Courting Him (Guillermo Serie...

By tearscream

5.6K 304 34

Carly Elizalde is the new girl in Hillpointe University. With the help of her cousin and her friends, she pla... More

First Encounter
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28

Chapter 2

363 14 0
By tearscream

Levi Suarez

Last day of first week na ngayon.

Last Wednesday, sinadya ko talaga na last minute nang pumasok sa klase para hindi ako maabala nung si Kumag. Pero grabe! Sa laki ng school na 'to, sinong mag-aakala na kailangang lagi talaga kaming magkita?

I tried my hardest to ignore him. I succeed sometimes. Pero who would've thought sikat pala si Kumag sa Hillpointe? Even my blocmates know him! Ugh.

"Hi, Carlotta."

I always cringe whenever I hear my name. Ayaw na ayaw ko sa Carlotta kaya nga Carly ang sinasabi kong pangalan sa iba. Lahat naman 'yun ang tinatawag sa akin maliban kay Kumag.

"Carly, hindi mo naman sinabi sa akin na magkakilala pala kayo ni Levi," sabi sa akin noong class beadle namin, si Anja.

Napangiwi ako. "Hindi naman kami close. Kaklase ko siya sa Social Relations, under kay Sir Gab."

Tumango-tango siya. "Oh. Kay Sir Gab ka pala? Naku, good luck sa exit assessment niyo."

Sabi nga nila. I heard stories from my groupmates na lakasan ng loob daw ang EA ni Sir Gab. Wala raw dapat hiya-hiya dahil binabase niya sa outputs ang grades ng kada estudyante. Although hindi naman nila sinasabi kung anong klaseng EA ang binibigay ni Gabriel.

"Nga pala, Carly, I tried looking for your name in Facebook, walang lumalabas. Anong name gamit mo?" Anja asked.

Napahinto naman ako dahil sa tanong niya. "Ah, ano, nagdeactivate kasi ako ng account but I'll set it up. Nakaligtaan ko lang."

"Oh, okay!" ngumiti siya. "Anyway, got to go. I'll just text you kung may mga announcements from the teachers!"

I waved at her habang naglalakad siya papunta sa group of friends niya. Ako naman ay naghintay ng shuttle para pumuntang cafeteria dahil naghihintay na sina Tate sa akin. I could've brought my car pero dahil may pino-provide naman na shuttle ang school, I decided against it.

Pagkababa ko sa sasakyan ay pumasok na ako sa cafeteria. Nasa second floor daw sina Tate kaya pagkatapos kong pumila to buy my food, agad na akong umakyat. Nakita ko siya na nakatayo sa 'di kalayuan at kasama noong mga barkada ng ''best friend'' niyang si Yuan. Dumiretso ako sa mesa kung nasaan naghihintay si Tippy.

"Hi,"I greeted whilst sitting across from her.

Natigil siya sa paggamit ng phone at napatingala sa akin. "Carly! Andito ka na pala. Andoon pa si Tate at ini-interview 'yung mga members ng Tennis team."

Tumango ako. "Lunch pa talaga niya napiling mag-interview," sabi ko. "Nag-order ka na ba? Pwedeng ako na ang magbantay ng gamit natin and you could go and buy your food."

Tippy smiled. "May food na ako. But I need to use the rest room for a while. Pwedeng maiwan muna kita rito?"

"Yeah, sure," pagsang-ayon ko. Umayos ako ng upo at inilagay ang bag ko sa mesa bago sundan ng tingin si Tippy na naglalakad papuntang rest room.

I sighed before fishing for my phone, contemplating whether to text my mother or not. I decided against it and opened my Facebook app. Should I make another account? Anja told me my teachers sometimes upload files sa Class page namin at hindi sa Online Account namin. It would be a bother kapag hindi ako magse-set ng bagong account.

Sa gilid ng mata ko, nakita akong may grupong paparating. They're too loud at napapatingin din ang ibang estudyante sa kanila. Yumuko agad ako para hindi ako makita pero talagang matang lawin ang Kumag.

"Hi, Carlotta!" sigaw niya kahit nasa malayo pa siya. I groaned. He really loves calling attention!

"Grabe, hindi namamansin!" and before I know it, kaharap ko na si Kumag. His group of friends are behind him and smiling down at me.

Napailing ako. "You could just greet me like a normal person would," sabi ko sa kanya sabay irap. "And it's Carly. Will you stop calling me Carlotta?"

Parang walang narinig si Kumag at nakangiti lang sa akin. His friends -- Dan, Uno and Rage -- shook their heads at tinapik sa balikat si Kumag. Mukhang naghihintay sa susunod na sasabihin ng kaibigan nila.

"Para tayong kwento ni Juan Tamad, ano," sabi niya habang nakapangalumbabang nakatitig sa akin.

Napataas ako ng kilay sa kanya. "Ano?"

Andoon nanaman 'yung nakakaasar na ngiti niya. "Ako si Juan. Tapos ikaw 'yung bayabas.

Hinihintay ko lang na mahulog ka sa akin."

I heard the 'ayeeh' of the girls from the other table tapos 'yung iba sumisipol pa. Gosh. Why didn't I see that coming?

I groaned at tinakpan ang mukha ko sa labis na kahihiyan. Sa isang linggo ko sa Hillpointe, sa tuwing nagkikita kami, lagi na lang siyang gumagamit ng pickup lines!

"Suarez, what the hell are you doing in our table?" rinig ko ang maarteng boses ni Iris.

Napatayo naman agad si Kumag. "Binibisita lang 'tong kaibigan mo," sinulyapan niya ako at may guts pa siyang kindatan ako. "See you around, Carlotta."

Napailing na lang ako habang nilalapag noong boyfriend ni Iris ang tray niya sa mesa. "That guy talaga. Don't tell me ikaw 'yung kumakalat sa tsismis na bagong target niya?" tinignan niya 'yung boyfriend niya. "Thanks, babe. You can join your friends na."

Tinanguan lang ako noong boyfriend ni Iris at umalis na rin. Hindi rin naman kami close na dalawa at hindi rin pala-salita 'yung jowa niya.

Bago pa ako makasagot, may sumingit naman. "Yes naman, Iris. Nahumaling 'yata sa charm ng pinsan ko."

I rolled my eyes. "Mahilig lang mang-asar ang sabihin mo," I told Tate. "Kilala niyo rin si 'yon?"

Iris nodded before arranging her food. "Who wouldn't know Levi? He's super known in this school. We've been classmates since pre-school so I know what kind of guy he is."

I shrugged bago ko inayos 'yung pagkain na binili ko sa baba kanina. Binuhos ko 'yung sabaw ng adobo sa kanin ko.

"Kung makapagsalita naman ito parang masyadong masamang tao si Levi," depensa naman ni Tate.

"Well, he's not," Iris continued. "But he's too much of a smooth talker! Laging gumagamit ng pick up lines sa mga babae but in the end he wouldn't even pursue them. Nakakainis."

Napataas tuloy ang kilay ko. "May past ba kayo?"

Umalingawngaw ang tawa ni Iris. "Oh my gosh, Carly! That would be incest!"

"Huh?" bakit? Magkamag-anak ba sila?

"Levi's my cousin. At kahit we're not related, I won't even give my time to that guy," nandidiri niyang sabi. "I don't even get the girls who are too head over heels in love with him. I mean, yes maganda ang lahi namin but his attitude isn't even that appealing."

Hindi na ako nagsalita at kumain na lang. Watching as Iris remove the onions from her food. Sinabihan pa siya ni Tate na maarte. Minsan wala talagang preno ang bibig ng babaeng 'to.

Sa aming apat, I could definitely say si Iris 'yung pinakamaarte at spoiled. 'Yung bahay nga na tinitirhan namin eh pinarenovate niya pa sa Daddy niya kasi ang pangit daw ng pagpapagawa. At kung pagbabasehan natin 'yung bahay, alam kong ma-pera talaga si Iris. She's also a bit bitchy. Alam ko nga na maraming naiinis sa kanya kasi minsan kung umasta ay parang sino. Yes, medyo may ugali si Iris pero mabait siya sa kung sinong mabait sa kanya. Part-time model din siya. At minsan may topak din.

Then there's Tippy. Kung ako ang tatanungin, Tippy is breathtakingly beautiful. But Tippy doesn't like dressing up or putting too much makeup, unlike Iris. She's kind of closed up, too, sometimes. Pero gaya ni Tate eh marami rin itong kaibigan. She's also a dean's lister at isa sa mga members ng Vocals. Nagpa-part time rin itong singer sa isang bistro outside of the campus. I just don't know kung may boyfriend din ba ito gaya ni Iris.

And who would forget my ever beloved cousin? Siya yata ang pinaka-friendly sa aming apat -- or sa buong estudyante ng Hillpointe. I even saw her talking to one of the janitors around the school. Member din siya ng school paper kaya halos lahat ng lalaking nasa sports eh kilala niya. Wala nga yata akong kilala na ayaw kay Tate, eh. Pero mas gusto ko na 'yun kesa noong nasa junior high kami na minsan nabu-bully siya because of her looks. But look at her now, kung nakikita lang siya ng mga nambu-bully sa kanya noon, mahihiya sila dahil magandang-maganda na ang pinsan ko.

"Where's Tippy, by the way?" Iris asked.

"Sabi niya magre-rest room daw siya," sagot ko habang I reached for my water jug at binuksan iyon habang tinignan si Tippy na papunta na sa table. "Andito na si Tippy."

"Saan ka galing?" tanong niya noong umupo na si Tippy sa gilid niya. "You should've eaten your food before you meet with Cyrus," I heard irritation from Iris' voice. Boyfriend 'yata ni Tippy 'yung Cyrus?

Hindi umimik si Tippy pagkaupo niya. Nagkatinginan kami ni Tate when she nudged me. Hindi pa kami ganoon ka-close pero alam kong ayaw ni Iris kay Cyrus. Every time I hear the name Cyrus, kung hindi iritasyon ay disgust ang nasa tono ni Iris. Hindi ko pa naman nakikita 'yung Cyrus so I can't judge him.

I cleared my throat. "So, uhm, tuloy ba plano natin tonight?"

"Of course, Carly! We need to celebrate the first week of class! Also, hindi mo pa masyadong navi-visit mga sites dito sa Guillermo!" excited na sabi ni Iris.

Tumango ako. "Saan pala tayo?"

"I have a gig 'til 10 PM sa bistro. Magkita na lang tayo sa Dolce?" sabi ni Tippy habang kumakain.

"Sa part time mo? Where is that?" I asked. Hindi ko pa kasi naririnig si Tippy na kumanta pero marami na akong naririnig na magaling daw talaga siya.

"Diyan lang sa 37th Street. After ng welcome party para sa bagong members ng Vocals, pupunta na ako sa Marky's then diretso na sa Dolce."

I nodded. Ang dami niya pa palang activities for this day. I could ask Iris na hindi na kami matutuloy pero baka mag-tantrums lang 'to.

"Hala, oo pala. May practice rin for cheering today, 'di ba? Pinapapunta pa ako ni Coach An doon to cover," Tate said, pouting.

Tinignan ko siya. "Cover for what?"

"Eh, 'di ba, school paper member ako? Ako pinapa-cover para sa initiation ng Aspirants ng Vocals, Basketball team at Cheerleading," pag-eexplain niya.

I shrugged. "Then, I'll just come with you."

Tate smiled mischievously. "Sure."

Bago ko pa siya matanong, napatili ng kaunti si Iris while looking at her phone. "Look! I messaged Ada why she didn't contact me kung nakapasa ba ako sa Vocals tapos ni-seen lang ako!" sumimangot siya. "That president of your club! Lagi na lang akong niri-reject!"

"Hindi kasi katanggap-tanggap ang boses mo," pambabara ni Tippy sa kanya.

I laughed as they started bickering. Lagi na lang silang dalawa ang nagbabarahan.

* * *

When my Public Speaking class ended, dumiretso na ako sa assigned room for Social Relations. Hapon kasi ang sched ng Social Relations every Friday.

Pagkapasok ko, umupo ako agad sa gilid ni Georgina. She was busy sketching kaya nginitian ko lang siya bago inayos 'yung gamit ko.

"Carly," tawag pansin sa akin ni Maureen, 'yung class beadle namin for this class. "Nagset na kasi si Sir Gab ng group page sa Facebook. Na-add ko na doon 'yung mga kaklase ko. I was looking for your Facebook account pero hindi ko makita, eh."

Napahinto naman ako. Shit. I almost forgot to set up an account. "Oh, uhm. I deactivated my account kasi pero magse-set na lang ako ng bago. Sorry, ha? Ano, I'll just send you a request tapos pa-add na lang ako sa group page?"

Maureen smiled and told me her complete name na ginagamit niya sa Facebook so I can add her. Tumango naman na ako at nagpasalamat.

Sir Gab entered the room with one empty fish bowl in his hand.

"Good afternoon, class! Since we were finished with course's introduction last meeting, let's proceed with the activities," he said. "Now, please get a one-eight sheet of paper and write your complete name."

Naguguluhan man sa sinasabi niyang activity ay sinunod ko naman ang sinabi niya at nilagay ang buong pangalan ko sa papel. He then asked as to roll the paper at ginawa namin 'yun.

Matagal-tagal pa naman ang Christmas party pero bakit kami mukhang magbubunutan ng pangalan?

Umikot si Sir Gab sa buong room para mailagay namin 'yung rolled paper sa loob ng fish bowl. Bumalik din naman agad siya sa platform at hinalo-halo 'yung mga papel sa loob ng fish bowl.

Sir Gab smiled at us. "Remember guys, kung ano man ang mabunot niyong pangalan ng kaklase niyo, please be sport. I don't care if you guys are exes, or may hindi kayo pagkakaunawaan sa isa't isa dahil this is Social Relations, understood?"

Tumango ang lahat bilang pagsang-ayon. Lumapit naman siya sa left side at inihain ang fish bowl sa pinakadulong estudyante sa harap. Bumunot ito ng papel at sinabi sa buong klase ang pangalan ng nabunot niya.

We are only 26 in this class at medyo matagal-tagal din ang pagbubunot dahil nagkakantyawan pa ang iba sa mga nabunot nilang pangalan.

"Carlotta Jian Elizalde," one of our male classmates announced. Napahinga ako ng maluwag dahil kumportable akong si Israel ang nakakuha ng pangalan ko.

"Palit tayo, Isra!" sabi ni Kumag.

"Tumigil ka, Levi," saway ni Sir Gab. "Okay na okay ba sa'yo, Isra?"

Israel nodded and fluttered his eyes at Sir Gab. Nagtawanan naman kami sa ginawa niya. Yes, Israel is gay.

Patuloy pa rin sila sa pinaggagawa nila at ilang sandali na lang ay ako na. Good thing at zigzag ang paggalaw ni Sir Gab dahil ayokong ako ang huling bubunot ng pangalan.

"Your turn, Carly," sabi ni Sir Gab at tumikhim ako para kumuha ng pangalan.

Everyone was looking at me while I was reading the name. Hindi ko kilala kung sino 'yung nabunot ko.

"Lemuel Vincent Suarez," I announced and searched the room. Who is this Lemuel Vincent?

Biglang nagkantyawan 'yung grupo ni Kumag. Isa ba sa kanila si Lemuel Vincent? The girls even smiled and hooted but I don't even know who the hell Lemuel is.

"Uh, Sir Gab, I'm not sure if I know who Lemuel Vincent is," I said awkwardly.

Everyone, including our teacher, laughed at me. Noong nakabawi na si Gabriel ay kumikinang ang mga mata niya.

"Well, Carly, I think you know him. Hindi nga lang sa buong pangalan," tinignan niya ang buong klase. "Hoy, Lemuel Vincent, tumayo ka nga at ipakilala ang sarili mo ng maayos."

From the corner of my eyes, I saw Kumag stand up. Oh my gosh. This must be a joke!

A wide grin was plastered on his face. He winked and said,

"Hi, Carlotta. I'm Lemuel Vincent Suarez. Levi na lang."

Why am I so unlucky?

* * *

Credits to the owner of the pickup lines used in this story.

Continue Reading

You'll Also Like

387K 11.3K 94
WARNING!!! Read at your own risk! If you don't like it, just leave. This story is not for everyone. It contains controversial themes and events not...
2M 72.2K 34
(Trope Series # 1) Cerise's younger sister is getting married and she's expected to attend. The logical thing to do was to attend (duh, it's her sis...
28.5M 854K 79
Every embraces has its own journey. Written in Filipino #1 highest rank Book...
806K 28.9K 40
Heartbreakers Series #3: Alaric Reuben Frontera Aquila "Aki" Esqueda is one of Alaric Reuben "Abe" Frontera's friends since Grade 11. Nasa iisang bar...