S.I.A.T.T. Series Book 3: The...

By mimzee23

183K 5.7K 304

WARNING: SPG / R-18 / mature content Special Intelligence and Advanced Tactical Team (S.I.A.T.T.) S.I.A.T.T... More

Synopsis
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Epilogue

Chapter Seven

4.3K 141 4
By mimzee23

If Morissette was just an ordinary girl who has a low self esteem, then she will just be locking herself up inside her room, sulking and crying all day and night. Hearing those words would break any girl's heart.

But because she was different, a fighter and a girl who would take no for an answer, she just shrugged it off. She'll just have to make him fall for her, make him see that they were meant for each other.

Yes he's in love with someone else but that doesn't stop her from wanting him. What Reese wants, Reese gets and she will make him hers no matter what.

Kaya ipinagpatuloy pa rin niya ang paglapit sa binata. Kung ang ibang babae ay susuko na dahil lang sa sinabi nito ay ibahin siya ni Monti. Mas lalo siyang nanggigigil na mapasunod niya ang binata at mas lalo siyang nakakaramdam ng hamon na galingan pa ang pangungulit rito.

Araw araw ay inaaya niya itong magtanghalian sila nang sabay at sa tuwing tatanggi ito ay gagamitin niya ang kanyang lolo para hindi maka-iwas sa kanya ang lalaki. At kapag nakikita niyang nariyan ang mga mahaharot na babaeng umaaligid rito gaya ni Ditas at ni Khaela ay gumagawa siya ng paraan para hindi nila makausap ang binata.

Kailangan na niyang bantayan at bakuran ito para wala nang iba pang makalapit rito. At kung kinakailangang gumamit siya ng kapangyarihan bilang nag-iisang tagapagmana ng mga Tee ay hindi siya magdadalawang isip na gamitin iyon para sa pansariling kapakanan.

At iyon nga ang balak niyang gawin ngayon dahil ngayong araw ang ipinangakong party ng kanyang lolo sa kanya. Sa party na iyon siya ipapakilala bilang nag-iisang tagapagmana at susunod na mamamahala ng kanilang kumpanya.

Maraming imbitado na mga kilala at makapangyarihang tao sa negosyo. At siyempre pa ang lahat ng mga empleyado ng kanilang kumpanya.

Ilang araw lang ang naging preparasyon para sa party na iyon pero wala namang naging problema, lalo na ang kanyang damit na susuotin. Sa isang sikat na designer pa siya nagpagawa ng kanyang gown at talagang pinaghandaan niya iyon. Gusto niya siya ang pinakamaganda sa gabing iyon at dapat sa kanya lang mapapatingin ang lahat lalo na si Monti.

"Sobrang ganda mo talaga, Reese. Kamukhang kamukha mo ang mommy mo." Puri sa kanya ni Yaya Coring habang nakaharap siya sa salamin at inaayusan.

She wanted to look sophisticated and classy so she could match with Vermont. Seven years age gap must be unnoticeable.

Ayaw niyang magmukhang bata dahil ayaw niyang sabihin ng iba na hindi sila nababagay. Pero kahit disi-otso anyos siya ay nasa hustong hubog na ang kanyang katawan at iyon ang ipapakita niya ngayong gabi.

That she's already a woman who is so much ready to take any responsibility either in business or in marriage.

"Talaga yaya, sobrang ganda ko? Eh di sobrang bagay na kami ni Monti?" Kinikilig na tanong niya sa kanyang yaya.

"Ay sus, itong batang ito talaga, puro ka na Monti ngayon, wala ka nang bukambibig kung hindi ang binatang iyon." Saway naman sa kanya pabalik.

"That's because I really like him, I want him to like me too." At saka tumingin pa rito mula sa salamin. "Mahal ko na siya Yaya." Seryosong wika niya.

"Iba ang pagkakagusto sa pagmamahal. Baka atraksyon lamang ang nararamdaman mo."

"Hindi na ito simpleng atraksyon yaya." Aniya na umiiling pa. "Mahal ko siya at siya ang gusto kong mapangasawa!"

"Napakabata mo pa para isipin ang mga ganyang bagay, iha. Pag-aaral mo muna ang isipin mo at ang nalalapit na pagpapatakbo mo sa kumpanya ninyo." Payo nito sa kanya.

Napabuntong hininga siya dahil sa ipinayo nito sa kanya.

"Basta yaya, mahal na mahal ko siya at gagawin ko ang lahat para lang mapasa-akin siya." Determinadong sabi niya.

Ito naman ang bumuntong hininga.

"Huwag ka lang sanang umabot sa puntong makakasakit ka na ng iba para lamang makuha ang gusto mo." At saka siya nginitian ng bahagya bago siya iniwan roon.

Ipinagkibit balikat lang niya ang sinabi nito at nagpatuloy na lang siya sa pagharap sa salamin habang inaayusan siya.

After she's done with her hair and make up, it's time for her to put on the dress which is worth thousands of pesos.

She was wearing a dusty pink long chiffon dress with a sweetheart neckline and some silver appliqués. It enhances and accentuates her cleavage.

At nang nakuntento na siya sa kanyang itsura ay saka siya nagpasya na lumabas na ng kanyang kwarto. Sa  kanilang mansyon ginaganap ang party at kanina pa niya narinig ang pagsisimula. Siniguro niya na may grand entrance siya at dapat lahat ng mata ay sakanya lamang tututok pagkababa niya.

Nang senyasan na siya ng isa sa mga tauhan nila na ihanda na ang sarili sa pagbaba ay huminga siya ng malalim at tumayo na nang tuwid.

"I would like to present to you the sole heiress of the Tees', the future CEO of my company, my beautiful granddaughter- Morissette Allfryda Wong Tee." Narining niyang pagpapakilala sa kanya ng lolo. At iyon ang hudyat ng kanyang pagbaba mula sa grand staircase nila.

And the show starts now!

Bulong niya sa isip habang eleganteng bumababa sa malawak nilang hagdan. Taas noo siya habang may magandang ngiting nakapaskil sa mga labi. Lahat ay pumapalakpak habang nakatingin sa kanya.

Agad siyang humalik sa pisngi ng kanyang lolo at tumabi na rito. Hinawakan niya ang braso nito at saka nginitian ito na may kasamang lihim na mensahe roon.

Ngumiti naman pabalik ang kanyang lolo at saka siya iginaya sa mga bisita. Hinanap ng kanyang mga mata si Vermont at nakita niya itong kausap si Khaela Aragon. Kulang na lang ay umusok ang ilong niya sa inis at kung nagkataon lang na totoong may sungay siya sa ulo ay susuwagin na niya ang babae para mapatalsik na ito palabas sa lugar.

Why is she even here? Who invited her anyway?

Tanong niya sa sarili habang pinagmamasdan ang dalawa. Naiinis na siya at hindi pupwedeng wala siyang gagawing paraan para maghiwalay ang mga ito lalo na at mukhang nilalandi na ng bruha ang lalaki.

"What is she doing her Paps? Who invited her?" Bulong niyang tanong sa lolo na abala sa pakikipagusap sa mga kaibigan nito. Inginuso pa niya ang rito ang taong tinutukoy.

"I did. She's our client and she's here together with her family." At itinuro pa nito ang dalawang may edad na mag-asawa na marahil ay mga magulang ng babae.

"You know that I hate her because she's flirting with Monti, right? You should've not invited them here, this is my party and I want her out!" Simula na ng pagmamaktol niya.

At alam na ng kanyang lolo na kapag ganoon na siya ay hindi na siya titigil hangga't hindi nasusunod ang gusto niya.

"Then what do you want me to do Iha? Ask them to leave? That's very unethical for us and unprofessional for a businessman like me. I invited them here only to embarrass them by throwing them out of this party." Pabulong na sagot nito sa kanya.

"I don't care! Just do something so she can stay away from Monti! He's mine!" He glared at his grandfather.

Tumango naman ang matanda sa kanya at pagkatapos ay nagpaalam lang ito sa mga kausap bago sila umalis sa pwesto at naglakad papunta sa kung saan naroon ang dalawa.

"Ms. Aragon." Bati ng kanyang lolo sa babae. "I believe you have met my granddaughter, Reese." At iminuwestra pa siya.

Saglit na tiningnan siya ng babae bago muling bumaling sa matanda.

"Yes Don Manuel, we've met a few weeks ago." Sagot nito na may hilaw na ngiti.

"Good. You better be acquainted with each other because soon, she'd be the one who'll do business with you." Sagot nito at saka bumaling sa kay Monti. "Will you accompany my dear Reese? Mahirap na dahil marami ang umaaligid para siya'y lapitan. Mas panatag ang loob ko kapag ikaw ang kasama niya. Look after her and make sure no one will be able to lay their hands on her, is that clear?" Matigas nitong utos at tanong sa lalaki.

"Yes Don Manuel." Sagot ng lalaki na halatang napipilitan lang.

Magsasalita pa sana si Khaela para siguro pigilan ang binata pero naunahan ito ng lolo niya.

"I want to talk to your parents about our business, lead me to them." Utos nito na hindi na nakakontra pa ang dalaga.

Hindi niya mapigilan ang mapangiti dahil sa ginawa ng lolo niya. He just did her a favor. Kahit kailan talaga ay maaasahan niya ito sa lahat ng bagay at lahat ay handa nitong ibigay mapasaya lang siya.

Nang lumingon ang matanda at kumindat sa kanya ay hindi niya napigilan ang humagikgik.

"Another trick of yours to get rid of Khaela?" Narining niyang tanong ng binata sa kaliwa niya.

Nilingon niya ito at saka pinakatitigan saglit. Sobrang gwapo talaga nito na hindi mo aakalaing anak mahirap lang. Ang pagiging latino nito ay talagang nagpapa-angat rito sa lahat ng mga binata na naroon sa mansyon.

"A little." Sagot niya na may pilyang ngiti sa labi. "You know how I hate her right? Pasalamat nga siya at hindi ko siya pinalayas rito dahil kahit papaano ay may natitirang kahihiyan sa akin."

"Talaga? Meron pa nga ba?" Tanong nito sa tonong may pang-uuyam.

Bahagya siyang naapektuhan sa narinig pero pinalakas pa rin niya ang loob niya dahil hindi siya pupwedeng magpadaig sa insulto at sa hiya.

"Asan sina Nanay Vi at Nice?" Pag-iiba niya ng usapan.

Inalis nito ang tingin sa kanya at saglit na tumingala na para bang hinahamig ang sarili. Alam niyang naaasar at naiinis na naman ito sa kanya dahil nakadikit na naman siya rito at nagsisimulang mangulit.

"Nasa bahay." Simpleng sagot nito.

"But why? I invited them here." May panghihinayang na sabi niya.

"They are not used to this kind of social gathering. Kung hindi lang din ako empleyado ng kumpanya ninyo ay wala rin akong balak na pumunta rito. Simpleng tao lang kami at ang gusto rin namin ay simpleng selebrasyon lang, hindi tulad nito na pabonggahan ang lahat sa mga kasuotan." Anito sabay lagok sa hawak nitong kopita.

"Bakit naman? Eh bagay ka nga sa ganitong pagtitipon eh. Look at you, you look dashing in your black suit. You're devilishly handsome. Vermont." Papuri niya rito.

"I just borrowed this from a friend, but thanks for the compliment."

"Borrowed or not, it looks good on you. You're the most handsome guy in this party. Kaya sayo lang ako titingin." At saka siya kumindat habang ngumingiti nang matamis rito.

He shook his head while suppressing a smile. Masaya siya dahil kahit papaano ay napapangiti niya ang binata kahit halatang pinipilit nitong itago iyon.

Napalingon siya nang may lumapit na lalaki sa kanyang kanan.

"Hello there, Signorina." Bati sa kanya ng lalaki. "My name is Alrigo De Luca, but you can call me Rig for short." Nakangiting wika nito habang nakalahad ang isang kamay sa kanyang harapan.

Matangkad ang binata at halatang hindi Pilipino. Gwapo at makisig at mukhang galing sa isang buena familia gaya niya.

"Hi." Bati niya pabalik. "Morissette." Pakilala niya sa sarili at akmang makikipagkamay na rito nang pigilan siya ni Monti.

Pero ang mas ikinagulat niya ay nang pagsiklopin nito ang kanilang mga kamay. Habang masamang nakipagsukatan ng tingin kay Rig.

"She's not interested so get lost!" Mariin na untag ni Monti sa lalaki.

Gumuhit naman ang isang mapaglarong ngiti sa mukha ni Rig habang mataman ding nakatingin rito.

"Maybe we could meet properly next time, Signorina. You look lovely by the way." At nginitian siya nito na bahagya pang yumuko para magbigay galang sa kanya.

Tumango na lang siya at kumaway na rito nang umalis na ito sa harapan nila.
Bumaling naman ang tingin niya sa kamay nilang dalawa na magkadikit pa rin.

"What was that?" Tanong niya habang hindi siya masyadong gumagalaw dahil bak bigla nitong bitawan ang kamay niya.

"He was about to lay his hands on you, so I did what I had to do." Sagot nito na ikinakilig niya.

"Were you jealous?" At napakagat labi pa siya para mapigilan ang sarili na mamilipit dahil sa kilig.

Kumunot naman ang noo nito at saka bumaling sa kanya.

"I'm not! I'm just following your grandfather's order." Sagot nito at saka bumitiw na sa kamay niya.

Sumimangot siya dahil roon. Akala pa naman niya ay nagselos ito kanina kaya naging ganoon ang reaksyon nito at itinaboy pa si Rig.

"Lahat ba nang inuutos sayo ng lolo sinusunod mo?" Tanong niya habang naka-krus ang mga braso sa kanyang dibdib.

"Oo. Dahil amo ko siya at malaki ang utang na loob namin ng pamilya ko sakanya." Prangka nitong sagot.

Hindi niya tuloy alam kung matutuwa o maiinis siya sa isinagot nito. May sasabihin sana siya pero nabitin sa ere ang mga salita niya nang biglang lumapit si Ditas sa tabi nito.

"Andito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap." Anito sa binata na ngumuso pa.

Tiningnan niya ito simula ulo hanggang paa. Simple lang ang suot nito at pati ang make up nito ay manipis lang. Kung ipagtatabi silang dalawa ay walang laban ito sakanya, ngunit sa babaeng ito siya mas nakakaramdam ng pangamba. Kahit mas maganda at mas nanlalandi si Khaela ay kay Ditas siya mas asar. Alam kasi niya na may espesyal na damdamin ang binata rito kaya't mas gusto niyang paglayuin ang dalawa.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya pero may halong pagka-asar ang tono niya.

"Morissette." May banta sa tinig ng binata.

"Anong masama sa tanong ko? This is my party and I didn't remember inviting her here." Masungit niyang wika.

Napayuko naman ang dalaga dahil sa turan niyang iyon. Hindi naman sa matapobre siya pero gusto lang niyang bantayan ang pag-aari niya.

"She's with me. I invited her here. Isa pa, empleyado din naman ng kumpanya ang tatay niya kaya maaari siyang sumama rito." Pagtatanggol ng lalaki.

"Pwede naman akong umuwi na Monti, ayos lang naman sakin." Banat ng babae na animo'y nagpapaawa pa.

Drama! Akala mo naman minaltrato ko o inalipusta kung makaarte ng ganyan. Eh di ikaw na ang best actress! Wagas kang umarte eh!

Anas niya sa isip na gustong gusto niyang isatinig pero mas pinili niyang huwag na lang dahil paniguradong siya na naman ang lalabas na masama sa paningin ng binata.

"Hindi ka aalis, dito ka lang." Pigil ng lalaki rito at saka naman bumaling sa kanya. "Kapag paaalisin mo si Ditas, aalis na rin ako dahil ako ang nagdala sa kanya." Seryosong sabi nito sa kanya.

Tumaas ang isang kilay niya dahil roon. At nang mapatingin siya sa babae ay nakita niya ang lihim na pagngiti nito na sadyang sa kanya lamang ipinakita. Pinaaabot nito sa kanya na ito ang pinili ng lalaki kaya ito ang nanalo.

Wala pang panalo dahil hindi pa tapos ang laban!

Untag niya sa isip at saka ngumiti sa kay Monti.

"Sure, whatever you say." Sagot niya at hinawakan pa niya ang pisngi ng lalaki na ikinagulat nito at ng babaeng katabi nito. "Enjoy the party." Aniya sa dalawa at saka siya naglakad palayo rito.

"Morissette!" Tawag sa kanya ng binata kaya nilingon niya ito saglit. "Ang sabi ni Don Manuel dapat kitang bantayan dahil maraming lalaki-" pinutol niya ito sa pagsasalita.

"Hindi mo na magagawa yun dahil busy ka nang magbantay ng ibang babae eh." At saka niya saglit tiningnan si Ditas. "Don't worry, I can take care of myself." At saka muling tumalikod para maglakad palayo.

Kailangan niyang makausap ang lolo niya. Sisiguraduhin niyang hindi malilimutan ng dalawa ang gabing iyon dahil sa gagawin niya.

And when she saw her grandfather she immediately pulled him and talk to him in private.

"You need to make the announcement Paps." Pamimilit niya sa matanda.

"But it's still too early dear, pwede pa naman mamaya-" agad niyang pinutol ang matanda.

"No, I want it now!" Nanggigigil na sabi niya.

"Are you sure about this?" Naninimbang ang tono nito sakanya.

"Hell yeah!" Determinadong sagot niya.

Pinakatitigan siya nito saglit bago bumuntong hininga at tumango sa kanya.

Sumunod na siya sa paglalakad nito patungo sa pinakagitna ng kanilang bulwagan. Ngumiti siya nang humarap sa lahat dahil kinuha na ng kanyang lolo ang atensyon ng mga bisita.

"I have a few announcement to make." Paninimula nito na nagpatahimik sa paligid. "As you know, my granddaughter will soon take over my position as the CEO of M.A.T. Crafts and Bullets, Inc. Yes, I know that she's still too young to handle the business alone, that is why she needs someone to help and guide her in running the company." Patuloy ng lolo niya.

Narinig niya ang mga umuugong na bulungan ng ibang naroon at ang pagtataka at kuryosidad ay nasa mukha ng lahat.

She glanced at Khaela who was narrowing her eyes while staring back at her. It seems that this b*tch knew what she's up to and with that, she can't help but to smirked at her.

And then she heard her grandfather called out Monti to come forward and stand beside them.

Napatingin naman siya sa gawi kung saan nakatayo ang binata kasama si Ditas. Naroon sa mukha nito ang gulat at pagtataka nang tawagin ito ng kanyang abuelo. Tumaas ang isang kilay niya dahil mahigpit ang pagkakahawak ng babae sa braso nito bago nito hinayang makalakad ang lalaki papunta sa kinatatayuan nila.

Ang when Vermont stood beside her, she looked at Ditas with her head held high and gave her a lopsided smile that says she won.

"I want someone to take good care of Reese and someone who's also capable of helping her run the company." At saglit na huminto ang kanyang abuelo para tingnan silang dalawa ng binata. "And I choose Vermont Santillan as my soon to be grandson." Nakangiting anunsiyo nito.

She smiled genuinely and gazed at the man beside her, only to find him staring sharply at her. His jaw tightened and his fist was clenching hard as if he was on the verge of losing his temper.

Nawala ang ngiti niya at napalunok siya dahil sa kaba.

Everyone congratulated both of them. She waited for him to yell at her, and to deny what his grandfather has said. But instead he moved closer to her and whisper.

"Nice move brat! But you can't force love and you can never force me to marry you!"

Continue Reading

You'll Also Like

168K 4K 24
You make the Heartless Eros's heart beats. Do you know what happen next?
189K 3.6K 55
The Teenager Mommy into Aimer La Maman Célibataire. SYPNOSIS Carisha was sixteen when she decided to go in a Bar. She was so careless at that time th...
14.8K 395 32
!! U N D E R R E V I S I O N !!
26.3K 550 45
And she is the only innocent girl, that I ever wanted. (YELLOW HEART SERIES) [UNEDITED]