Your Place Or Mine? BOOK VERS...

By turning_japanese

19.4M 162K 25.6K

One night with a total stranger. And fate brought them together once again. That's where their whirlwind rom... More

Description
Intro
Chapter 1: What the hell?!
Chapter 2: The Girl from the bar
Chapter 3: I wish....
Chapter 4: The tigress
Chapter 5: Vince
Chapter 6: We meet again Part 1
Chapter 7: We meet again Part 2
Chapter 8: Z3
Chapter 9: Halter Top
Chapter 10: The Crime?
Chapter 11: Moving on...
Chapter 12: I'm back!
Chapter 13: The witch
Chapter 14: Talk$hit
Chapter 15: Jessica
Chapter 16: Ouch!
Chapter 17: The Party
Chapter 18: My fiancee
Chapter 19: His Fiancee
Chapter 20: Confused
Chapter 21: The As$hole
Chapter 22: Confrontation
Chapter 23: The Engagement
Chapter 24: Unexpected
Chapter 25: The Annual Dance
Chapter 26: Not Again...
Chapter 27: Finally...
Chapter 28: The Groom
Chapter 29: Ralph
Chapter 30: Hopeless?
Chapter 31: The Wedding (Part 1)
Chapter 32: The Wedding (Part 2)
Chapter 33: Cebu (Part 1)
Chapter 34: Cebu (Part 2)
PC: The Suite
Chapter 35: The Check-up
Deleted?
Chapter 36: He loves me...he loves me not?
Chapter 37: The Blushing Bride
Chapter 38: Ohemgi!
Chapter 39: Friends?....
Chapter 40: A glimpse of his past...
Chapter 41: Untitled
Chapter 42: Conflicts
Chapter 43: Confessions
Chapter 44: Questions and Answers
Chapter 45: All About Trust
Chapter 46: Sem Break
Chapter 47: Seth
Chapter 48: House Blessing
Chapter 49: FB
Chapter 50: Two beats in one heart?
Chapter 51: The bracelet
Chapter 52: Secrets
Chapter 53: Christmas (Part I)
Chapter 54: Christmas (Part 2)
Chapter 55: The Other Woman
Chapter 57: Only You
Chapter 58: Valentine
Chapter 59: Kirsten
Chapter 60: When All Else Fails....
Chapter 61: Breathe Again
Chapter 62: Reese Is Home
Chapter 63: The Truth
Chapter 64: After All
EPILOGUE
Answers
Private Chapter: "Birthday Gift"
Private Chapter: "The Suite"
"Birthday Gift"

Chapter 56: Auld Lang Syne

178K 1.8K 514
By turning_japanese

HALEY'S POV

Madrid

Gusto kong maging masaya. Gusto kong pansamantalang makalimutan ang mga problema. Gusto kong makalimutan kahit ilang oras lang ang sakit na nararamdan ko.

In five minutes, New Year na.

New Year.

New Hope.

New Life.

New Me.

Ano ba ang mga kailangan kong baguhin sa sarili ko? Wala akong maisip. I'm not perfect. Pero siyempre, wala kang nakikitang mali sa sarili mo. But other people do. At alangan namang tanungin ko isa-isa ang mga tao sa paligid ko.

Pinagmasadan ko ang sarili ko sa salamin. I always do this. I talk to myself. Parang wala namang nagbabago sa buhay ko. Kapag nagiging sobrang saya ko, asahan mo may kasunod na kalungkutang magaganap. Kaya minsan, parang ayokong maging sobrang saya. Natatakot ako sa susunod na mangayayari.

Tumingin ako sa relo. It's almost midnight.

Isinuot ko ang isang pair ng pearl earrings. It perfectly matches my silver long gown. This is my only accessory for tonight. No bracelets, no necklace. Maliban sa wedding at engagement rings na suot ko. I'm not in the mood to dress up.

"Can you help me with this?" He's holding one of the ties I gave him last Christmas.

Himala. Hindi naman ito nagsusuot ng necktie.

Kinuha ko ang tie at kinabit sa suot niyang long sleeves. I can feel his stare the whole time I'm fixing his tie. And I made sure I avoided his gaze. When I'm done, hinaplos ko ang part ng kwelyo niya na nakatupi. That's when he held my hand. Kahit na labag sa loob ko, napatingin ako sa kanya. The pain in my chest is still unbearable. It's like my heart is torn into broken pieces. And I see him slightly shook his head. Seeing this desperate look in his eyes made me think my eyes gave all my emotions away. He felt me.

This is our first New Year together. We're pretending that nothing horrible happened last Christmas. We're here in Spain, pretending happy in front of my family. We had no choice. It's our own problem, so we should fix it. They don't have to know.

After I left last Christmas, I did not see Russell again. Pinanindigan ko ang paglayo. Hindi ako nagpakita at ganon din siya. Nagkita lang ulit kami nung araw ng flight namin for Spain. I went home to get my stuff and he was there. He must have known that I'd be coming home. We went to the airpot together to meet my Mom.

Binawi ko ang kamay ko at tinungo ang pinto. "Mauna na ako sa baba."

I'm giving him the coldest treatment since we arrived. Lalo na kapag kaming dalawa lang at hindi na namin kailangang magpanggap. Kahit nung nasa flight kami, I never initiated a conversation with him. I closed my eyes that moment I slumped on my seat. Only to wake up in his arms as he sleeps. And I was too sleepy to push him away.

It's now five mninutes to midnight, and everyone is making their way to the pool area. This is the largest New Year feast we ever had. This time, all of my family's business partners and friends are invited.

We stood, cheering and facing North as we wait for fireworks display. And the crowd started the countdown.

Five!!!

Four!!!

Three!!

Two!!!

One!!!

"HAPPY NEW YEAR!" the crowd roared.

It's a pleasant night and what everybody wanted is to have a good time. Tumatalon pa ang iba. Some are locked in a tight embrace while others kissed as they greet everyone. Nakakahawa ang excitement nila. And this is the first time I genuinely smiled since I got here.

And sparks dashed into the vast darkness in different shapes and designs. I almost jump as rockets screeched up into the air. The people applauded and eagerly waited for more spectacular display of multi-colored lights. Fireballs are shot in every directions. It's amazing to watch these fireworks make colorful and bright flames temporary invading the darkness. And when the flames are gone, darkness lurks in again. Parang ako lang. Pansamantala akong ngingiti at sasaya, at kapag natapos na ang kasayahang ito, babalik ako sa dati. Sa malungkot at madilim kong mundo.

"Happy New Year!" bati ni Russell at niyakap ako.

Hindi ko namalayan ang paglapit niya. I smiled at him. New Year naman. I can forget the rift between us, just for now.

"Happy New Year!" I gave him a kiss.

And the "Auld Lang Syne" played and everybody sings along. This used to be an ordinary song for me. A song that can be heard every New Year, at minsan naman sa mga graduation ceremonies. Bakit parang tagos sa puso ko ngayon ang kantang ito?

Para sa akin, isa itong kanta ng pagtatapos. Pagtatapos ng taon? Pagtatapos ng school year? I think this song is also meant something for me. Bilang pagtatapos. Ng isang relasyon? Ng marriage namin ni Russell?

The last thing I want to do is cry. And I can't help it. Malayang umagos ang mga luhang ilang araw ko nang pinipigilan. Ayoko sanang umiyak sa bakasyon na ito. Gusto kong mag-enjoy. Pero paano? Hindi ko na rin napigilan ang humikbi.

Inalis ni Russell ang mga kamay ko na nakayakap sa kanya. Naramdam niya siguro na umiiyak ako. Lumayo siya at pinagmasdan ang mukha ko. Pinunasan niya ang mga luha ko.

"Tahan na. I'm sorry. I know you don't want to see me. But I wanted to be with you. This is our first New Year. And I'm sorry for being selfish. I have to be with you kahit alam kong nasasaktan ka kapag nakikita mo ako. I'm really sorry," malungkot na sabi nito.

Naiyak ako lalo sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nakatingin lang ako sa kanya. Parang gusto ko siyang sumbatan. Gusto ko siyang sigawan. But I can't. Because I hate this man that I love so much.

"There you are!"

Si Mommy. Nataranta kami ni Russell. He was shocked when I hugged him and buried my face on his chest. Mom can't see me crying. Maghihinala ito.

"Happy New Year!" bati nito sa aming dalawa.

I peeked at her. Pero hindi nakaligtas sa kanya ang hitsura ko.

"Ow! Why are you crying?" nag-aalalang tanong nito at tumingin kay Russell.

Napangiti tuloy ako sa expression ng mukha ni Mommy. The moment she looked at Russell, her eyes are innocently accusing Russell responsible for my tears.

"Nothing Mom. I'm just – happy." I pulled her and gave her a quick kiss.

Mukhang hindi siya convinced sa dahilan ko. Si Mommy pa. Anak niya ako. Pero ngumiti na rin ito.

"O siya, kumain na muna kayo. Wag kang maglalasing ha," biro nito sa akin.

She sensed something's wrong. Dinaan lang niya ako sa biro na wag maglalasing. For now, I'm off the hook because it's New Year. But I'm sure magtatanong ito one of these days.

We lingered and found my Dad with his friends.

"I'm so happy you're here." Dad kissed me and held me in his arms. Marahing tinapik nito sa Russell sa braso.

My eyes started to swell so I had to pull away. These tears are constant combination of joy and sadness since I arrived. Hinila ko si Russell palayo kay Daddy papunta sa buffet table.

"Haley?" I heard my name from an unfamiliar voice.

Lumingon ako. Si Yuri. Isang Fil-Russian model. We used to be in the same photoshoot campaign.

"Yuri!" masaya kong bati.

Lumapit siya at niyakap ako. "It's good to see you!"

I'm also glad to see old faces. Kelan ba kami huling nagkita? Last year? Hindi ko na matandaan.

"Same here! Hindi ka ba umuwi?" tanong ko.

Nakakapag-tagalog din kasi ito kahit based siya sa Spain.

Tumawa ito. "My Mom's for the Holiday. But she's in Moscow now to visit Dad. So here I am. Wala akong kasama sa bahay," sagot nito.

"Good. Last year kaya wala ka," nakangiti kong sabi.

"We were in a tour last year. Nasa Brazil kami," sagot nito. "I did not see Hans."

He's Han's friend actually. At kapag sumama si Hans at nagkita sila, trust me, they're inseparable.

Sasagot sana ako nang nakita kong papalapit si Russell. Madilim ang mukha nitong nakatingin sa amin ni Yuri. Napatingin as akin si Yuri, nagtatanong ang mga nito habang nakatingin kay Russell.

"Yuri,this is Russell. Russell, this is Yuri. He's Hans' friend," pakilala ko sa dalawa.

Tumawa si Yuri. "Friend ako ni Hans? Eh ikaw, ano mo ako?" he joked.

Tumingin sa kanya ng masama si Russell. Unang nag-abot ng kamay si Yuri. "Nice to meet you," nakangiting bati nito.

"Same here," seryosong sagot ni Russell.

At ako naman ang tiningnan niya ng masama.

Ramdam ko ang tensiyon sa pagitan namin ni Russell. At walang kaalam-alam si Yuri. And I was saved by the bell when someone called him.

"Magtatagal ba kayo dito? Let's go out sometime," sabi nito.

Tumawa ako. "We'll be here for one more day. May pasok na kasi," sagot ko.

"Sayang," nanghihinayang na sabi nito. "Some other time maybe," sabi nito.

Humalik ito sa akin bago nagpaalam. "Happy New Year!" sabi nito. Tumango lang siya kay Russell.

Magkasunod naming tinungo ni Russell ang dining table. At ngayon ko lang napansin, he came with a single plate filled with food.

"Hindi ka ba kakain?" tanong ko.

Nilapag niya sa harap ko ang pagkain. Hindi siya sumagot at padabog na naupo sa tabi ko.

"Hindi ko kayang ubusin 'to. Share na lang tayo," sabi ko.

I'm trying to ignore his tantrums. Bahala siya.

"Para sa'ting dalawa talaga 'yan. Kaya lang nawalan na ako ng gana," makahulugang sabi nito.

Parang may ibig siyang sabihin. Ayokong humaba pa ang usapan kaya hindi na ako nagsalita. Nagsimula na akong kumain. Pero, paano ako makakakain ng maayos kung ang sama niyang tumingin.

May nagawa ba akong masama? Siya pa 'tong may ganang magalit.

"Whos that guy anyway?" walang kaabog-abog niyang tanong.

"Sino?" patay-malisya kong tanong.

"'Yon, 'yung kausap mo kanina," sagot nito.

"Nakalimutan mo na agad? Friend ni Hans 'yon, si Yuri," ulit ko.

Umirap siya. At gustong kong matawa. Sa lahat ng lalaki siya lang ang ganon. Kapag naiinis siya, mahilig siyang umirap.

"Friend siya ni Hans. Eh ano mo siya," tanong nito.

Ano ko siya? Ano ba'ng gusto niyang palabasin?

"He's just an acquaitance. He's not even my friend," sagot ko.

"Aquaintance lang? Ba't kung makayakap at makahalik sa'yo parang close kayo?" madiin na sabi nito. "Di mo man lang sinabi kung ano mo ako," puno ng hinanakit na sabi nito.

So, 'yon ba ang pinagpuputok ng butse nito? Hindi ko siya pinakilala na asawa ko?

"Look, gaya ng sabi ko, he's just an acquaintance. Kung bakit ganon kami sa isa't-isa? I treat them all the same, mapalalaki man o babae. Nasa Europe tayo, kisses and hugs mean nothing. At kung bakit hindi kita pinakilala as my husband, well, he has nothing to do with my personal life." Medyo tumaas ang boses ko.

"Kahit na. Wala namang masama kung sasabihin mo. If you told him who am I, he shouldn't have asked you out sa harap ko," gigil na sabi nito.

Ganon ba? Nainsulto ba siya sa ginawa ni Yuri? O sa ginawa ko?

"Bakit ikaw? Alam ba ng babae mo na may asawa ka na? Sinabi mo ba sa kanya? Baka naman hindi. Kasi kung bulabugin ka last Christmas ganun-ganon na lang."

Pinaalala ko sa kanya ang pag-iwan niya sa akin no'n Pasko. 'Di ba mas nakakainsulto 'yon? Para siyang isang aso na isang sutsot lang nakasunod agad. Honestly, I didn't care kung ano man ang dahilan niya. Kasi kung sa akin nangyari 'yon at tinawagan ako ni Vince, I won't leave. Kaya kahit pilit kong intindihin siya, hindi ko magawa.

"Wala akong babae. I've said that couple of times," sabi nito na parang bata ang kausap at paulilt-ulit pinagsasabihan.

"Hindi ko alam. Wala na akong alam. Wala naman talaga akong alam. Tanga kasi ako eh." Naiiyak na naman ako.

Ayoko na sanang pag-usapan ito ngayon pero naiinis talaga ako. Hindi ko matanggap na ako pa ang pag-iisipan niya ng masama.

"Please, wag kang magalit," nagmamakawang sabi nito.

"Aakyat na ako. Nawalan na rin ako ng gana." Halos takbuhin ko ang hagdan paakyat.

Pagpasok ko sa kwarto, dumapa agad ako sa kama. Doon ko binuhos ang sama ng loob ko kay Russell. Malaya kong pinakawalan ang mga hikbi at luhang kanina ko pa pinipigilan. Alam kong may kasalanan din ako sa kanya. What I had with Seth is different from what he had with that girl. Hindi ko mahal si Seth. Pero siya, nararamdaman kong mahal pa rin niya ang babaeng 'yon. At 'yon ang hindi ko matanggap. Na dalawa kami sa buhay niya.

Narinig kong bumukas ang pinto. Naramdaman ko ang paghiga niya sa tabi ko at marahang hinaplos ang ulo ko. "I'm sorry."

Hindi ako sumagot. I can almost hear my heartbeat as silence fell between us. Hindi ko binago ang pwesto ko. His arms remain on my waist. I might be emotional and in tears but I don't want to throw a fight.

"Can we forget what happened last Christmas?" pakiusap nito.

Humarap ako sa kanya. Sasabihin ko sana sa kanya na hindi ko makakalimutan ang nangyari sa bawat minuto ng buhay ko. And I must be shaking my head unconsciously because he cut me off. He'd know what I had to say.

"Alam kong mahirap kalimutan ang nangyari. At nahihirapan ka na. Ako rin, hirap na hirap na. Pwede bang kahit ngayong gabi lang, kalimutan mo muna ang galit mo sa akin? Pwede mo bang ibigay mo na sa akin ang gabing 'to? Wag ka nang magalit. Kahit ngayong gabi lang, please," nagmamakawang sabi nito.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. And I can't stand the hurt in his eyes. Seeing him like that, teary-eyed, makes me want to pull him in my arms. Paano ko tatanggihan ang pakiusap ng isang tulad ni Russell. Parang pinipiga ang puso ko kapag nakikita ko siyang nasasaktan. I must love him that much.

And when he kissed me, I just closed my eyes. I missed him terribly that I suddenly wanted to cry. It's been a week since we last kissed. And it felt like forever. Now, it felt like dying knowing that I won't be with him when we get home.

"I miss you," bulong ni Russell.

Hinahaplos nito ang gilid ng beywang ko. Parang tinatanya nito kung tututol ba ako sa gusto niyang gawin. Hindi ako sumagot. Hindi rin ako tumanggi. I miss him, too. Pinigilan ko lang ang sarili kong sabihin ito.

Naramdaman ko ang kamay niya sa kanan kong dibdib. Pumikit ako. Pipigilan ko ba siya? Papayag ba ako? Ito ba ang tinutukoy niya? Ngayong gabi lang?

Hindi na ako tumanggi nang hubarin niya ang damit ko. And once again I feel his warmth. The warmth of his body that I miss. Hindi ko na pinigilan ang sarili ko. We kissed 'till our lips ached. At parang ayaw pa niyang tumigil hanggang sa hinihingal kami pareho.

"I love you. I love you so much," sabi nito habang hinahaplos ang gilid ng mukha ko.

Bakit naiiyak ako? Dapat ba akong matuwa sa narinig ko? Pero bakit nasasaktan ako? Kasi iniisip ko na hindi lang ako ang sinasabihan niya nito? May iba pa? 'Di pa ba ako pasalamat at minahal niya ako? Ganon ba 'yon?

Sabi nga niya kahit ngayong gabi lang, wag akong mag-iisip ng kahit na ano. At 'yon ang gagawin ko. Kahit ngayon gabi lang. At ngayon lang ito.

Our bodies moved as one in a familiar rhythm. I never felt so complete each time we made love. I wanna enjoy this moment with him. Gusto kong isipin na ako lang ang mahal niya at wala ng iba.

***

"Are you sure na hindi kayo sasabay?" tanong ni Mommy.

Our flight has just landed. Isang sasakyan lang ang sumundo sa amin pero may biglaang lakad si Mommy.

"It's okay, Mom. Kami nang bahala."

I kissed her and they drove off. Nakatingin ako sa papalayong sasakyan habang si Russell naman ay nakatingin sa akin. I gathered my bags and avoided his gaze.

"I'll just take a cab from here," sabi ko kay Russell.

Hindi naman ako pwedeng sumabay sa kanya. Ano'ng silbi ng pag-alis ko kung malalaman din niya kung saan ako nakatira.

"Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo? I mean, you don't have to do this," malungkot niyang sabi.

Ang pag alis ko at pagtira sa ibang bahay ang tinutukoy niya. At wala akong pinagsisihan sa desisyon ko. This is what we both need.

"I have to. Para makapag-isip tayo pareho –"

I swallowed hard as if I have a huge lump in my throat. Something hit my chest. This feeling I have for him had me wanted to forget everything. To tell me that nothing mattered and I'm ready to start fresh with him.

Pero kapag naiisip ko ang babaeng 'yon, binubuhay niya ang galit sa dibdib ko.

"I have to go." Bago pa magbago ang isip ko.

Nagmadali kong pinara ang taxi na paparating. "Sana iwasan mo muna ako kahit na makita mo ako sa school. At kapag hindi ako nakatingin at nakita mo na ako, pwede bang ikaw na lang ang umiwas? Pwede mo bang gawin 'yon para sa akin?" pakiusap ko sa kanya.

Hindi siya sumagot. Kuyom ang dalawang palad nito.

"Until when will I do that?" halos pabulong na sabi nito.

Hanggang kelan? Hindi ko alam. Hangga't hindi na ako nasasaktan.

"Ikaw lang ang nakakaalam. Kung sa tingin mo pwede mo na akong lapitan. Kung sa tingin mo hindi na ako masasaktan kapag nakikita kita," sagot ko.

Alam niya ang ibig kong sabihin. Kung kelan niya mare-realized na ako lang ang mahal niya. Ako lang, wala ng iba. Kung matatagalan pa ito, it's all up to him.

"Kapag dumating ang time na 'yon, are you coming back home?" naluluhang tanong nito.

Ngumiti ako sa kanya. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko.

"I don't know. I hope so."

And I left. Sunud-sunod ang pagpatak ng aking mga luha. Because I know he's hurting. And what hurts him, hurts me more. Pero sa sitwasyon ngayon, iisipin ko pa ba ang nararamdaman niya? Paano naman ako? Nasasaktan na nga ako sa mga ginawa niya at nasasaktan pa rin ako kapag nasasaktan siya. Sa tingin ko, it's time para isipin ko naman ang nararamdaman ko.

And am I coming back home after all of these? May uuwian pa ba ako kung sakali?

Continue Reading

You'll Also Like

His Revenge By Era Lee

General Fiction

6M 18.1K 6
7K 364 60
"Gusto ko ng happy ending, pero bakit ganito ang ending nating dalawa?" - Drishtelle Padilla Date started: August 24, 2020 Date finished: December 25...
Mine Again By JTSOTIC

General Fiction

3.8M 2.5K 2
Kathryn Delos Santos has amnesia. She forgot all the important things that she got even his fiance that she used to love. Because of an accident, eve...
19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...