Book1:Courting my Future Husb...

由 crunchh

4.4M 75.3K 8.1K

Istorya kung saan babae ang nanliligaw sa lalaki. Goodluck to Mika Mendoza! 更多

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11: ^___^V
TRIPPINGS
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21 to 22: ^___^
Chapter 23: Toothbrush
Chapter 24: Couple shirt
Chapter 25: Rebound
Chapter 26: I need a job
Chapter 27: Hindi kaya?
Chapter 28 part 1: Surprised
Chapter 28 part 2
Chapter 29: Kim, Clarisa, Christine
TRIPPINGS #2
Chapter 30
Chapter 31: Trust Nathan
Chapter 32: Diary
Chapter 33: Necklace
Chapter 34: It's MOO
Chapter 35 Oh no..
Chapter 36: Mag-lock
Chapter 37: The great Jonathan Smith
Chapter 38: Face Down
Chapter 39
Chapter 40: Tinuruan ako ni...
Chapter 41: Happy birthday
Chapter 42: Always and Forever
Chapter 43: Just one more step
Chapter 44: Tristan's girl
Chapter 45: CANADA baby
Chapter 47: One percent
Chapter 48: My jacket
Chapter 49: Why return?
Chapter 50: See me after class
Chapter 51: answer
Special Chapter part 1
Special Chapter part 2
Special Chapter part 3
EPILOGUE
Thank you
Thank You
Thank You
Thank You
Thank You
Thank you
Thank You
Thank You
Thank You
Accounts

Chapter 46: Kiss

51.3K 878 88
由 crunchh

Ang bilis ng mga araw. Pangatlong araw ko na agad dito na kasama ni Nathan. Sobrang saya dahil palagi ko siyang kasama at ipinasyal niya rin ako sa ibang lugar dito. Nakita ko rin kung paano mag-practice si Nathan sa kakantahn niya bukas. Nakita ko kung paano agad siya nakagawa ng pangalan sa kaunting panahon.

Kilala siya bilang anak ng makakapangyarihang tao sa buong Asya at noon pa man ay marami na siyang tagahanga kaya maging ang mga taga-ibang bansa ay nakakuha ng atensyon niya.

Napanuod ko ang video tape ni Moo na ipinakilala siya ni Andrea bilang kanyang talent. Nakita ko rin ang mabilis na pagdami ng mga projects ni Moo hindi lang sa pagkanta. May kumukuha rin sa kanyang endorser ng mga iba't ibang brands. Nakita ko kung paano naging isang magaling na manager si Andrea sa kanilang lahat.

Pagmomodelo ang ginagawa nung apat at bukod doon ay nagsasayaw rin sila. Si Moo lang pala ang talent ni Andrea na singer. Pero sa nakikita ko, magiging modelo na rin si Nathan dahil sa dami ng projects na nakapila sa kanya.

Nakakatuwang isipin na kahit busy si Nathan, gumagawa siya ng paraan para maipakita at maiparamdam sa 'kin na hindi ako nag-iisa. May isang bagay lang akong hindi maipaliwanag. May kakaibang bagay sa dibdib ko na hindi ko maalis kahit anong gawin ko. Bakit parang nagseselos ako kay Andrea?

Isa-isa niyang binigyan ng tubig sina Nathan.

"'Yun! Tamang-tama! Uhaw na uhaw na ako!" sabi ni Trex.

Kadadating lang nila galing practice. Sila nga pala ang unang mag-peperform bago kumanta si Nathan sa isang mall show bukas. Alam kong napakahalagang bagay iyon kay Nathan kaya hindi ko na siya masyadong kinakausap dahil baka maisorbo ko siya.

"Guess what?" sigaw ni Andrea.

"May ice cream?" tanong ni John.

"Hindi 'yun pero I'm sure matutuwa kayo." Parang bata na tumayo si Andrea at may kinuha sa bag niyang malapit sa 'kin. "Tadah!"

"Ano iyan?" nagtatakang tanong ni Ryan.

"Malamang papel!" sagot ni Trex.

"Contract?" sabi ni Warren.

"Yup! At kayong apat..." Isa-isa niyang itinuro sina John. "Magkakaroon kayo ng three-year contract sa WPD! Kyaaaaah! I am so happy for all of you!"

"Talaga?!" sabay-sabay 'yung tatlo. Si Warren lang ata ang hindi nag-react.

"Oo, sabi ko sa inyo eh. Ang galing ko! Kaya dapat galingan niyo bukas para lalo silang ma-impress! At huwag kayong gagawa ng paraan para magbago ang isip nila ha? Maliwanag?" bilin ni Andrea.

Tuwang-tuwa silang lahat. Nagyakapan na nga sila sa sobrang tuwa pero napansin nila si Warren na hindi kumikibo.

"You know I can't sign that Andrea. I'm heading back to the Philippines in a week," sabi ni Warren.

Nagkaroon na ng malungkot na aura sa paligid.

"Aww. Tol, mami-miss ka namin. Kokontakin mo kami ha? Huwag kang mag-alala dahil dadalawin ka namin minsan sa Pinas. Sabihin mo rin sa kapatid mo na liligawan ko siya pagdating ko dun. Ganda sa picture eh! Malamang sa personal eh ganun din," mahabang litanya ni Trex.

Sinamaan lang siya ng tingin ni Warren.

"Joke lang. 'Di ka naman mabiro!" pagbawi ni Trex.

"I understand your situation, Warren. Besides, I already know that you want to have a very long break... as in long break." Ngumiti si Andrea. "Sayang naman ang talent mo in dancing. Anyway, that's your decision."

Hindi ko maintindihan kung ano pa ang pinag-uusapan nila. Ayoko namang sumingit kasi wala akong masasabi. Nakakahiya lang kung mali pa ang masabi ko at makasira sa mood ng lahat.

Lumapit si Andrea kay Moo na may masayang mukha. Uminom muna si Nathan ng tubig na iniabot sa kanya ni Andrea pero nung tatakpan niya 'yung bottle ay nahulog 'yung takip kaya sabay nila itong pinulot at nagkahawak ang kanilang mga kamay. Nakita ng mga mata ko kung paano namula si Andrea. Alam ko ang mga ngitin iyon dahil ganoon rin ako kay Nathan. Unang kumalas si Nathan...

"Ahh, N-nathan..." She cleared her throat bago muling ngumiti. Nakita ko na uli ang masayang mukha niya na parang bata.

"And for you Mr. Smith, you'll have a two-year contract with WPD. Sila ang bahala at magpo-produce ng magiging first album mo. Isn't it great? Nakitaan ka nila ng talent and I told you... sumisikat ka na talaga!"

"Wow pre, congrats!" sabi ni Ryan.

"Kung marunong lang din akong kumanta baka kalaban ko si Nathan eh!" sabi naman ni John.

"Kaso nga hindi! Haha!" pang-aasar ni Trex.

"Nakipag-usap ka nang hindi sinasabi sa 'kin?" seryosong tanong ni Nathan.

"Why? It's my job. Besides, hindi pa naman kayo nagpipirmahan ng contract kaya wala kang dapat ikagalit."

"Lahat ng gagawin mo, dapat sinasabi mo sa akin!" galit na sabi ni Nathan.

"Iyan na naman ang pagiging asal manager niya," bulong ni John kay Ryan.

Mabilis na kinuha ni Nathan ang contract kay Andrea at binasa ang mga nakasulat doon.

"I can't go back to the Philippines in two years?!" kunot noong sabi ni Nathan. "The hell, Andrea! Kung isinama mo lang sana ako, makakapag-deal ako sa kanila ng mas papabor sa akin at hindi sa kanila!"

"Makakapunta ka naman pero 'yun ay kung meron kayong show na gaganapin dun." Napayuko si Andrea.

"This... this is bullsh*t!" Itinapon ni Nathan 'yung papel kay Andrea at tumingin sa akin. Walangya, gusto kong umiyak ngayon. Kung pipirmahan niya iyon, two years kaming hindi magkikita?

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko kaya lumabas ako ng silid na iyon at nagtungo sa kwartong tinutuluyan ko ngayon. Halos masabunutan ko pa ang sarili ko. Malakas din na bumukas ang pinto, pinuntahan ako ni Nathan at hinawakan ang kamay ko.

"Mika, I didn't know anything about that. Are you okay?"

"Nathan, okay lang ba na iwan mo muna ako. Please?"

"Mika..."

"Iwan mo na lang ako. Ayokong makipag-usap."

Lecheng selos! Lecheng kontrata! Kung simpleng tao lang si Nathan edi sana walang mga babaeng naghahabol sa kanya. Wala akong pagseselosan at lalong-lalo nang hindi ko sana mako-compare ang sarili ko sa kanila. Natatakot akong mawala siya sa akin. Gusto ko siyang ipagdamot pero alam kong mali.

"Sorry."

Parang slow motion ang nangyayari bago siya nakalabas ng silid. Ni-lock ko na ang pinto para masigurado na wala na munang makakapasok dito. Kapag pinirmahan niya 'yun, hindi ko na alam ang mangyayari sa aming dalawa. Ayoko siyang mawala. Natatakot akong maagaw ng iba si Nathan. Nagseselos ako dahil araw-araw silang nagkakasama ni Andrea. Araw-araw silang nag-uusap. Madami akong dapat ikabahala.

Nababaliw na siguro ako sa pag-iisip pero ayun ay dahil mahal na mahal ko siya.

Dumapa ako sa kama at doon na umiyak. Bakit pakiramdam ko ay malapit nang magkalayo ang mga loob namin? Umiyak ako magdamag hanggang sa tuluyan nang makatulog.

***

Nagising ako sa iisang posisyon. Ang sakit ng katawan at batok ko. Nag-stretch ako nang kaunti bago lumabas ng kwarto. Si Nathan agad ang hinanap ko para mag-sorry sa nangyari kagabi pero tahimik ang paligid. Walang tao.

"Nathan?"

Hinanap ko sila pero wala talaga. Nasaan ba sila? Hindi kaya umalis sila nang hindi man lang ako sinabihan?

"Ay, tipaklong!" Hanep, nakakagulat naman nang may tao pala sa sofa! Kanina wala siya ah?!

"Sino ka?! Paano ka nakapasok dito?!" Bigla siyang nag-bow.

"Inutusan ako ni Mr. Smith na sunduin kayo pagkagising niyo."

"Para sa'n?"

"Ngayon po ang mall show nila."

"Mall show? Wait, anong oras ba magsisimula?"

"Magsisimula po ng 1pm."

"Anong oras na ba?" natatarantang tanong ko.

"Uhm, 12:10 na po."

Nagpahintay ako sa lalaki at mabilis na pumunta ng banyo upang maligo. Shemay, ang tagal ko palang nakatulog. Mabilis akong nagbihis at dali-daling umalis. Pinipilit ko na talaga si Kuya na bilisan ang pagda-drive pero hindi raw maaari dahil mahigpit ang batas sa bansang ito.

Kasalanan ko ito eh. Dapat hindi na ako nag-inarte kagabi. Hindi ko tuloy maaabutang kumanta si Nathan. Ito pa naman ang kauna-unahang beses na makikita ko siya ng live sa pagkanta niya.

Late na ako, 1:35 nang hapon na kami nakarating at sobrang daming tao sa mall. Hindi ako makasiksik sa mga tao roon. Iniwan ko na si Kuya nang madala niya ako sa event center kung saan gaganapin. Ugh! Ang lawak pala nito.

Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko sina Warren na sumasayaw. Naalala kong sabi nila kagabi ay mas una silang magpe-perform kaysa kay Nathan kaya hindi pa ako huli. Mapapanood ko pa si Nathan!

Natapos na silang sumayaw kasama 'yung ibang backup dancers pero may sumunod na ibang singer. Akala ko ba si Nathan ang susunod?

Nagulat na lang ako nang may humawak sa balikat ko, isang lalaking naka-shades at cap.

"Let's go."

"Warren?"

"Sshhhh. Let's go." Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako palayo sa mga tao. Pumunta kami sa backstage at hinahanap ko agad sa kanya si Moo.

"Akala ko ba si Nathan ang sunod sa performance niyo? Nasaan siya?"

"Nabago ang oras. Nauna siya sa 'min kaya tapos na siya."

Napaupo na lang ako sa sahig nang sabihin niya iyon. Tapos na... Wala na... Hindi ko na siya napanuod.

"Nandito na pala siya," sabi ni Warren nang makita si Nathan.

Iniwan kami ni Warren. Halata sa itsura at aura ni Nathan na wala siya sa mood. Hindi ko alam ang gagawin. Paano ko ba siya kakausapin? Tanggap ba niya na dahil sa tinanghali akong gumising kaya hindi ko nakita ang performance niya? Pero naisip ko rin kung bakit hindi niya ako ginising. Ewan, nakakabaliw.

"Nathan..."

"You dont need to say something."

"Nathan, sorry na."

"That should be the first time that you'll see me perform."

"Alam ko naman eh. Pero... pero bakit hindi mo ako ginising?" nakanguso kong tanong.

"I tried so many times! But the fck, Mika! Hindi ka magising-gising kahit malapit ko ng masira 'yung pinto."

"May susi, 'di ba? Haay, sorry na, Moo."

"Andrea can't find the key. But.. but... ahhhh! Forget it," sabi niya sabay walkout.

Nakakainis. Hindi man lang niya ako pinuntahan dito. Natiis niya akong naghihintay ng 30 minutes sa lugar kung saan niya ako iniwan. Aish! Sundan ko na nga lang ang lalaking iyon!

Ipinagtanong ko pa si Nathan sa mga staff sa paligid. Ang hirap maghanap sa ganitong kalaking lugar. Grabe namang backstage ito, plus ang hirap mag-english.

Nakarinig ako ng ungol ng isang babae. Naglakad ako papunta sa nakaawang na pinto. Mabilis na pumatak ang luha ko nang makita ko sina Andrea at Nathan na naghahalikan. Hindi ako makahinga. Hindi ko maalis ang pagkakatitig ko sa kanilang dalawa. Ayokong maniwala sa mga nakikita ko pero nagre-respond si Nathan sa bawat halik na ibinibigay sa kanya ni Andrea.

Nang sa wakas ay nagawa kong umiwas ng tingin, umalis na rin ako. Tumakbo. Tumakbo ako palabas. Wala akong pakialam kung mawala na ako sa dagat ng mga tao. Hindi rin ako makapaniwala na sa sitwasyon kong ito ay nagawa ko pang makalabas ng mall at sumakay ng taxi. Umiiyak akong ibinigay sa taxi driver ang address ng dorm nina Nathan. Walangya, ang sakit!

"Are you okay, miss?" tanong ng driver.

"I'm okay..."

Hindi siya kumbinsido sa sagot ko pero mabuti na lang at hindi na siya nagtanong pa. Iyak lang ako nang iyak sa buong byahe papunta sa dorm. At nang makarating na ako doon, mas lalong hindi ko alam ang gagawin dahil wala pala akong pera.

"Just wait, okay? I'll... I'll get money... yes, money. I'll get money."

Tumalikod ako para tumakbo sana pataas ng dorm pero nabangga ko ang lalaking sa tingin ko ay kusang humarang sa dinadaanan ko.

"Tristan?"

"Tama pala ang pinuntahan ko. Ito nga ang lugar," nakangiting sabi niya.

"OMG, Tristan!" Umiyak ako nang umiyak nang makita siya. 'Di ko na napigilan ang sarili ko at niyakap siya. "OMG! Hulog ka ng langit. Bayaran mo ang taxi driver kasi wala akong pera." Ginulo niya ang buhok ko at nagbayad na sa driver. Nang makaalis na iyon ay seryoso siyang tumingin sa akin.

"Ngayon, bakit ka umiiyak?"

继续阅读

You'll Also Like

4.4M 75.3K 68
Istorya kung saan babae ang nanliligaw sa lalaki. Goodluck to Mika Mendoza!
643K 7.1K 47
Too dumb to trust the devil.
9.4K 186 14
Yes. She's a she. The girl who's the one courting. Pero may pag-asa kaya na sagutin sya ni Aaron kahit na she reminds him of his past? May happy ever...
114K 1.9K 12
Childhood Hero. Yan ang tingin ni Aphrodite sa kababatang lalake na si Theodore. Dahil sa amang si General Aragonez ay lagi na siyang sinusundan ng m...