Chapter 66: Kape
"'Tay!"
"'Tay!"
"Saan ka po pupunta?"
Papalabas na dapat ito pero tumigil, tumingin sa akin.
Ilang segundo rin ang tinagal ng katahimikan.
Nag-alala ako, kaya dahan-dahan akong lumapit dito.
"'Tay? B – bakit po?"
Humarap ito sa akin. Hinimas ang ulo ko. Dahan-dahang lumuhod at hinawakan ang kamay ko.
Nakatingin lang ako rito, tumingin rin siya sa akin. Ngumiti ng bahagya at sabay sabing.
"Nak, kahit na anong aalagaan mo ang nanay mo ha? 'Wag mo papabayaan ang pag-aaral mo, palagi ako nandito para sa'yo."
Nagtaka ako sa sinabi nito.
"B – bakit po?? A – ano pong meron??"
Umiling ito.
"Wala nak, basta tatandaan mo palagi na mahal na mahal ka ng tatay at kahit na anong mangyari, ikaw lang ang nag-iisang prinsesa ko." sabay halik nito sa noo ko..
Dahan-dahan itong tumayo at tumalikod sa akin.
"Tay?"
Pinihit nito ang door knob ngunit tumigil sandali.
"Magkikita pa tayo ulit, mahal na mahal kita nak."
Bigla nitong binuksan ang pintuan, hahabulin ko pa dapat siya para itanong kung para saan ang mga sinabi nito ngunit nasilaw ako ng puting liwanag at hindi na siya nahabol pa.
Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko, nakakakita ako ng mga puting liwanag. Pinagmasdan ko ang paligid ko, nasa hospital ako, nakita kong nakahiga ang ulo ni nanay sa balikad ko. Nakaupo kami sa isang long bench.
"A – ano 'yung napaginipan ko??" tanong ko sa sarili ko..
Sandali akong natahimik, napapikit at pilit inaalala ang napaginipan ko. Naramdaman kong gumalaw si nanay at.
"Nak, okay ka lang ba?" mahalinghing na tanong nito..
"O - opo." sagot ko habang nakapikit..
"..napaginipan ko po si tatay." pabulong kong sabi..
"Anong napaginipan mo, nak?"
"Kinausap niya po ako, sinabi kung gaano niya ako kamahal at ako lang daw.. ang nag-iisang prinsesa nito."
"T – tapos?" mahinang tanong ni nanay..
"Bigla po siyang tumayo at lumabas na ng pinto tapos.. tapos.."
Bigla akong niyakap ni nanay dahilan para mapadilat ako. Tumingin ako sa kanya.
"B – bakit nay? Ano po ibig sabihin nun?"
"'Wag mong isipin 'yun nak, magiging okay din ang tatay mo."
"Teka nga po pala nay, kamusta na po siya? Nasaan po siya ngayon?"
"Inooperahan si tatay mo ngayon. May nagbara raw sa ugat nito sa puso dahilan para atakihin siya."
"Ah.. kakayanin ni tatay 'yan." sabay ngiti ko..
"Oo nak, malakas ang tatay mo. Magiging okay din siya."
"Opo. Naniniwala ako na magiging successful ang operasyon ni tatay. Pagdasal po natin siya, nay."
"Tara nak, punta tayo sa chapel at pagdasal natin ang tatay mo." pag-aya ni nanay..
"Nay, dito na lang po. Baka hanapin tayo ng doktor bigla eh. Okay lang po ba?"
"Ah, sige nak. Ikaw magdasal para sa tatay mo."
"Opo."
Pumikit kami ni nanay at nagsimulang magdasal. Mataimtim naming pinagdasal ang kagalingan ni tatay. Napaluha ako sa sobrang kagustuhan kong gumaling si tatay at ng matapos kaming magdasal.
"Mahal na mahal mo si tatay mo 'noh?"
"Opo nay, mahal na mahal ko po kayo." sabay pawi ng luha ko..
"..kayo po ang kayamanan ko eh, ayoko pong mawala kayo sa tabi ko. Gusto ko masubaybayan niyo yung pagtanda ko at yung magiging buhay ko kasama si Johan. Nay, mahal ko po kayo ni tatay." sabi ko habang umiiyak pa rin..
"Nak, shhhh. Mahal ka rin namin ng tatay mo, 'wag ka na umiyak. Magiging okay din si tatay mo. Hintayin lang natin ang resulta ha? 'Wag na malungkot, ayoko makitang umiiyak ka eh." sabay yakap nito..
"Opo nay, opo nay.." sabay patong ko ng ulo ko sa balikat nito habang tumutulo pa rin ang luha..
Lumipas ang ilang oras, nakatulog na kami sa paghihintay ng resulta ng operasyon ni tatay. Pinagdarasal ko ang kagalingan ni tatay hanggang sa makatulog ako dahil na rin sa pagod at puyat.
Hanggang sa ginising ako ni nanay.
"Nay, ano po 'yun?" mahina kong tanong..
"May ingay na nanggaling sa ER eh."
"Ha? Anong klaseng ingay po?"
"T – teka.. May lumabas na doktor, tara nak!"
Agad naming nilapitan ang doktor na lumabas sa Emergency Room.
"D – dok!" mabilis na pagtawag pansin ni nanay..
"Mrs. Ramirez? Tama po ba?"
"Y – yes dok! Ako nga. Kamusta po ang asawa ko??"
Tiningnan nito ang hawak nito, napalunok ako at medyo kinabahan dahil tumahimik ito.
Tumingin ito sa aming dalawa at.
"Successful po ang operasyon niya."
Para akong nabunutan ng tinik sa narinig ko. Lumuwag na ang nararamdaman ko dahil narinig ko na okay na si tatay. Buti na lang..
"Kahit successful ang operasyon niya, may tendency pa rin na bumigay at bumitaw ang katawan nito. Kailangan ni Alfonso ng suporta at pagpaparamdam ng pagmamahal niyo, gagawin namin lahat ng makakaya namin para maging fully recovered siya, kaya sana kayo rin."
"Te –teka, dok. Ano ho ba nangyari sa asawa ko? Bakit siya biglang isinugod dito sa ospital?"
"Ah, dahil humina ng bahagya ang puso nito sapagkat may nagbarang ugat sa kanyang puso. Nahirapan siyang huminga at nawalan ng malay. Kung hindi namin siya ooperahan agad, marahil ay mas maging kritikal ang lagay nito at mauwi sa pagkamatay."
Natahimik ako sa narinig ko.
"G – ganun ho ba.. Magiging okay naman siya diba? Tama ako, dok diba?"
Umismid lang ito at.
"Sa pagiging maayos ng operasyon nito, mas tumaas ang tyansang maka-recover siya agad. But then again, nasa kanya kung tutulungan niya ang sarili niya gumaling. At kayo rin, iparamdam niyo ang pagmamahal niyo at kailangan niyang lumaban pa."
"O – osige, dok. Gagawin namin lahat ng makakaya namin." sagot ni nanay..
Tumango ito.
"Mabuti, maiwan ko muna kayo." sabay lakad papalayo..
"A – anong ibig sabihin niya 'nay??" sabay tanong ko rito dahil naguguluhan ako sa nangyayari..
"Maayos ang operasyon ng tatay mo pero hindi pa sigurado kung gagaling siya o hindi. Kailangan natin siyang alagaan at ipagdasal, nak." mahinang sabi nito..
Hindi na ako nakasagot sa narinig ko. Naghintay kami malapit sa emergency room, ilang oras din 'yun. Hanggang sa umabot na ng umaga, doon lang namin nakitang inilabas si tatay at dinala sa isang kwarto. At dahil hindi namin kayang magbayad para sa private na kwarto, doon kami sa kwartong may ibang pasyente rin.
6:15am. Nasa kwarto na kami, nakahiga na si tatay sa kanyang kama, nasa gilid niya kami nakaupo. Dalawa lang silang pasyenteng nandoon. Nasa gawing kanan kami, sa malapit sa may bintana. Ang isa pang pasyente na kasama namin sa kwarto ay bata. Nakakalungkot dahil sa murang edad niya ay narito siya ngayon, nasa hospital at wala siyang kasama. Hindi ko alam ang kwento niya pero kung titingnan mo, mukhang sakitin ito dahil sa pagiging payat nito. Hay, ewan ko ba. Puyat lang siguro 'to.
Ilang minuto lang ang nakalipas pagkatapos dalhin si tatay dito sa kwarto, napansin kong napapapikit na si nanay sa sobrang antok at pagod, kaya hinawakan ko siya sa balikat at.
"Nay, ako po muna magbabantay kay tatay, umuwi po muna kayo para makapagpahinga."
"Hindi nak, okay lang ako."
"Nay, masyado ng maraming nangyari sa pamilya natin at hindi ko hahayaan na magkasakit din kayo.
Sige na nay, making kayo sa akin kahit ngayon lang." mahina kong sabi..
"Ang anak ko talaga, oo." sabay ngiti nito..
"Syempre nay, ayokong magkasakit kayo eh! Aba, mahirap na. Kapag nagkataon, dalawa na kayo ni tatay na aalagaan ko 'noh." biro ko..
"Ikaw talaga nak! Nakuha mo pang magbiro!"
"Kahit matabunan na tayo ng problema, kailangan pa rin nating matutong ngumiti at maging masaya kahit papaano. Kasi kung dadamdamin natin maigi ang mga problema, mahihirapan tayong hanapin ang solusyon dahilan para matalo tayo sa laban. Makakaya nating malagpasan 'to, huwag tayong mawalan ng pag-asa. Ngiti na." sagot ko kay nanay..
Ngumiti lang ito. Nang biglang may magbukas ng pinto, nakita namin si Tita Nessa. Agad itong lumapit sa amin at.
"Sa wakas, nakarating din dito. Oh, kamusta kayo? Okay na ba si Alfonso?" tanong nito..
"Okay na raw po siya tita sabi ng doktor. Successful ang operasyon nito." sagot ko sabay ngiti..
"Ah, ganun ba. O'siya, magsiuwi muna kayo, ako muna magbabantay sa kanya. Alam kong mga pagod at puyat kayo, kaya ako na bahala rito." sabi ni tita..
"Salamat, Nessa. Magkape muna tayo saglit para gumaan-gaan pakiramdam ko bago kami umuwi." hirit ni nanay..
"Sige, hindi pa nga ako nag-aalmusal eh, dumiretso na ako rito dahil alam kong kailangan niyong umuwi at magpahinga."
"Ay! Ako na po bibili ng kape, hintayin niyo na lang po ako rito."
Lumabas na ako ng kwarto para bumili ng kape nina nanay. Buti na lang at may natirang pera sa bulsa ko, dumiretso ako sa gawing kanan ko dahil may vending machine doon. Nang malapit na ako doon, may nakita akong dalawang babae na hindi naman katandaan na kukuha rin yata ng kape.
Pumila ako sa likod ng babaeng naka-blue na daster, medyo puti na rin ang buhok nito at ang nasa harapan naman niya, naka-pink na pang itaas. Nag-uusap sila ng pagkarating ko.
"Ah, teka. Paano nga ba umorder dito??" pagtataka ng isa..
"Eh kanina pa tayo dito eh wala namang nalabas. Pinagloloko yata tayo nito eh!" pagalit na sabi ng naka-blue na daster..
Gumana nanaman pagiging pakialamera ko kaya.
"Ay, kailangan niyo pa pong maghulog ng limang piso, kulang po 'yung hinulog niyo po." singit ko sabay turo sa screen..
"Ganun ba ineng?"
"Opo." sabay ngiti ko..
Pagkahulog nila ng limang piso, ginawa na ang kape nila at pagkakuha nila rito.
"Ay! Salamat ineng ha?? Ang bait mong bata ka." sabi ng babaeng naka-pink..
"Wala pong anuman!" sabay tango ko..
Napangiti ako pagka-alis nila. Habang naghuhulog ako ng barya para sa kape nina nanay, narinig kong nag-uusap silang dalawa. Kaya nakinig lang ako.
"Ay, mabalik tayo sa usapan natin. Bakit nga ba natanggal sa pwesto ang governor natin dati??"
"Ang pagkakaalam ko ay.. umalis ito sa pwesto dahil ayaw na sa kanya ng tao at dahil sa marami silang utang sa mga pribadong tao."
Nagulat ako sa narinig ko. Habang nakaharap sa vending machine ay naririnig ko pa ring nag-uusap sila, hindi pa sila nakakalayo sa akin.
"Ah kaya naman pala. Nakakaawa ang pamilya niya, ng dahil sa pagiging gahaman niya, naiipit sila ngayon."
"Pamilya? Ah, oo nga pala, kwento sa akin ni Jepoy kamakailan, napansin niya raw na may pagala-gala sa school nila. Nang tanungin ko kung sino, kamukha raw ng anak ng gobernador natin dati."
Natigilan ako sa narinig ko.
"Eh paano niya naman nalaman na 'yun ang anak?"
"Napanuod niya siguro sa TV, diba napabalita na nangimbang-bansa na sila para takasan ang utang nila."
"Ah, pero mukhang imposible.."
Sina Marion? May malaking utang? Pero bakit, parang.. Teka bakit siya nandito?? Anong ginagawa niya rito??
"Ah ewan ko, tara bumalik na tayo."
Gusto kong tanungin yung buong detalye sa kanilang dalawa kaso nagsimula na silang maglakad papalayo. Sinusundan ko sila ng tingin ngunit kailangan kong hintayin ang isa pang kape, dahil isa pa lang ang hawak-hawak ko.
"Bilis!! Bilis!!" bulong ko sa sarili ko..
Nakatingin ako sa vending machine habang sinusundan din sila ng tingin. Hanggang sa matapos na ang pangalawang kape at nagmadali akong buksan ang takip at kunin ang kape kaso biglang.
"ARAY!!" sigaw ko..
Napaso ako. Nagkamali ako ng hawak sa pangalawang kape, nahawakan ko siya sa mismong inuman. Dahilan para matapon ang kalahating laman nito at.
Dahilan para mawala bigla sa paningin ko yung dalawang babae. Marami akong gustong itanong sa kanila. Kaso, wala na sila. At kailangan kong bumili ng isa pang kape para kina nanay.
Habang hinihintay ko yung panibagong kape, napuno ang isip ko ng mga tanong at pagtataka.
"Totoo kaya ang mga narinig ko?" bulong ko sa sarili ko habang nakatitig sa sahig..