XXXIII. Unconditionally (Kathryn & Daniel)

19.2K 240 48
                                    

(Kathryn)

"Ang ingay niyo."

Pusang gala!

Last one. Pusang gala!

"Hmm--," Lumapit si Khalil sa akin at inakbayan ako. "--mukhang may nagseselos, Cheber." Dagdag ni Khalil. Pusang kinalbo, ang sarap kalbuhin ni Khalil sa pagiging maingay niya. Kakabati lang nami ni Daniel. Shemay naman!

"Anak ng! Alisin mo nga 'yang kamay ko sa girlfriend ko." Seryosong saad ni Daniel kay Khalil. Mukhang natakot si Khalil sapagkat inalis na niya kaagad ang pagkaakbay niya sa akin.

"Uwaaa. Uuwi na ako!!" Sigaw ni Khalil at tumakbo palayo sa amin.

Hay nako. Minsan, confused talaga ako sa gender ni Khalil. Ayaw kong isipin na bading siya kasi ang cute-cute niya at sigurado akong madaming magkakacrush sa kanya. Pero kapag nagsalita at kumilos na siya, shemay lang. Parang gay talaga! Pero cute na gay!

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Daniel.

Uminom ako ng Zagu bago sumagot. "Pampakalma, hehe. Ayaw kitang istorbohin kasi parang bad trip ka." Mahina kong saad kay Daniel.

Pinitik niya ang ilong ko at ngumiti. "Ano ka ba?! Boyfriend mo ako. Kahit na bad trip ako o kahit ano pang nararamdaman ko... dapat sinasabi mo pa rin sa akin kung anong nangyayari sayo." Saad ni Daniel at inagaw ang Zagu ko.

Shemay! Indirect kiss iyon.

Tae! Namumula na naman ang pisngi ko.

"Okay! Pero ikaw? Hindi mo rin naman sinabi na pupunta ka dito." Sabi ko kay Daniel. Nakita kong napakamot siya ng ulo. Hekhekhek. 

"Oo nga no." Aniya Daniel.

"Hmm, bakit ka pala nandito?" Tanong ko sa kanya.

Muling ngumiti si Daniel. "Sabi ni CJ, 'follow your heart'. Kaya nandito ako ngayon. Kasi... sinundan kita. Ninakaw mo kasi ang puso ko." Hinampas ko si Daniel. Shemay! Pinapakilig na naman niya ako. Kotang-kota na ako. 

"Tae ka." Saad ko. 

Biglang nagvibrate ang phone ko. Oh? Nagtext si mama. Pinapauwi nila ako. Shemay! Nasa Pilipinas na pala sila. Hindi ko manlang alam. 

Hekhek.

Baka may pasalubong sila sa akin. Yes naman!

"O, ano 'yan?" Tanong ni Daniel.

Nginitian ko si Daniel. "Ihatid mo na ako, Daniel. Nasa bahay na sila mama at papa. Sana may dala silang chocolates. Haha!"

Fifteen SecondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon