My Vampire Guard (COMPLETED)

By LashKayrian

55.4K 1.6K 56

Bampira. Ang mga bampira na namumuhay sa unang kaharian ay payapa. Lingid sa kaalaman ng mga tao, may nabubuh... More

MY VAMPIRE GUARD
SIMULA
KABANATA 01
KABANATA 02
KABANATA 03
KABANATA 05
KABANATA 06
KABANATA 07
KABANATA 08
KABANATA 09
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
WAKAS
A/N

KABANATA 04

1.6K 47 0
By LashKayrian

LUNA'S POV

"Anak, umuwi ka na," utos ni Himalia sa kanyang anak pagkarating namin dito sa mansyon.

"Masusunod po, ina. Mag-iingat po kayo palagi. Paalam," sabi nito at hinalikan muna ang kanyang ina sa noo bago umalis. Napangiti na lamang ako.

"Napakaswerte mo sa iyong anak," wala sa sariling aking nasabi.

"Maaaring sa panganay ay swerte, ngunit sa pangalawa ay hindi," nakangiti nitong sagot ngunit mapapansing mayroon itong bahid ng kalungkutan.

"Huwag mong sabihin iyan, Himalia. Bawat sanggol ay biyaya."

"Biyayang sana hindi naagaw sa akin ng iba," makahulugan niyang sabi. Kumunot naman ang aking noo sa narinig.

"Himalia? Maaari kang magsabi sa akin ng iyong saloobin."

Tipid siyang ngumiti at umiling. "Hindi na po, kamahalan. Huwag na lamang nating pag-usapan."

Sinamahan niya ako patungo sa aking silid ngunit bago pa kami umabot ay mayroong humarang sa aming daan.

"Phobos, mahal," nakangiting sabi ko at niyakap siya ng mahigpit.

"Saan ka galing?" seryosong tanong nito pagkakalas sa yakap.

Nagkatinginan kami ni Himalia. Tila walang gustong lumabas na tinig mula sa aking bibig.

"Sa labas lamang po, kamahalan," sagot nito.

"Oo, galing kami sa labas sapagkat nais kong lumanghap hangin," nakangiting sabi ko rito.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking tiyan. "Tama nga si Adrastea," sabi nito na ikinagulat ko.

"G-galing ka kay Adrastea?" gulat na tanong ko.

"Dumaan ako sa kanya bago tuluyang umuwi rito," sabi niya. Muli kaming nagkatinginan ni Himalia.

"Bakit ka dumaan sa kanya? Anong sabi niya sa iyo?"

"Sinabi niya na mayroong paparating sa atin at tayo'y dapat maghanda. Mag-ingat na rin," masaya ngunit seryosong sabi niya.

"Hindi mo ba nararamdaman na nay humihinga sa iyong loob?" takhang tanong nito sa akin.

"H-hindi," nakayukong tugon ko. Eh sa wala naman talaga akong nararamdaman eh.

"Kaya siguro hindi mo nararamdaman dahil hindi mo naman hinahawakan," bulong nito sa kanang tenga ko. Hinawakan niya ang aking kaliwang kamay at inilagay sa aking tiyan. Mayroon akong nararamdamang tila pagpintig ng puso.

"Ngayon, nararamdaman mo na?" nakangiting tanong nito sa akin. Marahan naman akong tumango.

Inialis na niya ang kanyang kamay at ibinaling ang tingin kay Himalia. "Ihatid mo siya sa kanyang silid. Alagaan mo rin siya at huwag pababayaan," utos niya rito kaya umalis na kami at nagtungo sa aking silid.

"Akala ko alam ni Phobos na umalis tayo," sabi ko bago umupo sa kama.

"Maraming salamat nga pala sapagkat pinagtakpan mo ako," nakangiting pasalamat ko sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay.

"Walang ano man po, kamahalan. Hindi ko po gugustuhin na kayo'y magtalo ng iyong kabiyak," nakangiting sabi nito.

"Himalia, maaari ba akong humingi ng pabor?"

"Ano po iyon, kamahalan?"

"Nais kong alamin mo kung mayroong lakad si Phobos ngayon. Alamin mo rin kung saan," utos ko rito.

"Opo," sabi nito at yumuko muna sa akin bago umalis.

Inilabas ko ang aking dalang dalawang kwintas. Ang ibinigay ni Adrastea ay itinago ko rito sa aking silid. Ang isa naman na ibibigay ko kay Elara ay inilagay ko sa akong bulsa.

"Kamahalan," bungad ni Himalia at yumuko. "Tutungo po siya ngayon sa ikalawang kaharian. Ngayon ay paalis na siya at papunta na roon."

"Salamat," sabi ko at nilampasan siya at dumiretso sa pintuan.

"Kamahalan, saan po kayo pupunta?" takhang tanong niya.

"Sa mundo ng mga tao," tipid na sagot ko.

"Ngunit kamahalan, lubhang delikado po doon. Hayaan nyo pong samahan ko kayo sapagkat ibinilin kayo sa akin ng iyong kabiyak."

"Hindi, Himalia. Kaya kong pumunta doon ng mag-isa," pagmamatigas ko.

"Ngunit kamahalan. Alam nyo po na maraming nagkat na masasamang bampira doon," alalang sabi niya.

"Himalia, kaya ko ang sarili ko," ubos pasenyang sabi ko.

"Sige kamahalan, ngunit ihahatid ko po kayo sa lagusan," pagsukong sabi nito. Sinagot ko siya ng tango bago kumuha ng balabal na pantakip sa akin bago lumabas.

"Tara na," aya ko sa kanya bago tuluyang binagtas ang pasilyo ng mansyon.

Nagpauna siyang maglakad patungo sa lagusan ngunit hinatak ko siya sa kasalungat na landas. "Kamahalan, dito po ang daan tungo sa lagusan," takhang sabi nito.

"Maraming nagbabantay diyan na kawal. Hindi nila tayo maaaring makita sapagkat sasabihin nila kay Phobos na nais kong lumabas ng ating kaharian. At isa pa, hindi basta-basta nagpapalabas ang mga kawal na iyan," sagot ko.

"Ngunit, kamahalan, isa lamang ang lagusan patungo sa mundo ng mga tao," takhang sabi nito.

"Basta, mayroon akong alam na paraan, sumama ka na lamang sa akin," ubos pasensyang sabi ko at hinatak siya patungo sa masukal na gubat.

Nang makarating kami sa gitna ay huminto ako. "Dito ka na lamang mag-antay sa akin."

"Ngunit kamahalan—"

Hindi ko na siya pinatapos magsalita at gamit ang aking abilidad ay mabilis kong pinuntahan ang lagusan. Wala pang limang minuto ay nasa harap na ako ng bahay ni Elara.

Kumatok ako sa pintuan na agad namang binuksan ni Elara. "Elara," bati ko sa kanya sabay sinalubong ng yakap.

"Luna, ang tagal nating hindi nagkita," sabi nito pagkakalas sa yakap.

"Paumanhin, Elara. Masyadong maraming naganap nitong mga nakaraang araw at ito ang dahilan upang hindi ako makadalaw sa iyo," malungkot na sabi ko.

"At ano ang mga ito? Tara pumasok ka sa loob at pag-usapan natin," sabi niya at iginaya ako papasok sa loob.

"Wala na si inang Metis," malungkot na sabi ko.

"Nakikiramay ako sa pagkawala niya," malungkot na saad nito. Muli, nagbalik ang sakit na aking naramdaman noong mga panahong iyon.

"Naramdaman ko nanaman ang sakit ng mawalan ng magulang, sa ikalawang pagkakataon," mapait na sabi ko.

"Ganoon talaga ang buhay, hindi mo alam kung saan tutungo o liliko," makahulugang sabi niya.

"Nga pala, iba ang iyong awra ngayon," nakangiting puna nito sa akin.

"Anong sinasabi mo?" takhang tanong ko.

"Mukhang parang nagliliwanag ka ngayon na hindi ko maipaliwanag. Basta, iba eh," nakangiting puna nito.

"Buntis ako, Elara," nakangiting balita ko sa kanya.

"Binabati kita, Luna," nakangiting sabi niya at niyakap ako.

"Mukhang babae ang iyong magiging anak dahil sa awra mo," dagdag pa niya.

"Sana nga, babae."

"Ano namang ipapangalan mo sa kanya kapag babae?" tanong niya.

"Europa ang ipapangalan ko kapag babae sapagkat napakaganda ng buwan na iyon," nakangiting sabi ko. Napapangiti na lamang ako kapag aking naaalala ang itsura ng buwan na nagngangalang Europa.

"Nasisiguro kong magiging napakaganda ng iyong magiging anak," puri niya.

"Nako, Elara. Huwag mo akong masyadong pinupuri sapagkat baka lumaki ang aking ulo," natatawang sabi ko.

"Kahit naman siguro lumaki ang iyong ulo, hindi mo pa rin ako makakalimutan, hindi ba?"

"At sinong may sabi sa iyo na kakalimutan kita?"

"Alam mo, Luna, mayroon akong kaibigang bampira dati. Kagaya mo, isa rin siyang Aklirah. Ngunit isang araw, hindi na niya ako binalikan dito. Hindi na rin siya nagpakita o nagparamdam man lang. Ang suspetsa ko ay baka napatay siya ng masasamang bampira," malungkot na kwento nito.

"Elara, huwag kang mag-isip ng ganyan. Kung sa unang kaharian siya naninirahan, marahil hindi siya makakalabas basta-basta sa lagusan. Hinigpitan ng akong kabiyak ang seguridad doon," pahayag ko.

"Sana nga ay nasa maayos ang kanyang lagay. Nag-aalala ako ng sobra para sa kanya."

"Nga pala, Elara. Mayroon akong ibibigay sa iyo," sabi ko at kinuha ang kwintas sa aking bulsa.

"Kwintas?" takhang sabi niya.

"Oo, Elara, kwintas," natatawang sabi ko at isinuot sa kanya.

"Para saan naman ito?" tanong niya.

"Ang kwintas na iyan ang iyong magiging proteksyon sa mga masasamang bampira. Ngayong suot mo na ito, mawawala na ang abilidad mong pang bampira, tao ka na lang ngayon. Hindi ka magagalaw ng sino mang bampira maliban sa nagsuot nito sayo. Ang poproblemahin mo na lamang ay ang mga Arusseb sapagkat mahahawakan ka pa rin nila at kayang saktan. Ngunit alam kong mahina lamang sila at kaya mong labanan," nakangiting paliwanag ko sa kanya.

"Maraming salamat, Luna," nakangiting sabi niya at pinagmasdan ang sarili sa salamin.

"Oras na matanggal sa iyo iyan, ibig sabihin ay patay na ako," dugtong ko pa.

"A-ano? Kapag kusang natanggal sa akin ito ibig sabihin ay patay ka na?" gulat na sabi nito.

"Oo, Elara. Ngunit huwag kang mag-alala. Iingatan ko ang aking sarili upang hindi mangyari iyon," nakangiting sabi ko. Muling pinagmasdan ko ang kwintas at nakitang biglang umukit dito ang kanyang pangalan.

"Mabuti kung ganoon. Ayokong mawalan muli ng kaibigan," sabi niya at niyakap ako.

"Pangako, Elara, hindi ka na mawawalan ng kaibigan," sabi ko bago kumalas sa yakap.

"Ako'y lilisan na sapagkat tumakas lamang ako. Mag-iingat ka palagi, Elara, paalam."

"Luna, hayaan mong ihatid kita sa gubat," pagpiprisinta niya.

"Hindi na Elara, unawain mong tao ka na lamang ngayon at matagal bago ka makabalik dito sapagkat wala na ang iyong abilidad."

"Kung gayon, mag-iingat ka, Luna. Hihintayin ko ang muli mong pagdalaw sa akin, hanggang sa muli, aking kaibigan, paalam," huling sabi niya bago ako tuluyang umalis.

Nagmamadali kong binagtas ang kagubatan at pinasok ang lagusan. Nagmadali ako at pinuntahan si Himalia. Natagalan pa naman ako.

Hinanap ko si Himalia kung saan ko siya iniwan ngunit wala. "Nasaan siya?" bulong ko sa aking sarili.

"Pst! Kamahalan, dito sa taas!" dinigkong sigaw niya at tumingala sa itaas ng puno.Mabilis siyang bumaba at pinuntahan ako.

"Anong ginagawa mo sa itaas ng puno?" tanong ko sa kanya pagkababa niya.

"Nagtago lamang po ako kanina kamahalan sapagkat may mga kawal na nag-iikot," paliwanag niya.

"Nag-iikot na mga kawal? Kung gayon ay tara na sapagkat baka mayroong makakita sa atin dito," pahayag ko at mabilis naming tinahak ang daan pabalik sa mansyon.

Continue Reading

You'll Also Like

21.2M 544K 37
"Do you want to be his favorite obsession?" DAHIL sa isang trahedya, ikinubli ni Virgo ang kagandahang taglay. Itinago niya iyon sa pamamagitan ng pa...
28.7K 897 49
Mystical Regal Academy Book 1 Kaithlyn Ezra Jones Transferre Student of Mystical Regal Academy Hindi tulad nang iba lumaki siya sa mundo nang mga tao...
12K 109 101
You can put these quotes in your stories.. Just made this to help yah guys
677K 11.2K 63
(RAW/UNEDITED) Ahlisha Zoxzhen Bustamantelo has a simple life. She studies at public school and she always ended up fighting with her schoolmates. Ah...