TEENAGE HERO |ON GOING|

By Greycco1723

1.5K 35 4

Kung ikaw kaya s'ya ano kayang pipiliin mo Love or Mission??. More

TEENAGE HERO
TH ~ 1
TH ~ 2
TH ~ 3
TH ~ 4
TH ~ 5
TH ~ 6
TH ~ 7
TH ~ 7.25
TH ~ 7.50
TH ~ 7.75
TH ~ 8
TH ~ 9
TH ~ 10
TH ~ 11
TH ~ 12
TH ~ 13
TH ~ 14
TH ~ 15
TH ~ 16
TH ~ 17
TH ~ 18
TH ~ 19
TH ~ 20
TH ~ 21
TH ~ 22
TH ~ 23
TH ~ 25
TH ~ 26
TH ~ 27
TH ~ 28

TH ~ 24

11 0 0
By Greycco1723

"Nathan wait lang ha! cr lang  ako." Sabi ni Aira matapos tingnanan hawak na cellphone. Nag-iba ang ekspresyon ng muka niya matapos niyang makita ang notification na nag-iindicate na mayroon na namang modified watts sa di kalayuan.

"Ah sige. Diretso ka lang diyan at makikita mo na yung cr.  Gusto mo samahan kia? " Pag-bibigay ng direksyon ni Nathan para hindi maligaw ang dalaga.  Umiling namwn si Aira bilang tugon atsaka lumakad papunta sa direksyong itinuro ng kasama samantalang si Nathan naman ay naiwang magisa sa kubo.

Hindi naman maiwasan ni Nathan ang magtaka dahil so a tuwing tumutunog ang cellphone ng dalaga ay lagi nalang nag-iiba ang ekspresyonng muka nito at nagsisilbing ibang tao.  Nagkibit-balikat si Nathan at inalissa isipan ang nakitang pagbabagong ekspresyon ng muka ng dalaga at itinuon nalamang ang buong atensyon sa librong nakapatong sa lamesa sa tabi niya.

Sa kabilang banda,  patuloy naman ang ginagawang paglalakad ni Aira hangang makarating siya sa sinasabing palikuran ni Nathanl. Imbis na pumasok sa siya sa loob ng nasabing palikuran ay nagtungo siya sa likuran nito at nagmasid sa paligid kung meron bang ibang tao na makakakita sa kaniya.  Nang masiguro niya na siya lang ang nadoon sa lugar ay agad siyang pumikit at nagsimulang ituon ang konsentrasyon sa gagawin niya.

Inangat niya ang kaniyang braso at inangat  naman ang kamay na kinalalagyan ng bracelet sa dibdib.  Nagumpisa siyang magipon ng lakas at chiatsu na magnunula sa kaniyang mga paa,  binti at ibat-iba pang bahagi ng kaniyang katawan.  Inilagak niya ito sa isang partikular na bahagi ng kaniyang katawan kung saan nakalagay ang bracelet na ibinigay sa kaniya ni Dillan na siyang  magsisilbing medium upang tuluyan na niyang ma-actvate o mailabas ang kaniyang sandata.

Nang sapat na ang dami ng chiatsung nailagay niya sa bracelet ay unti-unti igong nagliwanag,  isang kulay asul na liwanag ang inilabas nito at unti-unting lumiit hangang sa maging isang kulay asul na pana.  Kasabay ng paglitaw ng kaniyang sandata ay ang paglabas din ng kqniyang jacket at maskara na siyang nagsisilbing pkaniyang balat kayo upang walang makaalam ng kaniyang tunay na pagkatao.

Nang tuluyan ng makumpleto ang kaniyang tranformation ay agad siyang lumabas sa likod ng palikuran at tinungo ang lugar kung saan nasasagapng cellphone ang pinakamalakas na signal.

Dala ang kulay asul na pana,  hindi alintana ni Aira/ Blue kung gaano kasukal ang kaniyang dinaranan.  Wala siyang ibang ginawa kung hindi sundan ang direksyong ibinibigay ng kaniyang cellphone.  Base dito,  mayroong limang modified watts na nagkalat palibot sa park at hindi niya alam kung sino ang uunahin sa mga kalaban.

Patuloy lang siya sa pagsunod sa cellphone niya hanggang sa mkarating siya sa isang lugar sa park kung saan madalas matagpuan ang mga taong nagmamahalan o mas kilala sa tawag na ' THE COUPLES PLACE'.  Kung sa pangalan ka lang ng lugar magbabase ay mahihinuha  na napaka romantic ng lugar na ito.  Halos araw-araw ay dinarag sa ito ng mga magkasintahan upang magpalipas ng oras na magkasama.  Mga nagtitinda ng ice cream,  mga taong  magkahawak ng kamay habang naglalakad at mga nakalatag na blancket na inuupuanng mga pare ng taong nagmamahalan.  Pero ngayon ibang-iba ang makikita mo matapos sirain ng halimaw na modified wats ang buong lugar.

" Ha-halimaw!  Huwah! " Malakas na sigaw ng mga taong nakakita sa modified watts na sumalakay sa naturang parke. Nagkala narin sa buong paligid ang iba-ibang klase ng mga basura dahil narin siguro sa kagagawan ng halimaw.

Kitang-kita ni Blue kung pano magsigawan at tumakbo ng mabilis ang mga taong  masaya sanang nagde-date sa naturang lugar.

"Hu-huwag ka-kang lu-lumapit.  Ahhhh!  la-layuan mo kami,  halimaw ka." Isang malakas na tinig ng babae ang umalingawngaw sa buong paligid na siyang nakapagpabalik kay Blua sa realidad.  Agad niyang tiningnan ang lugar kung saan niy narinig ang malakas na tinig at doon niya natagpuan ang dalawang taong nanatili parin sa ligar kung nasaan ang modified watts na sumasalakay.  Bigla siyang naalarma,  dahil ang isa sa mga ito ay nakahandusay sa lupa at walang malay habang ang isa naman ay  nwkaupo habang umiyak dahil narin siguro sa takot.

Wala nang sinayang na oras pa si Blue at agad niyang hinila ang taling nagdudugtong sa bawat dulo ng kaniyang pana,  hinayaan niyang dumaloy ang kaniyang chiatsu sa kaniyang kamay hangang sa makaipot ito ng sapat na lakas at antas ng chiatsung kailangan. Tinantiya niyang mabuti,  tinutok at sinigurong sa ulo ng kalaban tatama ang palasong kaniyang papakawalan. Nang masiguro niya na hindi na siya magmimintis at sa target talaga tatama ang palaso ay agad na niya itong pinakawalan.

"Maglaho ka na! " Sabi ni Blue matapos lumipad ang palaso na dumiretso naman sa ulo ng modified watts na siya namang dahilan para bumagsak ito sa lupa.

"Ahhhh! "  Sigaw ng babae matapos makita ang kulay asul na liwag na korteng palaso na tumama sa ulo ng haliamaw.

"Ayos ka lang ba? " Humahangos na sabi ni Blue.  Matapos niay kasing makita ang pagbagsak ng modifidled watts sa lupa ay tumakbo na siya agad palapit sa dalawa.

"Si-sino ka? " Nauutal na sabi ng babae ng rahil sa takot.

"Huwag kang magalala kakampi ako kaya wala kang dapat ikatakot. " Malumanay na sabi ni Blue.

"Ibig sabihin ikaw yung yung tumalo sa halimaw na iyan? " Sabi pa ng babae tapos itinuro ang katawan ng nakabulagtang modified watts sa lupa.

"Oo pero wala na tayong oras para sa kwentuhan.  Teka may sugat ka?! " Puna ni Blue sa hita ng babae.

"Ah eto ba?  Natamaan ito kanina ng nabasag na bote  nang may tumilapon sa amin at ito namang kasama ko... " Turo sa kasma niya.  Medyo nawala ang kaba ni Blue matapos marinig ang sinabi ng babae. Para tuloy siyang nabunutan ng tinikbsa lalamunan.  Akala niya ay galing sa Modified watts ang sugat na natamo nito.  Ay iyon pala ay galing sa nabasag na bote.  Malaki kasi ang posibiledad na sa oras na masugatan ka ng kuko,  ngipin o kahit anong klaseng pagatake ng isang modified watts ay maari mong ikamatay. Sa bawat atake kasing panipakawalan ng isang modified watts ay may kasamang lason na sa oras na humalo sa dugo mo ay siguradong magiging dahilan ng iyong maagang pagkamatay. May ininilabas itong likidong dumidiretso sa utak at puso ng tao at unti-unti nitong sinisira ang mga nasabing parte ng katawan kasama ng ipa pang organ ng katawan ng tao.

"At ito namang kasama ko...  'wag mong intindihin iyan.  Nuong nskita kasi niyang may tumamang piraso ng bubong sa hita ko at lumas ang dugo mula dito ay ayan, hinimataybang loko! takot kasi iyan sa dugo eh! " Dugtong pa ng babae habang pinipindot ang pisngi ng kasamang lalaki na ngayon ay nakahiga parin sa lupa. Napahinga naman ng malalim si Blue, sobra siyang nagaala sa dalawa at inakalang nagtamo ng malalang sugat lay iyon pala ay mga minor injury lang nakuha ng mga ito.

"Wait lang huwag kang gagalaw,  gagamutin ko lang ang sugat mo! " Sabi ni Aira atsaka inabot ang botelya ng tubig mula sa bag.

"Oy,  oy teka lang. Oy baka masakit iyan ayoko sa alkohol!  dahan-dahan lang o kaya kahit betadine nalang ang ilagay mo pwede na iyon. " Sabi ng dalaga na ngayon ay hinihimas ang hindi naman kalakihang sugat.

"Chill ka lang ate!  Tubig lang ito at hindi alkohol kaya wala kang dapat ipagalala. " Sabi naman ni Blue para mapanatag ang loob ng dalaga.

"Tubig?  ano namang magagawa ng tubig sa sugat ko?  holly watter ba iyan? " Tanong naman ng dalaga  na bakas ang napaka-laking question mark sa muka.  ヾ(¯∇ ̄?๑)

"Basta,  watch and learn!" Simpleng sabi ni Aira atsaka binuksan ang botelyang gagamitin sa panggagamot.  Pumikit siya para makapag-concentrate ng maayos at mapagaling ng maayos ang sugat ng babae.

"Hala ate faith healer ka?  magkano ba singil mo diyan?  baka pwedeng donation lang?  taghirap kasi ang bansang Xenox ngayon eh! " Sabi ng babae.  Hindi naman naiwasan ni Blue ang mapangiti lalo na nung narinig niya na taghirap daw ang bansang Xenox ngayon.

"Ate alam mo free ang service ko kaya relax ka lang diyan at ako ng bahala sa iyo! " Sabi ni Blue at itinuloy ang kaniyang ginagawa.

"Okay. " Simpleng sagot ng babae at tiningnan nalang si Blue na ngayon ay nakapikit parin.

Kinumpas ni Blue ang kaniyang kamay kasabay ng paglabas ng tubig sa maliit na botelya at ang pagilaw nito.  Iminulat na niya ang kaniyang mga mata atsaka inilapat ang dalawang kamay sa hitang may sugat ng babae.

Manghany-mangha naman ang babae sa mga nakikita niya.  Malamang!  ikaw ba naman ang makakita ng babaeng nagpapagalaw a t nagpapailaw ng tubig at pinagaling pa ang sugat mo ay hindi ka hahanga?  kaya ngayon nganga lang si at sa sobrang pagkaamaze kay Blue atsa taglay nitong abelidad sa pangagamot.  \( ö )/

"Hala ate akalain mo astigin ka pala?!  akala ko faith healer ka yun pala magician! taka kaano-ano mo si Sunade? " Tanong naman ng dalaga matapos makita ang unti-unting paghihilom ng sugat Niya.

"Sunade? "

"Don't tell me hindi mo kilala si Sunade? "

"Hindi eh! "

"Siya yung prinsesa at ikalimang Hokage ng Konoha! "

"Saan naman itong Konoha? at ano kamo Hokage?  ano naman yun? "

[ "Blue  naririnig mo ba ako? " ] Tinig ni Gold na nagmumula sa communication device na nakasabit sa tenga ni Blue.

"Oo Gold naririnig kita. " Sagot niya habang pinipindot ang buton sa gilin ng device.  Ito yung paraan para makapagsalita o makausap niya yung bantay at nakantabay sa homebase.

[ "After diyan sa ginagawa mo ay dumiretso ka sa point D,  makikita mo iyon sa bandang lawa malapit sa mga kubo sa gitna ng park.  Kumikilos na rin sila White,  Purple and Violet at trinatrabaho yung tatlo na kasalukuyan ding nanggugulo diyan sa park. " ]

"Sige papunta na ako. " Sagot ni Blue atsaka tumayo.

"Ate next time nalang tayo magkwentuhan may pupuntahan pa kasi ako eh! "

"Ah ganun ba?  eh paano yung katawan ng halimaw? "

"May pupuntahan lang ako pero babalik din ako kaagad parasa katawan ng halimaw.  Mas maganda siguro kung umalis na kayo rito sa oras na magising iyang kasama mo. Baka mapahamak pa kayo at hindi masisiguro na darating ulit ako paraviligtas kayo. "

"Oo aalis narin kami kaagad pero maraming salamat pala sa pangagamot mo sa akin ha!"

"Wala iyon,  sige alis na ako. " Sabi ni Blue tuluyan ng tumakbo paalis para pumunta sa susunod na target niya.

***

GrEycco 1723

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 101K 33
When an unlikely group comprising of a photographer, writer, musician, artist, and poet band together for a documentary film project, anything can ha...