The Devil's Son

By Itst4sha

852K 11.6K 3.3K

"I don't care if I will fall in love with a devil .. as long as that devil will love me the way he loves hell... More

AUTHOR'S NOTE
CHAPTER ONE
DO NOT PROCEED
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
BASAHIN NIYO :)
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-TWO
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER THIRTY-FIVE
CHAPTER THIRTY-SIX
I : Ang Anim na Kasalanan
II : Ang Anim na Kasalanan
CHAPTER THIRTY-SEVEN
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY-NINE
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY-ONE
CHAPTER FORTY-TWO
CHAPTER FORTY-THREE
CHAPTER FORTY-FOUR
CHAPTER FORTY-FIVE
CHAPTER FORTY-SIX
CHAPTER FORTY-SEVEN
CHAPTER FORTY-EIGHT
OLD MESSAGES FROM MY READERS
UPDATE
CHAPTER FORTY-NINE
CHAPTER FIFTY
CHAPTER FIFTY-ONE
CHAPTER FIFTY-TWO
CHAPTER FIFTY-THREE
TO ALL THE TDS FANS/READER

CHAPTER THIRTY-THREE

15.7K 302 169
By Itst4sha

[DAMON’S POV]

Damn that girl!

Sabi ko sa sarili ko habang hawak hawak ang kamay kong hinawakan niya.

Ano ba yung sinasabi niyang devil star? And she’s talking to me like she knew me well?

Wala akong masyadong maalala pero sigurado ako sa sarili ko na hindi ko talaga siya kilala. Pero bakit ganoon na lang niya ako tawagin sa pangalan ko? Bakit wala siyang pakundangan kung lumapit sakin?

Ang weird.

“Hi Damon …” Bati ng mga babaeng nakakasalubong ko.

Sumasakit ang ulo ko kakaisip kung paano at bakit nila ako kilala. Bakit wala akong maalala? Bakit pakiramdam ko, halos kalahati ng buhay ko ang nawala sakin?

“Damon …”

Sa lahat ng taong tumawag sa pangalan ko ngayong araw na ‘to. Si Erick lang ang kilala ko. Well, Kurt said that he’s my cousin. We were cousins. But I don’t remember how we’re related. Nagka-amnesia ba ako?

“Good to see you.” Anito habang nakangiti sa akin.

May kakaiba sa mga ngiti niyang iyon. Mga ngiti na hindi ko dapat pagkatiwalaan. Pero kanina ako dapat magtiwala kung wala naman akong ibang maalala kundi sila Erick lang?

“Y-yeah. Good to see you too.” Napilitan kong sagot sa kanya.

“Sana hindi ka masyadong manibago sa mga tao dito. Wag mo na lang silang intindihan.” Sabay tapik niya sa balikat ko. “May lumapit ba sa’yo na babae kanina?”

“Marami. Pero may isang babae kanina na kakaiba sa kanilang lahat. She suddenly grabbed my wrist and started talking about something … something like a devil star?”

“Don’t mind her. She’s crazy.”

“DAMON!” Biglang umalingawgaw ang pangalan ko sa hallway ng school. Isang babaeng saksakan ng pangit ang patakbong lumakad palapit sa akin. Galit na galit ito na para bang gusto akong patayin sa mga tingin pa lang niya sa akin.

Walang anu-ano’y bigla niya akong sinampal.

“Ang kapal ng mukha mong umasta na parang wala lang sa’yo ang bestfriend ko! Ano?! Magpapanggap kang wala kang naaalala para kalimutan na naman siya? Sira ulo ka talaga, ano? No wonder kung bakit nasabi ni Kathy na demonyo ka kasi yang ugali mo … demonyo talaga!”

Tapos humarap naman siya kay Erick.

“At isa ka pa! Kailan pa kayo naging close nitong taong ‘to?! Ha?!” Sabay duro niya sakin habang kinakausap niya si Erick. “Di ba mortal enemy kayo?! Bakit ngayon kung makalapit ka kay Damon daig niyo pa ang magkapatid?!”

Hindi makasagot si Erick. O sadyang ayaw lang niyang sumagot sa tanong ng babae?

Nagpalipat-lipat ang babae ng tingin sa amin. “Mga walanghiya kayo! Pinaglaruan niyo lang yung feelings ng bestfriend ko! Simula ngayon ah … AYOKO NANG MAKIKITANG LALAPIT KAYO SAKANYA!”

Biglang umalis ang babae pero maraming katanungan ang naiwan sa isip ko.

Sinong bestfriend? Sino ang tinutukoy niya?

Mortal kaming magkaaway ni Erick? Bakit?

Dahil saan?

At anong demonyo?

Sino?

Nagkatinginan kami ni Erick.

“Dapat talaga binabawas-bawasan ng school admin ang mga baliw dito sa university na ‘to. Nakakabulabog ng tao.”

Napatingin ako kay Erick. May hindi ba siya sinasabi sakin? May dapat ba akong malaman?

“I think she knows me.”

“Matagal nang may gusto sa akin ang babaeng yon. You know girls … mapansin lang ng taong gusto nila, gagawa at gagawa ng eksena.”

“With a slap on my face? I don’t think so …” Nagtataka kong sabi.

Hindi ako sasampalin ng babaeng ‘yon ng walang dahilan. Mukha siyang baliw pero sigurado akong may dahilan siya kung bakit ganon na lang ang galit niya sakin … sa amin.

“Anyway, don’t mind her – masanay ka na sa mga ganyan ngayon.”

Tumango-tango lang ako. I tapped his shoulder at napaso ako. Napaso ako - literal. Saglit kong tinignan ang palad ko na dumampi sa balikat niya. Namumula iyon.

Hindi ko na iyon sinabi pa sa kanya. Kung may mga bagay man akong nakalimutan o hindi maalala. O mga bagay na tinatago nila sa akin. Pipilitin kong alamin yon. Hinding-hindi ako magtitiwala sa mga tao sa paligid ko.

Dumiretso kami ni Erick sa mansiyon. The same old house where I’ve spent half of my life with. I could still remember those memories with my parents but aside from that, wala na. Doon, nadatnan ko si Julia. At tulad nang dati, wala pa rin siyang kasingganda. Napangiti ako.

“Julia …” I should be thrilled to see her but I couldn’t find that emotion in me.

“Did you miss me?” Tanong niya.

“Yeah of course – a lot.” Pagsisinungaling ko. It felt strange when she kissed me on my cheek.

I suddenly pushed her away.

Mahina lamang iyon pero ikinagulat ni Julia ang ginawa ko.

“May problema ba?”

“W-wala. Napagod lang siguro ako.”

“I cooked your favorite.” Nakangiti niyang sabi sakin. “C’mon, let’s have dinner.”

Hinawakan niya ang kamay ko na bahagya kong ikinagulat. What the fvck is happening to me?

It didn’t feel right.

We’ve been dating since high school but I couldn’t feel the spark between us anymore. Parang hindi siya ang hinahanap ng puso ko. Hindi siya ang gusto kong hawakan. Hindi siya ang gusto kong makita.

“Is there something wrong?” Muling tanong ni Julia sakin.

“I don’t think that this is normal. This isn’t the usual things I do. Can you freaking explain what the hell is happening to me?”

Natigilan siya.

[KATHY’S POV]


 
“Kumusta na? Nandiyan ka pa ba?

Wala na yatang ibang magagawa kundi tumawa …

Nandiyan pa ba? Mga ala-ala …

Ang tanging bagay na naiwan sa’ting dalawa …”


UMAASA

Simpleng salita lang pero kapag naramdaman mo ... nakamamatay! Mahirap umasa. Lalo na kung wala ka namang aasahan. Para kang naghihintay ng malakas na ulan sa kasagsagan ng tag-tuyot.

Yung tipong ‘Oo’ ngayon tapos bukas, ‘Hindi’ na. Pero dahil hindi mo kontrolado ang sitwasyon, magkatotoo man yon o hindi ... wala kang magagawa. Wala kang ibang pwedeng gawin kundi ang umasa.

Aasa ka pa din. Magbabakasakali ka pa rin na hanggang sa huling pagkakataon magbabago ang isip niya. Ang tanong ...

Hanggang kailan ka aasa? Hanggang kailan mangyayari ang mga bagay na sinang-ayunan niya?

Ibinaba ko ang ballpen ko dahil nalulunod na ang mga mata ko sa mga luhang ayaw magpaawat. I am slowly fading.

Hindi ko alam kung bakit ako pinaparusahan ni God nang ganito. Bakit niya hinayaang mangyari sa amin ni Damon ‘to? I’ve tried my best to be good. Wala akong tinapakan na ibang tao. Wala akong sinaktan. Hindi ako perpekto pero hindi ako naging masamang tao. Anong ginawa ko para mangyari sa akin ang lahat ng ‘to?

“Nakita ko nang lahat ito … pinahihiwatig nang mata mo.

Salamat na lamang sa’yo … ohhh …”


Muli kong kinuha ang ballpen saka ako pumilas ng isang pahina mula sa kwaderno na sinusulatan ko.

Damon …

I don’t know how to fight anymore. I don’t even know how to love you and hold onto us. Thank you for being the best part of me. Ikaw na yung pinakamagandang bagay nangyari sa buhay ko. Minahal kita kahit na alam kong malabo na mahalin mo rin ako. But then, you did. And you made me love you even more. Naging malinaw ang mga bagay-bagy sakin nung minahal mo ako. Nagkaroon ako ng kaunting pag-asa na magkasama tayong lalaban at tatapusin ang laban na ‘to.

Pero eto, mag-isa na naman ako. Dapat pa ba akong lumaban? O dapat na akong sumuko?

    Mahal na mahal kita. At sana, hindi mo nakalimutan yon.
 
Kath

Binitawan ko ang ballpen atsaka ako sumubsob sa mesa. Iniyak ko nang iniyak lahat. Umaasa na sana pagtigil nang luha ko ay tumigil na din sa pagtibok ang puso ko …

Mahal na mahal ko siya.

Mahal na mahal.

Halu-halong emosyon na ang gumugulo sa akin. Hindi na rin ako makapag-isip ng tama. Kaya naman bago pa ako tuluyang mabaliw kakaisip ay kinuha ko ang papel na iyon saka ko nilukot at buong-lakas na ibinato sa bintana.

“Ayoko na!” Sigaw ko habang unti-unti akong kinakain ng lungkot at sakit. Habang unti-unti akong nawawalan ng lakas para lumaban.



[ERICK’S POV]

“Masaya ka ba ngayon … Julia?” Tanong ko sa babaeng wala ring ibang hinangad kundi ang magmahal at mahalin ng taong minamahal namin.

“O-oo naman. Salamat sa’yo, Erick.” Nakangiti niyang sagot sakin.

Napangiti ako sa kawalan.

“Erick …”

“Hmmm?”

“Ano nang plano mo kay Kathy?”

Natigilan ako.

“Marami akong plano pero lahat ng iyon ay hindi ko pa rin sigurado.” Sabay inom sa hawak kong kopita. “Every plans that I have depends on her.”

“Hindi ka ba napapagod?”

Bahagya akong tumawa. “Hindi ko nararamdaman iyon. Ikaw … nung minahal mo ba si Damon, napagod ka ba?”

Yumuko siya. “Hindi. Pero gusto ko na siyang isuko.”

“Hindi ko alam ang salitang iyon … hindi ako susuko. Kathy is worth fighting for.”

“Minsan, kailangan mong matutunan ang salitang yon. Kailangan mong tanggapin na hindi lahat nang bagay na gusto mo ay makukuha mo at para sa’yo. Minsan kailangan mong ipaubaya yon sa iba. Kasi anong silbi nang na sa’yo nga pero … hindi naman siya masaya.”

Sukat ng marinig ko iyon ay parang gusto kong maduwal. Hindi ko kayang sikmurain ang mga salitang binitawan ni Julia.

Hindi ko kayang magpaubaya. I’ve sacrificed my wings for her love. And now, I want something in return. I want her to love me, by hook or by crook.

“Wala akong paki-alam.” Mariin kong sagot. “I have powers and I have hell to back me up.”

Naramdaman kong tumingin si Julia sa akin.
Humans are weak. Good thing, I am a devil.

“Pero paano paghihiwalayin nang impyerno mo ang dalawang taong itinadhana nang langit?”

Paano nga ba?

Continue Reading

You'll Also Like

173K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...