UTAK AT DISKARTE (CHAPTER 27)

383 14 3
                                    

baka tapusin ko na ito sa 30 chapters lang mejo mahaba na rin ang tinakbo ng kwento eh hehe... tnx sa mga sumusubaybay sa kwento ko, salamat sa mga nakaappriciate nito. at salamat sa pagmamahal sa ating mga bida. gagawa ako ulit ng bagong story sana magustuhan niyo ulit at sana ay suportahan niyo din ito. madami pa ako nakaline up na mga story. salamat po.....

CHAPTER 27

MAY POV

Bwisit talaga ang baklang yun, pinahiya na naman kami sa harap ng maraming tao, kung di siya matitinag sa salita pwes idadaan ko nalang sa dahas. Peste siya sinasagad na niya talaga ang pasensiya ko kaya naman pagpaplanuhan ko ang pagpapabagsak dito. Sisiguraduhin kong ihahatid ko siya sa hukay ng kamatayan. Di ako papayag na ganun nalang ang mangyayari, simulat sapul lagi nalang niya ako nauungusan. Dahil sa pesteng yan kaya tuloy nawala ang tiwala sa akin ng aking ama ng siya ang nag top one nung second year high school kami. At dahil dun naging mailap na si daddy sa akin dahil tinalo daw ako ng isang bakla. Oo alam ng daddy ko na bakla ang nakatalo sa akin kaya naman ganun nalang ang galit ni daddy dahil isang bakla ang nakatalo sa akin. Homophobe kasi si Daddy kaya galit na galit ito sa akin ng pumangalawa lang ako. Simula noon ay di na ako pinakitaan ni daddy ng maganda at lagi nalang niya akong ikinukumpara sa ibang tao. At ngayon naman nabwibwisit ako dahil pati ba naman sa mga lalaki ay hakot award ito. Ano gusto niya mangyari, angkinin na lahat ng magagandang pangyayari sa mundong ito. Pwes ipapakita ko na sa kanya ang lupit ng aking paghihiganti.

Kumuha ako ng tauhan na magmamatyag sa pangit na yun, di na ako natutuwa sa kanya, kaya naman desperada na kung desperada, pero ihahatid ko na siya tunay niyang ama, kay satanas. Ayon sa aking source eh nagpaplano daw itong si Lexus na magpropose na sa kanya sa garden na malapit sa dagat at kung tawagin ay HEAVENS GRACE PARADISE. Pwes magiging hell grace ang lugar na yon dahil dun ko siya ililibing at dun ko gagawing impyerno ang buhay at kamatayan niya hahahahaha (evil lough). Ngayon palang gusto ko ng magdiwang para sa kamatayan ng baklang pangit na yun haha.

Dumating ang araw na itinakda ni Lexus para sa pagpopropose niya, at nakahanda narin ang mga tauhan ko para sa gagawin kong panggugulo. Mahigpit ang security ng lugar, mukhang nakatunog ang gagong pangit pero syempre nakahanda ako diyan. Hahayaan ko muna silang mag enjoy at lubusin na niya ang pag eenjoy dahil ito na ang huling makakaramdam siya ng saya, dahil pagkatapos ng gagawin ko ay sinisigurado kong this time ako naman ang mananalo. Sinabihan ko na ang mga tauhan ko na abangan ang bakla at kidnapin. Nang matapos ang kanilang kasiyahan ay namataan na ng mga tauhan ko na papaalis na sila kaya nagbigay na ako ng hudyat na dukutin na siya. Pero iba ang nangyari dahil si Lexus at magulang nito ang nadukot nila at hindi si pangit. Okey narin ito atleast magagamit ko sila para mahuli ang pangit na yun. Nang makuha na sila Lexus at magulang ni pangit ay agad kaming sumibat baka makapagsumbong pa sila at mabulilyaso pa kami. Dinala ko ang mga bihag ko sa isang bakanteng lote na medyo malayo sa lungsod. Ang loteng nabili ng tito ko para sa bagong negosyo na ipapatayo nito. May maliit naman na bahay doon, ipinatayo para sa care taker ng lupa at tumitingin dito. Pag kadating namin doon ay ako muna ang bumaba at pinaalis ko muna ang tagabantay at sinabihan na may mga bisita ako kaya gagamitin namin ang bahay para matuluyan. Ipinahatid ko muna siya sa isa sa mga tauhan ko sa may labasan na pwede na siyang sumakay pauwi sa kanila at nagbigay ng pera dito.

Ipinatali ko sa mga tauhan ko ang mga bihag ko upang di sila makatakas. Chineck ko pa kung mahigpit ito at kung talagang di sila makakalusot para tiyak na ang aking pagkapanalo. Pagkatapos kong macheck ito ay tinawagan ko si bakla at sinabihan na kung gusto niyang makita ang mga mahal niya sa buhay ng humihinga pa ay pumunta ito agad upang maabutan pa niya ang mga ito. Pumayag skiya sa kasunduan namin. Walang pulis walang kasama kundi siya lang.

LEMUEL POV

 PAgkatawag ni May sa akin ay agad kong kinausap mga kaibigan ko. Natatakot aka sa maaaring gawin ni May pero di dapat ako mataranta para di siya magisip na kinakabahan ako. Isa pa pag nagpadala ako sa sitwasyon eh di ako makakapag isip ng tama. Ipinaliwanag ko lahat ang gusto kong mangyari sa mga kaibigan ko. Oo kasama sila sa witness ng magpropose kanina si Lexus sa akin. Pero ang kasiyahang nadama ng lahat ay nalukob ng takot at pangamba dahil sa ginawa ni May. Pagkatapos kong kausapin ang mga kaibigan ko at magpaalam sa mga ito ay agad na akong gumayak para tunguhin ang lugar na sinasabi ni May. Alam ko ang lugar na yon dahil isa din yun sa prospect ko sana na lugar na bilhin para sa bago kong negosyo na naiisip pero di ko na tinuloy ng nalaman kong may nakabili na dito. Nagtricycle akong pumunta doon dahil nga daw ako pwedeng magsama. Nung una ay duda pa ang driver pero sinabihan ko siya na tito ko ang nakabili doon at pinapapunta ako dahil gusto niya ipakita sa akin at mapagplanuhan ang mga dapat gawin kaya pumayag naman siya.

ONE HEART (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon