SAYEH

By Margarita29

70.5K 1.7K 137

Sayeh... ang aking pangalan at ako, ang titikim sayo! More

Una
Pangalawa
Pangatlo
Pang-apat
Panglima
Pang-anim
Pang-pito
Pang-walo
Pang-sampu - Ang Alay
Pang labing isa - Ang mga Busaw
Pang labing-dalawa
Pang-labing tatlo
Pang-labing apat
Pang-labing lima
Pang-labing anim
Pang labing pito
Panglabing walo
Ang huling pagtikim
Ang ngiti sa kanyang mga labi
Pasasalamat

Pang-siyam

2.8K 81 1
By Margarita29

Hindi alam ni Misty sa sarili kung bakit lagi niyang snusundan ng tingin si Samara saan man ito pumunta. Hindi rin niya mawari kung bakit bigla siyang kinabahan para sa kaligtasan nito. Ayaw ba niyang may mangyaring masama para dito?

This is so not you Misty

"Ano bang iniisip mo?"

Nilingon ni Misty ang nagsalita sa kanyang likuran. Si Sabrina.

"Paki-alam mo?"

Paki-alam ba niya sa iniisip ko

"Wag mo masyadong titigan, baka may mangyaring masama"

 

"Ano?" nalito siya sa sinabi nito.

"Wala"

Weirdo

Ibinalik niya ang tingin kay Samara. Ngunit napatingin siya kay Sayeh nang bigla na lamang nitong ibinagsak nang malakas ang dalawang kamay sa upuan nito saka tila inis na lumabas ng classroom nila. Lahat nang kaklase nila'y nagtaka sa inasal nito. Ngayon lamang nila nakita ang ganuong reaksyon mula dito.

Wierdo plus wierdo equals HAYNAKO!

==========o==========

Sinundan ni Salem si Sayeh palabas ng kanilang classroom. Nakita niya itong pumunta sa likod ng paaralan kung saan niya ito nakitang inaamoy ang garapon na puno ng dugo. At ngayon nga'y iyon na naman ang ginagawa nito.

"Anong plano mo?" tanong niya rito.

Hindi ito sumagot ngunit nakita niyang hinugot nito ang kutsilyo sa bulsa saka tinarak sa puno sa di kalayuan. Tiyak niyang galit ito sa inaasal ni Misty.

"Hindi maaaring magkaroon ng konting puwang ng kabutihan sa puso ni Misty, mawawalan ng saysay ang ritwal"

"Anong gagawin mo kay Samara?"

 

Tumayo ito ng tuwid saka lumapit sa kanyang kinaroroonan. "Hindi mo na kailangan pang malaman" bulong nito sa kanya.

Nagkaroon ng kilabot ang hatid nitong bulong. Sinundan na lamang niya ito ng tingin hanggang sa mawala ito sa kanyang paningin. Ibinalik niya ang tingin sa kutsilyong nasa puno. Tiyak niyang mawawala na sa mundo si Samara. Iniisip niya kung tutulungan niya ba ito o hindi.

Wag na lang

Bumalik na siya sa loob ng kanilang classroom. Hinanap niya si Sayeh ngunit hindi niya ito mahagilap. Tiningnan niya si Samara. Umupo siya sa likuran nito.

"Samara, wag kang lilingon huh"

 

"Bakit?"

 

"Mag-iingat ka"

 

"Huh? Bakit?"

 

Di na niya iyon sinagot nang makita niya si Sayeh sa labas ng classroom. Tumayo na siya saka bumalik sa kanyang upuan bago pa siya makita nito.

Hindi ko alam kung tama ba tong ginagawa ko. Tss.. Kinakalaban ko si Sayeh. Ito ba ang hindi tutulong? Tss.. Pero ano kayang gagawin ni Sayeh?

==========o==========

Iba nang kaba ang nararamdaman ni Samara mula nang matulog sila sa bahay nila Misty. Lagi na siyang kinukutuban ng masama, minsa'y nakakarinig na rin siya ng kung anu-ano at nakakaramdam na laging may nakatingin sa kanya.

"Samara, saglit lang ako ah"

"Sandali lang Olivia, Iiwan mo ko mag-isa dito?"

"Magbabayad lang ako ng kuryente natin, binilin sakin to ni mama bago sila umalis"

"Sasama na lang ako"

"Wag na. Saglit lang ako promise"

"Sige, mag-iingat ka"

Walang nagawa si Samara kung hindi panuorin ang kapatid hanggang sa makasakay ito. Isinara niya ang pintuan saka naupo at nanuod ng tv. Lumamig ang buong paligid. Bigla siyang kinabahan. Naiisip niya ang mga nangyayari sa pelikulang napapanuod niya. Ganuon daw kapag may multo. Lalamig ang buong paligid.

Hangin lang yun

Nagulat siya nang biglang mamatay-sindi ang bumbilya sa itaas. Napalunok siya. Sinimulan niyang kutkutin ang daliri sa sobrang kaba. Pinatay ang tv saka umayos ng upo.

Sa kuryente lang yan Samara o baka naman sira na yung ilaw

Kumuha ng tubig si Samara. Sa gilid ng kanyang mga mata'y may nakita siyang naglakad ngunit pagtingin niya wala naman siyang nakita kaya ang pagkuha niya ng tubig ay hindi natuloy bagkus ay bumalik siya sa sala saka naupo sa mahabang sofa saka pinagmasdan ang buong paligid.

Namamalikmata ka lang Samara

Sinimulan niyang i-tap ang daliri niya sa lamesitang nasa tabi ng sofa at inikot ikot ang tingin sa buong paligid.

"Psst"

"Lalalalala.. Wala lang yun"

"Psst"

"Wala kang naririnig Samara"

"Pssssst"

"Ang sabi ni Misty, sa tao matakot wag sa multo"

"Sa...ma...ra.."

Napatayo siya nang marinig ang boses na iyon. Tila malapit lang sa kanya ngunit wala naman siyang makitang katabi o tao sa likod ng sofa.

"Olivia, Asan ka na ba!"

Hindi na siya mapakali sa sobrang kaba. Bubuksan na sana niya ang pintuan nang biglang may marinig na kumakatok doon. Sinilip niya ang bintana ngunit wala siyang makitang tao. Napatingin siya sa pintuan, patuloy pa rin ang pagkatok ng kung sinuman doon. Napatakbo siya sa sofa saka nanginginig na tinakpan ang kanyang dalawang tenga para hindi marinig ang pagkatok na iyon.

Olivia, Olivia, Asan ka na ba kasi!

Tumigil ang pagkatok ngunit umiiyak pa rin si Samara.

"Samara?"

Napa angat ng ulo si Samara at dali-daling binuksan ang pintuan nang marinig ang boses na iyon. Umiiyak na tumatawa ang itsura niya na sinalubong ang nasa pintuan.

"Buti na lang dumating ka, natatakot na ako sa loob eh"

Ngumisi ito. "Oo nga buti na lang dumating ako"

Ngumiti si Samara. "Tara pasok ka"

Pagtalikod ni Samara'y bigla na lamang siya napaupo. Naaninag niya ang dugong tumulo sa sahig. Bago siya nawalan ng malay nakita niya ang kahoy na pinampukpok nito sa kanya at narinig rin niya ang pagbulong nito sa kanya.

"Hindi ikaw ang sisira ng mga plano ko"

Continue Reading

You'll Also Like

13.6M 608K 32
Sikat siya at hindi ka niya kilala. Kaya bakit sa dami ng taong nakapaligid sa kanya, ikaw na walang kamalay malay ang minumulto niya? THE JERK IS A...
234K 8.9K 33
#Wattys2020 Winner (Paranormal) Bright Kleinford Montez finds himself in a rather unusual situation--living in a world where he's completely invisibl...
578K 17.2K 86
Kayla is not your ordinary girl. Why? Because she really isn't. May kakayahan siyang hindi naiinitindihan ng ibang tao. She has a third eye. Hindi n...
56.2K 529 8
You can't win against me,so be mine.=KL Del Fero A GANGSTER/ROMANCE story. Cover by: Agaphita Franco @Soldier- What if your enemy turns into a hero...