I'm in Love With You Heart Br...

由 Whroxie

8.8M 191K 5.9K

Paano kung nagkalayo kayo ng taong mahal mo at napuno ng galit ang mga puso niyo para sa isa't-isa because th... 更多

Prologue
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 34.5
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76 THE FINALE
Special Chapter THE WEDDING
Author's note

CHAPTER 13

111K 2.8K 78
由 Whroxie

"GOSH!!! Chels anong ginawa mo? kaya pala nagkulong ka sa kwarto nagpaganda kapa. You look good, bagay sayo, I love it." Cassie said

Kinulot ni Chelsy ang buhok niya. Buong buhok niya, dahil wala siya magawa kanina at ayaw naman niyang bumaba dahil sa pinagsasasabi ni James, kaya pinagdiskitahan niya ang buhok niya.

At talagang bagay ito sakanya, mas lalo siyang nagmukhang manika. It's a telephone curl style.

" Wow Chels! cute hair." Colleen said

" Uuyyyy! nagpaganda talaga, Gwapo pala si Carlo ah! type mo no?" Bulong ni Celline.

" Hindi ah! wala lang ako magawa kanina, kaya pinagdiskitahan ko buhok ko." Sabi ni Chelsy sa mahinang boses. Nang makababa sa hagdan.

" Hi Carlo, Hi Ella! " Chelsy greets them.

" Hi ate Chelsy, Ang ganda mo, mukha kang manika talaga. Pati ang mga kaibigan mo ang gaganda din, bawal ba talaga ang pangit sa FU?" Sabi ni Ella

Nagtawanan naman sila sa sinabi ni Ella.

" Thank you Ella, but you're also pretty." Chelsy said, and gives her long hug.

" Carlo sasama ko sila ah, anyway nakilala mo naba sila?" Chelsy asked

Pero hindi sumagot si Carlo, parang walang naririnig nakatitig lang ito kay Chelsy.

" Kuya! hoy kuya!!" niyugyog ni Ella si Carlo.

" Ha?" Sabi lang ni Carlo at tumingin kay Ella.

"Kinakausap ka ni ate Chelsy, tulala ka." Ella said

"Ah.. Chelsy ang ganda mo." yun ang nasabi ni Carlo.

Naghagikgikan naman ang mga babae, pati si Kevin at Vince natawa din.

Si James at Brian mukhang hindi natutuwa.

" Pakalbo ka nga Diwata." Makahulugang sabi ni Kevin.

" Ano ba? aalis ba tayo o ano? gabi na oh..." Sabi ni James

" Maaga pa James, 7:30 palang oh.." Sabi naman ni Cassie.

" Kasama silang lahat?" Tanong ni Carlo.

" Bakit may problema? Sinabi na sayo kanina diba? kung hindi ka lang sana mukhang tangang tulala diyan." James said sarcastically.

" James ano ba!? ayan ka na naman eh, pasensiya ka na Carlo, ganyan talaga yan, normal na niya yan. Hindi yan galit, hindi pa naman bumubuga ng apoy, kaya okay pa yan." sabi ni Chelsy

Nagtawanan sila pati si Brian natawa din sa sinabi ni Chelsy.

Umalis na sila at naglakad lang dahil malapit lang naman yung baranggay nila Ella.

Narating nila ang lugar kung saan gaganapin ang sayawan. Pumasok silang lahat.

Pagpasok palang nila, lahat ng mata sa kanila na nakatingin. Lagi naman talagang ganun kahit saan sila pumunta hindi pwedeng walang titingin.

" Wow!!cool disco bar." Manghang sabi ni Cassie

" ATE!!!!" May batang sumigaw at agad lumapit kay Chelsy at yumakap sa mga hita ni niya.

" Hello baby girl! kumusta ka?" Yumuko si Chelsy at kinarga ang bata.

" Okay lang po ako." Sabi ng bata, at tumingin sa mga kasama niya, nanglaki ang mata nito pagkakita sa heiresses.

" Woooowwww!!! ang daming walking doll." Pagkahaba habang wow ang sinabi ng bata.

Nagtawanan sila sa sinabi ng bata at tuwang tuwa ang tatlo sa bata at pinagpipisil ang pisngi nito. Hagikgik naman ng hagikgik ito.

"Nanay, siya po ang sinasabi ko sayong walking doll. Ang ganda po niya, ang dami pala nila." sabi ng bata sa babae na kakalapit lang.

" Oo nga anak, ang gaganda nila. ikaw ba si chelsy?" Sabi ng nanay ni Hannie at tumingin kay Chelsy.

"Opo, ako nga po. ito naman po ang mga kaibigan ko." Sabi ni Chelsy.

"Ako ang nanay nila Ella at hannie. Magtatagal pa ba kayo dito sa tagaytay.?"

" Hindi po, bukas po babalik na kami sa FU."

"Ah ganun ba! Oh sige, magenjoy kayo dito ah. Halika baby uwi na tayo." Aya ng nanay ni Hannie.

" Mamaya nanay, sasayaw pa ako. Please! ! mamaya na." Sabi ni hannie at wala ng nagawa ang nanay.

Umupo sila sa isang table. tumabi si Carlo kay Chelsy. Si Brian at James kaharap nila.

Nung sweet music  na ang tugtog. May lakas ng loob na lumapit at inaya magsayaw sila Cassie at Celline. May isang lumapit para ayain si Colleen, pero inakbayan ito ni Vince kaya umalis nalang ang nag-aya.

Tinignan ni Chelsy si Colleen.

Confirm inlove tong bruhang to.. hindi mapakali, inakbayan lang ni Vince. hehe!!!

"Kuya, ate, halika." Lumapit sakanila ang bata, na kanina sumasayaw at pilit silang pinapatayo.

Kaya tumayo nalang sila, dinala sila ng bata sa dance floor.

Ang kulit ng batang to ang daming alam.... kabata-bata pa..

Nahihiya pa kunyari tong ugok na to pero halatang gustong gusto naman... sa isip ni James

Sinundan nalang niya ng tingin ang dalawa na pinilit na pinasayaw ng makulit na bata.

Bumalik na sa upuan sila Cassie at Celline. Tinapos lang nila ang isang song.

" Hoy kayo! hindi kayo sasayaw? mag aya kayo oh, tignan niyo, ang daming girls na nakatingin sainyo. GO!!!" Sabi ni Celline.

" Hindi yan sasayaw, nakita mong busy hindi mo nakikita?" Sabi naman Kevin.

" Busy saan?" Celline asked

"Sa kakatitig dun oh!" Sabay turo kila Chelsy.

"Kung nakakamatay lang ang pagtitig kanina pa bumulagta yan si Carlo." Kevin added

Tinignan naman ito nila Cssie at Celline, ang sama nga ng tingin ng dalawa kila Chelsy.

" Confirm nga, James likes Chelsy." Bulong ni Celline kay kay Cassie at Colleen.

" Yeah!! I think so.." Colleen said at tatango tango.

Si Chelsy naman tawa ng tawa. Dahil patawa  ng patawa si Carlo habang nagsasayaw sila.

"Boyfriend mo yung James?" tanong ni Carlo.

" Hindi! wala akong boyfriend." Chelsy answered.

"Pero mukhang may gusto siya sayo. tignan mo ang mga titig niya, pati yung Brian para akong kakain ng buhay.." Tumingin sila kung asan yung dalawa.

grabe ang sama nga ng tingin!! hindi na mapinta ang mga mukha nito.

Tumingin uli si Chelsy kay Carlo, tinitigan niya ito.

infairness gwapo nga to.. pwede isama sa heartthrobs.

"Alam mo parang may kamukha ka."  Sabi ni Chelsy na titig na titig kay Carlo

"Maraming nagsasabi na kamukha ko daw si Piolo Pascual." Seryosong sabi nito..

Kaya tawa ng tawa nanaman si Chelsy.

" Parang hindi naman eh. You're handsome rather than him." Chelsy said while laughing pero si Carlo mas malakas ang tawa.

" Hey! Pwedeng ako naman?" Sabay silang napalingon sa nagsalita. si Brian.

Ngumiti si Carlo at bumitiw kay Chelsy at nagpaalam.

Lumapit si Brian sa kanya.

Hinawakan ni Brian ang bewang niya at pinatong ni Chelsy ang kamay niya sa balikat nito.

" Ang ganda mo talaga." Seryosong sabi ni Brian, ngumiti lang si Chelsy.

" Princess."

" Uhmm"

Mas lumapit pa ito sakanya na halos magkadikit na ang katawan nila. Bago to nagsalita uli huminga muna ng malalim.

" I like you" Brian said softly.

Napa gulp si Chelsy sa narinig niya.

" Nung una palang kitang makita, gusto na kita. Na love at first sight ako sayo. ahaha!!" Brian added, lumayo ito ng konti at tumingin sa mga mata niya.

" I've never felt this way before." kinulong ni Brian ng kamay niya ang mukha ni Chelsy ..

"Princess, pwede ba kitang ligawan." Patuloy nito, si Chelsy nakatingin lang dito walang masabi hindi niya alam kung ano ang sasabihin.

Ang mga tao sa paligid lahat nakatingin sakanila, para lang silang nanonood ng pelikula dahil sa kasweetang ginagawa ni Brian. lahat ng tao makikita mo ang kilig sa mga mukha nila.

Pero si James mas lalong sumama ang mukha. inom ng inom ng alak, ginagawa nitong tubig ang alak.

Biglang nagiba ang tugtog.

"Hindi mo naman kailangan sagutin agad, magaantay ako." Ngumiti ito sakanya at inaya na siyang umupo.

" Kuya, you're so sweet. ... grabeeeeee!!!" Yan ang bungad ni Cassie pagdating nila sa table.

Mahaba ang gabi, nagsayawan sila at uminom. nalasing yung tatlong babae, pero si James naparami ang inom kaya siya ang pinaka nalasing.  Si Chelsy konti lang ang ininom pero ramdam niya ang hilo dahil hindi siya sanay uminom.

Kaya nagdecide na silang umuwi, hinatid sila ni Carlo.  Sumakay nalang sila ng tricycle, dalawang tricycles ang sinakyan nila.

Pagdating nila sa resthouse, pumasok na sila Cassie. Inalalayan ito ni Brian,  si Colleen inalalayan ni Vince at si Celline inalalayan ni Kevin.

" Carlo pakilapag nalang si James diyan sa sofa please. ." Sabi ni Chelsy

Lasing na lasing ito kaya inalalayan ni Carlo papasok. Siya lang ata ang pinakamatino pero medyo hilo rin siya at antok na antok na rin dahil maaga siyang nagising kanina.

" Carlo salamat sa paghatid ah." Sabi ni Chelsy

" Ayos lang yun, Salamat sa pagpunta ah. Sige mauna na ako Chelsy. "

" Okay sige, salamat uli, ingat." Sabi ni Chelsy habang hinahatid si Carlo papalabas.

Sinara niya ang pinto at nilock, bumalik siya sa sofa kung nasaan si James.

"Umakyat na silang lahat, paano ka aakyat sa kwarto mo? James.....James.." Ginigising ito ni Chelsy, pero puro ungol lang ang ginagawa nito.

Umupo si Chelsy sa sofa kung saan nakahiga si James. Malaki ang sofa kahit dalawang tao, pwede humiga.

Nilapitan niya ang mukha nito, Pinagmasdan niya ito habang natutulog. Naaaninag niya ang mukha nito dahil bukas naman ang dim light.

"Gosh! Mukha kang angel na napakabait pagtulog, pero paggising ka mukha ka paring angel, pero masungit version nga lang. Hehe!!" Bulong ni Chelsy at humagikgik habang nakatitig siya dito.

James smiled.

"Shakss!! ngumiti siya. narinig niya kaya ako? hoy James! are you awake?" Niyugyog niya ito pero hindi kumilos.

"Dapat pala lagi kang tulog para ngumingiti ka. mas cute ka pag nakangiti, parang ang sarap mo halikan. haist!! ano ba tong sinasabi ko!"

"Hindi ka naman siguro mapapano dito." Kinuha ni Chelsy ang unan para ilagay sa ulo nito.

Habang nilalagay niya ang unan sa ulo ni James.  Biglang gumalaw ang kamay nito at niyakap siya kaya nasubsub siya sa pagitang ng dibdib at leeg nito.

"Ano ba naman to?! Ang bigat ng braso ng lalaking to." Pilit na umaalis si Chelsy pero lalo lang siyang niyakap nito.

" Please stay! Don't leave me cici. iloveyou." Bulong ni James habang nakapikit ito at nakayakap ang isang kamay nito sakanya.

Ganun ba niya talaga ako minahal? ganun ko ba talaga siya nasaktan? kaya kahit sa pagtulog binabangit niya ang pangalan ko.

" I'm sorry James! I'm sorry If I hurt you! I love you too." Chelsy said softly at niyakap niya si James.

Gumalaw ang isang kamay ni James at niyakap siya nito. Dahil sa nakainom at antok na rin siya nakatulog siya sa ganung posisyon. Hindi na rin niya namalayan ang pagyakap nito.

继续阅读

You'll Also Like

327K 6.3K 12
Playboy... yun ang tamang description kay Yi Jeong. Hindi siya kuntento sa iisang babae at lalong hindi siya nagseseryoso sa iisang relasyon. Pero a...
27.1K 1.8K 32
Nawawalang anak, revenge plot, heart attacks, isang amang namatayan ng asawa at mga anak, Marxism and Wollstonecraft--welcome to teenage soap opera. ...
22.9K 653 5
COMPLETED. Cover by Dyosita. ©greatfairy 2017
4.8M 12.9K 7
Paano kung magising ka isang araw at malaman na ang lahat ng meron ka ay kasinungalingan lamang? ...ang iyong asawa at anak ay kasinungalingan? ...an...