HF 2: His Thantophobia

By propername

381K 5.5K 925

He is her serendipity. He fell in love and is afraid of losing her. - HF: Her Serendipity (book 1) HF 2: His... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 29*
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Epalogs
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue & Author's Note
APOLLO'S STORY

Chapter 13

7.1K 88 12
By propername

"Kayo ang nagpapadala ng pictures namin ni Zach sa mga kakilala namin? Bakit niyo ginagawa to?" ang tanging tanong na lumabas sa bibig ko.

Mabilis na ipinasok sila ni Zach sa loob ng bahay. Saka namin sila in-interrogate. Nasa harapan nila ako habang nasa likuran nila si Zach. Kumukulo ang dugo ko habang tinititigan ang dalawa. Ilang beses akong nag-inhale-exhale mapigilan ko lang ang sarili kong masabunutan at sampalin silang dalawa. Kanina ko pa rin pinipigil ang luha sa sobrang galit.

Ayon kay Zach, ilang araw na daw siyang nagmamanman sa bahay. Tinitingnan niya kung sino ang stalker ko. Ilang araw na rin daw niyang napansin sina Faith at Layla na walang ibang ginawa kundi tumigil sa tapat ng bahay. Napapansin na rin daw niya iyon sa tuwing pupunta siya rito sa bahay. Parating naglalakad-lakad sa labas ang isa kina Faith at Layla. Saktong lalabas si Zach para magtapon ng basura nang makita niyang nasa labas na naman ng bahay si Faith at Layla. Dumampot ang mga ito ng bato sa daan. Mabuti nalang at napigilan niya agad ang dalawa sa pag-akmang pagbato sa bintana ng bahay.

Wala sa kanilang sumagot. Nakatungo lang silang dalawa.

"This wasn't just a minor offense. Kung noon, okay lang sa akin na paringgan niyo ako ng kung ano-ano at itulak sa pool na kung hindi pa ako naligtas ay malamang nalunod na ako, ngayon hindi na okay sa akin yun. You are not just messing up with me. You are ruining my life!" pasinghal kong sabi sa kanila. Nangingilid na ang mga luha ko. "Wala naman akong masamang ginawa sa inyo eh. Sa pagkakatanda ko, saka lang naman kayo naging ganyan nang mag-transfer si Keith ng school. Why don't you just let us have a peaceful life?"

Huminga ako nang malalim. Nake-carried away na naman ako sa emosyon ko. Nang kumalma na ako nang kaunti, muli akong nagsalita.

"Why don't you just live your own life? Why do you have to mess up with mine?" naiinis kong tanong.

"Hindi lang naman kami ang sangkot dito. Napag-utusan lang kami," sagot ni Faith.

Na naman? Utos na naman? Napanganga nalang ako. "Ano bang problema niyong mga tao kayo? Bakit niyo kailangang sumunod sa utos ng ibang tao? Wala ba kayong sariling utak?"

"Hey!" defensive na sabi ni Zach. "Mine is a request from my twin. I couldn't say no and besides, valid naman yung reason niya eh."

Wala man akong binanggit na kahit na ano ay tinamaan si Zach. Hindi naman yun mapipigilan. Napag-utusan din siya. Saglit kong tiningnan si Zach saka muling tumingin kay Faith. "Ano ang valid reason ng nag-utos sa inyo? Sino ba ang nag-utos sa inyo?"

Layla spoke. "Sino pa ba sa tingin mo ang maaaring gumawa nito? Sino ba ang babaeng walang ibang ginawa kundi agawin sayo si Keith mula high school pa lang?"

It doesn't have to take too long for me to know the answer. Iisa lang naman ang babaeng ginagawa ang lahat mula noon masira lang ang relasyon namin ni Keith.

"Bakit kayo inutusan ni Grace?"

"Of course, same old reason. To ruin your life and to get vengeance over Keith," sagot ni Faith.

"Vengeance over Keith? Ano bang ginawa sa kanya ni Keith?"

Faith shrugged. "Hindi rin namin alam."

"Bakit kayo sumunod sa kanya?"

"Dahil sa insecurity at selos."

Heto na naman si Selos. Heto na naman si Insecurity. Umabot na sa puntong napatid na ang natitirang hibla ng pasensya ko. Dalawa na namang tangang biktima ni Selos at Insecurity. I slapped the table with my hand. Napatayo ako.

"Dahil lang sa lintik na selos at insecurity na yan, nagawa niyong manira ng buhay ng iba? Anong klaseng tao kayo?"

Masyadong malayo si Zach kaya huli na nang mapigilan niya akong sampalin si Faith. Nagpupuyos na ako sa galit. Hindi naman gumanti si Faith hindi tulad ng inaasahan ko. Ine-expect ko rin na gagantihan ako ni Layla dahil sa ginawa kong pagsampal kay Faith pero nanatili lang siya sa tabi ni Faith habang inaalo ito.

Sa sobrang galit ko, napaiyak na ako.

"Hindi niyo alam kung ano ang hirap na dinaranas ko sa ginawa niyo! Sa bawat picture ni Keith at Aly, dinudurog nang pinong pino at tinutusok ng mga karayom ang puso ko. Dahil sa picture namin ni Zach na ipinadala niyo sa mga nasa Maynila, hindi ko na alam kung may mukha pa ba akong maihaharap sa kanila. Kung ano na ang iniisip nila sa akin. Kung sa pag-uwi ko ba at nagpaliwanag ako, paniniwalaan pa kaya nila ako. Hindi lang buhay ko ang sinira niyo. Pati na rin ako mismo. Ang bestfriend ko na dapat ay kasa-kasama ko, ngayon hindi ko na alam kung ano ang tingin niya sa akin. Ang mga magulang ko... hindi ko na alam kung disappointed na ba sila sa akin. Hindi ko na alam kung paano ko sila magagawang ilayo sa issue na ito dahil hangga't maaari, ayokong madamay sila."

Hinihimas ni Zach ang likod ko. Nanatili akong nakatayo at hinahayaan ang mga luhang pumapatak.

"Wala naman akong ginagawang masama sa inyo para ganituhin niyo ako. Tahimik at stable na buhay lang ang hinihiling ko. Bakit pati yun, ipagkakait niyo pa sa akin?"

"Yan! Isa yan sa mga dahilan kung bakit ka kinaiinggitan ng marami. Dahil ang tibay-tibay mo. Ang hirap mong tibagin. Ang hirap mong patumbahin." Doon ko lang napansin na naiyak na pala silang dalawa. Faith remained silent. Si Layla ang nagsasalita. "High school pa lang tayo, ikaw na lagi ang mas napapansin. Ikaw ang laging nilalapitan. Kahit na wala ka namang ibang ginawa kay Keith noon kundi ang saktan siya nang pisikal, mura-murahin at supladahan siya pero kita mo, isang iyak mo lang, nandiyan na agad siya sa tabi mo. Ang ganda-ganda mo kahit na hindi naman nag-aayos ng sarili mo. Samantalang kami, kulang nalang kainin namin ang make-up namin para lang magustuhan ng iba."

Humupa ang galit sa dibdib ko. Tama siya. Kahit na ilang beses kong sinasaktan si Keith noon nang pisikal, kapag malungkot ako, kapag naiyak ako, andiyan agad siya.

Nagsalita na rin si Faith. "Ang naisip pa nga namin noon, masyado ka kasing pabida. Masyadong pahanga sa mga tao kaya ka nila hinahangaan. Naisip din namin, bakit kaya ganoon nalang kung mahalin ka ni Keith? Samantalang bukod sa pamilya namin, kaming dalawa lang ni Layla ang nagmamahal sa isa't isa. Makahanap man kami ng lalaki, hindi pa rin nagtatagal. Laging may kulang. Hanggang sa malaman namin na ikakasal na kayo na hindi man lang namin in-expect dahil akala namin hindi kayo tatagal. Napagdesisyunan naming baka sadyang para kayo sa isa't isa. At nito lang, tinawagan kami ni Grace. Kung gusto raw naming maghiganti sa inyo ni Keith. Wala naman kaming dahilan para maghiganti dahil wala naman kayong ginagawa sa aming masama."

Pinunasan ko ang luha ko.

"Pero pumayag pa rin kami dahil parehas kaming broken-hearted ni Layla. And again, hindi namin matanggap na ikaw na naman ang magiging masaya habang kami, nagdurusa. We agreed to her plan to pull you down. To make our feelings even. At ang planong naisip niya ay sirain ka sa mga mahal mo sa buhay habang pinipilit mong manahimik dito sa Lucena."

Yes, it is a lot to take in. Hindi ko inaasahan ang ganong sagot mula sa kanila. Hindi ko sila magawang sisihin dahil ako rin mismo, biktima rin ako ng selos at insecurity. But they have gone overboard.

I stood up and ran to my room.

*

Madaling-araw ng alas tres y medya nang magising ako. Nakatulog ako sa pag-iyak. Basang basa ang unan ko. Hindi ko alam kung luha ba yun o laway. Tutal, nawala na rin naman ang antok ko, napagdesisyunan kong bumaba nalang. Wala akong balak kumain. Wala akong gana.

Nasa hagdan pa ako nang makita kong bukas ang ilaw sa sala. Nang tuluyan na akong makababa, doon ko lang nalaman ang dahilan kung bakit bukas pa iyon. Nasa sala pala si Layla at Zach. Tulog sila. Nasa couch sila pero magkalayo. Hindi siguro sila umalis nung umakyat ako sa kwarto. Nakonsensya tuloy ako. Hindi nakauwi si Zach dahil sa kadramahan ko. Napilitan tuloy siyang matulog sa couch.

Pero... nasan si Faith?

Nagmumog muna ako saka hinanap si Faith. Hindi naman pwedeng umalis na siya. Sigurado akong hindi. Hindi niya maiiwan mag-isa si Layla rito. Lalo na at ayon sa kanila, silang dalawa lang naman ang nagmamahalan.

Pumunta ako sa terrace. Nakaupo siya sa balluster.

"Faith?"

Handa na akong kausapin siya. Nakahupa na ang galit ko kanina.

Dahan-dahan niya akong nilingon. Ang lungkot-lungkot ng mga mata niya. Namumula pa rin yung pisngi niyang sinampal ko kanina. Pagkatapos niya akong lingunin, bumalik siya sa pagtanaw ng mga stars sa langit. Tinabihan ko siya.

"Bakit hindi ka natutulog?" tanong ko. I tried to make it sound blunt. Hindi kami close para gawin kong friendly ang approach ko.

"Glenn, sorry."

Nagulat ako sa sinabi niya. Never in my dreams have I ever imagined Faith apologizing to me. Kahit pa sabihing nakokonsensya siya, ang kilala kong Faith ay hindi kailanman hihingi ng tawad. Oh well, I guess I don't really know Faith after all.

"Hoy, wag ka ngang umiyak. Ako dapat ang gumagawa niyan," biro ko sa kanya.

Pinunasan niya ang pisngi niya na basa ng luha. "Sobrang nakakainggit lang kasi. You are almost perfect. Maganda ang lovelife mo. Maganda ang career mo. Maganda ang takbo ng buhay mo."

"Hindi na ngayon. Sinira niyo ang lovelife ko. Napabayaan ko ang negosyo ko. Hindi na maganda ang takbo ng buhay ko."

Napatungo siya. "I didn't mean to go this far. We didn't mean to. Nadala lang kami ni Layla ng emosyon. Akala kasi namin magiging masaya kami kapag nasira namin yung relasyon niyo. Kumbaga, just to be fair. Ang daya kasi eh. Lagi nalang ikaw yung nagiging masaya. But truly, ruining someone else's life sounds easy but it will never make you happy. Oo, hindi siya magiging masaya... pero ikaw rin naman. Parehas lang kayo. Kagaya nalang ngayon, naging malungkot ka. Nag-bounce back lang sa amin dahil mas lalo naming na-realize na kahit anong gawin naming pagpapatumba sayo, sadyang deserving ka pa rin talagang maging masaya."

I looked up to keep my tears from escaping.

"Dapat pala una pa lang, hindi na kami pumayag sa gusto ni Grace. We are very sorry, Glenn. Akala ko madali lang ang sirain ang buhay mo. Pero habang sinusubaybayan ka namin at nalalaman namin ang mga pinagdaraanan niyo ni Keith, na-realize ko na mahirap parang sirain ang isang magandang buhay na katulad ng inyo. Parang pagpunit ng mamahalin at magandang damit. Iisipin mong damit lang naman yun, maliit na bagay. Pero kapag nasira mo na at nakita mo kung gaano pala kahalaga ang damit na yun, wala ka nang ibang magagawa kundi magsisi kasi alam mong kahit anong tahi ang gawin mo, hindi na siya kasing ganda ng dati nitong itsura. Pero kayo, Glenn..." I was a bit shocked when reached out for my hand. "yung inyo ni Keith, kaya pa yan. Kayang kaya pang buuhin ulit. Sana mabuo pa. Sayang eh. Nakakapanghinayang. Alam ko namang mabubuo niyo pa yan. You love Keith so much, and I know he also does. Hindi pa naman huli eh."

Hindi ko man lang naisip kahit kailan na maririnig ko ang mga salitang yun ni Faith. Ang akala ko, ang alam lang niya ay ang sirain ang relasyon namin ni Keith. Akala ko lang pala.

"Salamat. Sana nga." Sa haba ng mga sinabi niya, hindi ko alam kung paano ako makakasagot kaya pinasalamatan ko nalang siya. "Hindi pa rin naman huli yung sa inyo ni Layla eh. Wag niyong isiping kayo lang ang nagmamahalan. Psychological lang yan. Hintayin niyo lang at tiwala lang, makikita niyo, one of these days, mahanap niyo na yung lalaki para sa inyo. Baka nga mauna pa kayo sa aking ikasal kapag nangyari yun eh." I laughed a bit. "Basta, hintayin niyo lang. Love will only find you if you let it. Wag niyong ikulong ang sarili niyo sa idea na kayo lang ang nagmamahalan ni Layla. Minsan, nandiyan lang sila sa tabi-tabi, humahanap ng tiyempo. Lahat ng bagay ay masarap sa pakiramdam at nagiging maganda ang kinalalabasan kung dinadahan-dahan."

Hindi ko alam kung bakit pero sabay kaming tumawa sa huling sinabi ko. Parehas ata kaming green-minded.

"Gusto ko rin sanang sabihin kay Grace yung sinabi ko sayo pati yung sinabi mo. Ang hirap kasi kay Grace, nakakulong siya sa pag-iisip na kasalanan ni Keith kung bakit hindi niya magawang maging masaya at mahanap ang lalaking para sa kanya. Hindi niya alam na matagal na namang may naghihintay sa kanya. Yung lalaking high school pa lang, siya lang naman talaga ang gusto kaso hindi siya mapormahan dahil nakatatak sa isip niya na si Keith lang ang lalaki para sa kanya."

"Since high school? Kilala ko ba ang lalaking ito? Paano mo naman nasabing may gusto sa kanya yung lalaking yun?"

Faith smiled. "Paanong hindi ko mapapansin eh kaya nga puro papalit-palit yun ng girlfriend noong high school hanggang college ay para tingnan kung mada-divert ba yung feelings niya sa iba. Hindi nag-work. Hanggang sa tuwing nagkikita kami nila Grace, parati ko siyang nakikitang nakasunod o kaya naman panay ang tawag kay Grace sa cellphone. Nalaman ko mula mismo kay Grace na nanliligaw na pala kahit hindi naman gusto ni Grace. Kaya lalong umigting yung inggit na naramdaman ko kasi... pati ba naman si Grace? Kahit sa kanya, may nagmamahal pa rin?"

Teka... papalit-palit ng girlfriend since high school? Don't tell me...

"Nakakatuwa ngang isipin na kung sino pa yung bestfriend ni Keith, siya pa yung talagang magkakagusto kay Grace. Ang cute nila kahit na sinusupladahan lang ni Grace si Luke. Nakakatuwang makitang magseryoso sa babae si Luke."

My jaw literally dropped. Nililigawan ni Luke si Grace?

"Si Luke?" I almost shouted. Nakangiting tumango si Faith.

"Nakakagulat no?"

"Hindi lang nakakagulat. Sobrang nakakagulat! Hindi man lang namin nahalata yun. Ni wala nga kaming idea na magugustuhan niya si Grace eh!"

"Fate and their tricks."

And the rest is history. Nagkaroon kami ng kaunting kwentuhan ni Faith. Napunta sa kung saan-saan ang topic namin. Hindi ko alam kung gaano katagal kaming magkakwentuhan pero nagising nalang si Layla at nagtatawanan pa rin kami ni Faith. Noong una ay nagulantang si Layla nang makita kami nang ganoon. Later then, she joined the commotion.

Nang dumating si Layla, nagkaroon ulit ng madramang pag-uusap. Umiyak siya at humingi ng tawad. I slapped her, since it is her request. Para raw fair sa kanilang dalawa ni Faith. Ikinuwento nila sa akin kung paano nila ginawa ang utos ni Grace. Binigyan nila ako ng beauty tips, nagshare sila sa akin ng mga experiences sa mga bagay-bagay... na never kong in-expect na mangyayari sa aming tatlo. I mean, si Faith at Layla? Ang demonyitang magbestfriend noong high school, kakwentuhan ko ngayon?

Fate and their tricks.

Nang magising si Zach ay nagulat din siya syempre nang makitang magkakabati na kami. Parang kagabi lang, nagkakasagutan, iyakan at sampalan pa kami. Ngayon, daig pa namin ang mga high school friends nag-reunion. Ang daming kwento.

Dahil OP si Zach sa girl talk namin, umalis na siya. Itutuloy daw niya ang tulog niya sa bahay niya at pagkagising daw niya, dadalhan niya kami ng pagkain. Hindi naman masama ang loob ni Zach sa dalawa. Kahit pa man daw naging dahilan ng pag-iyak ni Charlene ang pagsesend ng mga ito ng pictures namin, okay lang daw yun. At least daw, napatunayan niyang mahal pa siya ni Charlene.

Si Aling Fe ang nagdala sa amin ng almusal. See? May supplier ako ng stocks ko ng food. Nakakatuwa pero tila bale-wala lang yun sa kanya. Nagtaka siya nang makita si Faith at Layla. Ipinakilala ko sa kanya ang dalawa bilang mga bagong kaibigan ko. Kaunting kwentuhan pa at nagkaroon na ng hint si Aling Fe kung ano ang nangyari sa aming tatlo. Nakasama na rin namin si Aling Fe sa kwentuhan.

"Ano ang ginawa ni Keith noong umalis ka?" biglang tanong ni Faith.

Napasimangot ako. "Ayun. Hinabol niya ako. Pinuntahan pa niya ako sa bahay ng katulong namin kung saan ako nagpalipas ng gabi. Mabuti nalang at napagtakpan ako ni Manang Cecille. Pagkatapos niyon, simula nang makarating na ako rito sa Lucena, wala na akong contact sa kanya. Ni hindi niya ako tinatawagan o tine-text man lang."

I got sad. Pakiramdam ko, hinayaan na nga niya talaga ako. Halos dalawang buwan na ata ako rito sa Lucena City pero wala man lang akong natatanggap na kahit ano mula sa kanya. Anim na buwan na rin atang buntis si Aly.

"Eh diba sabi mo kailangan niyo ng space? Yun siguro ang binibigay niya sayo," sabi ni Aling Fe.

"Alam ko po pero sana nanuyo man lang siya sakin nang umalis ako. Kahit isang text man lang. Syempre, bilang isang babae, gusto ko rin naman yung sinusuyo ako kapag nag-iinarte ako diba?"

Layla smiled. "True! Ang sarap kaya sa pakiramdam nang sinusuyo."

"Malay mo naman, hija, gumagawa siya ng paraan nang hindi mo nalalaman," nakangiting sabi ni Aling Fe.

"Pero nakita ko ho siya nitong isang linggo ata yun. Nandito siya! Pero parang hindi naman ata ako ang ipinunta niya rito. Hindi po ako nagkakamali. Nakita rin siya ni Zach eh."

"Sure ka bang siya yun?" tanong pa ni Layla.

"Oo! Nakita pa nga ni Zach eh. Yun yung araw na pinadalhan niyo ako ng pictures."

"Hmm... Baka napadaan lang," sabi naman ni Faith.

"Napadaan? Dito mismo?" sabi naman ni Layla.

Faith just shrugged.

"Baka nga kasi nagawa siya ng paraan, Glenn," sabi ni Aling Fe.

"Ewan ko lang po, Aling Fe. Sana lang. Dahil kung hindi, ibubuhol ko siya kay Alynise Armistead!" sabi ko saka isinamual ang kalahating ensaymada sa bibig ko.

Napansin kong nagkatinginan si Layla at Faith sa huli kong sinabi. I immediately brushed it off and continued eating.

*

Kilala mo na ba ang limang love teams na mabubuo sa book 2? :)

Continue Reading

You'll Also Like

2.4K 359 121
Online series #4 A not so love story about Kara Shin... and her ex-boyfriend. Date written: 09-17-21 Date published: 09/30/21 - 11/30/21
610K 15.5K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
185K 10.1K 19
Young Love Series #1: Mearah June Escalera Romantic love is different for every person. For Mearah June Escalera, she believes that only those who ar...
1.1M 24.2K 35
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...