Fifteen Seconds

By thephantelle

1.2M 15.2K 2.3K

❝Fifteen seconds... and I fell in love with him." More

Fifteen Seconds
I. Kuya (Kathryn)
II. Lola Bambini (Kathryn)
III. Summer Escapade (Kathryn)
IV. Night with Rina (Kathryn)
V. Revelations (Kathryn)
VI. Childhood Memories (Kathryn)
VII. Lies (Daniel)
VIII. Ice Cream (Daniel)
IX. Sad Truth (Kathryn)
X. Who You Love (Kathryn)
XI. Help (Kathryn)
XII. Scared (Kathryn)
XIII. Treehouse (Daniel)
XIV. Letter (Kathryn & Daniel)
XV. Still (Kathryn)
XVI. Hurt (Kathryn&Daniel)
XVII. Three Words (Kathryn & Daniel)
XVIII. With You (Julia & Kathryn)
XIX. Farewell, Neil (Kathryn & Daniel)
XX. Happy Birthday? (Kathryn & Daniel)
XXI. Khalil (Kathryn)
XXII. Papa (Kathryn & Daniel)
XXIII. Official (Kathryn)
XXIV. Selfish (Kathryn)
XXV. Vangie (Kathryn)
XXVI. Master (Kathryn)
XXVII. Migraine (Kathryn)
XXVIII. Clarity (Kathryn & Daniel)
XXIX. Lola Cupid (Kathryn & Daniel)
XXX. Lantern (Kathryn)
XXXI. Confused (Kathryn & Daniel)
XXXII. Over My Head (Kathryn)
XXXIII. Unconditionally (Kathryn & Daniel)
XXXIV. Skyscraper (Kathryn)
XXXV. Felicity (Kathryn)
XXXVI. Lia Barretto (Kathryn & Daniel)
XXXVII. Bituin (Kathryn & Daniel)
XXXVIII. I Love You (Lia & Daniel)
XXXIX. Save Me (Kathryn & Daniel)
XL. Hanging On (Kathryn & Daniel)
XLII. Beginning (Epilogue)

XLI. Last I Love You? (Kathryn)

17.7K 240 47
By thephantelle

(Kathryn)

"Kathryn, hindi ka pa ba uuwi?"

Nginitian ko si ate Sarah at umiling. "Mamaya na lang, ate. Ako nalang maglalock ng shop." Saad ko. Hawak-hawak ko pa rin ang papel na binigay sa akin ni Khalil. Hindi ko alam kung pupunta ako. Natatakot ako sa pwede kong makita. O sa pwedeng mangyari. Naduduwag ako. Natatakot ako sa pwedeng sabihin ni Daniel. Kasi ayaw ko pang bumitaw. Ayaw ko siyang bumitaw. Sa apat na taong nakalipas, mahal na mahal ko pa rin si Daniel. Siya lang naman.

Tinapik ni ate Sarah ang balikat ko. "Wag kang magsuicide dito, ah?"

"Ate naman! Hindi ko gagawin iyon!"

"Haha, sige, sige. Mauna na ako. May date kami ni Matteo. Mag-ingat ka, okay?" Tanong ni ate. Nginitian ko siya at tumango. Fiance ni ate Sarah si Matteo. Next year, magpapakasal na sila. Pagkaalis ni ate Sarah, tiningnan ko ulit ang address. Pupunta ba ako?

"Daniel...miss na miss na kita." Mahina kong saad.

"Miss na miss na rin kita, Kathryn."

Tiningnan ko kung sino ang nagsalita. Walang iba kundi si Daniel. Ang lalakeng mahal ko simula pa lang. Ang lalakeng kinaadikan ko simula prologue. At ang lalakeng ikakasal. Pero hindi sa akin. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. 

Bumalik sa akin lahat.

Ang sakit. Ang pangungulila.

At ang pagmamahal ko sa kanya.

"A-anong ginagawa mo dito? Sarado na kami." Tinago ko sa bulsa ang papel at kinuha ang bag ko. Akmang aalis na sana ako ngunit nahawakan ni Daniel ang braso ko.

Nakuryente ako. Mahal na mahal ko pa rin siya.

"Pwede ba kitang makausap?" Tanong niya.

Tiningnan ko siya sa mata. "Hindi ko kaya, Daniel. Natatakot ako sa mga sasabihin mo. Noong iniwan mo ako, sobra na akong nasaktan. Ayaw kong masaktan pa lalo."

"Ikakasal na ako bukas." 

"Ba-bakit kailangan mo pang sabihin sa akin? Ano ba naman, Daniel!" Sigaw ko. Ang inconsiderate naman niya! Hindi ba niya alam na mas masasaktan ako.

"Kathryn, sumama ka sa akin. Kahit ngayon lang. Please." Seryosong saad ni Daniel. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako kung saan.

At ako si bobita... nagpadala.

Nasa rooftop kami ng building sa tapat ng shop. Hindi ko alam kung anong balak ni Daniel. Sobra na akong nasasaktan. Baka... mas lalo akong masaktan sa mga sasabihin niya.

Tama na.

Kotang-kota na ako.

Hindi pa rin binibitawan ni Daniel ang kamay ko. "Kathryn, patawarin mo ako. Kaya ako pumayag kasi sasaktan ka nila. Ayaw kong... masaktan ka nila."

"Kaya ikaw ang nanakit sa akin?" 

"Kathryn..."

"Daniel, nangako ka sa akin. Sabi mo ipaglalaban mo ako. Sabi mo ako lang ang babaeng papakasalan mo. Naniwala ako sayo, Daniel. Pero bakit ganun? Bakit sinaktan mo  pa rin ako? Pero kahit na nasasaktan ako... umaasa pa rin ako." Tumulo na ang luha ko. Matagal ko na itong tinatago. Kailangan ko ng ilabas. Baka sumabog pa ang puso ko sa sobrang sakit.

Niyakap ako ni Daniel.

At hinalikan ang aking noo.

Makalipas ang apat na taon, ngayon niya lang ulit ako niyakap at hinalikan sa noo. Parang dati lang, napakasaya namin. Pero bakit naging ganito? Bakit naging complicated pa rin?

"Mahal kita, Kathryn. Ipinaglaban kita pero sa maling paraan." Tiningnan niya ako sa mata. "Maraming magbabago bukas. Pero wag kang magugulat."

"Anong ibig mong sabihin?" 

"Pwede ba kitang maisayaw?" Hindi ko maintindihan si Daniel. Parang alien language ang mga sinasabi niya sa akin ngayon. "Kahit ngayon lang, Kathryn. Wag muna nating isipin ang mangyayari bukas. Kahit ngayon lang... gusto kong iparamdam sayo kung gaano kita kamahal."

Bakit ngayon lang?

Gusto ko... araw-araw mong iparamdam sa akin kung gaano mo ako kamahal.

Hindi ba pwede iyon?

Hindi ba maaaring bumalik ulit tayo sa dati?

"Walang namang kanta." Mahina kong saad ngunit narinig ako ni Daniel. Nakita ko siyang ngumiti at kinurot ang ilong ko. Miss na miss ko si Daniel.

"Kakantahan kita."

"Talaga?"

"Oo, kasi mahal kita." 

Ngumiti ako. Mahal ako ni Daniel. Akala ko, ako nalang ang nagmamahal. Pero hindi ko pa rin maintindihan? Bakit nandito si Daniel sa tabi ko? Ikakasal na siya bukas kay Lia.

Pero bakit nandito pa rin siya sa tabi ko?

Inilagay ni Daniel ang kamay niya sa bewang ako. Inilagay ko naman ang akin sa balikat niya. Sobrang magkalapit kami ngayon ni Daniel. 'Yung tipong para na kaming magkayap. Pwede bang mas matagal kaming nakaganito? Pwede bang wag nalang siyang magpakasal?

Pwede bang ako nalang ang pakasalan niya?

"Heart beats fast
Colors and promises
How to be brave?
How can I love when I'm afraid to fall?
But watching you stand alone,
All of my doubt suddenly goes away somehow."

Napangiti ako. Napapangiti talaga ako kapag kinakantahan ako ni Daniel. Para bang pakiramdam ko sobrang special ko. Pero pagkatapos neto, magluluksa na naman ako. Si Daniel... hindi na siya akin. Baka hindi kami ang nakatadhana sa isa't isa.

Ganun naman, diba?

Hindi lahat ng makakarelasyon mo ay ang nakatadhana sayo.

Baka ganoon din kami ni Daniel.

Pero gusto ko na siya ang makatadhana ko. Kuya ko palang siya, mahal na mahal ko na siya. Hanggang ngayon, mahal na mahal ko pa rin siya.

"I have died every day waiting for you
Darling, don't be afraid I have loved you
For a thousand years
I'll love you for a thousand more

Time stands still
Beauty in all she is
I will be brave
I will not let anything take away
What's standing in front of me
Every breath
Every hour has come to this

One step closer"

Tumulo ang luha ko. Hindi ko pa rin maiwasang hindi masaktan. Ang hirap tanggapin na hindi kami ni Daniel ang magkakatuluyan. Humigpit ang pagkayakap ko kay Daniel. Ayaw ko siyang bitawan. Ayaw ko siyang mapunta sa iba. Pusang gala.

"And all along I believed I would find you
Time has brought your heart to me
I have loved you for a thousand years
I'll love you for a thousand more"

Pagkatapos kumanta ni Daniel ay hinalikan niya ako sa noo at niyakap ako. Niyakap ko rin siya pabalik. Please. Sana walang bumitaw. Sana panaginip lang ang lahat.

1..2..3

"Kathryn, mahal na mahal kita."

"Mahal na mahal din kita, Daniel."

4..5..6

"Tandaan mo na kaya ko 'to ginagawa kasi mahal kita. Ayaw kong mapahamak ako. Saktan na nila ako... wag lang ikaw." May tumulong luha sa kaliwang mata ni Daniel.

Hindi ako nagsalita. Niyakap ko lang si Daniel ng mahigpit.

7..8..9

"Minahal kita, Kathryn. Mahal kita at mamahalin kita. Habang nabubuhay ako, mamahalin kita. Kahit hindi ikaw ang kapiling ko...tandaan mo na ikaw lang."

"Hindi... na ba talaga tayo pwede?" Nanginginig kong tanong.

Bawal na ba?

10..11..12

"Kathryn... kung pwede lang sana."

Bakit ba kasi mas pinapahalagahan nila ang pera? Bakit si daddy? Kahit may business siya... hindi niya ako ipinapakasal kahit kanino. Hindi ba pwedeng ganoon nalang din ang nanay at tatay ni Daniel? Hindi na ba talaga pwede?

13..14..15

"Oo, hindi na pala pwede." Nakayuko kong saad.

Hinalikan ako ni Daniel sa labi. "Mahal na mahal kita." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay naglakad na siya palayo sa akin. Umalis na siya...

Nanlambot ang tuhod ko kaya't napaupo ako sa sahig.

"Ulol! Mahal na mahal din kita!!" Sigaw ko. 

Kasabay ng pagpatak ng luha ko ang malakas na ulan. Nakikisabay ang langit sa aking nararamdaman. Lintek na pera! Kung sana... kung sana lang.

Fifteen Seconds.

Labinlimang Segundo.

Sa loob ng fifteen seconds, nainlove ako kay Daniel.

Sa loob ng fifteen seconds, wala na ang lahat.

Wala na si Daniel.

END OF CHAPTER FOURTY ONE
Thank you po sa pagbabasa!

Continue Reading

You'll Also Like

192K 9K 57
(SPIRITUAL SERIES #2 HOPE) "He will swallow up death for all time, and the Lord GOD will wipe tears away from all faces, and He will remove the repro...
90.2K 5.3K 46
[Completed] C'mon Guys, daretso na tayo sa Prologue! First story ko ito, kaya please expect the grammatical errors, loopholes, and typos Salamat 💞
84.3K 3K 57
After 18 years of not having a chance to love each other, they finally meet again and encounter some hardship and obstacles blocking between them. Wo...
107M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...