ONE HEART (boyxboy)

By lovemelikeahell

16.4K 483 64

this story is about same sex relationship,(boyxboy), two indivifuals that has different interest and personal... More

ONE HEART(PROLOGUE)
UNANG TAGPO (CHAPTER 1)
SECOND ENCOUNTER (CHAPTER 2)
CIRCLE OF FRIENDS (CHAPTER 3)
BLESSING INDISGUISE (CHAPTER 4)
THE KISS (CHAPTER 5)
PUSTAHAN (CHAPTER 6)
FIRST DATE DAW (CHAPTER 7)
INVITATION (CHAPTER 8)
SONGS OF HEART (CHAPTER 9)
NAUGTHY ACTIVATED (CHAPTER 10)
MAHAL/BABE (CHAPTER 11)
HARUTANG KISS (CHAPTER 12)
HULING PAGTATANGHAL (CHAPTER 13)
BAKASYON (CHAPTER 14)
BAKASYON PART 2 (CHAPTER 15)
BACK TO SCHOOL (CHAPTER 16)
START A NEW BEGINNING (CHAPTER 17)
THE STRANGER (CHAPTER 18)
ASARAN BLUES (CHAPTER 19)
GOODTIME AND REVELATION (CHAPTER 20)
THE NEW LEMUEL (CHAPTER 21)
LET THE BATTLE BEGIN (CHAPTER 22)
SEPARATE WAYS (CHAPTER 23)
MULING PAGKIKITA (CHAPTER 25)
ILABAS ANG KULIT (CHAPTER 26)
UTAK AT DISKARTE (CHAPTER 27)
TRUE LOVE CONFESSION (CHAPTER 28)
THE UNBEARABLE PAIN (CHAPTER 29)
THE MAGICAL ENDING (CHAPTER 30)
EXPLANATION

PAGLISAN (CHAPTER 24)

388 13 3
By lovemelikeahell

ito na po yung bago kong update ngayong araw na ito dahil mahal ko kayo at di makatiis dahil nangangati na naman ang kamay ko sa paggawa ng new chapter kaya ito na ang inihahandog kong bagong yugto para sa aking mga mambabasa... medyo boring itong chapter na ito pero i will make sure na sa mga susunod eh ok na ulit at aabangan niyo na talaga ang mga eksena, kaya huwag bibitiw, naging dead ang chapter na ito dahil nga sa medyo binago ko ang takbo ng istorya pero ito lang naman salamat sa pang unawa readers...I LOVE YOU ALL

CHAPTER 24

SCHOOL DERECTOR POV

Isang linggo na ang nakakaraan mula ng nasuspende si Lemuel at mawala ito sa kanyang posisyon bilang founder ng Foundation.Sa mga binitawang salita ni Lemuel ay nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam na alam kong pagsisisihan ko pag nagkataon. Naturingan akong may pinag aralan pero ng bitawan niya ang mga katagang iyon ay napaisip ako bigla at napagtantong tama siya. Paano nga kung dumating ang araw na malaman namin ang katotohanan, paano kung naset up nga lamang ito. Paano kung may makapagturo na inosente ito, nangangamba ako na makasira ako ng buhay ng isang tao na walang ibang hinangad kundi ang tumulong at mag isip ng ikabubuti ng lahat, paano kung totoo na inosente siya, nangangahulugan lang ito na nagpatalsik ako ng isang inosenteng estudyante na may malaking potential sa pakikipagkapwa tao at malaking asset ng institusyong kinabibilangan ko. Isang estudyante na nagbigay ng karangalan sa aming school na sadyang maipagmamalaki. Kailangan ay ako mismo ang kumilos na para malaman ang totoo bago pa mahuli ang lahat. Ngayon lang ako inatake ng pagkabalisa sa naging desisyon ko bilang isang Derector ng paaralang ito. Napaisip ako bigla ng marinig ko ang mga salitang binitawan ni Lemuel sa harapan naming lahat, matalinong bata nga naman siya, kung sakaling siya man ang nangulimbat, tama siya di niya ito ilalagay sa isang lugar na napakadaling makita. At ayon nga din sa mga officers ng SSC at ng Foundation, kahit may karapatan itong humawak ng pera ay di nito ginawa dahil nga daw pag siya pa ang gumawa non ay parang di rin daw niya pinagkatiwalaan ang mga kasamahan niya, kaya mula sa pag bubudget at pag bili ng mga kakailanganin sa bawat project ay nagbibigay lang daw ito ng mga suhesyon kung asan makakamura at kung saan ang dapat puntahan para makadiscount. Maging ang mga officers ay parang nahiya din daw sila sa inasta nila dahil di nila agad naisip iyon. Nasa ganon akong pag iisip ng may kumatok sa aking opisina.

Agad kong pinagbuksan ito dahil baka importante pero mukhang hindi naman pala ata dahil isang estudyante lang ito. Pinatuloy ko nadin ito baka may sasabihin na importante. Pagkaupo ng estudyante ay halatang kinakabahan at nangangatog pa ito. Tinanong ko siya kung ano ang pakay niya pero agad itong umiyak at lumuhod sa harapan ko. Sir sorry po, sorry kasi ako po ang gumawa nung binibintang kay Lemuel, di na po kaya ng konsensiya ko eh. Pero pinag utusan lang po ako ni Jessica, nadala po kasi ako sa pang aakit niya sa akin kaya po napapayag niya ako na gawin ito. Alam po kasi ni Jessica na pinsan ko ang isa sa officer ng SSC at dahil pinsan ko po siya ay nakakapasok po ako sa office ng SSC, minsan naiwan ng pinsan ko ang susi sa drawer ng table niya kaya naisipan ko na halungkatin ito at sakto naman pong may pera doon. Yun nga po ang kinuha ko at pasimple naman inilagay ito sa libro ni Lemuel ng nagpanggap naman ako na may itatanong sana sa kanya sa office ng Foundation. Nadala po kasi ako sa tukso na ginagawa sa akin ni Jessica kaya nagawa ko po ito. Sorry po sir patawarin niyo [po ako. Ang walang patid na paghingi ng estudyante sa akin at pag amin nito sa kanyang kasalanan. At ngayon ako lalong naguilty dahil napatunayan na ngang inosente ang pinatanggal at napatalsik na si Lemuel.

Dinismiss ko agad ang usapan namin nung batang umamin sa kanyang nagawa, pero pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay may isa pang estudyante na may hawak na papel at iniabot ito sa akin. Ganon nalang ang panlulumo ko pagkatapos kong basahin ang sulat. Sulat ito ni Lemuel na nagsasabing lilipat na sila ng tirahan dahil narin sa trabaho ng kanyang ama. Pumayag na daw itong sumama dahil sigurado naman daw siyang walang maipapakulong at wala siyang pananagutan sa batas dahil nakakasigurado daw siyang walang kasalanan. Lalo akong bumilib sa batang iyon dahil talaga namang napakataas ng prinsipiyo nito at di natatakot basta nasa katwiran ito. At sinabi din niya na kung sakaling kakailanganin daw siya at hanapin ay ipapadala nalang nito ang address nila sa lilipatan nila para naman daw di kami mahirapan sa paghahanap sa kanya kung siya at siya daw ang magiging masama padin sa huli. Hindi naman daw niya intensiyon ang lumayo sadyang nagkataon lang daw at di daw siya nagtatago.

LEMUEL POV

Napili si tatay ng engineer nila na isama ito sa bago nilang project sa isang probinsiya sa south, dahil isa daw si tatay sa pinakamagaling na trabahador at maasahan kaya naman napili siya ng engineer nila na isama ito. Magtatagal daw ang project ng three to five years kaya kailangan naming lumipat ng tirahan para di narin daw kami mangulila sa isat isa. Sinagot naman na ng engineer nila tatay ang paunang bayad sa lilipatan namin kaya wala na daw problema. Oo may lilipatan na kami dahil si engineer na mismo ang naghanap ng matitirhan namin.

Agad kaming nagempake ng aming gamit ng malaman iyon. Nung una ay ayaw ko sana dahil di pa nga tapos ang bago kong kinakasangkutang eskandalo sa dati kong school. Pero napilit ako nila nanay at tatay na isama. Magpadala nalang daw ako ng sulat sa school na nagsasabing lilipat na kami at saka nlang sabihin kung saan kami lilipat dahil di pa namin alam ang address ng lilipatan namin. At ganon na nga ang ginawa ko. Malungkot man ako dahil maiiwan kong tengga ang mga project ko dito sa manila pero wala rin naman na akong magagawa. Isa pa mahihirapan narin akong gawin yun lalo pat umalis na nga rin ako sa school at napatalsik narin ako sa foundation. Wish ko lang ngayon ay may magtuloy ng mga nasimulan ko dahil marami din umaasa na napangakuan ko na.

Nagpaalam ako sa aking mga kaibigan at lahat sila ay nalungkot. Dahil wala na akong cellphone ay kinuha ko nalang ang mga number nila at makikitxt nalang ako kay nanay pag mamimiss ko sila. At pati narin mga fb nila para incase maisipan ko mag internet ay makausap ko rin sila thru social media. Nagpaalam din ako sa mga kaibigan ni Lexus dahil naging kaibigan ko narin sila. Tanging kay Lexus lang ako di nagpaalam dahil maging kila nanay Tats at sa kambal maging kay Andrew ay nagpaalam ako. Gaya ng mga kaibigan ko ay nalungkot din sila at nagiyakan pa kami dahil sa mamimiss nga namin ang isat isa. Nalungkot si Andrew ng magpaalam ako sa kanya dahil akala pa naman daw niya ay may masasandalan na siya agad at magiging kaagapay pag pasok niya pero wala naman daw pala. Ipinaliwanag ko naman sa kanya ang lahat kaya wala na siyang nagawa pa at ibinigay din niya sa akin ang number niya. Ipinabatid ko nadin sa mga kaibigan ni Lexus ang maaga kong pagbati sa kanila dahil nga sabay sabay silang magtatapos. Ipaalam ko daw sa kanila kung saan ako lilipat para daw madalaw nila ako.

ANDREW POV.

Nalungkot talaga ako dahil sa balitang sinabi sa akin ni Lemuel. Siya pa naman ang inaasahan kong magiging kaibigan ko agad sa pagpasok ko sa school na pinapasukan niya pero yun pala aalis na siya doon. Naiinis din ako dahil sa kakitiran ng ibang tao. Oo nalaman ko ang nangyari sa school nila at ang kinasasangkutan nitong eskandalo. Sa mga nagawa ba naman ni Lemuel nagawa pa nila itong pagbintangan at tanggalin sa posisyon nito sa Foundation na pinaghirapan niyang itayo. Naiinis din ako sa maling paghusga ng mga school staff dahil agad silang nagdesisyon ng ganun ganun nalang na di pa man nalalaman ang katotohanan. Pero bago sila umalis ay ibinilin naman niya ako sa mga kaibigan niya at sa mga kaibigan ni Lemuel na kaibiganin daw ako para naman may mga kaibigan na ako pagpasok ko. Astig talaga ni Lemuel pati ba naman yun eh kailangan pang ibilin kaya ko naman na sarili ko. Panigurado mamimiss ko ang isang yon. Di pa man kami ganon magkakilala pero may nakalaan nang espasyo siya sa buhay ko na kailanman ay walang makakaagaw o makakaukopa dahil nag iisa lang siya at natatangi sa lahat ng nakilala ko.

LEMUEL'S FRIEND POV

Megan------> nakakalungkot isipin na iniwan na kami ng kaibigan namin, nakakalungkot din na wala man lang kaming nagawa para ipagtanggol siya samantalang sa lahat ng pagkakataon ay siya ang nagiging tagapagtanggol namin sa mga naiinggit sa samahan namin. Kung bakit ba naman kasi nagkaroon pa ng isyung nakawan na obvious namang set up lang ang lahat. Sa talino ba naman ng pangit na yon eh gagawa siya ng isang krimen na magtuturo agad sa kanya ng ganun kadali. Di ba sila nag iisip.

Pecious------> lahat kami ay malungkot dahil sa pag alis ng kaibigan naming pangit. Kakaasar wala na tuloy magpapatawa sa amin, wala na tuloy clown ang grupo naman, para kaming nawalan at nalugi ng malaking halaga sa pag alis ng aming kaibigan. Pero ipinapangako ko na kahit wala na siya dito ay hahanapin at aalamin ko padin kung sino talaga ang may sala upang magkaroon man lang ng hustisiya ang pag alis ng bestfriend ko.

Edgar---------> alam ko tahimik lang ako kasi si otor di ako binibigyan ng linya eh ganyan yan siya parang ayaw akong isama sa story pero ginawa akong cast kaloka, pero yun nga lahat kami ay nagulat ng magpaalam si baklang pangit, pano na yan wala na kaming panakot sa daga sa bahay namin, kaloka naman kasi si beks, ayaw kong umiyak basta nalulungkot ako sa pag alis ni beks

Bernabe--------> kung may magagawa lang ako para pigilan si beks sa pag alis gagawin ko. Bihira man kami mabigyan ng linya ni otor pero cast kami sisihin niyo si otor kasi pinagdadamutan niya kami ng mga linya, siguro inggit siya kasi kami maganda haha, pero ang totoo nakakalungkot talaga ang pag alis ni beks wala na kaming matatakbuhang kaibigan na magaling magbigay ng payo kahit na idadaan nito sa kalokohan ay tiyak naman na mapapagaan nito ang kalooban mo, alam niyo naman yung pangit na yun maloko talaga.

Emily----------> Ngayon ;palang nalulungkot na ako, wala na akong mapagsasabihan ng mga sikreto kong malupit. Si bakla lang kasi talaga yung pinagkatiwalaan ko sa mga sikreto ko eh, kaya nakakalungkot isipin na napalayo siya sa amin huhu

Rafael------> gaya ng mga kaibigan ko malungkot din ako dahil nga iniwan na kami ni beks at titira na sila sa malayo. Isa si beks sa trusted person na pinagkakatiwalaan ko kaya nakakalungkot dahil umalis na siya. Kung di lang alam ng iba, kay beks ko pa nga pinapahawak ang pera ko pag may booking ako para di ako mahuthutan ng kahit na sino eh, pero pagbalik ng pera ko ay buo parin at walang bawas ni singkong kusing, o kung magbawas man siya ay may nakasulat lahat ultimo single centavo ay nakalahad dito, at siya rin minsan pinagwiwidraw ko at alam niya lahat ang password ng mga atm ko at mga credit cards ko kaya paano nila masasabing magnanakaw ang kaibigan ko. Pero malalaman din yan kasi nagpaembestiga kaming magkakaibigan para alamin ang totoo at mayayari talaga sa akin ang lumapastangan sa image ni beks.

Continue Reading

You'll Also Like

15.1M 128K 16
Macario Karangalan Sandoval
133M 872 46
Published book, series and now a Wattpad Original. Read the original story or watch new episodes weekly only on VivaOne. Hindi intensiyon ni Carmela...
7.1K 250 37
(If you like or love reading INTERSEX stories, here its is I'm writing again, thankyou for voting to my previous stories guys, hope you like this too...
9.4M 334K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
Wattpad App - Unlock exclusive features