The Bathroom Love Affair (Pub...

By xPANICx

421K 15.4K 7.4K

† The Restroom Love Affair: The Kisser Remake † Matyagang hinihintay ni Eros ang pag-ibig habang si Zach ay d... More

Prologue
NOTE
Chapter 1 - Love at First Fight
Chapter 2 - Best Supporting Lover
Chapter 3 - Heartbreaker
Chapter 4 - Haunted Apartment
Chapter 6 - Bad Day
Chapter 7 - Table for Four
Chapter 8 - Roommate
Chapter 9 - Balinguyngoy
Chapter 10 - The Act
Chapter 11 - S. A.
Chapter 12 - Beautiful Mistake
Chapter 13 - The Bathroom Love Affair
Chapter 14 - My Sun & Moon
Chapter 15 - The Restroom Love Affair
Chapter 16 - Confessions
Chapter 17 - Seros
Chapter 18 - Both Yours
Chapter 19 - Call Me Love
Chapter 20 - Pierce
Chapter 21 - Be Careful What You Wish For
Chapter 22 - Anselmo
Chapter 23 - Fire on Fire
Chapter 24 - Break a Leg
Chapter 25 - Scared to Death
Chapter 26 - Icecream
Published! (plus giveaways)
Last Words & Review
Special Chapter 1
First Draft - Chapter 19

Chapter 5 - Collide

12.8K 652 364
By xPANICx

Eros

Naalimpungatan ako dahil sa hanging bumubuga sa aking mukha. Dahan-dahan kong minulat ang mata at sandaling nagulat nung bumungad sa paningin ko ang mukha ni Zach, kasunod nito ay ang mga nangyari kagabi. Kung paano kami nagtalo at napagod hanggang makatulog. At kung paano sya tumingin na humuli din sa mga mata ko.

    Ngayong nahihimbing si Zach, mas malaya ko syang natitigan. Hindi ko na muna sinubukang matulog muli dahil ngayon ko lang sya matitignang mabuti nang hindi nya alam.

    Maraming beses ko nang narinig ang mga kaklase kong babae na nagrereklamo na hindi raw patas ang mundo dahil sa pilik-mata ni Zach, mahaba ito at nakakurba pataas. Hindi raw ito deserve ni Zach dahil lalaki sya, habang silang kababaihan ay kailangan pang maglagay ng pekeng pilik-mata at ilang mahika ng make-up para lang magkaroon nito.

     Ang peklat sa gilid ng kanyang mata ay permanenteng marka dito na imbis makasira ay nakadagdag pa sa kagwapuhan nya. Ang labi nya ay manipis at mapula. Akala ko dati dahil palaging maga sa pakikipag-away nya, ngayon alam ko nang natural ang kulay nito. Parang cherry na laging nakapatong sa icecream sa mga commercial at mukhang kasing lambot ng marshmallow.

     "Sabihin mo lang, Eros," sabi nya bigla. Napabalikwas ako at muntikan pang mahulog sa kama kung hindi lang sa kamay nyang nakayakap pa rin sa akin, na ngayon ko lang napansin, at sa kamay kong nakayakap din sa kanya, na talagang sumorpresa sa akin. Sa sobrang atensyon ko sa labi nya ay hindi ko sya napansing nagising. "Pwede kong ipatikim sayo yan."

     "Suntukin ko yan," banta ko. "Bitawan mo nga ako," utos ko nung mabawi ang balanse.

     Sa wakas, bumitaw na rin si Zach, makakalipat na ako sa kabilang kama. Pero bago ako tuluyang bumangon, pinalo ko ng unan ang mukha nya. Mahina lang para hindi sya masaktan pero sapat ang lakas para tuluyan syang magising.

     "Para sa toothpaste ko," sabi ko bago tuluyang tumayo, iniwan syang nakanganga dahil sa gulat at hawak ang pisngi. Paparating pa lang ang umaga, ang alapaap ay naglalaro sa kulay na itim, asul at puti.

     Humiga ako sa isa pang kama para subukang matulog ulit. Pumikit akong may hindi maipaliwanag na ngiti sa labi.

* * *

     Sa paggising ko muli, ganap na ang sikat ng araw. Ramdam ko na wala na si Zach bago ko pa makita ang bakanteng kama. Katulad ng unang beses na makitulog sya, umalis nang walang pasasalamat at paalam.

     Ano pa nga bang aasahan ko sa lalaking yun?

     Bumangon ako, inayos ang hinigaan kong kama at ang pinagsaluhan namin bago pumunta sa munting kusina para magtimpla ng kape. Ano kayang magandang gawin ngayong araw?

     Humigop ako sa kape matapos haluing mabuti.

     "Ahhh," paglasap ko sa mainit na inumin bago umupo sa may lamesa. Wala talagang tatalo sa sarap ng unang paghipo ng kape sa kaluluwa tuwing umaga matapos ang maginhawang pagtulog. Humigop pa ako ng isa bago pumuntang banyo para umihi.

     Pagbukas ko ng pinto, parang binalot ako ng yelo sa tumambad sa akin. Sa dami ng gusto at dapat kong gawin, wala akong nagawa sa mga ito. Bakit hindi ko narinig o naramdaman man lang na nandito sya? Bakit hindi sya marunong mag-lock ng pinto kung gagamit sya ng banyo? Bakit kailangang mangyari ito?

     Abala si Zach sa pagpapatuyo ng kanyang buhok. Wala syang ibang tela sa katawan bukod sa tuwalyang ginagamit nya sa kanyang ulo. May pakanta-kanta pa sya habang pinapatuyo ito. Pagkatapos ay ang kanyang mukha naman. At pagdating sa kanyang dibdib, napunta ang mata nya sa akin.

     Unti-unting lumaki ito (ang mata nya) at natigil si Zach sa pagkanta. Ilang segundo pa ang nabanat na parang goma hanggang sa mapigtal ito.

     "Bosero!" sigaw ni Zach bago sinara ang pinto.

     Kumalabog ito sa harapan ko, ang ingay na linikha nito ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Sa ikalawang pagkakataon, hindi ko kailangan ng kape upang tuluyang magising.

* * *

     Muling uminit ang mukha ko paglabas ni Zach ng banyo. Ngayon ay may suot na syang pang-ibaba at nakapatong na ang asul nyang tuwalya sa kanyang balikat. Sa may kama na ako umupo, ang kape ko ay nasa nightstand. Hindi ko kayang ubusin ang kape sa may lamesa malapit sa kanya.

     Hindi ako nagsalita, nagpatay-malisya sa nangyari. Ganun din si Zach. Pumunta sya sa may kusina para magtimpla ng sariling kape, na ininom nya sa may lamesa. Makalipas ang ilang higop, bigla nyang linapag ang tasa.

     "Pwede ba," sabi ni Zach. "Mamatay ako sa katahimikan nating dalawa. Nagpapanggap pa tayong hindi iyon nangyari pero iyon naman ang iniisip nating dalawa."

     Muntik ko nang mabuga ang kapeng nasa bibig ko. Pinilit ko ang sarili na lulunin ang mainit na tubig na ngayon ay mapakla na sa panlasa.

     "Wag ka ngang umarteng birhen dyan," asar na sabi ni Zach. "Para namang unang beses mo na makakita nun," natigil sya sandali, "parang unang beses na makita yung akin."

     "Pwede rin ba," sabi ko. "Hindi ko ginusto ang parehong pagkakataon na yun."

     Binigyan ako ni Zach ng matalim na tingin. "Pero nakatapos kang maligo nung una at hindi ka pa talaga aalis kung hindi ko sinara yung pinto kanina. Gusto mo rin yung nakita mo no?"

     "Ulol!" tugon ko. Feeling naman nito. Nakatapos akong maligo dahil kailangan kong matapos na maligo. "Hindi lang ako makapaniwala na may mga caucasian na maliit."

     Napanganga si Zach at dahan-dahang napatingin sa pundyo nya. "Anong maliit?"

     Inikutan ko sya ng mata. "Lakas mang-asar pero pikon," sagot ko. "Tsaka ikaw nga yung huwag umarteng birhen. Daig mo pa ang nahipuan. Ikaw na nagsabi, nakita ko na yan dati, anong pinagkaiba nun ngayon at galit na galit ka?"

     Sasagot pa sana si Zach nung may kumatok sa pintuan. Tumayo sya na parang inaasahan ito. Pagbalik nya sa may lamesa may dala na syang dalawang supot ng pagkain mula sa fastfood.

     "Bumili na ako ng almusal natin, pasasalamat sa pagpapatulog mo sa akin dito—kahit na sapilitan." Sinabi nya ang huling bahagi nang pabalang.

     "Ibang klase ka ring magpasalamat," tugon ko.

     "Magluluto sana ako kaya lang puro hotdog lang laman ng fridge mo. Tumayo ka na dyan," utos nya. "Ipaghahain pa kita?"

     Dahil sa pagkalam ng sikmura ko sa amoy ng pina-deliver ni Zach, tumayo na ako para kumain sa may lamesa. Natapon na sa likuran ng isip ko ang nangyari kanina dahil sa pagkain.

     "Nagpa-deliver na ako kanina habang nakanganga kang matulog," sabi ni Zach habang linalabas sa supot ang mga pinamili. Gumapang sa ilong ko ang sarap ng tapsilog at panibagong baso ng kape.

     Kinuha ko ang para sa akin at sinimulan ang pagkain. "Excuse me, hindi ako nakanganga matulog."

     "Nakanganga," diin ni Zach, "at tulo laway pa."

     Napahawak ako sa gilid ng labi ko. Di ko na makukumpirma, naghilamos na ako kanina. Malamang nang aasar lang to. "Hindi naman ako takot sa multo," bawi ko.

     Natigilan si Zach. Binigyan ko sya ng matagumpay na ngiti.

     "Hintayin mo, Eros," banta ni Zach, "magpaparamdam din sayo yung mga bata."

     "Hindi nga totoo yang mga bagay na yan," tugon ko. "Isa pa, hindi nasunog tong apartment dati. Highschool pa lang ako naghahanap na ako ng pwedeng matuluyan sa paligid ng La Trinidad. Nakita ko ang pagtayo nito mula sa bakanteng lote hanggang matapos."

     "Okay, sabihin na nating walang sunog na naganap dito," sabi ni Zach, "pero paano kung may mga espiritong nagambala sa pagtayo nitong apartment? Lamang lupa?"

     "Ewan ko sayo," pagsuko ko sa kanya. Kinaway ko ang hawak na kutsara sa mukha ni Zach para tapusin ang pag-uusap namin. "Ginagamit mo sa mali ang imagination mo."

     Tahimik na kaming nag-almusal. Matatapos na kami sa pagkain nung magsalita ulit si Zach.

     "Dahil hindi ako handa," sabi nya.

     "Ano?" tanong ko.

     "Wala," sagot ni Zach na may nakakalokong ngiti.

* * *

     Pagkatapos kumain ay bumalik na si Zach sa unit nya. Sa wakas, ganap na kapayapaan. Sa akin na ulit magdamag ang kwarto ko.

     Kinuha ko ang script ng Mahiwagang Batis para muling pag-aralan si Anselmo. Hindi pa rin ako makapagdesisyon kung paano sya bibigyan ng buhay. Sinuyod ng mata ko ang buong kwento, naghanap ng maliliit na detalye para makatulong.

     Wala. Katulad pa rin ng dati. Hindi ko inaasahan na magiging ganto kahirap ang sandaling role ko sa play. O baka naman ako lang ang nagpapahirap sa sarili ko?

     Abala ako sa pagbabasa sa may lamesa nung bumukas ang pinto ng unit at pumasok si Zach.

     "Ano na naman?" tanong ko.

     "Sungit naman nito," kumento ni Zach. Dumiretso sya sa lamesa, umupo sa harapan ko. "Anong tanghalian mo?"

     Minata ko ang mini-fridge. "Hotdog."

     Napasimangot sya. "Seryoso? Saan mo nga pala linuluto yan?"

     "Sa rice cooker. Steam," sagot ko. "Ano bang ginagawa mo rito? Kung magpapa-deliver ka ulit okay lang naman sa akin."

     "Abusado," sabi ni Zach. "Hotdog tanghalian natin."

     "Natin?"

     "Dito ako magla-lunch," anunsyo ni Zach. "Diba mas masarap kapag may kasabay kumain?"

     "Depende sa kasama," sagot ko. "Kung ikaw, hindi." Pero wala na akong ibang sinabi para tumanggi sa kanya. Binalik ko ang atensyon sa script na hawak ko.

     Tumahimik na rin si Zach, inabala ang sarili sa cellphone. Mahigit isang oras pa naman bago magtanghalian at sandali lang naman magluto ng kaunting kanin at hotdog. Lumipas ang oras na katahimikan ang namamagitan sa aming dalawa, pinakamatagal na kapayaan na gising kami pareho.

     Natapos ko na ulit ang Mahiwagang Batis pero wala pa ring sumisinding bumbilya sa isip ko. Sa isang linggo na ang unang rehearsal namin, ako pa ang una.

     "Problema?" tanong ni Zach.

     "Bukod sa nandito ka?" tanong ko. Nasa script pa rin ang atensyon ko, muling sinusuyod ng mata ang mga linya, nagbabakasakali.

      Sininghalan nya lang ako. "Ano ba yang binabasa—Mahiwagang Batis? Nakapasok ka? Bakit hindi mo sinabi sa akin? Nung nakaraan sinisisi mo ako sa hindi mo pagpasa sa audition."

     Tinignan ko si Zach. "Oo, salamat sayo at si Anselmo ang role ko."

     "Salamat talaga sa akin," proud nyang sabi. Sarap batukan para maalis ang ngiti nya. "So, ano ngang problema? Bakit galit ka sa papel?"

     Ako naman ang napabuntong hininga. "Kahit na sabihin ko sayo, wala ka namang matutulong."

     "Two heads are better than one," sabi ni Zach. "Try me." Kahit na wala syang accent, bagay sa kanya mag-english.

     "Okay." Total si Zach naman ang may kagagawan sa sitwasyon ko kaya dapat lang na tumulong sya. "Ang karakter ko ay si Anselmo. Dahil sa ginawa nya, yung bidang babae ay takot o ayaw nang magmahal ulit."

     Tumango si Zach, seryoso ang mukha.

     "Hindi ko alam kung ang bibigyan ko ba ng diin ay dahil may nakita akong mas bagay sa akin kaya iniwan ko sya o dahil sa sitwasyon naming dalawa."

     "Iisa lang naman ang script diba? Bakit kailangan mong mamili?" tanong ni Zach.

     "Oo nga," tugon ko. "Pero pwede mo pa ring paglaruan. Bibigyan mo ng diin yung ganitong punto, mas mabigat yung emosyon mo dito. Mga ganung bagay."

     Tumango-tango sya, blanko ang mukha.

     Lumipas ang ilang segundo, wala pa rin syang sagot o pagbabago man lang ng reaksyon. Binigyan ko sya ng tingin na nagsasabing hinihintay ko na ang sasabihin nya. Tinugon nya iyon ng tingin na parang naging tatlo ang butas ng ilong ko.

     "Sabi ko na," singhal ko, "nagsayang lang ako ng laway." Inipon ko nang maayos ang bungkos ng papel at tumayo para ibalik ito sa bag ko.

     "Teka, teka," pagpigil ni Zach sa akin. Hinila nya ang kamay ko pababa kaya napaupo ulit ako. "Excited ka naman, eh. Nag-iisip pa ako."

     Binaling ni Zach ang tingin sa bintana, sa tanawin sa labas. Sa anggulo ng mukha nya ngayon, pansin na pansin ang ilong, cheekbones at panga nya na parang inukit at ginamitan ng ruler at protractor. Sa aming dalawa mas bagay sa kanya si Anselmo, sya ang mukhang heartbreaker.

    "Nawiwili ka na sa pagtitig sa akin, ah," puna ni Zach.

     Parang umakyat sa mukha ang lahat ng dugo ko. Bakit ba nya laging napapansin ang pagtingin ko sa kanya? At, higit sa lahat, bakit ko ba sya tinitignan nang mas matagal kesa sa nararapat?

     "Tini. . . uhm. . . tinitignan ko kasi kung pinag-iisipan mo ba talaga yung sinabi ko," pagsisinungaling ko. At para makaiwas sa paglubog pa sa sarili ko, tumayo na ako. "Mukhang hindi naman."

     Agad pumihit ang mukha ni Zach sa akin. "Eto na! Palagi kang atat!"

     Umupo ako nang ayos, binigay ang atensyon sa sasabihin ni Zach, hindi sa mukha nya. Pagtyatyagaan ko na kung ano mang kabalbalan ang lalabas sa bibig nya, total hinintay ko na rin naman. Para na rin may konkretong dahilan na ako para iwan sya.

     "Sa tingin ko dapat mong bigyan ng diin ang dahilan na nakahanap ka na ng iba," sabi ni Zach.

     "Bakit?"

     "Una, masakit talaga iyon para kaninoman," dahilan ni Zach. "Sino bang hindi masasaktan kapag mahal mo yung isang tao tapos pinagpalit ka? Pangalawa, kung ang sitwasyon nyo ang bibigyan ng diin, may thought pa na pwede ka nyang mapatawad kasi pareho lang kayong biktima. Since takot na sya o ayaw na nyang magmahal, piliin mo yung mas masasaktan sya. Lalo na kung iyon talaga ang role mo, heartbreaker."

     Pft. Ako pa.

     Pero mahirap mang aminin, may punto si Zach. Hindi ako makapaniwala na may anggulo syang nakita sa sandaling panahon na hindi ko makita sa ilang araw kong pag-iisip.

     Nginitian ko sya. "May mapapala rin naman pala sayo, ano?"

     "Galing ko, diba?" sabi ni Zach na may pagtaas-taas pa ng kilay.

     "Dahil dyan," tumayo ako para ibalik na ang script sa bag ko, "libre ko na lunch natin."

     "Talaga?" excited nyang tanong. "Gusto ko yung Spicy Buttered Chicken ng Miya's, tsaka yung blue lemonade nila. Mura lang yun, Eros. Ano ba, pupunta tayo dun o magpapa-deliver na lang?"

     "Anong Miya's? Bakit pa? Marami namang hotdog dyan."

     "Ugh."

•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
Show love and support :) Vote, comment and share.

Like seriously, gusto kong malaman ang inyong palagay dito sa remake. Hahahaha

Continue Reading

You'll Also Like

912K 33.8K 49
Sa edad na 22 years old ay nbsb pa rin si Ava. Wala rin syang experience sa dating. Zero ang love life nya. Never been kissed never been touched. Paa...
11.8K 554 96
[Epistolary] Two broken hearts. A text. An understanding. And maybe an enchanted moment to fall in love.
7.3M 184K 29
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
113K 4.3K 31
Two strangers, One night. Nothing is sure. Is it really possible to fall in love in just one night?