Fallen

By sunako_nakahara

2.2M 38.2K 9.7K

Alyx owns a pair of eyes that can see things not normally seen by other mortals, and this has doomed her to l... More

Fallen Part 1: Exordium Chapter 3 and 4
Fallen Part 1: Exordium Chapter 5 and 6
Fallen Part 2: Fatum, Procer quod Angelus Chapter 7 and 8
Fallen Part 2: Fatum, Procer quod Angelus Chapter 9 and 10
Fallen Part 2: Fatum, Procer quod Angelus Chapter 11 and 12
Fallen Part 2: Fatum, Procer quod Angelus Chapter 13 and 14
Fallen Part 2: Fatum, Procer quod Angelus Chapter 15 and 16
Fallen Part 2: Fatum, Procer quod Angelus Chapter 17 and 18
Fallen Part 2: Fatum, Procer quod Angelus Chapter 19 and 20
Fallen Part 2: Fatum, Procer quod Angelus Chapter 21 and 22
Fallen Part 2: Fatum, Procer quod Angelus Chapter 23 and 24
Fallen Part 2: Fatum, Procer quod Angelus Chapter 25 and 26
Fallen Part 2: Fatum, Procer quod Angelus Chapter 27 and 28
Fallen Part 2: Fatum, Procer quod Angelus Chapter 29 and 30
Fallen Part 2: Fatum, Procer quod Angelus Chapter 31 and 32
Fallen Part 2: Fatum, Procer quod Angelus Chapter 33 and 34
Fallen Part 2: Fatum, Procer quod Angelus Chapter 35 and 36
Fallen Part 2: Fatum, Procer quod Angelus Chapter 37 and 38
Fallen Part 2: Fatum, Procer quod Angelus Chapter 39 and 40
Fallen Part 2: Fatum, Procer quod Angelus Chapter 41 and 42
Fallen Part 2: Fatum, Procer quod Angelus Chapter 43 and 44
Fallen Part 2: Fatum, Procer quod Angelus Chapter 45 and 46
Fallen Part 2: Fatum, Procer quod Angelus Chapter 47 and 48
Fallen Part 2: Fatum, Procer quod Angelus Chapter 49 and 50
Fallen Part 2: Fatum, Procer quod Angelus Chapter 51
Fallen Part 3: Apocalypse Chapter 52 and 53
Fallen Part 3: Apocalypse Chapter 54 and 55
Fallen Part 3: Apocalypse Chapter 56 and 57
Fallen Part 3: Apocalypse Chapter 58 and 59
Fallen Part 3: Apocalypse Chapter 60 and 61
Fallen Part 3: Apocalypse Chapter 62 and 63
Fallen Part 3: Apocalypse Chapter 64 and 65
Fallen Part 3: Apocalypse Chapter 66 and 67
Fallen Part 3: Apocalypse Chapter 68 and 69
Fallen Part 3: Apocalypse Chapter 70 and 71
Fallen Part 3: Apocalypse Chapter 72 and 73
Fallen Part 3: Apocalypse Chapter 74 and 75
Fallen Part 3: Apocalypse Chapter 76 and 77
Fallen Part 3: Apocalypse Chapter 78 and 79
Fallen Part 3: Apocalypse Chapter 80 and 81
Fallen Part 3: Apocalypse Chapter 82 and 83
Fallen Part 3: Apocalypse Chapter 84 and 85
Fallen Part 3: Apocalypse Chapter 86 and 87
Fallen Part 3: Apocalypse Chapter 88 and 89
Fallen Part 3: Apocalypse Chapter 90 and 91
Fallen Part 3: Apocalypse Chapter 92 and 93
Fallen Part 3: Apocalypse Chapter 94 and 95
Fallen Part 3: Apocalypse Chapter 96 and 97
Fallen Part 3: Apocalypse Chapter 98 and 99
Fallen Part 3: Apocalypse Chapter 100 and 101
Fallen Part 3: Apocalypse Chapter 102
Fallen part 4: Professio op Tabellae Vado Chapter 103 and 104
Fallen part 4: Professio op Tabellae Vado Chapter 105 and 106
Fallen part 4: Professio op Tabellae Vado Chapter 107 and 108
Fallen part 4: Professio op Tabellae Vado Chapter 109 and 110
Fallen part 4: Professio op Tabellae Vado Chapter 111 and 112
Fallen part 4: Professio op Tabellae Vado Chapter 113 and 114
Fallen part 4: Professio op Tabellae Vado Chapter 115 and 116
Fallen part 4: Professio op Tabellae Vado Chapter 117 and 118
Fallen part 4: Professio op Tabellae Vado Chapter 119 and 120
Fallen part 4: Professio op Tabellae Vado Chapter 121 and 122
Fallen part 4: Professio op Tabellae Vado Chapter 123 and 124
Fallen part 4: Professio op Tabellae Vado Chapter 125 and 126
Fallen part 4: Professio op Tabellae Vado Chapter 127 and 128
Fallen part 4: Professio op Tabellae Vado Chapter 129 and 130
Fallen part 4: Professio op Tabellae Vado Chapter 131 and 132
Fallen part 4: Professio op Tabellae Vado Chapter 133 and 134
Fallen part 4: Professio op Tabellae Vado Chapter 135 and 136
Fallen part 4: Professio op Tabellae Vado Chapter 137 and 138
Fallen part 4: Professio op Tabellae Vado Chapter 139 and 140
Fallen part 4: Professio op Tabellae Vado Last Chapter and Epilogue

Fallen Part 1: Exordium Chapter 1 and 2

461K 5.4K 1.2K
By sunako_nakahara

Fallen

(by sunako_nakahara)

Sabi nila 1% daw ng nakikita, nakakasalamuha o nakakasalubong mo sa bawat araw ay mga hindi mo akalain na hindi katulad mo, na kakaiba sila sa'yo o sa atin.

Masama man o mabuti, you really don't know.

Pero alam mo ang maganda doon?

Because of them, things you don't expect happen.

For things that you treat as dreams are in fact harsh realities.

And one ordinary life can become an extraordinary one.

Like mine.

And it sucks.

Really sucks.



In the arms of the angel
Fly away from here
From this dark cold hotel room
And the endlessness that you fear
-Angel (Sarah Mclachlan)



[Content warning: ang kwentong ito ay may halong tema at context patungkol sa suicide at depression.]


Part 1: Exordium

Chapter 1



Tik! Tak! Tik! Tak!

Nakahiga lang ako sa kama ko at pinapakinggan ang kaisa-isang tunog sa paligid ko.

Tik! Tak! Tik! Tak!

Oras...

Pakiramdam ko, hindi gumagalaw ang oras ko, ang panahon ko... kahit na ang paligid ko ay patuloy sa pag-ikot—

—simula nang mamatay siya.

Dalawang taon na rin pala ang lumipas. Hindi ko akalain na makakatagal ako ng ganun. Nagpakatatag ako dahil yun ang sabi niya, kahit na hindi ko na kaya... kahit na ako na lang mag-isa, pero tao lang ako...

May hangganan ang lahat, at tingin ko ito na ang akin.

Minulat ko ang mga mata ko. Ang mga mata ko—para sa akin, sumpa sila. Isang sumpang dahilan kung bakit ako nag-iisa.

Wala na ang pinakamahalagang tao sa buhay ko.

Ang aking ama.

Siya ang pinakamabuting tao para sa akin. Siya at ang lola ko ang tumulong sa akin noon para mabuhay pa. Pero parehas na silang wala. Nauna ang lola ko, tanda ko, 12 years old ako noong iniwan niya kami. Nawala siya sa amin ni Papa dahil sa isang kakaibang sakit. Sakit na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung ano.

Simula noon, si Papa at ako na lang ang naiwan sa isa't isa. Tinutulungan ko si Papa sa trabaho niya hangga't makakaya ko, pero nanatili akong low-profile. Hindi ako nagpapakita sa mga tao at kung nakikita nila ako, isa lang ang masasabi nila.

Weird.

Weird ako sa paningin ng bwisit na mga taong 'yan. Pero hindi ko naman sila masisisi kasi sa totoo lang, weird talaga ako. Pero ayos lang yun sa akin. Basta nasa tabi ko si Papa, ayos lang sa akin ang panghuhusga nila. Basta pinagtatanggol ako ni Papa.

Pero...

Wala na siya...

Wala na ang Papa ko. At dahil yun sa isang taong hindi ko mapapatawad...

Ang babaeng yun.

Siya. Hinding-hindi ko siya mapapatawad kahit na sinabi ni Papa. Kahit na nabubuhay ako ngayon dahil sa kanya, wala akong pakialam.

Napatingin ako sa bintana ng apartment ko. Naulan, at medyo kumikidlat...

Ayos.

Umupo ako sa kama at nag-isip. Tama ba ito? Tama ba ang gagawin ko?

Siguro nga mali ito para sa lahat. Pero ito na lang ang paraan. Ayoko na. Sobra-sobra na ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Ayokong magkautang na loob sa babaeng yun, kaya gagawin ko ang lahat para maialis ang tanging nag-uugnay sa amin—

Ang buhay ko.

Mas nanaisin ko pang mamatay na lang ako kaysa ganito na nauupos ako. Wala na rin naman akong maiiwan. Ano pa ang silbi ko dito?

Hawak ang kutsilyo, napatingin ako sa salamin na katabi ng kama ko. Nakakatakot ang hitsura ko.

Nakapantulog akong puti. Ang napakahaba kong buhok ay nakalapat na sa kama, itim na itim ito at medyo kulot sa dulo. Pero hindi yun ang kinakatakot ko.

Kung hindi ang nasa mukha ko.

Mali...

Sa mata ko...

Ang mga mata ko na tatlong tao pa lang ang nakakakita maliban sa akin.

Si Papa.

Si Lola.

At si...

Tama na!

Inayos ko ulit ang bangs ko para takluban ang mga sinumpa kong mata.

Kung mamamatay man ako ngayon, mas pipiliin kong hindi na ulit makita ang mga matang ito. Sa wakas matatapos na ang buhay ko. Matatapos na lahat ng paghihirap at pag-iisa ko.

Itinaas ko na ang kutsilyo. Kitang-kita ko ang sarili ko sa salamin. Kumikidlat pa.

Paalam. Magiging malaya na ako.

Magkikita na tayo, Papa... makakasama ko na kayo ni lola sa lugar na kung saan—

—walang manghuhusga.

—walang mananakit.

—at walang pagdurusa.

Pinikit ko na ulit ang aking mga mata.

BOOOOGSSSSSSSSHHHHHHHH!

Napakalakas na ingay nang pagbasag ang nagpatigil sa akin. Binuksan ko ang mga mata ko. Naging mausok at magulo ang lahat. Sa sobrang alikabok at gulo ng kwarto ko, wala na akong makita. Inuubo na ako sa sobrang alikabok.

SH*T!

BAKIT NAGKAGANITO?


Naibagsak ko ang kutsilyo at pinilit tumayo pero bago pa ako makatayo—

BOOGSH!

Isa pang parang bumagsak at tumama sa bintana ko ang nagpatigil sa akin.

WTH?! ANO BA TALAGA ANG NANGYAYARI?

Tapos, sa gitna ng usok at alikabok, may naaninagan ako. Pero bago ko pa makita ang lahat, biglang lumiwanag. Sobrang liwanag na napapikit na lang ako.

Alam kong hindi ito normal na liwanag. For Pete's sake, ngayon lang ako nakaranas ng liwanag na tumatagos sa akin kahit na nakapikit na ako!

Pinilit kong buksan ang mga mata ko para makita kung anong nangyayari, pero wala. Liwanag lang ang nakikita ko.

Hindi ako makaalis sa kama dahil maliban sa hindi ko alam kung saan ako pupunta, para bang alam ng katawan ko na kailangan nitong manatili at huwag na lang gumalaw. Pero bigla na lang may nagsalita na ikinagulat ko.

"Vos postulo succumbo... Vos can nunquam pello pepulli pulsum mihi... Obscurum can nunquam victum lux lucis."

Kahit na hindi ko maintindihan kung anong sinasabi niya, kakaiba na para bang isang kanta ang sinasabi niya. Parang gumagaan ang pakiramdam ko, at nawala sa utak ko ang plano ko kanina.

Tapos may narinig akong tumatawa. Nanginig ang buong katawan ko sa tawa niya. Nakakatakot.

"Angelus, operor vos vere reputo ut is est securus mihi succumbo? Pareo myself ut quis vos accersitus Deus? Ex valde satus. Malum quod bonus es adversarius. Quod ut animadverto mos nunquam terminus vel vos frendo mihi."

Kahit wala akong makita, kahit napakaliwanag, sapat na ang boses na iyon para makaramdam ako ng takot.

Hindi ito kung ano lang, iyon ang alam ko. Sapat na ang nararamdaman ko para malaman iyon.

Nanghihina na ako. Panghihina na alam kong hindi din normal. At hindi ko iyon naranasan sa buong buhay ko. Mas matindi pa ito sa lahat ng iyon.

"Vos evinco mihi , Angelus. Vos evinco dextera of obscurum. Tamen is doesnâ't vilis ut is est terminus of panton. Vos teneo quare? Is est iustus satus of panton."

"IN NOMEN OF VOX VESTED SUPER MIHI."

"Ether, relinquo volo mihi. quoniam mihi quod Uriel es partier."

"PER SENIOR QUISNAM NO OLYMPUS QUOD TERRA-"

"EGO can animadverto quis ero vestri posterus , angelus."

"SENIOR QUISNAM DILIGO PER TOTUS."

"Vos can nunquam subsisto is."

"MUCRO OF LUX LUCIS MOS EVINCO OBSCURUM."

"Unus sententia mos change panton."

"VOS MOS ABOLESCO!"

"UT PANTON VOS HAVE EST ABSENTIS. IS EST VICIS UT PANTON MOS TAKES SUUS LOCUS! VOS MOS PERDO , UTRUM VOS AMO IS NECNE! VOS ERO FRENDO ANGELUS. VOS ERO FRENDO!"

Napadapa ako nang di oras. Tinakpan ko ang buong mukha ko dahil may sumabog na nakakasilaw na liwanag. Kasabay noon ang pagkawala ng masama kong nararamdaman, para bang naglaho na lang iyon.

Ilang saglit pa, unti-unti akong tumingin sa paligid. Maliwanag pa rin pero hindi na gaano kaliwanag. Inayos ko ang sarili ko at tumayo. At saktong pagtingin ko sa unahan ko, humangin nang napakalakas. At nagmumula ito sa nasa unahan ko. Hindi ko mapigilang tumingin lang.

Totoo ba ito?

Nakatalikod siya sa akin at ang tangi ko lang nakikita ay ang kanyang... ang kanyang...

Bigla siyang humarap at napatingin sa akin. Kasabay noon ay napansin ko ang pagkagulat niya. Pero wala nang tatalo sa pagkagulat ko.

Napahawak na lang ako sa bibig ko habang nakatingin pa rin sa kanya. Walang bangs na nakaharang sa paningin ko.

Nagkatinginan kami.

Sa buong buhay ko, wala pang tumitig sa mga mata ko nang ganito. Hindi si papa at kahit si lola.


Ang mga mata niya... silver... hindi ko mabasa kung ano ang nilalaman nila.

Napansin ko ang buong mukha niya.

Masyadong mababaw ang salitang gwapo para sa kanya. Napakaganda niya. Ang buhok niya ay mahaba at kulay gold. Tapos nakaputi siya, at may suot na armor, at may espada siyang hawak.

At huli kong napansin ang...

At nagfunction na ulit ang utak ko.

Liwanag.

Puting kasuotan.

Armor at espada.

Gold na buhok.

At...

Puting pakpak.

"Diyos ko." Yun lang ang nasabi ko nang mapagtanto ko ang lahat.

Ang kaharap ko ay isang...

At dumilim na ang lahat...

Pero naramdaman ko...

May sumalo sa akin.


Chapter 2


Nakita ko ang ipinapahanap sa akin ni Michael na nakatayo sa tuktok ng isang tore, kasabay ng ulan at mga kidlat. Nakatingin lang siya sa ibaba.

"Ang tagal mo naman," bungad niya. Tumayo ako sa likod niya.

"Kabaiel." Humarap siya sa akin. Gaya ng inaasahan ko sa mga katulad niya, maamo ang mukha niya pero mapapansin mo sa mga mata niya ang kadiliman.

"Ako nga. Ako si Kabaiel, isa sa sampu. At ang tanging natitira—"

"Oras mo na."

Ngumiti siya sa akin at tumingin sa langit. "Talaga? Kung ganun, gusto na rin ako mawala ng langit na dati kong pinaglilingkuran. Kahit kailan hindi ko talaga maintindihan ang Diyos niyo."

"Pinagbigyan ka Niya... Hinintay Niya na bumalik kayong sampu sa Kanya."

Tumingin naman siya sa ibaba namin. "Bumalik? Paano kami babalik kung ito na ang gusto namin? Masdan mo ang lupa, anghel. Napakaganda ng mga tao at ng iba pa Niyang ginawa. Malaya sila, anghel, samantalang tayo, hindi."

"Sapat na sa amin ang ibinigay Niya. Mahal Niya kami, tayo, tao man o hindi, walang nakakahihigit."

"Sapat na? Siguro sa'yo oo. Pero para sa amin, hindi! Ilang siglo kaming nakatingin lang sa itaas, at anong pinagawa niya sa amin? Bantayan lang ang mga tao! At ang mga taong yan, nagpapakasaya sila! Napapagod na kami sa ganun, anghel. Nakakapagod na." Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, hindi ko man lang napansin na may espada na nakatutok sa leeg ko at kitang-kita ang kanyang mga pangil sa kanyang ngiti. "Pero ngayon, masdan mo. Malaya na ako. Marami akong nakikita na hindi ko nakikita noon. Marami akong bagay na nalalaman na itinatago Niya sa atin. Hindi ko hahayaang putulin 'yon ng isang katulad mo."

Sing-bilis ng kidlat ang lahat ng pangyayari. Nang itutusok na niya sa leeg ko ang espada niya ay mabilis ko itong iniwasan at tinatapatan ng espada ko. Pero mabilis din siya at nagpatuloy pa ang pag-aaway namin. Hindi ko akalain na siya ang pinakamagaling sa lahat kong nakalaban, higit pa kay Shamsiel na dating kanang kamay ni Uriel. Sinasabi nila na si Kabaiel ang pinakatahimik sa kanila. Ang mga Grigori... ang sampung anghel na piniling maging alagad ni Lucifer para maging malaya. Itinakwil sila ng langit dahil higit sa kalayaan ang ninais nila. Sinasabing sila ang dahilan kung bakit nagkaroon ng mga Nephilim. Ang anak nila at ng tao. Pero lahat sila nawala na.

Patuloy ang pagtama ng espada namin sa isa't isa, at walang sumusuko. Kaso hindi inaasahang biglang sumala ang huli kong tira at dahil doon nagkaroon ng pagkakataon si Kabaiel na tamaan ako ng espada niya sa aking pakpak. Bumagsak ako sa itaas ng isang building.

Sobrang sakit ng pagbagsak ko. Ngayon lang ako nakaranas ng ganitong sakit, at nadagdagan ito nang tumayo siya sa may tiyan ko at itinutok ulit sa akin ang espada niya.

"Hindi mo dapat ako minaliit, anghel. Hindi ako naging kanang kamay ng kasamaan para sa wala. Hindi ko pinamunuan ang 365,000 na kaluluwa para sa wala. Hindi dahil nakilala ako sa mga nakikita ko, wala na akong alam sa pakikipaglaban."

"Siguro nga mali na maliitin ko ang kalaban ko. Pero tandaan mo, mas mali na maliitin mo ang isang anghel na katulad ko." Nakuha ko ang isa ko pang espada at mabilis yong itinusok sa may puso niya.

Mabilis siyang umalis sa ibabaw ko at lumipad. Napatayo ako at tiningnan siya. Kahit na napakataas niya, alam kong nakalagay ang kamay niya sa may puso niya. Napuruhan ko ba?


Kasabay ng sigaw niya ay ang pagkidlat at pagkulog. Pasaway! Matatakot ang mga tao

niyan!

"ANGHEL! MAGBABAYAD KA SA GINAWA MO!"

Biglang nagbago ang kanyang anyo, mula sa parang tao naging isa siyang nakakatakot na halimaw. Ibinato niya ang kanyang espada sa direksyon ko, pero mas malaki na ang espadang ito at may sariling buhay.

Napatalon na lang ako para iwasan yung espada niya. Nasira ang gusaling tinamaan nito. Kailangan kong lumayo dito, mas malaking gulo ang idudulot nito!

Pinilit kong ilipad ang mga pakpak ko, at halos mawalan ako ng malay sa sobrang sakit. Pero kailangan kong lumipad para lumayo at walang mapahamak.

"ANO ANGHEL? NAHIHIRAPAN KA NA? AKALA KO BA IKAW ANG TUMALO KAY SHAMSIEL?! PERO PARANG HINDI KO MAKITA KUNG PAANO MO NATALO ANG ISA SA MGA PINAKAMALAKAS SA SAMPU!"

Nagsimula siyang umatake ulit, at tumalon na lang ako ng tumalon sa mga gusali habang pinipilit na gamutin ang sarili. Nang naramdaman kong pwede na ang pakpak ko kahit medyo masakit pa rin, lumipad ako para tapatan siya.

"Ang ingay mo," yun lang ang nasabi ko.

Nakita ko siyang natigilan pagkatapos nakita ko siyang ngumiti. "Matalas ang dila mo anghel, kahit na nahihirapan ka na. Alam kong masakit ang mga pakpak mo, pero dahil ikaw ay isa sa mga pinagkakatiwalaan ni Michael, alam kong tinuruan ka niya na mas maging matapang kaysa ipakita na nasasaktan ka."

Hindi na lang ako umimik. Kahit na nagbago ang kanyang anyo na kalahating toro at kalahating anghel, kitang-kita pa rin ang tama ko sa kanya kanina. Ibig sabihin hindi ito gumaling. Ang kailangan ko na lang ay ilayo siya dito at tapusin na ang misyon na ito.

Sa isang iglap, ako naman ang umatake sa kanya sa pamamagitan ng aking dalawang espada. Pero mabilis din niyang nasasalag yun sa pamamagitan ng espada niyang bumabalik sa kanya. Nang makita kong hindi ko siya kaya sa espada, sinipa ko siya sa may puso. Dahil sa sobrang lakas ng ginawa ko, tumilapon siya nang patagilid at hindi tumama sa mga gusali at sa mga walang muwang na tao. Ginamit ko ang bilis ko para makapunta sa may likod niya at kasabay noon ay binuksan ko ang isang portal para makaalis kami sa lugar na ito. Hindi ko alam kung saan kami makakapunta, ang alam ko lang kailangan malayo kami dito.

"Akala mo ba hindi ko alam na dadalhin mo ako sa isang lugar na mas malayo sa mga tao? Pero nagkamali ka ng desisyon, anghel. Mas inilalapit mo sa'yo ang pinakamalaki mong pagkakamali."

"Anong—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nakita kong ibinato niya ang espada niya sa isang lugar.

Simbahan.

At napakadaming tao doon.

Mas mabilis pa sa lahat nang mabilis na ginawa ko kanina ay sinalag ko ang espada niya at itinapon ito pabalik sa kanya. Mabilis niya itong inilagan.

"WAG MO SILANG IDAMAY!" sigaw ko.

Ngumiti ulit siya. "May madadamay, anghel. Ito ang itinakda. Hindi mo ba alam kung bakit sa lahat ng lugar, dito tayo nakarating? Itinakda na ang lahat. Lahat-lahat..."

"Wala kang alam sa itinakda. Tanging Siya lang ang nakakaalam ng lahat."

"Yun ba ang tingin mo, anghel? Na hindi ko nakikita ang lahat? Na yang Diyos niyo lang na walang ginawa kung hindi paglaruan ang lahat ang nakakaalam ng lahat? Hindi ko din ito ginusto, anghel! Walang may gusto na malaman ko ang lahat! Walang may gusto na umpisa pa lang alam ko na, na magtataksil kami! Pero patuloy pa rin niya akong pinaglalaruan, anghel.. PATULOY NIYA PA RIN AKONG PINAIIKOT SA MGA KAMAY NIYA!"

"WALA KANG KARAPATAN NA PAGSALITAAN SIYA NG GANIYAN!"

Biglang dumilim ang paligid at umulan nang malakas na ulan.

Sa sobrang emosyon na naramdaman ko matapos niya pagsalitaan ng ganun ang lumikha, sinugod ko siya sa pinakamalakas kong magagawa at pinatamaan ang puso niya.

Tumama sa may tiyan niya ang dalawang espada ko, at lumabas ang kidlat mula dito. Para maalis ang espada ko, sinipa ko siya ulit, at tuluyan siyang bumagsak at tumilapon sa isang bahay.

Sumugod na rin ako papunta doon sa pinagbagsakan ni Kabaiel, at nakita ko siyang nakahiga sa sahig at napakausok ng lahat. Nakalutang ako malapit sa kanya at nakita ko na nanghihina na siya.

"Isuko mo na ang sarili mo sa kanya. Hinding-hindi mo ako matatalo. Hinding-hindi matatalo ng kasamaan ang kabutihan."

Nakita ko na tiningnan lang niya ako tapos ngumiti ulit. Iba ito sa mayayabang na mga ngiti niya kanina. Sa ngiti niyang iyon, kahit hindi niya sabihin, tapos na ang lahat.

"Anghel... sa palagay mo ba ganoon kadali ang ipinapagawa mo sa akin? Ang sumuko ako sa tinatawag ninyong Diyos? Simula pa lang noong una, magkalaban na ang kasamaan at kabutihan. Hindi matatapos sa akin ang katotohanang iyon."

Hindi muna ako nagsalita, nakita kong malakas pala talaga ang nagawa kong atake sa kanya. Pero kahit ganun, alam kong natitiis niya yun. Isa siya sa mga pinakamalakas kong nakalaban, at hindi ko iyon makakalimutan.

Kailangan ko nang gawin ang huling orasyon. Ang sarili naming huling paghuhukom.

At pinili niya hanggang sa huli kung anong mangyayari sa kanya.

"Natalo mo ako, anghel. Natalo mo ang kanang kamay ng kadiliman. Pero nagsisimula pa lang ang lahat..."

Itinaas ko na ang espada ko at nagsalita na.

"SA NGALAN NG KAPANGYARIHANG IBINIGAY SA AKIN..."

Ipinikit niya ang mga mata niya. "Gusto akong mawala ng langit, dahil parehas kami ni Uriel."

"NG DIYOS NA MAY GAWA NG LANGIT AT LUPA..."

"Nakikita ko kung anong mangyayari sa'yo, anghel."

Wala akong pakialam sa sinasabi niya, ang gusto ko lang matapos na ito. "DIYOS NA MINAHAL ANG LAHAT..."

"Hindi mo ito mapipigilan."

"ANG ESPADA NG KABUTIHAN ANG TATAPOS NG KASAMAAN..."

"Isang desisyon ang magbabago ng lahat."

"MAWAWALA KA NA!"

"SA PAGKAWALA NG LAHAT SA'YO, KASABAY NOON ANG PAGKABUO NG

LAHAT! BABAGSAK KA, SA AYAW AT SA GUSTO MO! BABAGSAK KA

ANGHEL. BABAGSAK KA!"

Matapos niyang sabihin 'yon, itinarak ko na sa dibdib niya ang espada ko at bigla na lang sumabog ang liwanag. Isa ang ibig sabihin nito...

SA WAKAS. TAPOS NA ANG LAHAT!

Kabaiel. Ang huli sa sampu.

Ibinukas ko na ang napakalaking mga pakpak ko at naramdaman ko na ang hangin.

Paalis na sana ako nang may bigla kong naramdaman. Napalingon ako sa may likuran ko dahil sa malakas na enerhiya na naramdaman ko.

Isang tao ang nakatingin sa akin at nakahawak siya sa bibig niya. Wag mong sabihing—

Bigla akong napatingin sa mga mata niya.

Isang kulay ng takipsilim,

At isang kulay dugo.

Sobrang ganda ng mga mata niya, pero nakikita ang gulat sa mga ito.

Ibig ngang sabihin—

Hindi ko na natapos ang iniisip ko dahil nakita ko na lang siyang nahimatay at agad ko siyang sinalo. Nakatingin ako sa mukha niya. Maganda siya...

Naku po!

LAGOT AKO KAY MICHAEL!

Patay kang Seraphiel ka!

Patay talaga!

Continue Reading

You'll Also Like

131K 7K 47
Famine, war, and death. These were the things Rita saw during the Japanese occupation in the Philippines. The country was under the shade of Imperia...
72.1K 1.4K 57
She was a liar but she was honest. She was despicable but her heart was pure. Finally the Devil has gained her Wings. She's the Devil who came from...
26.9K 687 15
Eto ay Para sa buong pilipinas hahaha sana makatulong ang mga Tips at payo na magbibigay aral sainyo sa SCHOOL :)
2.1M 47.8K 49
(PUBLISHED BOOK UNDER LIB) Sa pagbabakasyon nina Ayanne sa San Delfin ay nakilala nila ang kambal na sina Dara at Kara. Ang masaya sanang bakasyon ay...