Pangalawa

6.8K 136 33
                                    

"Maawa ka sakin..."

Hindi ako tumugon, bakit ako makakaramdam ng awa sa isang tao?

Kapag hindi ko ito ginawa, ako naman ang maglalaho..

Hinigit ko ang kanyang kamay hanggang sa mabali ang kanyang mga buto

"Aaaaahhhhhhhhhhhhhhhhh"

Inulit ko iyon sa kanyang mga binti

Narinig ko ang nakakapangilabot niyang sigaw.

Ang sarap pakinggan..

Ang sarap sarap ng kanyang pagsigaw

punong puno iyon ng sakdal langit niyang paghihirap

bumibilis ang tibok ng aking puso sa sobrang tuwa

Pinigtas ko ang kanyang braso saka tumalsik ang kulay pula niyang dugo sa aking mukha

nanlaki ang kanyang mga mata sa sobrang sakit

nagkulay pula ang mga iyon at nakita ko ang pagtulo ng kanyang mga luha

ang saya...

nilabas ko ang aking dila saka tinikman ang tumutulong dugo mula sa kanyang braso

dumaloy sa aking lalamunan hanggang sa aking sikmura

ang sarap...

ang sarap ng dugo ng isang tao..

maalat

maalingasaw

pero sariwa..

"halimaw kaaaaaaa"

tinitigan ko siya saka ko dinukot ang kanyang mga mata

"Aaaahhhhhh... ang mata ko!"

nilunok ko ng buong buo ang kanyang mga mata.

ang sarap..

ang mga mata ng tao ay mas masarap keysa sa baka

malambot at madaling lunukin

napansin ko ang tumutulong dugo sa kanyang mukha

inamoy ko iyon saka ko dinilaan

ang sarap...

SAYEHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon