Mirror of the Past (Completed)

By luminouspurple

5.5K 323 2

Lourelle was 13 years old back then...she had a first love. She confessed and expected that Ruiz would be the... More

Disclaimer
Simula
Kabanata 2: Family
Kabanata 3: Abducted
Kabanata 4: One Down
Kabanata 5: Funeral
Kabanata 6: Coronation Rites
Kabanata 7: National Conference
Kabanata 8: She's Missing
Kabanata 9: Maniac
Kabanata 10: Savage Level 999
Kabanata 11: Coconut
Kabanata 12: Trust
Kabanata 13: Crown Princess
Kabanata 14: Saved Again
Kabanata 15: Longing For
Kabanata 16: Money over Love
Kabanata 17: The Truth Is A Lie
Kabanata 18: Bright Side
Kabanata 19: Caring is not a duty
Kabanata 20: High Fever
Kabanata 21: A Familiar Hug
Kabanata 22: Happiness
Kabanata 23: Kick or Punch?
Kabanata 24: One Thousand
Kabanata 25: Courage
Kabanata 26: Blame
Kabanata 27: Worried
Kabanata 28: Sheep's Clothing
Kabanata 29: Flight to England
Kabanata 30: Asking Permission
Kabanata 31: Lost
Kabanata 32: Sweet Lover Driver
Kabanata 33: Son-in-law
Kabanata 34: Meet-up
Kabanata 35: Place of Everything
Kabanata 36: International Conference
Kabanata 37: Tom Yum Goong
Kabanata 38: Back to Theros
Kabanata 39: Reign
Kabanata 40: Revelations
Huling Kabanata

Kabanata 1: New King

294 14 0
By luminouspurple

Kabanata 1




Princess Lourelle' Point Of View

Nasa harap ko ang mga Dama dala ang mga susuotin ko para sa seremonya ni papa dahil tatanghalin siya bilang bagong hari. May katandaan na rin si lolo kaya ipinasa niya na ang trono kay papa.

Pinili ko ang dress na light blue. Lumingon naman ako sa kabila at pinili ang mga susuoting sandals. Pinaalis ko muna sila sa aking kwarto at pumasok sa banyo upang makapagbihis.

Pagkalabas ko ay umupo ako sa aking kama at isinuot ang sandal na may 3 inches. Binuksan ko ang pinto ng aking kwarto at tumawag ng isang Dama para asikasuhin ang paglalagay ng mga kolorete sa aking mukha.

Sinara ko ang pinto at umupo sa harap ng salamin. Tinignan ko ng maigi ang aking repleksyon. Kung noon ay nasasanay ang mga tao at nakikita ng mundo ang mga ngiti at tawa ko. Ang masayahing ako ay nagbago simula nang sinaktan ako ng isang tao na importante sa aking buhay.

Bakit ko ba siya iniisip? Siguradong masaya na siya sa America.

"Maam, light lang po ng make-up kasi bagay po sayo," nakangiting sabi ng dama. Tinignan ko siya sa salamin at sinenyasang simulan na ang pagkokolorete sa mukha ko.

Nakalipas ang ilang sandali at nanatili parin akong nakatingin sa salamin. Walang bahid na emosyon ang makakita sa akong mga mata. Simula na nung sinaktan ako ay nakayahan kong bumangon at maging matatag.

"Tapos na po ma'am," tumango ako at sinenyasan siyang umalis na.

Sinuklayan ko ng maayos ang aking mataas na buhok. Maya-maya ay pumasok si papa at lumapit sa akin.

Napalingon naman ako kay papa.

"Anak, lumabas na tayo. Magsisimula na ang seremonya," nakangiti nitong sabi.

Tumango ako at naglagay ng kaunting pabango.

"Anak...sinabi ko naman na maging matatag ka pero hindi ko inaasahan na sa pagiging matatag mo ay magbabago ka," biglang sabi ni papa kaya napalingon ako sa kanya.

"I know what's best for me, pa," sabi ko.

Inaya ko si papa na lumabas na kami ng aking kwarto at lumiko at bumaba ng hagdan. Pumunta kami sa ceremonial hall dahil doon magaganap ang seremonya na magiging hari si papa.

May red carpet sa gitna. May mga reporters din sa labas upang masaksihan ang paghihirang ng hari. May mga kumikinang na upuan sa tabi kaya doon ko napiling umupo.

Ilang sandali ang lumipas ay tumunog ang kampana ng tatlong beses  hudyat na magsisimula na ang seremonya.

Napalingon ako sa aking likuran at bumukas ang malaking pinto. Lumabas si lolo na suot pa ang korona.

Nakasuot si lolo ng formal na attire pero may mga gold na parte ng kasuotan.

Dahan-dahan itong naglalakad papunta sa kanyang trono at umupo.

"Magandang umaga sa inyong lahat, nagagalak ako na makikita niyo ang seremonya. Umpisahan na natin ang paghihirang," panimula ni lolo.

Bumukas uli ang pinto at iniluwa nito si papa. Nakasuot si papa ng formal attire din katulad ni lolo at dahan-dahang tumabi sa trono ni lolo.

Lahat ay nakatutok kay papa. Lahat ng spotlight ay nasa kanya. Ang mga camera ng reporters ay nakatapat mismo sa direksyon nina lolo at papa.

Napalingon ako sa paligid upang masigurado na walang mangyayaring kapahamakan. Hindi pwedeng mauulit na naman ang nangyari nung nabaril si mama.

Kakatapos ko lang mag-aral ng mga combat attacks and self defense and offenses at maaari ko itong gamitin kapag may mangyari.

Tutok na tuok ako sa mga panauhin, nakatutok rin ako sa mga reporters dahil may posibilidad na may nagpapanggap na isa sa kanila at kumukuha lang ng tiyempo.

Napatingin naman ako itaas kung sakaling may mga sniper dito. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil wala akong nakikitang kahina-hinala.

"Sa seremonyang ito ay hihiranging bagong hari si Dante Andrada," panimula ni lolo at tumayo. Nagbigay siya ng pwesto.

"Ang korona ay mapapasakanya, ang trono rin ay mapapasakanya," patuloy pa ni lolo. Tumugtog ang enggrandeng musika.

May dumating na lalaking may hawak na maliit na pulang unan at may tela na kulay ube. Nakapatong ang bagong gawang korona na may halagang 8.5 billion of 24 karats.

Alam ko na maraming mga matang nag-iinit na makuha ang korona pero protektado ito. May ng sekretong lugar ang palasyo kung saan protektado at nakalagay ang korona.

Hindi basta-basta makakapasok ang sinuman doon. Tangin ang mga hinirang lamang ang nakakaalam dahil kinailangan nito ang biometric indentification.

Sinimulan na ang paghirang. Lumapit ang lalaking may dala ng korona at yumuko. Inilahad nito ang koronang kumikinang sa mga ginto.

Lumapit si lolo at kinuha iyon at dahan-dahang ipinatong sa nakayukong ulo ni papa. Nagpapalakpakan ang mga nakasaksi.

Inangat ni papa ang kanyang ulo at ngumiti sa lahat. Napalingon si papa si sakin na nakangiti at kumindat. Sinigurado ko muli na walang mangyayaring masama dahil na kay papa na ang korona.

Lumakas naman ang palakpakan nang umupo na si papa sa trono. Nakangiting nakatayo si lolo at pinalakpakan ang hinirang. Nagulat na lamang ako nang tinawag ako ni lolo.

Nahihiya akong lumapit sa kanila. May lalaki ang pumwesto sa gitna at kinuhanan kami ng litrato na nakangiti. Pagkatapos kuhanan ng litrato ay nagsalita muli si lolo.

"Pagkatapos ay hihirangin naman ang Crown Princess sa darating na Sabado. Inaasahan namin ang inyong presenya," lumingon si lolo kay papa at sinenyasang lumapit sa microphone upang magbigay ng speech.

"Salamat sa mga nakadalo, salamat sa aking paghirang ama. Ako na bagong hari ninyo ay nangangako na pananatilihing maayos ang seguridad ng bansa at gagawin ko ang lahat upang tayo ay magiging mabuting bansa," nakangiting sabi ni papa. "Aasahan niyo na ang hihiranging tagapagmana ng aking trono ay ang aking anak," nakatingin sa aking direksyon si papa.

Pagkatapos niyang mag-speech ay tumayo ang lahat at pumalakpak. Natapos ang seremonya ng kalahating oras. Mamaya ay magkakaroon ng parada ay alam ko na maraming mga tao ang nasa labas at nag-aabang kay papa.

Lumapit ako kay papa at niyakap ko siya. Masaya ako para kay papa. Inangat ko ang aking paningin at tumingin sa korona. Kung sino man ang makakits nito ay masisilaw.

Masisilaw sa pangarap...kaya hindi na bago ang mga mangyayaring barilan dahil hangad nila ang korona lalo na ngayo'y tumaas ang halaga ng korona.

"Masaya ka ba anak?"

"I'm happy pa," sabi ko at lumingon sa paligid. Nanatili akong nakaalerto at binabakuran ko si papa kahit saan man siya magpunta. Lumapit si lolo sa akin.

"Hija, magsisimula na ang parada. Back-up your father," bulong sa akin ni lolo kaya tumango ako. Lumapit ako kay papa at hinawakan ang kanyang braso para ihatid sa labas ng palasyo.

Sinalubong naman kami ng mga reporters pero hinarangan sila ng mga tagabantay namin. Nag-aabang sa amin ang karwahe kaya sumakay na kami ni papa. Si lolo ay napapagitnaan namin.

Maraming humihiyaw. Ito palagi ang aking tungkulin. Nakapokus lamang ako sa pagpoprotekta sa aking pamilya. Nagsimula na ang parada. Napalingon ako sa paligid, marami ang nakaabang sa amin na madadaanan namin sila.

Nakasunod sa aming ang mga itim na kotse na siyang nagbabantay sa amin

Inikot lang namin ang kalsada. Nakasara ang mga kalsada para sa parada. Mahigit isang oras rin ang parada kaya bumalik ang karwahe sa labas ng gate ng palasyo.

Bumaba muna ako at tinulungan sina lolo at papa sa pagbaba. Wala nang mga reporters pero may mga panauhin pa naman. Sinalubong kami ng mga tagabantay at yumuko.

Pumasok kami sa loob, nagkaroon muna ng kaunting kainan at sayawan sa loob ng palasyo. Umakyat ako sa itaas at pumasok ng kwarto. Umupo ako sa aking kama at hinubad ang sandal.

Sa totoo lang, nakakapagod ring magbantay pero kapag buhay ng pamilya ang pinag-uusapan rito. Hindi ko iniisip ang pagod.

Lumabas ako ng aking kwarto at tinawag ang isang Dama na nagbabantay ng aking kwarto.

"Ihatid mo ako ng maiinom na tubig," utos ko sa kanya. Yumuko siya at bumaba.

Bumalik naman ako sa aking kwarto at nagbasa ng libro. Itinuloy ko ang kabanata ng libro at hindi ko palalampasin ang magiging takbo nito lalo na't may nagtangka sa buhay ng dalawang nagmamahalan kaya isa sa kanila ang dapat na magbuwis ng buhay.

Maya-maya lang ay kumatok ang Dama kaya ito'y aking pinapasok dala ang tubig. Pinalabas ko muna siya dahil ayoko na may aabala sa aking ginagawa.

Habang ako'y nagbabasa pumasok naman si lolo sa aking kwarto at inimbitahan ako na bumaba at makisayaw sa mga bisita.

"No need lo," sabi ko at ibinalik ang atensyon sa pagbabasa.

"Apo, nararapat lamang na ika'y makisaya," dinig kong sabi nito.

"I'm happy for what I'm doing lo," sabi ko habang nakatuon ang atensyon sa libro.

"Do what you want but remember this, the happiness will never chase you. You should be the one who'll chase that happiness,"

Napatigil ako sa aking pagbabasa. Wala namang kaligayahan sa aking buhay. Kuntento na ako na nandiyan sina lolo at papa. I don't need happiness dahil sila lamang ang kaligayang nagbibigay sa akin ng lakas.

"Sige apo, continue what you're reading," dinig kong huling sabi nito at lumabas na ng aking kwarto.

Napahinga na lamang ako ng malalim at bumalik ako sa pagbabasa. Sa kalagitnaan ng aking ginagawa ay may narinig akong nagpuputukan sa labas.

Biglang lumakas ang kabog sa aking dibdib at isinara ang aklat. Hindi ko sinasadyang natapon ang tubig pero binalewala ko lang iyon. Isinuot ko ang black leather high heel shoes ko

Kinuha ko ang baril sa ilalim ng aking unan at dali-daling lumabas ng aking kwarto. Patakbo akong bumaba ng hagdan. Ilang hakbang nalang ang aking matatapakan pero narinig ko ang malakas na putok ng baril.

Nang makababa na ako ay nilibot ko ang aking paningin sa nagpaputok. Tumakbo ako at umakyat sa mesa. Itinutok ko ang baril sa lalaking nagtatago sa base ng palasyo.

Napailing ako sa inis dahil nakasuot pa naman ako ng gown kaya itinaas ko ito ng kaunti at hinigpitan ang pagkakatali. Pinunit ko ang dulo ng aking damit at kumuha ng isang pirasong tela upang magamit ko sa pagkakatali sa aking buhok.

Bumaba ako ng mesa at dumukot ng isang baril sa isa sa mga tagabantay ko.

"P-prinsesa..."

Tinignan ko ito ng blangko.

"Bantayan mo ang labasan ng palasyo," utos ko kaya yumuko siya kaagad at patakbong umalis.

Maraming mga nabasag na mga glass at mga babasaging plato. Ang mga bisita ay nakayuko sa ilalim ng mesa.

I better kill someone strange for my family and for other people.

Napangisi ako ng malademonyo and mouthed. Let the gunshot begin!

Continue Reading

You'll Also Like

4.3M 120K 110
Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from...
56.6M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
2.8K 626 10
Athena Venice Salazar had her eyes set to only one guy. Sadly, that guy seems to be out of her reach. He's handsome, popular and most of all, intelli...
6.4M 327K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...