BHO CAMP #2: The Rockstar's P...

By MsButterfly

5.6M 107K 9.7K

Lucas Darryl King; he's loud, he's an easy go lucky person and he's a rock star. Me? I'm Freezale Night. I'm... More

BHO CAMP #2: The Rockstar's Personal Assistant
CHAPTER 1 ~ Captain and Lady ~
CHAPTER 2 ~ Personal Assistant ~
CHAPTER 3 ~ Freezale's Rules ~
CHAPTER 4 ~ Clandestine ~
CHAPTER 5 ~ King ~
CHAPTER 6 ~ Addiction ~
CHAPTER 7 ~ Love ~
CHAPTER 8 ~ Flirty King ~
CHAPTER 9 ~ Ang Dalawang Takas ~
CHAPTER 10 ~ Too Late ~
CHAPTER 11 ~ Dilemma ~
IMPORTANT ANNOUNCEMENT
CHAPTER 12 ~ Jealous ~
CHAPTER 13 ~ Grumpy King ~
CHAPTER 14 ~ I Don't Know ~
CHAPTER 15 ~ Falling In Love With A Rockstar ~
CHAPTER 16 ~ Breaking ~
CHAPTER 17 ~ Nightmare ~
CHAPTER 18 ~ My King ~
CHAPTER 19 ~ Come Back ~
CHAPTER 20 ~ Sorry ~
CHAPTER 21 ~ Done ~
CHAPTER 22 ~ Ashia King ~
CHAPTER 23 ~ On The Run ~
CHAPTER 24 ~ Lady ~
CHAPTER 25 ~ Revealed ~
CHAPTER 26 ~ Friend ~
CHAPTER 28 ~ Our Night ~
CHAPTER 29 ~ Affiliate ~
EPILOGUE
Up Next

CHAPTER 27 ~ Mr. and Mrs. King ~

173K 3.4K 328
By MsButterfly

CHAPTER 27

FREEZALE'S POV

Napapadako ang mga mata ko sa kinaroroonan ng momma Wynter ko na kasama sina Sky at Snow. Umalis na ang iba pang mga babaeng agents ng matapos silang maayusan. Sila na lang ang nag-paiwan dito. Kung makikita siguro sila ni tita Bree, kanina pa sila binigyan ng inhaler. Mas kinakabahan pa ata sila sa akin. Ah, no. Kinakabahan sila kesa sa akin. Ikakasal lang naman ako at si King naman ang pakakasalanan ko. Kaya bakit ako kakabahan?

Dapat siguro akong mag-alala kung masu-surprise ako at ibang lalaki pala ang nag-iintay sa akin ngayon sa altar.

"Ganda, wag ka masyadong yumuko."

Dumiretso ako ng upo. Kanina pa natapos ang tatay ni Rushmore na lagyan ako ng make-up. Buhok ko na ngayon ang inaayos niya.

Yup. Tatay ni Rushmore. Ang tatay kasi ni Rushmore ang nag-ayos sa mga agents noon na ikinasal na. Including my mother I guess. Siya na lang din ang nagpresinta na ayusan ako ngayon. And yes. Rushmore's father is gay. He fell in love with a woman at kahit feeling niya ay mas maganda parin siya ay hindi narin niya napigilan ang tawag ng pag-ibig.

Kanina pa siya nahihirapan sa pag-aayos sa akin dahil walang tigil ang pagtaype ko sa laptop sa harapan ko. Hindi naman kasi ibig sabihin na ikakasal lang ako ay ititigil ko na ang ginagawa namin sa experiment department. I can't stop this mission.

The mission to find Storm.

King tried to stop me from taking another mission but he didn't persuade me. Hindi ko siya masisisi dahil dalawang linggo pa lang ang lumilipas mula nang matapos ang mission tungkol sa kaniya. Mission kung saan nawala sa amin ang isa sa pinakaimportanteng tao sa buhay namin. Si Comet.

Isa iyon sa mga dahilan kung bakit pinili ko na magtrabaho. Para kahit paano ay hindi ko siya magawang isipin. But it's impossible. Not when every call I got from the wedding planner screams of him.

Kaya pala kung sino-sino ang kausap niya noon sa telepono at kung bakit parang busy siya lagi. He was fixing everything for me. Para sa amin ni King.

Iniisip ko na lang, masaya na si Comet kung saan man siya naroroon. God won't let Comet to be sad. I'm very sure He will do something to make him at ease. Because Comet deserves it more than anyone.

"Ayan na, tapos na! Lalo kang naging prettuh!"

"Prettuh?" tanong ko.

"Yah! Prettuh!"

Napailing na lang ako. Hindi ko na binalak na makipagtalo pa sa kaniya at for sure hindi ako mananalo. Si Den nga ay hindi manalo-nalo sa diskusyon sa tatay ni Rushmore. Ako pa kaya?

Tinulungan ako nina Sky na isuot ang wedding gown ko. Wedding gown na si Comet din ang pumili para sa akin. I won't throw a fit about it. Kahit na wala ng tinira sa akin si Comet para gawin ay walang problema sa akin. Because everything is perfect.

"I'm gonna cry." sabi ni momma ng masuot ko na ang wedding gown.

Nilapitan siya nina Sky at Snow at pinaypayan. Well, si Sky lang talaga ang nagpapaypay dahil parang sumasayaw lang ang kapatid ko na si Snow.

Pinigilan ko na mapangiti. I have a weird family.

Itinuloy ko ang ginagawa ko sa laptop habang kinakalma nila si momma. Saglit na napahinto ako ng may makita ako. Mabilis na i-sinend ko iyon sa control room kung saan may mga junior agent na naiwan.

Oh, fuck. Not today.

"Okay ka lang Freezale?"

Nilingon ko si Sky na siyang nagtanong. "Y-Yeah. Just nervous.?"

"Finally! Akala ko nafreeze ka na diyan eh. Mas kinakabahan pa ata kami sa iyo. Like hello? Wedding to. Dapat kabahan ka."

Napakurap ako. "Okay...?"

Sabay-sabay na napabuntong-hininga silang tatlo na para bang may ginawa na naman akong kakaiba sa paningin nila. Ipinilig ko ang ulo ko. I need to focus and get this wedding over. No time to waste.

"Let's go." I said.

"What? Pero susunduin pa lang tayo ng driver at ng Papa mo." sabi ni momma.

"Please tell them to go back. We're going."

Wala na silang nagawa ng hinarap ko ang tatay ni Rushmore at nagpasalamat. Pagkatapos non ay kipkip ang laptop na nagpaalam na ako at tuloy-tuloy na lumabas. Hindi na ako nag-abalang hanapin ang bouquet ko dahil wala naman ako niyon dito. Sa simbahan daw sa akin ibibigay.

Bukod kasi sa wedding gown, ang motiff lang ang alam ko. Black and white. Wala na akong alam pa sa ibang binalak ni Comet dahil ang nakalagay sa book plan na binigay sa akin ni Harmony ay tungkol lang sa kanta, pagkain sa reception, sa wedding gown ko at sa wedding cake.

"Freezale, wait up!" shouted Sky.

Nang makarating kami sa kotse ni Sky ay kinuha ko sa kaniya ang susi. Umupo ang naguguluhan na si momma sa harapan habang si Sky at Snow naman ay sa likuran. Nang matiyak na lahat ay nakaayos na ay pinasibad ko ang kinasasakyan namin paalis.

Is it easy as breathing to drive wearing a wedding gown? Hell no!

"What is happening here?" momma asked me.

"Something's happening."

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Sky. "Malamang kasal mo!"

Tinignan ko siya sa rear view mirror. "You see, Sky, even though we know how different you and Storm are, hindi ibig sabihin no'n ay ganoon din ang ibang tao. Apparently, we missed the fact that you and Storm looks exactly alike. Sigurado akong malapit ng makumpleto ang ideya ng Claw tungkol sa BHO CAMP. And I'm hell sure that organization is after you because they won't be coming to my wedding if they don't!

Napanganga si Sky. Pinag-iingat din namin siya noon pero talagang hindi na namin magagawang itago ang lahat. Dadating at dadating parin sa puntong ito. "We are so...fucked."

"Mouth Skylee." pananaway ni momma. "Snow call Phoenix and tell him to get the boys ready. Sky, call Dawn. She'll know what to do. There's no way this bunch of thugs will ruin my daughter's wedding."

"That's the problem momma! They're not just thugs! They're a bunch of hired killer, assassin, killer-"

Pinutol ni Mama ang sasabihin ko pa. "Calm down child. Hindi sila ang klase ng tao na uurungan ng BHO CAMP."

"And what kind of people we will surrender to mom?"

Nakangiting nilingon ako ni momma. " We only surrender to those people we love. That's our weakness."

Pilit na pinakalma ko ang sarili ko at mahigpit na hinawakan ko ang manibela. "Hindi nila pwedeng sirain ang araw na ito. King and I need to get married this day. No one can ruin this wedding that Comet worked hard to fixed."

I'm finally getting married and this is happening? Alam ba nila kung gaano kahirap ang mga pinagdaanan naming lahat para makarating lang kami sa araw na 'to?

Momma patted my arm. "They can try. But with a wedding full of agents, elite agents for that matter, I don't think they can succeed."

Tumango ako sa sinabi ni momma at lalo ko pang binilisan ang pagmamaneho ko. Nakangiting napakapit lang si momma habang si Snow ay nakataas ang kamay sa likod na parang nakasakay lang siya sa roller coaster.

"Sky."

"Yep?"

"Hold on tight."

Tumawa siya at masuyong hinaplos ang tiyan niya. "I guess my second baby will be a kickass agent too someday."

Nang makarating kami sa simbahan ay mabilis na inapakan ko ang preno. Nakita kong napatakip sa mga tenga nila ang mga nasa labas ng simbahan sa nilikhang ingay ng sasakyan. Base sa mukha ng mga agents ay alam na nila kung anong nangyayari.

Lumabas kami nila momma at dumiretso ako sa kinaroroonan ng mga agents. Inabot sa akin ni momma ang kulay blue at pink na baller. Nakita kong napaatras ang ilan sa mga agent. Alam na nila kung para saan ito.

Pauso ko. Sa mismong araw ng kasal mamimili ng bestman at maid of honor at walang kahit na sino ang maaring tumanggi.

"Dawn." I called.

"No."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Umaatras ka ba sa sarili mong mga salita?"

Binigyan niya ako ng matalim na tingin na alam kong alam naming pareho na walang epekto sa akin. Nagdadabog na inabot niya sa akin ang kamay niya. "I promise you this, Freezale. I will break this stupid tradition."

Nagkibit balikat ako. Sinabi ko na din 'yan noon. May nagawa ba ako para iwasan ang mapaglarong tadhana na ako ang napiling gawing past time? Wala. "Whatever you say." Isinuot ko na sa kaniya ang pink na baller. Nang matapos ay humarap ako sa grupo ng mga lalaking agent. Parang gusto na nilang takbuhan ako.

Isa lang ang puntirya ko at mukhang ilan sa kanila ay nakahinga ng maluwag sa nakita nilang target ko at mga hindi na napigilan ang tawa nila nang makita ang reaksyon ng lalaking ngayon ay kulang na lang ay kumaripas palayo sa akin. "Triton."

"No!" lumuhod pa ang binata at nakaangat ang kamay sa langit. "Why heaven above?! Why?!"

Bago pa ako makalapit sa kaniya ay inagaw na sa akin ni Dawn ang baller. Malakas na sinipa niya si Triton na napasigaw at walang sabi-sabing isinuot ang kulay blue na baller sa lalaki. "Remember this moron, you and I, it's impossible."

"Alam ko! Wala din akong balak na gawing posible ang imposible."

"Good. Dahil kung sa iyo lang din ako maiinlove-"

"Magpapakain ka kay Twinkle?"

Binigyan siya ng masamang tingin ni Dawn. "Hindi. Ikaw ang ipapakain ko kay Twinkle."

Napangisi ako. Ako naman ngayon ang makakaganti sa kanila. Pumalakpak ako ng malakas para makuha ang atensyon nila. "Come on guys! Let's do this! We don't have time to waste!"

Kumilos na sila at nakita kong kinausap ni Dawn ang wedding planner. Maya-maya lang ay isa-isa na silang pumasok sa loob. Nanatili akong nakatapat sa malaking pintuan na bubuksan nila kapag ako na ang papasok.

Lumabas si papa sa isang pintuan sa gilid at lumapit sa amin ni momma. He's not smiling but I can see that his eyes are twinkling.

"You look beautiful baby."

"Thanks, Pa."

Humarap kami sa pintuan. Naramdaman ko na pumalibot ang kamay ni momma sa isa kong braso habang sa isa naman ay kay papa. Bago pa may makapagsalita sa amin ay humahangos na lumabas ang wedding planner at inabot sa akin ang isang bouquet. Kinuha ko iyon at napatitig doon. Kahit nakagwantes ay nararamdaman ko ang lamig ng bulaklak. A frozen flower.

"Freezale."

Pilit na inalis ko ang mga mata ko sa bulaklak na para bang binabalatubalani ako sa ganda niyon. Nag angat ako ng tingin kay Papa. "Yes, Pa?"

"I don't need to tell you anything, right?"

My lips twitched then I smiled. Halos pareho lang kami ni Papa ng ugali. "No."

Bahagyang sumandig sa akin si momma at nilingon ko siya. "We don't need to tell you anything, Freezale. Just be happy. Iyon lang ang gusto namin para sa iyo."

Tumingin ako sa harapan ko at bahagyang ngumiti. Unti-unting bumukas ang pintuan ng simbahan. "I love you guys."

Natigilan si papa habang si momma naman ay napasinghap sa ngiti ko na para bang nanalo na ako sa lahat ng pagsubok sa mundo. Hindi ko sila masisisi. Hindi naman kasi talaga ako iyong klase ng tao na mabilis mag express ng nararamdaman niya. But since meeting King, everything changed.

Humakbang kami papasok at ako naman ang natigilan. Madilim saloob ng simbahan dahil tinakpan ang mga bintana ngunit pinalitan iyon ng ibang klase ng ilaw. Ang inaapakan namin ay iniba din. Imbis na red carpet ay animo gawa iyon sa yelo.

The place was decorated of white and blue crystal-like ornamental garlands. The pew have frozen flowers too. Para akong pumasok sa loob ng winter wonderland. The whole place reflects blue lights that made it seem like we're trapped inside of an ice cave.

Pumainlang ang 'Kung Akin ang Mundo'. Ngunit sa pagkagulat ko ay hindi ang boses ng singer ang narinig kong pumapalibot sa paligid at sa halip ay ang malamyos na boses ni King na nakatayo sa dulo ng aisle at may hawak na mikropono. Nagtama ang mga mata namin at nginitian niya ako. Pinagpatuloy niya ang pagkanta."Susungkitin mga bituin, para lang makahiling. Na sana'y maging akin puso mo at damdamin. Kung pwede lang, kung kaya lang, kung akin ang mundo. Ang lahat ng ito'y iaalay ko sa'yo..."

Madami kaming pinagdaanan ni King sa kakaunting panahon na nagkasama kami. Hindi ko maaaring sabihin na lahat ng nangyari sa amin ay puno lang ng ngiti. Dahil ilang beses niya akong sinaktan. Ilang beses akong lumuha dahil sa kaniya. Hindi ko alam kung ilang beses ko pinatatag ang sarili ko para lang basagin niya ang puso ko sa huli.

I got my heart broken by a broken man himself. At aaminin ko...mahirap magpatawad, pero mas mahirap na patuloy ikulong ang sarili sa sakit. Mahirap magmahal, pero mas mahirap ang buhay ng walang taong kukumpleto sa atin.

"Kung ako ang hari ng puso lagi kitang pababantay kay kupido. Hindi na luluha ang 'yong mga mata mananatiling may ngiti sa 'yong labi. Para sa'yo, para sa'yo."

Hindi perpekto si King. At ganoon din ako. I know King will never forget everything that happened to us. I already forgave him but it will take time before he will be able to forgive himself. Like how it will take a lot of time before I forgive myself for losing my child.

Hindi namin kailangan magmadali. Maraming panahon ang lilipas, maraming pagkakataon na magkakasama pa kami. At sa mga panahon na iyon...sabay naming unti-unting hihilumin ang mga sarili namin.

"Susungkitin mga bituin, para lang makahiling. Na sana'y maging akin puso mo at damdamin. Kung pwede lang, kung kaya lang, kung akin ang mundo...ang lahat ng ito'y iaalay ko sa'yo."

Halata ang pagkamangha sa mga bisita kay King habang kumakanta siya. Bihira kumanta si King ng tagalog. At bihira din na gumawa ng cover si King. Pero alam ko kung ano ang mas nagpapamangha sa kanila ngayon...ang emosyon na alam kong nakikita nila sa mga mata ni King. Emosyon na alam kong repleksyon na makikita sa akin.

Nang makarating na kami nila momma sa tapat ni King ay nakangiting inabot niya ang mic sa ngayon ay best-man na niyang si Triton. Akmang lalapitan na ako ni King ng lahat kami ay mapalingon kay Triton.

"Boom boroom boom boom boroom boom bey- Aray!"

Hinatak siya ni Dawn sa isang tabi. Napapailing na bumaling sa akin si King upang mapanngiwi lamang kami sa malakas na tunog na nanggaling sa mikropono ng ipinalo iyon ni Dawn sa ulo ni Triton.

Nangingiting inabot ni Papa ang kamay ko kay King. "Bilisan niyo na bago pa gumuho ang lugar na ito dahil sa dalawang iyon."

Mahigpit na pinagsalikop ni King ang mga kamay namin. A smile formed on my lips. "Let's do this. Before this place literally explode."

Tinapunan ng binata ng tingin ang tahimik na ngayon pero nagbabangayan parin na aso't pusang mga boss ng BHO CAMP. "Yeah. Those two can do that perfectly."

"Among other things."

Bahagyang kumunot ang noo ni King ng tinulungan ako na makaakyat sa kinaroroonan ng pari. "Meron pa bang iba?"

"Yes. Like a crowd of hired killers that is planning to crash our wedding."

"What?!"

Nginitian ko ang pari at bahagya kong nilingon si King na para bang gusto na akong itakbo paalis sa lugar na 'yon. "Shh. Concentrate."

"What the-"

"No cursing, King."

Hindi makapaniwalang nakatingin siya sa akin pero wala na siyang nagawa nang panlakihan ko siya ng mga mata at inginuso ang pari. Magalang na tinanguhan niya si Father at bahagyang dumukwang sa akin para bumulong sa tenga ko. "I'm so glad to marry a beautiful baddass woman. No day will get boring."

I rolled my eyes at him. "I can say the same to you, rockstar."

Nagsimula na ang seremonya. Hindi iilang beses na kinulit ako ni King habang nangingiti na lang na nagpapatuloy ang pari. Bukod sa palihim na pagkurot kay King ay napapangiti na lang din ako.

I'm glad to have the old King back.

"We are gathered here in the sight of God and these witnesses to unite Freezale Night and Lucas Darryl King in holy matrimony."

"Lucas Darryl King will you have Freezale Night to be your wife, to live together as friend and mate? Will you love her as a person, respect her as an equal, sharing joy as well as sorrow, triumph as well as defeat. And keep her beside you as long as you both shall live?"

"Hel- Heaven yeah! I do, father!"

My crazy man. Yes...mine.

"Freezale Night will you have Lucas Darryl King to be your husband, to live together as friend and mate? Will you love him as a person, respect him as an equal, sharing joy as well as sorrow, triumph as well as defeat. And keep him beside you as long as you both shall live?"

Tinignan ko si King. Ngumiti siya ngunit halatang kinakabahan siya sa magiging sagot ko. Mas mukha pa siyang kinakabahan ngayon kesa kapag nasa harapan siya nglibo-libong mga tao. I won't get surprised if he'll suddenly pass out because of nervousness.

Sinulyapan ko ang relo sa isang bahagi ng simbahan.

I still have time.

"Why would I marry you, King?"

Napasinghap ang mga taong saksi namin. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong napatayo ang mga magulang ko at ganoon din ang mga magulang ni King.

"Freezale..."

"Sinaktan mo ako ng paulit-ulit." diretsong sabi ko sa kaniya at nanatiling nakatingin sa mga mata niya.

"Lady, don't do this please."

"Pinaiyak."

Bakas na bakas sa mukha niya ang takot. Takot na iiwan ko siya ng mga oras na ito. He looks like a man that is currently falling off a cliff with nothing to hold on to. And that is what I want to make him understand.

That no matter what we've been through, no matter how he hurt me with his mistakes....he can still hold on to me.Dahil nagdesisyon na ko na makasama siya habang buhay. Dahil alam ko na sa puso ko na hindi ko siya kayang mawala sakin. "Tell me, King. Why would I marry you?"

"B-Because I love you."

Umiling ako. "That's not enough. What you loving me will do to us? Will it make things work? Will it make me stay?"

"Freezale please..."

Tinignan ko siya ng direkta sa mga mata. "Alam kong alam mo kung ano ang isang bagay na maari mong panghawakan. Na hindi lang ang pagmamahal mo sa akin. Alam ko na itinatanggi mo sa sarili mo ang bagay na iyon kahit na nakikita mo na. Itinatanggi mo sa sarili mo dahil pakiramdam mo ay hindi ka nararapat para sa bagay na 'yon."

"I love you, Freezale."

"It's not enough." hinawakan ko ang kamay niya. "Say it, King. Tell me what it is and start to believe it."

Pain lashed to his eyes. "You...you love me. Still."

Nakangiting tumango ako. "Yes. I love you." humarap ako sa pari at ngumiti. "And that's why my answer is I do, father."

Naramdaman ko na sumubsob sa leeg ko si King. Pinalibot niya ang mga braso niya sa bewang ko at niyakap ako ng mahigpit. "God, I love you, Lady."

"That is why we're here, Captain."

Nagpatuloy ang kasal at nanatili kaming magkahawak kamay. Nang dumating ang oras na pinagharap na kami ng pari sa isa't-isa upang sabihin ang vows namin ay huminga ng malalim si King at nagsalita habang hawak ang isa kong kamay at sa kabila naman ay ang sing-sing.

"Freezale Night, the snob sister of my friend Thunder. My hot elevator girl. My lady. Aaminin ko, hindi kita nakilala ng mga oras na iyon. Not when I'm drunk off my ass. But at that time, while I stumble from that bar and see this lady who's petting a damn lucky cat, talking with it sweetly, I swear I thought I heard a voice of an angel. Ang nasa isip ko lang ay hindi kita kayang pakawalan dahil gusto kitang makilala. But I guess I didn't made a great first impression right?"

Pigil ang ngiti na umiling ako. But I cannot fool him. King became one of the person that I cannot hide my feelings to. At alam niya kung gaano ang inis ko sa kaniya nang mga panahong iyon na kulang na lang ay isumpa ko siya.

"Wala na akong mahihiling pa sa buhay ko. Lahat na pakiramdam ko meron ako noon. Pero may mga bagay na hindi ko kayang habang-buhay na itago. Mga bagay na hindi ko pala makakayang baliwalain. Akala ko walang epekto ang pang-iiwan niya, ang kakulangan ko bilang isang lalaki, ang tingin ko sa mundo...pero meron pala. I became a world class jerk. I played around without caring if I'm hurting anyone. I played around like I own the world....like I conquered it. I eat up all the fame. Everyone thought I was a star shining in front of them...but they don't know how black my world is. I was trapped there. Until I found you. The only light that able to fought pass through my darkness.

You made an impact into my life. Nagawa mo akong baguhin ng hindi ko man lang nalalaman. And when I realized how you can easily crept into my heart, like a dog with tail tucked behind its legs, I ran. Natakot ako sa mga nararamdaman ko para sa iyo. Isang bagay na alam kong hindi ko magagawang kontrolin kung hindi ko pipigilan ang sarili ko. I hurt you, did things I am not proud of, and then when I finally realized how much I love you...I already lost you. Or I thought I lost you.

Hindi ko alam kung anong bagay na mabuti na nagawa ko sa buhay ko para ibigay ka parin sa akin. I don't deserve you, but I will try my best until the very last breath that I will take to become right for you. I love you. Hindi na kita muling bibitawan, Freezale. I will be beside you every morning, playing with your hair...waiting for you to wake up, every night I will hugged you tight, and when I'm on stage singing for the world, I would search for you because nothing matters more than you. And at the end of every day, I will hold your hand, cause it will always be with you I'll go home to."

Hinalikan ni King ang kamay ko at ngumiti. I can see emotions flowing from his eyes through me. Who would have thought that we will come this far. Na dadating kami sa pagkakataon na ito kung saan malaya naming pinararamdaman sa isa't-isa ang mga kinatatakutan namin noon.

"And thank you to my friend...my brother, Comet. Dahil kung hindi dahil sa kaniya, wala ako dito...at wala ang babaeng pinakamamahal ko sa harapan ko. He gave us a chance to live and to love. He gave me a chance to begin again with you, Lady. And In the name of God, I vow to take you as my wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, for as long as we both shall live. This is my solemn vow."

Sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha sa mga mata ko ng tuluyan na niyang isinuot sa akin ang sing-sing. Hindi matatawaran ng sakit na naramdaman ko ng mahalin ko siya ang kasiyahan na nararadaman ko ngayon.

Hindi na mahalaga kung nagkasakitan kami. Ang mahalaga ay kung ano ang meron kami ngayon.

"Lucas Darryl King, babe magnet, King Luck, the ladies man, the panty snatcher. Iyon ang pagkakilala ko sa iyo. And you proved it. You did try to snatched my undies away that night at the elevator."

Narinig kong mahinang tumawa ang mga nanonood sa amin habang ang pari naman ay napapailing na lang at nakangiting nakatingin sa amin at nakikinig.

"Ako iyong klase ng babae na tinatago ang emosyon niya. Kadalasan din wala akong pakielam sa paligid ko. But you made me noticed things...you made me noticed you. Nang mas makilala pa kita, nakita ko ang King na itinatago mo sa lahat. Nakita ko ang sakit na tinatago mo sa paraan na kahit ikaw ay hindi mo na iyon nalalaman. My heart just want to reach out for you no matter how I tried to stop it.

Hindi ko gusto na mahalin ka. Ilang beses kong sinabihan at pinigilan ang sarili ko dahil alam kong hindi mag wa-wakas sa maganda ang maaaring mangyari sa atin. But love can never be controlled, if you try, you'll just end up hurt. And I did get hurt. That time, there was nothing left of me. Kaya bumitaw ako. Sumuko na ko. That should stop the pain right? But it didn't stopped. Kada makikita kita mas nasasaktan lang ako. Pero hindi ko parin magawang patigilin ang puso ko na mahalin ka.

Hindi man siguro natin magagawang kalimutan ang mga nangyari ng tuluyan pero mapapalitan natin iyon ng masasayang sandali. That maybe time will come that when we look back at those time, it won't be painful anymore. Alam kong hindi iyon imposible. Because, Captain, you are already the master of my heart. You can command it to hurt, you can command it to be happy. My heart is all yours. I trust you not to break it again, like I will never break yours.

Alam kong natatakot ka na maiwan muli ng taong minamahal mo. I want you to understand that there's no way that I will leave your side. I will be lying beside you every morning waiting for you to wake me up, every night I will be there to be wrapped in your arms, and when you're up on the stage singing for everyone...I will be standing on the side waiting for you to come back to me. I love you, King. I'm willing to do anything for you. And if life will want me to go through all that pain again, I will bravely face it knowing that there will be no greater feeling in this world than loving with all your heart. My beautiful broken man. It wasn't my responsibility to fix you before and now...it still isn't. Responsibilidad mo iyon sa sarili mo katulad ng responsibilidad kong buuin ang sarili ko. And we might not fix ourselves. We don't need to. Kailangan lang nating manatili sa tabi ng isa'-isa. Even though love can't fix what have been broken, it can help us stay by each other side holding each pieces together for the rest of our lives."

Pinunasan ni King ang luhang naglalandas sa pisngi ko. Dumukwang siya at hinalikan ang noo ko, hanggang sa basa kong pisngi. Nakangiting bahagya akong lumayo sa kaniya at muling nagsalita.

"Masakit man na nawala si Comet sa atin, ipinagpapasalamat ko na nagawa niya tayong gisingin. Pinrotektahan niya tayo pareho...ginawa niya ang lahat para bumalik tayo sa isa't-isa. Comet was our angel. Hindi niya tayo pinabayaang maging malungkot na magkahiwalay hanggang sa huling sandali. And I will be forever grateful for that. Because now, I have you...and you have me. Completely. And In the name of God, I vow to take you as my husband, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, for as long as we both shall live. This is my solemn vow."

Isinuot ko ang sing-sing sa daliri ni King. Nakangiting hinila niya ako at hinalikan sa ibabaw ng ulo. Nakangiting tumingin si King sa pari. "Can I kiss my lady now, father?"

The priest's eyes crinkled when he smiled. "In a moment, son." Inilibot niya ang paningin niya sa mga tao sa simbahan at nagsalita. "Now that Lucas Darryl King and Freezale King have given themselves to each other by the promises they have exchanged, I pronounce them to be husband and wife, in the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit. Amen. Lucas Darryl King, you may now kiss the bride."

Nagpalakpakan ang lahat ng iniangat ako ni King at biglang hinalikan. Ipinalibot ko ang mga braso ko sa balikat niya at tinugon ang halik niya. Animo nawala ang lahat ng tao sa paligid at kami na lamang ang natitira roon.

Ngunit naputol ang masasaya naming sandali ng may marinig kaming malakas na ingay na galing sa biglang paghinto ng sasakyan sa labas ng simbahan. Kasabay no'n ay ang pagtunog ng laptop ko na nasa sa isa sa mga agent.

"Fuc-"

"No cursing at the church, Mrs. King."

I rolled my eyes at him and smiled. Tumingin ako sa mga agent at nakita kong lumalabas na ang ilan sa kanila. Lumapit naman si momma sa pari. Maglalakad na sana ako para sumunod sa mga agent ng maramdaman ko na pinigilan ako ni King. "King..."

He smiled widely. "I'm coming with you."

I tried to hide my smile, but failed. Magkahawak kamay na naglakad na kami palabas. Siguradong hindi hahayaan ng mga original elites na may makalabas. Hindi nila pwedeng makita ang mga magaganap.

Nang makalabas kami ay nagulat pa ako ng makita ko si Archer na talon ng talon sa kinatatayuan niya na parang nag wa-warm up habang may hawak na guitara na para bang baseball bat iyon.

"What the hel- heaven's are you doing Archer?" I asked him.

"Readying myself."

"Go inside!"

He looked at me and raise his eyebrows. "And miss the fun? No way."

Nakita kong nasa tabi niya din si Rushmore. Ilan sa mga agent ay nasa unahan habang si Sky at si Den na parehong buntis ay nasa bandang likod. Base sa pagkakasimangot ni Den ay wala siyang balak pumasok sa loob.

"Freezale."

Nilingon ko si Dawn na siyang tumawag sa akin. Inihagis niya sa akin ang isang baril. Si kuya Thunder naman ay inabutan si King. He patted King's back and find his own position.

"Careful, Captain." I said to him.

"Got it, Lady."

I step forward and I felt King stepped with me. Inakbayan niya ako habang sa isa niyang kamay ay nandoon ang baril.

"Konti lang sila." imporma ko kay Dawn.

"Yeah. Underestimating us again." a smirked lifted the corner of Dawn's lips. "Mapupuno ang infinity room ngayong araw na ito."

Ang infinity room ang isang kwarto sa headquarters ng BHO CAMP na walang kahit na anong magagawang paraan ang makukulong na makakawala pa. Maliban na lang kung pakakawalan siya mula sa labas.

Napatingin ako sa harapan ko ng bumaba sa isa sa tatlong sasakyan na nakatigil ang isang lalaking mukhang hoodlum. Mukha siyang ordinaryong tauhan lang. Tama si Dawn. Minamaliit nila kami.

At iyon ang pagkakamali nila.

"Ibigay niyo sa amin ang babaeng iyan." mayabang nasabi ng mukhang hoodlum at itinuro si Sky. Nakita kong nagtagis ang mga bagang ni Adonis.

"At bakit?" tanong ko.

"Hindi ikaw ang kausap ko."

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "You-"

Napanganga ako ng biglang napatalon ang lalaki ng may tumamang bala ilang dangkal ang layo sa mga paa niya. Nanlalaki ang mga mata na tinignan ko si King na siyang nagpaputok. Tumingin din siya sa akin. "What? At least I didn't hit him."

Nangingiting umiling na lang ako. Humarap ulit ako sa mukhang hoodlum na lalaki na masama na ang tingin ngayon kay King. Nagsalita siya. "Hindi kayo masasaktan kung ibibigay niyo sa amin ang babaeng-"

Hindi immune ang lalaki at tinablan siya kaagad ng malamig kong tingin. "Kung hindi mo napapansin, marami kami ngayon na nandito at lahat kami ay armado."

"S-Sinong tinakot mo?"

"Wala. Hindi ako nanakot. Sinasabi ko lang ang bagay na hindi ata rumehistro sa utak mo na hindi ko alam kung utak bang matatawag."

"Aba't! Hindi ikaw ang kailangan namin! Kailangan lang namin ang babaeng iyon!"

"Hindi namin siya ibibigay sa iyo kaya umalis na kayo dito. Kung hindi niyo napapansin nasa harapan tayo ng simbahan."

Itinutok sa akin ng lalaki ang baril. "Wala akong pakielam!"

"Leave or you will regret it."

"Hindi mo ba ako kilalang babae ka?!"

Tinaasan ko siya ng kilay at nilingon ko si King. "Kilala mo?" Natatawang umiling si King at pagkatapos ay ibinalik ko sa lalaki sa harapan namin ang atesyon ko. "Dapat bang kilalanin kita?"

"May tatlong tao na akong napatay! Sampung tao na nanakawan, limang tao na na-rape at-"

"At pangit ka!"

Si Snow ang sumigaw no'n. Binato niya pa ang lalaki ng sapatos niya. Hindi iyon tumama sa mukhang hoodlum at sa ibang kasama niya iyon tumama. Nagulat marahil ang hoodlum at nagpaputok sa gawi ni Snow. Kung hindi lang ito naitulak ni Phoenix ay baka natamaan siya. Ganoon din ang tinamaan ng sapatos ni Snow...at si Triton naman ang tinamaan.

"Phoenix!" sigaw ni Snow.

"I'm fine."

Kinuha ko ang baril na hawak ni King at hinawakan ko siya sa kamay. Hinila ko siya paatras at nakita ko na ganoon din ang ginawa ng ibang agent. Pinaatras ni Eris at Enyo si Archer at Rushmore na mukhang nagtataka sa nangyayari.

"Snow." may babala sa tinig ni Phoenix na sanay na sa mga ganitong pangyayari kapag sumasabog sa galit ang kapatid ko.

Kung ako na walang emosyon ay nagiging tanga kapag nagkakaroon niyon, si Snow naman na laging punong puno ng positive emotions ay hindi gugustuhing kaharapin nino man kapag naging negatibo ang mga emosyong 'yon.

"You're bleeding."

"I'm fine."

"YOU'RE NOT FINE!"

Tahimik na pinanood ko lang sila. Si Dawn naman ay lumapit kay Triton na pilit na ngumiti. "Huu! Daplis lang to! Kayang kaya to ng machong si ako-"

Napatigil siya ng humarang sa harapan niya si Dawn. Humarap ang babae sa mga hoodlum na sa kabila ng pagtataka ay mukha ng kinakabahan lalo na ng umatras kaming lahat. "Isa lang ang pwedeng manakit kay Triton...at lalo na ang bumaril. Ako lang."

Triton chuckled nervously. "D-Dawn..."

"Wala kang karapatan na daplisan ang tukmol na to kahit hindi mo sinasadiya."

Dumako ang mga mata ko kay Snow na hawak ni Phoenix sa kamay at pilit paring kinakalma."Snow. Calm down."

"You're not fine!"

Mabilis ang naging pangyayari. Nakakawala si Snow kay Phoenix at bago pa makahuma ang mga lalaki na nababalatubalani sa nangyayari ay nandoon na si Snow. Kung sino-sino ang nahagip ng suntok at sipa niya. Para lang siyang nagtatantrum na bata., Ang kaibahan lang....mga malalaking lalaki ang binabalibag niya.

Si Dawn naman ay hindi kumikilos sa kinakatayuan niya at nagpapaputok lang gamit ng Mist na hawak niya. It's a gun that can put even a grown man into slumber. Hindi siya gumagalaw kahit kaunti mula sa kinatatayuan niya pero walang nakakawala sa paningin niya. Lahat iyon ay napatumba niya.

"Hel- Heavens." bulalas ni King.

I smiled at him and calmly lead him back inside. "Looks like we're not needed. Let's just take some wedding picture." Naglakad na kami papasok. Napatingin ako kay King ng bahagya niyang pinisil ang kamay ko. "Hmm?"

"Have I told you that your family is cool?"

Natatawang umiling ako. "No. But don't tell them that. Lalaki lang ang ulo ng mga iyon." sabi ko at kinindatan siya. "Let's get our picture done. Then the reception. Then after that we need some quiet time...alone." pilyang sabi ko.

Hinapit niya ako palapit sa kaniya. Dumukwang siya hanggang sa nasa tapat na ng tenga ko ang labi niya. "May isang ulo na lumalaki na ngayon dito. And he says 'Let's get our picture done, then let's go straight to the honeymoon'."

Well...pwede din. Right?

"Pilyo ka ha." sabi ko at kinurot ko siya sa tagiliran.

"Pilya ka din naman."

"Mahal mo naman."

He smiled at me tenderly. "True that."

I guess we need to hurry up. We need to take a bunch of pictures, and maybe we'll attend the reception for a while...then we will go to our honeymoon. After all, you cannot keep a rockstar waiting.

Especially the rock star's wife.


__________________End of Chapter 27.

Continue Reading

You'll Also Like

1.7K 170 22
Selena Villanueva, the woman who is just looking for love with someone she is gradually falling in love with. She became even more miserable when she...
4.6M 95.3K 33
I'm Dawniella Davids. Kilala ako ng lahat sa pagiging mataray ko, kaya ilag sa akin ang lahat. Maliban kay Triton Lawrence, ang nag-iisang tao na may...
6.4K 50 3
Unpleasing Beauty Series #2 A series collaboration with illuminativity This story contains disturbing, sensitive, and depressing scenes, read at you...
3.3M 112K 65
Death is my name and Death can be my game. Deathalè at your service.