IX. Sad Truth (Kathryn)

29K 398 60
                                    

Uwaaaaa! Malapit na ang pasukan. Konting kembot nalang at balik school na naman. Shemay, shemay, shemay! Tinatamad pa ako. Gusto ko pang matulog nang matulog nang matulog. Pero bakit ang bilis ng oras?! Dapat kasi six months na bakasyon at six months sa school. Ang unfair, ha! Uwaaaaaa! Ayaw ko pang pumasok ulit!!!!!

"Daniel, Kathryn, bumili na kayo ng mga kailangan niyo para sa pasukan. Eto ang pera at kayo ng bahala." sabi ni mama at inabot kay kuya ang limang libo.

Kinuha ni kuya ang pera. "Maligo ka na, Kathryn." Sabi ni kuya at pumasok na sa kwarto niya para maligo. Pumasok na rin ako sa sarili kong kwarto para maghanda. Uwaaaa! Masaya mamili ng mga school supplies pero... AYAW KO PANG PUMASOK!

After 45 minutes, tapos na ako. Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita kong kumakain si kuya ng cake na binili nila mama kagabi. Ang unfair! Ang takaw-takaw ni kuya pero hindi naman lumalaki ang tiyan niya. Ako naman, konting kain lang, malaki agad.

"Nandiyan na 'yung driver. Mag-iingat kayo." sabi ni mama na sobrang busy sa mga paper works. Si papa naman ay nasa office niya kasi may inaayos. Feeling ko malapit na silang bumalik sa abroad dahil ang dami na nilang inaayos.

Uwaaaa, aalis na sila mama at papa!

Konti lang ang tao sa National Bookstore. Kumuha na agad si kuya ng basket at nagsimula na kaming bumili ng mga kailangan namin sa school. 

"Kuya, may tatanong ako sayo." sabi ko kay kuya.

"Ano?" tanong ni kuya habang pumipili siya ng folder.

"Hmm.. Ah... Ay, wag nalang pala!" Aigoooo, nahihiya ako! >/////<

"Nakashabu ka ba? Labo mo, ah!" saglit akong tiningnan ni kuya at bumalik na naman siya sa pagpili ng folder! Ang choosy ni kuya.

Bagal pumili >///<

"Oh my gosh! Oh my gosh! Kathryn, Hunnybunch!!!" Lumingon ako sa sumigaw at nakita ko si Julia kasama si CJ. Grabe. Small world. Nagkita ulit kami.

"Letseng hunnybunch 'yan." bulong ni kuya.

Patakbong lumapit sa amin si Julia at nasa likod naman niya si CJ. Kumapit sa braso ni kuya si Julia at abot tenga ang ngiti neto.

"Uh, anong ginagawa mo dito?" awkward na tanong ni kuya habang pilit na inaalis ang pagkakapit ni Julia sa braso niya. Ang clingy ni Julia!

"Obviously, bumibili rin kami ng school supplies 'coz doon na rin daw kami mag-aaral sa school niyo. O, diba? Parang super duper meant to be tayo!" sabi ni Julia.

Lumapit sa akin si CJ at nginitian ako.

"Mus-"

Fifteen SecondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon