay magagawa ko pang tiisin ang pamalo ni Maestra o maaaring sumubok ulit ako? Baka sa susunod ay magustuhan na niya ang gawa ko.

Pinagmasdan ko ang repleksyon ko sa tubig, mapait akong ngumiti. Kung sana ay naging normal na lang ako katulad ng ibang dyosa, siguro ay hindi ko mararanasan ang diskriminasyon.

Dahil kahit anong gawin kong tama, kung sa mata nila'y isa akong pagkakamali kahit anong gawin ko ay hindi nila bibigyan ng ngiti. Minsan ay napapaisip ako kung bakit sa dami ng dyosang bunga ng mahiwagang puno ay ako pa ang nagkaroon ng ganitong karanasan.

"Hua-" naputol ang paggising ko kay Hua nang makarinig na naman ako ng yabag ng mga kabayo.

Nang lumingon ako, bumalik ang kaninang prinsipe. Natuyo na ang kanyang buhok at ang kanyang kasuotan.

"Nagbalik ka..."

"Isa akong marangal na prinsipe, may pangalang iniingatan. Hindi ako tumatakbo sa biglaang tungkulin. Ito ang naaayon sa batas ng emperyong ito."

Pinagmasdan ko ang prinsipe kung paano ito matikas na naglakad papalapit sa akin, saglit na tumigil na may mga matang nakatitig sa umaagos na tubig, habang unti-unti nitong tinatanggal ang butones ng kanyang kasuotan.

"M-Maghuhubad ka?" nauutal na katanungan ko.

Saglit siyang sumulyap sa akin pero hindi siya sumagot. Ipinagpatuloy niya ang pagtatanggal ng butones, tumalikod ako sa kanya, pero hindi rin nagtagal ay narinig ko ang pagsukbo niya sa talon.

Nang wala na siya sa lupa, ibinalik ko ang aking paningin sa tubig at hinintay ang kanyang pag-ultaw mula rito.

Nakalimang beses na siyang nakalubog-ultaw pero wala pa rin itong makitang punyal.

"Sigurado ka ba na sa talon na ito matatagpuan ang 'yong hinahanap?" ilang beses akong tumango sa kanya.

Muli siyang sumisid sa malalim na talon, ngunit nakailang sukbo na siya ay wala rin siyang ipinakikita sa akin. Hindi kaya sa ibang talon makikita ang punyal? Ngunit saan?

Hindi na muling umulit ang prinsipe, umahon na siya at isinuot ang kanyang kasuotan.

"Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya ngunit natitiyak kong nasa maling talon ka. Maraming talon ang Parsua Sartorias, posibleng nalito ka lamang."

Gusto ko pa sanang magtanong sa kanya, pero kapwa naagaw ang aming atensyon ng grupo ng mga kababaihang nagtatawanan, papalapit ito sa direksyon namin.

"Elizabeth, sigurado ka ba na malinis ang tubig dito?"

"Sigurado ako, minsan na akong naligo rito. Masarap sa pakiramdam."
Hindi nagtagal ay iniluwa nito ang tatlong naggagandahan babae na kung titingnan ay hindi nalalayo sa binatang nasa tabi ko.

Nang sandaling maramdaman nila ang presensiya ng prinsipeng nakatindig sa tabi ko, halos manlaki ang mga mata nila. Nagmadali ang mga itong yumuko.

"M-Magandang araw, Mahal na Prinsipe! Isang surpresang makatagpo ng isang Gazellian sa ganitong lugar."

"Nagawi lamang ako rito nang hindi sinasadya." Pansin ko na halos hindi na kumurap ang prinsipe sa babaeng nasa gitna.

Pero hindi na naghintay pa ng pagsagot ang prinsipe, mas mabilis ito ngayong sumakay sa kanyang kabayo.

"Paumanhin, ngunit hinahanap na ako sa palasyo." Muling yumuko sa kanya ang tatlong babae.

Agad nilahad sa akin ng prinsipe ang kanyang kamay.

"Sumama ka na sa akin." Marahas akong umiling sa kanya.

"Darating na rin ang mga magulang ko." Kumunot ang kanyang noo pero hindi na nakipagtalo.

Tinapik ang kanyang kabayo at sa pangalawang pagkakataon ay agad itong nawala nang parang bula.

Kakausapin ko sana ang tatlong babae at ang ibang lokasyon ng mga talon, pero mukhang nagkaroon na sila ng sariling panagimpan. Dahil namumula na ang mga pisngi ng mga ito habang pinag-uusapan ang nakaraang prinsipe.

"Ngunit ang kapatid si Zen na sumunod sa kanya ang matagal ko nang hinahangad makita nang mas malapitan."

"Ang prinsipe ng mga nyebe, Elizabeth?"

Nagsimula na silang maghagikhikan. Pinili kong lumayo na sa talon at magsimulang maglakad sa kagubatan.

Kung sana'y hindi dumating ang mga babaeng 'yon, siguro ay hanggang ngayon ay tinutulungan pa rin ako ng antipatikong prinsipe na mahilig sa batas.

"Hua, kailan ka ba gigising?"

Nagpalakad-lakad lamang ako nang ilang minuto sa pusod ng gubat. Wala na akong marinig na ingay ng tubig na posibleng malapit lamang sa akin.

"Kung bumalik na kaya ako?"

Pero masasayang ang pinaghirapan ko, nandito na ako dapat ay ituloy ko na ito. Kung mapansin man nila ang ilang oras kong pagkawala, isang beses ko na lamang itong gagawin. Dahil kailangan kong siguraduhin na mapapagtagumpayan ko ito.

May hawak na akong maliit na kahoy na siyang ginagamit ko sa paghawi ng malalaking damo.

"Nawawala ka ba?" agad akong naging alerto nang makarinig ng boses ng panibagong lalaki.

Itinaas ang kahoy na hawak at inilagay ito sa aking una bilang proteksyon.

"Huwag kang matakot." Natatawang sabi nito. "Alam mo ba na pang-anim na beses mo nang dumaan dito, pinaglalaruan ka na ng kagubatan."

Hindi ko makita kung nasaan siya.

"N-Nasaan ka, magpakita ka!"

"Nasa taas." Inangat ko ang paningin ko.

Isang panibagong bampira ang sumalubong sa akin, marahan itong kumaway at muling sumandal sa puno.

"A-Anong ginagawa mo dyan?"

"Nagtatago?"

"Isa kang kriminal?"

"Hindi lahat ng nagtatago kriminal."

Tumalon ito mula sa taas at bumagsak siya sa mismong harapan ko. Agad akong napaatras at mas hinigpitan ko ang hawak sa aking kahoy.

"Huwag kang matakot, hindi ako nananakit ng bata, lalo na kung isang dyosa."

Tuluyan na akong natulala sa kanya. P-Paano niya nalamang isa akong dyosa? Sino ang estrangherong ito?

"S-Sino ka?"

Nagkibit-balikat siya. Pero hindi nakaligtas sa akin ang pait na repleksyon sa kanyang mga mata.

"A rejected mate."

Continue Reading

You'll Also Like

88K 2.8K 67
TRAVIS ZADEN CORDOVA ( VCS#1 ) Don't fall in love with the Superior. That's the only one forbidden Rule! If you don't want the contract to be void; ...
1.4M 95.9K 89
There's a secret in his every bite. *Cover is not mine. Credits to the rightful owner.
7th Unit By Ann Lee

Teen Fiction

6.4M 142K 42
Standalone novel || Lyka thought she'd have a better school life in college, but it was way too different from what she had imagined. She already got...
14.3M 621K 56
Para kay Hezira ay isang kathang-isip lamang ang mga bampira. Hindi siya kailanman naging interesado sa mga ito. Pero lahat ay nagbago matapos ang is...