Flashback
Muros' Proverbs
Naglakbay ako patungo sa lupain nang mga barbaro kasama nang aking mga kawal upang kuknin ang mga bagong sandata na aming binili nang pabalik na kami palasyo tila may napansin akong parang isang kaharian na gawa sa nyebe sa pagdaan namin sa Silangan nang Adamya kaya inutusan ko ang aking kawal na ibaba muna ang aming sasakyan panghimpapawid upang akoy makababa sana upang sisiyasatin ko kung anong mayroon sa kaharian ngunit pinigilan ako nang isa aking mga kawal baka raw ako'y mapahamak
Sa LIREO..
Sa pagbalik ko sa palasyo nakita ko agad ang Mahal na Hara patungo sa punong bulwagan kaya agad ko itong nilapitan.
MUROS:Mahal na Hara.(Sabay pagbibigay pugay) buti nalang na naabutan ko kayo agad.
ALENA:May importante ka bang sabihin Mashna?
MUROS:Oo Hara pagkat meron akong nakita na bagong kaharian na gawa sa nyebe na bigla na lang sumusulpot sa Silangan nang Adamya.
ALENA:Mahabaging Emre!paanong nagkaroon nang bagong kaharian doon,sa pagkakaalam ko walang kahit anong palasyo o matawag na kaharian sa Silangan nang Adamya.
MUROS:Hindi ko ba batid kung paano nangyari iyon Hara.
ALENA:Avisala Eshma sa iyong ulat Muros.
MUROS:Walang anuman Hara, ngunit ipaalam mo ba ito sa iyong mga kapatid?
ALENA:Hindi muna sa ngayon ipaalam ko ito sa kanila sa tamang panahon.
MUROS:Kung yan ang iyong nais Hara,mauna muna ako sapagkat marami pa akong gagawin.
ALENA:Sige Muros..
KINABUKASAN..
GENERAL'S PROVERBS
Masaya silang nagaagahan ngayon sa hapag pagkat kumpleto silang mag-anak pagkatapos nilang kumain ay nagpunta na may Azotea nang Lireo ang mga diwani at rehav upang magsanay kasama ni Muros samantalang ang kanilang magulang kasama nina Mira't Lira at Paopao ay nagpunta sa silid pulongan pagkat meron silang mahalagang bagay ba pag uusapan.
ALENA:Bilang Hara inatasan ko na simulan na ang pagpupulong na ito,bagkus bago pa ang lahat inutusan ko ang aking brilyante na bigyang pananggalang ang silid na ito nang sa ganon ay manatiling lihim ang pagpupulong na ito.
MEMFES:Ano ang pag-uusapan natin Hara?
ALENA:Ang bagong kaharain nadiskubre ni Muros habang siya'y naglalakbay sa Silangan nang Adamya.
PIRENA:Bagong kaharian?Kailan pa niya ito nakita?At bakit hindi niyo agad ito sinabi?Nang sa ganon ating masiguro na kakampi ba o isang vedalje ang nakatira doon.
AMIHAN:Tama si Pirena doon Hara, kung sakaling ngang isang vedalje ang nakatira doon agad natin ito mapaghandaan.
ALENA:Dahil ito ang tamang panahon na malaman niyo ang bagay na ito sapagkat kumpleto ang mga pinuno sa bawat kaharian dito sa Encantadia.
DANAYA:Napansin ko nga,sa palagay ko na isa ito sa mga dahilan kaya pinabalik sina Amihan at Memfes.
AMIHAN:Baka isa rin ito sa mga dahilan ngunit hindi ko pa batid.
MEMFES:Ang sinabi lang sa amin nang mahal na bathala nang meron kaming bagong misyon.
PIRENA:Sa palagay ko ibinabalik kayo dito para maging isa sa mga karagdagang pwersa kung sakali mang magkaroon ulit nang digmaan.
LIRA:Ashti naman! digmaan agad hindi ba meron ring posibilidad na kakampi ang mga nakatira doon di ba?
YBRAHIM:Maraming posibilidad Lira kung sakaling kaaway ang nakatira doon maari ngang magkaroon nang digmaan.Maraming bagay na magaganap sa maikling takbo nang panahon.
AZULAN:Tama ka diyan Rama.Hara Alena may iba pa bang bagay na natuklasan si Muros tungkol sa bagong kaharian?
ALENA:Bukod sa ulat sa akin ni Muros na gawa daw sa niyebe ang kaharian kanyang natuklasan hindi pa niya batid kung sino o ano ang nakatira doon.
MIRA:Pero maari natin itong pasukin upang ating malaman na kakampi ba o kaaway ang nakatira doon.
AZULAN:Maganda ang iyong iminumungkahi mo anak,ngunit kailangan muna natin iyon pagisipan pagkat hindi natin batid kung anong panganib na nakaabang sa atin doon.
PAOPAO:Sa palagay ko meron pa tayong sapat na panahon para maghanda kung sakaling pasukin nating ang kaharian na iyon,di ba po Ate Hara Alena?
ALENA:Sumsangayon ako sa iyo Paopao,kailangan lang siguro natin nang mga tatlong araw upang maghanda.
DANAYA:Tayo mismo ang papasok doon upang alamin kung kaaway ba o kakampi ang nasa kaharian na iyon?
AQUIL:Parang ganon na nga at habang naghahanda tayo nang tatlong araw upang pasukin ang bagong kaharian,kung iyong mamarapatin Hara magpadala tayo nang ilang kawal upang magmanman sa paligid nang bagong kaharian.
ALENA:Pahihintulutan kita sa iyong nais Masha Durye.
AQUIL:Avisala Eshma Hara.
MIRA:Di ba gawa sa niyebe ang sinabi mong kaharian Ashti?Malamang na darating ang panahon nang tag lamig nakitiyak ako na maraming enkantado ang maapektuhan kaya kailangan din natin maghanda sa panahon nang taglamig.
ALENA:Tama ka diyan kailangan din nating maghanda para doon.
LIRA:Pwede naman iyon gawin sa loob nang tatlong araw habang naghahanda tayo pasukin ang bagong kaharian,di ba?
YBRAHIM:Oo pwede nating gawin iyon,ngunit unahin natin ang Adamya pagkat nakatitiyak ako na ang Kaharian ni Rehav Memfes ang unang maapektuhan.
MEMFES:Siyang tunay Rama Ybrahim,pagkat nasa parte nang Adamya mismo nakatayo ang kaharian.
ALENA:Huwag kang magalala tutulungan ka ng Lireo.
MEMFES:Avisala Eshma Mahal ko..este Mahal na Hara..
PIRENA:Ganon na rin ang Hathoria.
YBRAHIM:Isama niyo na rin ang Sapiro.
DANAYA:Bilang Hara Durye tutulong din ako.
AMIHAN:Ganon din ako.
MEMFES:Avisala Eshma sa inyong lahat..
ALENA:Aquil,bilang Mashna Durye inatasan kita na ikaw mismo ang mamuno sa mga kawal na magmanman sa bagong kaharian.
AQUIL:Masusunod Hara.
PAOPAO:Nais ko pong sumama sa pagmamaman Ate Hara Alena.
ALENA:Pinahintulutan kita Paopao.
PAOPAO:Avisala eshma Hara.
ALENA:Napagusapan na natin ang lahat nang mga importanteng bagay dapat nating pag-usapan(Inilabas niya ang Brilyante nang tubig)tinapos ko na ang pagpupulong na ito at inutusan ko ang aking briylante na tanggalin ang pananggalang sa silid na ito.
Tinapos na nga nila ang pagpupulong ngunit humirit pa sila upang asarin si Alena at Memfes..
LIRA:Ashti may narinig ako kanina..
ALENA:Ano iyon?
MIRA:Sus!maang maangan kapa Ashti.
ALENA:Naguguluhan ako ano ba ang inyong pinagsasabi?
PIRENA:Yung salitang "Mahal ko" na nanggaling mismo sa Rehav nang Adamya.(Sabay nang ngiting nakaasar)
MEMFES:Sinabi ko ba iyon?..
AZULAN:Oo dinig na dinig ko iyon kaibigan kaya huwag na kayong mahiyang aminin..
ALENA:Aminin ang alin?
AMIHAN:Wala ka pa ring pinagbago kapatid ko mailap ka pa rin.
ALENA:Oo tama ka diyan Amihan may panahon nga na kailangan ko maging ganon.
DANAYA:Sige na Memfes sabihin niyo na may namagitan sa inyong dalawa o wala,kung meron man hindi namin kayo huhusgahan.
Huminga nang malalim si Memfes at hinawakan ang kamay ni Alena.
MEMFES:Oo meron,pagkat mahal na mahal ko si Alena.
ALENA:Mahal na mahal ko rin si Memfes.
YBRAHIM:Kung ganon ay binabati ko kayo natutuwa rin ako na nakahanap na rin si Alena na lalaking na magmamahal sa kanya.
MEMFES:Avisala eshma sa inyo.
AQUIL:Ako rin ay natutuwa pagkat hindi na rin nag iisa si Alena at makakasama na ni Adamus ang kanyang ama.
PAOPAO:Tama si kuya Aquil pagkat maranasan na rin ni Adamus na lumaki na buo ang pamilya.
ALENA:Avisala Eshma sa inyong lahat at sa inyong pag unawa,kaya ngayon pwede na tayong lumabas sa silid na ito..
LIRA:Wow ashti ha!lakas maka change topic!
MIRA:Wag ka ngang ano jan lumabas na tayo!
Nagtawanan naman ang lahat sa tinuran nina Mira't Lira.