TRUE LOVE CONFESSION (CHAPTER 28)

388 11 2
                                    

sira man ang laptop pagtsagaan narin. pasensiya na kasi sira ang laptop eh kaya ganun, baka nga rin po mahirapan akong magupdate ngayon dahil sira nga po ang laptop namin, konting unawa po muna huh hehe salamat po sa pagintindi....

CHAPTER 28

LEXUS POV

Pagkatapos ng insidenteng iyon ay namuhay na kami ng tahimik at puro saya. Ikaw ba naman magkaroon na abnormal na kaibigan gaya ni Lemuel ewan ko nalang pero ang abnormal yun eh mahal ko talaga. Kaya naman panahon na para sungkitin ang matamis niyang oo. Inaya ko siya sa Mindoro ang lugar kung saan kami pumunta dati. Laking gulat niya ng tapos na ang mga project niya doon at masaya nang namumuhay ang mga kabataan doon. Oo naging malapit sa puso ko at ng mga kaibigan ko ang lugar na yon kaya kahit graduate na kami ay naging advocacy narin namin ang tumulong. At talaga namang nakakagaan sa pakiramdam. Pagkagaling namin ng Mindoro ay inaya naman namin siya sa baler upang ipakita doon ang ginawa din namin doon kasama ang kanyang mga kaibigan. Kung naalala niyo ay project niya iyon at yun ang sasagutin dapat ng mga kaibigan niya pag nanalo siya sa pustahan nila dati. At nung napalayo sa amin si Lemuel ay pinagtulong tulungan namin itong buuin. Actualy ngayon nga na may kanya kanya na kaming trabaho at hanap buhay ay nagtayo na kami ng sarili naming charity at foundation. Tinawag namin itong Frienship Charity Foundation. Walang pakielaman ng trip haha yan ang gusto naming Name ng charity foundation namin eh hehe.

Laking pasalamat naman ni Lemuel na ipinagpatuloy namin ito madami pa kaming pinuntahang lugar mga Aita sa baguio, mga ilokano sa ilokos, mga muslim sa mindanao, at kung saan saan pa. Kinarir na namin ito dahil gumagaan ang pakiramdam namin dito at kahit malayo si Lemuel sa amin ay napapalapit kami sa kanya dahil ito ang minahal niyang gawain nung magkakasama pa kami. Nakikita ko naman na talagang natutuwa siya sa mga nalaman niya. At dahil diyan malaki ang posibilidad na magustuhan na ako ng tuluyan ni Lemuel.

Bumalik na sila dito sa Manila, at kahit na mayaman na siya ay doon parin ito nakatira sa bahay ng tita niya na binigay na sa mama niya. Yung mga negosyo naman niya sa Cebu ay may mga mapagkakatiwalaan siyang mga tauhan doon na inampon lang din niya at siya na ang nagsilbing magulang ng mga ito at pinagaral. Tiwala naman siya sa kakayahan ng mga ito dahil ipinaintindi niya lahat sa mga ito ang halaga ng trabaho at negosyo. Sinong mag aakala na ang dating walang wala eh uunlad ng ganito diba. Ngayon ko lalo napatunayan na magaling sumugal si Lemuel pagdating sa negosyo dahil ayun sa kanya ay puro utang lang ang ipinuhunan niya dito saka magbabayad pag kumikita na. Kasama ang mga natulungan niyang mga tao ay kasakasama niya ang mga ito sa paghahatid naman ng tulong sa iba pang nangangailangan.

Andito kami ngayon sa isang building na gagawin naming negosyo ng mga kasosyo ko. Sino sino pa ba kundi ang mga kaibigan ko at mga kaibigan ni Lemuel. Napagkasunduan namin na magtayo ng building dahil gagawin naming business venture. Nakaipon naman nadin kami ng malaki kaya kaya na naming makapagpatayo ng building. Dagdag income nadin ito para madami pa kaming matulungan.

50 storey building ang ipinapagawa namin malapit nadin itong matapos, mga 1 1/2 year nalang at tapos na ito. Ikinwento ko kay Lemuel kung paano kami nakapagdesisyon na magpatayo ng building. Gustuhin man daw niyang makiambag para naman kasali siya sa business ng barkada pero huli na daw.

Sayang noh sana kasama ako diyan ako nalang kulang para makumpleto na ang cast, pero ganun talaga siguro, out cast na talaga siguro ako. Ang sabi niya na may lungkot sa kanyang pananalita at sa kanyang mga mata.

Anu ka ba, ano bang pinagsasabi mo diyan na out cast, ang pag aari ng mister mo pag aari mo nadin kaya huwag ka nga mag isip ng kung ano ano.

At sinong mister ko naman ang tinutukoy mo aber.? ang tanong niya sa akin.

Ako, ang sabi ko naman sa kanya at ako lang ang pwede mong gawin mister wala ng iba ang dugtong kong sabi sa kaniya.

Abat ikaw na ang nagdedesisyon para sa akin ngayon huh, sutyal ang ang pababy talk niyang sabi. Sige nga kung mister kita pwede magwidraw ng kiss advance payment lang haha ang biro niyang sabi sa akin.

ONE HEART (boyxboy)Where stories live. Discover now