Pang labing-dalawa

2.5K 74 6
                                    

Dahan-dahang pumapasok ang aninong iyon sa silid saka lumapit sa kama. Ini-angat ang kamay, inikot-ikot at sa isang segundo lamang ay lumulutang na ang babaeng nahihimbing doon. Sinabayan ang pangyayaring iyon ng mga asong umaalulong, tila nagdidiwang at tuwang tuwa sa mga nangyayari. Ngumiti ang anino ng pagkalaki laki, bakas sa mata ang labis na pagkasabik, ang labis na kaligayahan. Saka bumulong ng nakakatakot.

"Sa wakas..... ako at ikaw ay magiging isa...... habangbuhay"

==========o==========

"SAMARA!"

Hingal na hingal si Olivia nang magising mula sa isang bangungot. Bangungot na dinulot ng pagkawala ng kanyang kapatid na si Samara. Hinilamos niya ang kanyang mga palad sa pawis na pawis na mukha saka nagsimulang umiyak. Naiisip niyang kung hindi niya sana iniwan ang kapatid sa kanilang bahay ng hapong iyon, marahil ay hindi ito nawala.

"Kahapon ka pa nawawala Samara! Asan ka na ba kasi.. Dapat.. dapat di kita iniwan!"

Isang araw..

Isang araw ng nawawala ang kanyang kapatid. Halos hindi sila nakatulog ng gabing iyon sa kakahanap dito. Hindi nito ugaling umalis ng walang paalam lalo na ang lumabas ng gabi. Nag-aalala na silang lahat para rito.

Huminga siya ng malalim saka naglakad lakad sa labas ng kanilang bahay. Walang tao maliban sa kanya. Umalis ang kanilang magulang upang tumulong sa paghahanap. Nais niya rin sanang sumama ngunit hindi na siya pinayagan pa. Maghintay na lamang daw sya sa ibabalita ng mga ito.

Ang problema niya'y hindi niya kayang maghintay na lamang habang hindi nakikita ang kanyang kapatid. Pumikit siya saka nag-isip. Kailangang maisip niya kung saan maaaring pumunta ang kanyang kapatid.

"Olivia.."

Napalingon siya sa tumawag sa kanya. Nalingunan niya si Sabrina. Ang bago nilang kaklase. Ang totoo'y medyo ilag siya rito dahil sa kakaiba nitong mga titig, nakakalitong pag-uugali at mapaglarong mga ngiti.

"Anong ginagawa mo rito?"

Mayroon itong inihagis sa kanyang paanan. Nanlaki ang kanyang mga mata saka biglang napaupo. Hindi makapaniwalang nakikita niya ang bagay na iyon sa kanyang harapan. Agad na bumagsak ang kanyang mga luha nang matitigan iyon.

"Sa....sa...... Samara?"

Ang singsing na ibinigay niya kay Samara. Ngunit hindi lamang simpleng singsing iyon. Nakasuot ito sa isang pirasong daliri na sigurado niyang sa kapatid.

Tumaas ang galit sa kanyang mga mata saka sinugod ang nakatayong si Sabrina.

"ANONG GINAWA MO SA KAPATID KO!" Sigaw niya rito ngunit hindi niya nakitaan ng kahit na anong reaksyon ang babae. Basta lamang ito nakayuko. Nakita niyang ngumiti ito.

SAYEHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon