VINCENT (Book 1 of 2) ↠ Amor...

By Chelsea_13

2.3M 36.4K 9.3K

Losing her memories in an accident, Savannah Fonacier woke up unable to trust the people around her and with... More

✨VINCENT✨
✨Umpisa✨
✨1.2 : Welcome Home✨
✨1.3: Fuck me✨
✨1.4 : Sinful Twin✨
✨1.5 : Good boy ✨
✨1.6 : Mga Paasa✨
✨1.7 : Uhaw✨
✨1.8 : Tukso✨
✨1.9 : Jedidiah Adriano ✨
✨1.10 :Intense✨
✨1.11 : Gone✨
✨1.12 : Manipulative Bastard✨
✨1.13 : My Reed✨
✨1.14 : Sorry✨
✨1.15 : Yours✨
✨1.16 : Carnal Pleasures✨
✨1.17 : The Taste of Sin✨
✨1.18 : Morning After✨
✨1.19 : Stay✨
✨1.20 : Future With You ✨
✨1.21 : Volim te✨
✨1.22 : Girls✨
✨1.23 : Questions✨
✨1.24 : Temptations✨
✨1.25 : Del Fuego✨
✨1.26 : Fernandez✨
✨1.27 : Point of No Return✨
✨1.28 : Free Fall✨
✨1.29 : Peccatum serpentis✨
✨1.30 : Mystery Girl✨
✨1.31 : It Runs In The Blood✨
✨1.32 : Honesty✨
✨1.33 : Kulot (Part One)✨
✨1.33 : Ash (Part Two)✨
✨1.34 : Hate Me✨
✨1.35 : Truth and Lies✨
✨1.36 : Possibilities✨
✨1.37 : Pagbalik✨
✨1.38 : Selos✨
✨1.39 : My Words✨
✨1.40 : Mine✨
✨1.41 : Never Have I Ever✨
✨1.42 :Fairness✨
✨1.43 : Touch Me✨
✨1.44 : Soft Kisses✨
✨1.45 : Lumiere✨
✨1.46 : Secret Couple✨
✨1.47 : Burning Love✨
✨1.48 : Only Exception✨
✨1.49 : Flowers✨
✨1.50 : First Dates✨
✨1.51 : Runaways✨
✨1.52 : Lies✨
✨1.53 : My Place (Part One)✨
✨1.53 : My Place (Part Two)✨
✨1.54 : Dreams and Nightmares (Part One)✨
✨1.54: Dreams and Nightmares (Part Two)✨
✨1.55 : My Fault✨
✨1.56 : Don't Leave✨
✨1.57 : Revelations✨
✨1.58 : Wild Ride✨
✨1.59 : Sweetest Downfall✨
✨Book 1 Epilogue : Amor Vincit Omnia✨
BOOK TWO : VINCENT (Book 2 of 2) : Amor aeternus

✨1.1 : Lost Soul✨

70.2K 1.4K 463
By Chelsea_13

1.1: Lost Soul 

"Don't do this Savannah... Don't leave me. Please... They don't know about us baby... so forget about them and focus on us. I need you..."

I touched his cheeks, wiping the tear away with my thumb. Alam kong mali siya. May hinala na sila. Kaunti na lang at malalaman na nila ang tungkol sa amin.

"Baby, please."

Hinawi ko ang ligaw na buhok sa mga mata niya. Alam ko na mali ang ginawa kong iyon. That was way too intimate. Hindi na ito pwede... bawal... hindi tama... pero, damn. Bakit hindi ko mapigilan ang sarili ko?

Kailangan kong tumakbo na papalayo sa kanya. Kailangan ko na siyang pakawalan...

Subalit... hindi ko kaya.

"Reed, I don't want to stop but–"

"Then, don't baby. Don't stop. We can do this. Babaliin ko ang lahat ng batas para sa'yo..." He whispered in my ear. 'Yong init ng hininga niya sa may tainga ko ay parang gumapang na sa buong katawan ko. Parang sinusunog ang kaluluwa at katawan ko sa init ng mga haplos niya...

"Don't stop loving me, Savannah..."

Napakagat na lang ako nang dumaplis ang labi niya sa labi ko. "Pero..."

He exhaled and then whispered, "Savannah please..." Nang sa pangalawang pagkakataon na ginawa niya ito ay hindi ko na napigilan ang sarili ko at nabuwag na lahat ng prinsipyo ko. Sa simpleng pagbulong niya sa akin ay nayanig na ang buong pagkatao ko.

"Okay..." I said breathlessly.

Hindi niya na ako binigyan ng tiyansa para habulin ang paghinga ko at bigla na lang niya akong siniil ng isang mapangahas na halik.

Our lips parted and his warm soft tongue brushed mine. I moaned when all the forbidden sensation rushed through me. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at ipinadausdos ko ang kamay ko sa malambot niyang buhok hanggang sa makarating ito sa pormado niyang likod.

Oh god.

Kung makita nila Mommy ang ginagawa ko—ang ginagawa namin ngayon... baka...

Kahit na lasing na lasing na ako sa mga halik niya ay naramdaman ko pa rin nang buhatin niya ako at sinimulang dalhin sa itaas. Hindi ko alam kung paano niya nakakayanang hindi tumingin sa hagdanan at dalhin ako sa isang kwarto na hindi kami natutumba. But I didn't care. As long as he didn't stop touching and kissing me. I didn't care.

Naramdaman ko na lang na inilapag niya ako sa isang matigas na kama. I knew instantly that it was his room. Ilang gabi rin ang itinagal ko rito, kabisado ko na ang pakiramdam ng kama niya sa likod ko.

"Baby, don't do this again. Don't try and leave me again..."

Pinagmasdan ko ang seryoso niyang mukha na nagsusumamo sa akin. Katulad ko ay matangos din ang ilong niya, ang kinaibahan lang ay mas naka-depina ito at mas nagpapagwapo sa kanya. Pati ang dimples niya na nagpapakita, kahit na sa simpleng paggalaw ng bibig at labi niya at kahit hindi siya ngumingiti ay perpekto pa rin ang kurba. Pati ang mga mata niya na kung makatitig ay tutunawin ka at papatayin ka sa kaba ay wala ring kapantay...

Napabuntonghininga na lang ako... Napaka-perpekto niya.

Hindi ko rin alam kung paano kami humantong sa ganito. Napakaraming dahilan ang pwedeng pumigil sa amin at napakaraming batas ang sinusuway namin sa relasyong ito pero... bakit hindi namin mapigilan?

Agad ko siyang tinulungan sa pagtanggal ng mga damit na humaharang sa aming dalawa bago niya ako siniil pa ng mga halik. Tanging mabigat na paghinga lang namin ang naririnig ko sa buong paligid ko.

"Wait here, baby."

Pinanood ko siyang tumayo at patayin ang ilaw. Bawat galaw ng maskulado niyang katawan ay nagpapahina ng kontrol ko sa sarili. Ngumisi siya nang makita niya akong pinagmamasdan siya.

"Nobody can stop me from loving you. You do know that, right?"

Kinagat ko ang labi ko. Alam ko naman. Ang problema lang, kahit anong sabihin namin sa aming mga sarili, kahit kailan ay hindi magiging tama itong pagmamahalan namin.

Nang maramdaman ko siyang bumalik na sa kama ay doon pa lamang ako naglakas loob na tumingin sa kanya muli, ngunit wala siyang sinayang na oras para angkinin ang ibabang labi ko.

"Reed..."

There's something about the darkness, the feeling of his hard chiseled chest against mine, and our heavy breathing that sent my entire body into an overdrive. All my wits and all that remained in my brain were thrown out of the window. All that remained was need... my intense, burning need.

Even if the whole world was against us... susubukan ko...

I will try to fight for this, I told myself.

I will try to fight for us.


***

"Savannah?"

Bigla akong nagising at nahugot sa makasalanang panaginip na lumulunod sa akin.

Anong ibig sabihin ng panaginip na iyon?

Agad na dumampi ang mga kamay ko sa bibig ko. Imposible... S-sinong...

"May problema ba anak?"

Patuloy kong hinahaplos ang labi ko. Nararamdaman ko pa rin ang pagpulso nito at ang init na dulot ng mga halik ng lalaki sa panaginip ko... Imposible.

Sino siya?

"Savannah, dear are you okay?"

Pinilit kong kalimutan ang napaka-wirdong panaginip at tiningnan na lang ang babaeng nagsasabi na siya raw ang mommy ko.

Sobrang puti niya at sobrang ganda rin niya. Mahaba ang kanyang buhok at kulay brown ito. Sa sobrang kintab nga ay aakalaing mong bida siya sa isang shampoo commercial.

Matangos ang ilong niya at base sa kulay ng mga mata niya ay para siyang Latina. Maganda, matangkad at balingkinitan din ang katawan niya.

Hindi ko siya kamukha...

"Anak?"

Dahan-dahan siyang lumapit na parang naninigurado na okay lang ang gagawin niya.

"O-okay lang ako..."

Umiwas ako ng tingin at tumitig sa isang salamin sa gilid ko. Anak niya ba talaga ako? Savannah ba talaga ang pangalan ko? Bakit parang may hindi tama?

"Savannah? You want this dear?"

Napilitan akong tumingin sa kanya muli nang tawagin niya ulit ang pangalan ko. Pinagmasdan ko siya habang lumalapit na may dalang mga prutas galing sa grocery.

Para siyang reyna kung gumalaw. Lahat ng bagay ay kalkulado at lahat ng tingin niya sa'yo ay matatalim. Kung hindi niya siguro ako anak ay baka magtago ako sa kumot sa sobrang takot sa mga titig niya.

Pinipilit ko talaga ang sarili ko na alalahanin ang lahat tungkol sa kanya... na siya nga talaga ang mommy ko. Pati na rin doon sa nagsasabing 'daddy' ko raw siya... pero wala talaga... Kahit isang impormasyon tungkol sa kanila ay wala akong matandaan.

I didn't know what happened to me. Nagising na lang ako noong isang araw na nandito sa isang napakagarang ospital at wala nang maalala sa buong pagkatao ko. I didn't even know my name. Or even my age.

Yes, at nakakatanda ako ng mga iilang bagay tungkol sa paligid ko at mga importanteng ginagawa ng tao. Pero hanggang doon na lang 'yon.

Sa totoo nga niyan, sila Mommy lang ang nagsabi sa akin na Savannah daw ang pangalan ko at sila ang mga magulang ko.

Sabi ng mga doctor, selective amnesia raw ang condition ko. Tinanong ko kung anong ibig sabihin niya doon at ang sagot niya sa akin ay may mga piling memorya raw ako na hindi matatandaan.

Nang itinanong ko naman kung may posibilidad na maibalik ang mag memorya ko, tanging iling lang ang naisagot nila sa akin. Ang magagawa ko na lang daw ay maghintay.

"You want apples? It's your favorite," she smiled at me and offered me one. Wala si Daddy dahil sabi sa akin ni Mommy, busy daw siya sa pag-asikaso ng kumpanya namin.

Apparently, my dad was a big time business tycoon at wala raw oras ang pwedeng sayangin sa ganoong trabaho... kahit na magbantay pa sa anak niyang nasa hospital.

Kinuha ko kay Mommy ang apple at tinikman ko ito. Hindi ko pa nakikita ang sinasabi nilang daddy ko kaya hindi pa ako makapag-desisyon kung anong mararamdaman ko sa kanya.

"Try it dear, binili ko 'yan sa paborito mong fruit stand," Kumagat ako nang kaunti sa green apple. Halos tanggalin ko na ang dila ko sa asim ng apple. Talaga bang paborito ko ito?

"What's the matter? Ayaw mo na?"

Umiling ako. I didn't want apples. I didn't want anything.

I just wanted answers.

"Ma."

Tumingin siya sa akin at hinaplos ang kamay ko. "No, Mommy ang itawag mo sa akin dear."

"Mo-mommy..."

Ibinaba ko ang apple sa pinakamalapit na mesa at sinubukang umupo nang maayos. Alam kong pinapanood niya ang bawat galaw ko kaya naman mas lalo akong kinabahan.

Noong araw na magising ako, litong–lito ako sa lahat ng bagay. Ni hindi ko nga ma-recognize ang sarili kong mukha. 'Yong para bang hindi sa akin ang katawan ko? Pero sabi nila Mommy, epekto lang daw ito ng aksidente ko.

But I really wanted to find answers. I wanted to ask her kung sino talaga ako. Kung ano ang mga gusto ko dati at mga hindi ko gusto. Ayoko na ng pakiramdam na ganoon. 'Yong walang alam. 'Yong parang kumakapa sa dilim.

Lumunok ako nang itinaas niya ang kilay niya na parang sinusuri ang bawat galaw ko. Kinabahan ako at umatras ang dila. Kaya ko bang itanong sa kanya?

"Si-sigurado po ba kayong ako si Savannah?"

Wala pang ilang segundo ay lumapit agad siya sa akin at tinitigan ako nang diretso sa mata. I shouldn't have asked that.

"You are Savannah Destiny, and you are my daughter," mariin niyang sabi sa akin. Napaiwas na naman ako ng tingin. I couldn't stand her stare.

Sabi nila, pabalik na raw ako sa retreat house namin sa Baguio nang mabunggo ko ang isang nagbibiskleta sa may daan. Tumakas daw kasi ako nung gabi para pumunta sa isang underground party at inumaga na raw ako pabalik.

Sinubukan kong bungkalin ang natitira kong mga memorya sa utak para alalahanin kung ganito nga talaga ang nangyari subalit kahit anong pilit ko ay wala na talaga akong natatandaan.

Hindi ko naman daw kasalanan ang aksidenteng nangyari dahil madulas ang highway dulot ng bagyo. Pero hindi katulad ko, hindi naging kasing swerte ko ang babaeng nakabanggaan ko. Tumilapon daw siya at ang kanyang bisikleta sa kabilang parte ng highway na sanhi ng pagkamatay niya.

Maswerte nga raw ako dahil nakatalon pa ako sa labas ng sasakyan bago ito sumabog nang dumausdos ito sa bangin.

Hindi ko rin alam kung paano nila nalaman ang mga detalyeng ganito subalit tinanggap ko na lang dahil wala naman na akong magagawa. Wala naman din akong matandaan.

"Will I have my memories back?"

Nakita kong may tumulong luha sa mga mata ng mommy ko. Agad niya itong pinunasan nang pagmasdan ko siya. Bakit ganito? Bakit wala akong maramdamang lungkot? Bakit ba wala akong maramdamang kahit ano para sa sarili kong ina?

"It will. And let's hope it'll be soon dear," niyakap niya ako nang mahigpit. Imbis na malungkot ako sa nakikita ko ay mas binigyan ko ng pansin kung paano hindi naging pamilyar ang yakap niya sa akin.

"Uuwi na nga pala ang kuya mo bukas ah."

Ako ang unang kumalas sa pagkakayakap dahil nahihiya ako. Hindi ko rin alam kung bakit pero hindi pa ako kumportable sa mga ganoong bagay.

"K-kuya?"

Ngumiti sa akin si Mommy at tinutulangan ako para makaupo nang maayos. "Yes, baby. Your twin will come home tomorrow. He took the first flight back here the moment he heard that you can already come home. It's also a good thing you know, at least we can have a family dinner when he arrives."

Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang akong kinabahan. "Anong pangalan niya, Mommy?"

Ngumiti siya at tinapik ang aking ulo. May magkahalong lungkot at kinang na naglalaro sa kanyang mga mata.

"You'll find out tomorrow, dear. Sigurado akong mas gusto ng kuya mo na siya ang magpapakilala sa 'yo. You and him have that special connection, you know."

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 44.8K 48
Halimaw sa banga ang bansag ng makulit na si Anne Reyes sa kanyang guwapo pero grumpy boss na si Hunter dela Merced. Masungkit kaya niya ang puso nit...
226K 6.8K 32
[COMPLETED / UNEDITED] 1st Installment of The Infidus Duology --- • The Wattys 2020 Winner under New Adult category • Under RomancePH's Romantic Blis...
220K 4.8K 12
Mahal ko ang pinsan ko at habang tumatagal lalong tumitindi ang pagmamahal na yon. Parang isang Virus, kahit ayoko kusang kumakalat sa sistema ko ang...
Best Friends By Yuja

Teen Fiction

8.1K 107 77
Bestfriend? Yan ang taong kapag kailangan mo ng karamay andyan lagi. Pinapagaan ang loob mo, pinapayuhan ka, pinapagalitan ka kapag may ginawa kang h...