It's Complicated

By AillexSkcy

55.7K 1K 94

Jerk at maattitude ang tawag ng marami kay Kai Alejandro, isang babae na lumaki sa bansang Spain ngunit kinal... More

Reminders
Prologue
Chapter 1: Weird
Chapter 2: Café Morina
Chapter 3: Safety first
Chapter 4: Goodluck
Chapter 5: With her
Chapter 6: I miss you and I love you
Chapter 7: Puesta de sol (SUNSET)
Chapter 8: Ex
Chapter 9: Jealous
Chapter 10: Tutor
Chapter 11: Anu Tayo na?
Chapter 12: Earrings
Chapter 13: Goldy Kai
Chapter 14: Can't Wait
Chapter 15: Late
Chapter 16: Perfume
Chapter 17: Ela's Career
Chapter 18: Photoshoot with my EX
Chapter 19: The Kiss
Chapter 20:
Chapter 22: Dalagang Pilipina
Chapter 23: The Meet Up
Chapter 24: EMERGENCY
Chapter 25: I Love You
Chapter 26: Hiccup
Chapter 27: Unforgettable Moment
Chapter 28: Charm
Chapter 29: I still love you
Chapter 30: Love Team
Chapter 31: New Concept
Chapter 32: The International Model Collide
Chapter 33: KAIBIGAN
Chapter 34: Nightmare
Chapter 35: Omelette
Chapter 36: Delicioso
Chapter 37: Confused
Chapter 38: Trending
Chapter 39: Still confused
Chapter 40: Text
:( Chapter 41: I LOVE YOU, GOODBYE :(
Chapter 42: Nonsense Deal
Chapter 43: Safe
Chapter 44: Don't make me worry
Chapter 45:
Chapter 46: Your Lips
Chapter 47: Laura and Abbie
Chapter 48: I am still your best friend and you are still my best friend
Chapter 49: I have something to tell you <3
Chapter 50: Vanilla Lace
Extra Chapter
Epilogue
Book Announcement
Book Two of It's Complicated

Chapter 21: The Party

615 11 0
By AillexSkcy

Chapter 21: The Party

.
.
.
.

Jane's POV

Nalibot ko na ang buong condominium pero di ko pa rin nakikita si Kai.

Ringggggg
Ringggggg
Ringggggg

Agad kong sinagot ang tawag mula kay Trisha.

"Jane, masasamahan mo ba ako ngayon?"

"Sorry Trisha pero nakascheduled ako ngayon sa tutor ko e."

"Ganun ba? Okay sige. Salamat, nga pala may naghahanap sayo kanina. Ela ang pangalan."

Nagulat ako sa narinig ko mula sa kabilang linya.

"Anong sabi?"

"Wala e, tinatanong kung pumasok ka?" Napaisip ako, kasi ang alam ko alam niya na nakasheduled ako ngayon sa tutor ko.

"Sige, kailangan ko ng ibaba." Hindi ko na hinintay na magsalita si Trisha at agad na naglakad pababa ng hagdan dahil nakita ko na finally si Kai.

"Saan ka ba galing?" Halatang nagulat siya ng lumapit ako sa kanya, may bitbit siyang supot. Tiningnan ko iyon pero ayaw niya ipakita sa akin.

"Di ka galit?"

"Ha? Bakit naman ako magagalit?" Tanong ko sa sarili ko ng makalapit ako sa kanya.

"Kanina kasi...

"Ah yun ba? Hahaha nagtampo lang ako, kasi pumayag ka na whole day pero...

"Pumapayag na ako."

"Saan naman?" Nakakunot kong tanong.

"Na samahan ka mamaya sa party. Ito o bumili ako ng gift doon sa nag invite sayo." Inilabas niya ang isang branded na wine, na ikinangiti ko naman.

"Tara na nga sa taas." Para akong bata na nanalo sa laro dahil napapayag ko si Kai na samahan ako sa party mamayang gabi.

.
.
.
.
.

"Nabanggit ko na ba sayo yung ex ko?" Napalingon si Kai sa kinauupuan ko ng magtanong ako sa gitna ng pagrereview, magbibigay daw kasi siya ng short exam sa akin.

"Not yet." Ibinalik niya ang atensyon sa pagrereview.

Dapat ko na bang sabihin sa kanya ang tungkol sa kaibigan niya at sa akin? Or much better kung isantabi ko muna. Tanong ko sa sarili ko habang nakaharap sa reviewer na hawak ko. Natatakot ako sa maaaring maging reaksyon niya sa sasabihin ko, lalo pa at may kaba sa dibdib ko na baka layuan niya ako. Or alam niyo na yung di na ako pansinin.

"Nga pala matanong ko lang, bakit ka pala hindi namamasin noong mga nakaraang araw?" Natigilan ako sa pag iisip kung paano sasabihin kay Kai ang about sa ex ko, at napakunot noo ako dahil sa tanong niya.
Oo nga pala, noong kainuman niya ang ex ko. Nakita ko sila sa bar, at kaya pala di namamansin dahil doon. Pero ang akala ko that time magjowa sila ng ex ko, yun pala magkaibigan sila.

"Jane okay ka lang?" Nabalik ako sa realidad ng muling magtanong si Kai, bakit kasi ang lalim ng iniisip mo? Tanong ng isip ko sa sarili ko.

"Ah yun ba? Wala may dalaw lang ako that time, kaya ayun mainit ang ulo. Girls monthly problem." Nginitian ko siya habang nag iisip ng iba pang paraan para masabi sa kanya ang tungkol sa ex ko. Pero bakit ko pala kailangan pang sabihin sa kanya? Nagtetake advantage ka kasi.
Ha? At bakit naman? And mapagkakatiwalaan mo siya, especially ayaw mong may itinatago ka sa mahal mo remember? Nagulat ako sa mga itinutya ng isip ko.

"Jane, okay ka lang ba talaga?" Napakurap kurap ako sa muli kong panumbalik sa sarili ko. Ano ba kasing naisip ng isip ko at iyon ang sumasagi sa kanyang kukuti. Para na akong baliw, dahil kinakausap ko sa isip ko ang isip ko. Nakuha niyo ba? Kasi pati ako naguguluhan sa mga sinasabi ko.

"Ahm, simulan na natin?"

"Okay, 1 to 30 lang naman ito. And you have 30 minutes to answer it."

"Sure ka? E ang haba ng 30 minutes para sa 30 items."

"Just answer it." She smirked and go to kitchen. Ngumiti lang ako sa sinabi niya.

.
.
.
.
.

Grabe lugaw ang utak ko sa mga tanong, kinain ko ang sinabi ko kanina kasi pang dalawahang oras dapat ang time sa tanong na ibinigay sa akin ni Kai.

"You need to review more." Napanguso na lang ako ng makita ang resulta, I can't believed it. Papatayin niya ba ako sa mga malalalim niyang question na ang hirap intindihin at first.

"Sigurado ka bang ganito kahirap ang exam?"

"Ano ka ba Jane? It's just an example, don't worry tutulungan kita. Tsaka alam ko naman na matalino ka." Habang abala siya sa pag aayos ng mga gamit, bigla kong hinawakan ang kamay niya. Ewan di ko din alam kung bakit ko siya hinawakan sa kamay.

"Bakit?" Nakatingin lang ako sa kamay naming dalawa.

"I like....

Ding dong
Ding dong

Inialis ni Kai ang kamay ko sa kamay niya. At agad na pumunta sa may pinto.

.
.
.
.

Kai's POV

Nagulat ako sa ginawa ni Jane, tila may kuryenteng lumapat sa kamay ko kanina ng hawakan niya ako. Ewan pero parang may something na hindi ko mapaliwanag.

" Kai right?" Nagulat ako sa sinabi ng isang babae na nakatayo sa harap ng pinto. Bakit niya ako kilala?

"7:00pm ang simula ng party, any outfit is allowed. Pakisabi na lang kay Jane na aasahan ko siya sa party ko. Sige aalis na ako." Umalis na din siya agad at ako nakatulala lang.

"Sino yun?" Lumapit si Jane sa akin, at di ko maiwasang mapatingin sa kanya ng diretso.

"Bakit ako kilala ng babaeng iyon?"

"Ah si Anne ba? Hayaan mo na, dating DJ yun ng RMF station at dati ko ding kaklase."

"So...

"Teka may susuotin ka na ba para mamaya?" Hindi na ako nakapagsalita sa tanong ni Jane.

"May dress ako dito, and I'm sure you're gonna love it." Hinila ako ni Jane papasok ng kuwarto niya, at agad na binuksan ang closet niya. Iniabot niya sa akin ang itim na dress.

"Try mo, dali!" Excited niyang sambit.

.
.
.
.

"Woah." Kahit pabulong iyon, rinig na rinig ng dalawa kong tainga ang lumabas mula sa mga labi ni Jane. Nakatingin lang siya sa akin ng diretso, habang ako hinihila pababa ang dress dahil hindi ako sanay sa ganitong klase ng damit.

"Are you ready?" Inilabas ni Jane ang isang kit, and I think its make up kit.

"Jane, ano kasi? Yang....

"Bakit ayaw mo ba?"

"Hindi naman sa ganun, di lang ako sanay sa...
Sabay turo sa suot ko.

" Ah yun ba? Ano ka ba? Ang cute mo nga e." Sabay pisil sa pisngi ko na ikinapula ko naman. Sa kalahating oras na paglalagay ng make up napansin kong buong oras nakangiti ang mga labi ni Jane. Actually, nakaayos na siya ako lang itong pabebe na ayaw magsuot ng ganitong damit.

.
.
.
.

"Jane, nakakahiya." Hindi ako komportable na humarap sa maraming tao na ganito ang suot, pero sa camera 100% may confident ako.

"Ano ka ba? Nandito ako sa tabi mo, di kita iiwan, okay?" Hinawakan ni Jane ang kamay ko habang papasok ng function hall, hinayaan ko na lang iyon. Dahil di ko din kasi alam ang gagawin.

Mga sosyal na tao ang una mong mapapansin sa loob ng hall, kaya medyo OP. Di naman kasi ako sosyal, pero si Jane of course sosyal itong babaeng ito.

"Kai chill ka lang, di naman nangangagat ang mga tao dito. Relax, okay?" Nginitian ako ni Jane kaya napangiti na rin ako. Di ko na rin inialis ang pagkakahawak niya sa kamay ko, mas komportable kasi ako sa ganoon.

.
.
.
.
.
.

Trisha's POV

"Lian, sa tingin mo kung hindi tayo nagkakilala sinong partner mo ngayon?" Napalingon sa akin si Lian habang abala sa pagpili ng sweater na gagamitin ko sa Sydney.

"Bakit naman sa dinami dami ng tanong yan pa ang naitanong mo?"

"Wala naman, napaisip lang ako. Sino kayang babae ang mamahalin ka?"

.
.
.
.

Lian's POV

Hindi ko maiwasang hindi mapaisip sa tanong ni Trisha, dahil isang babae lang ang sumagi sa aking isipan ng maitanong niya iyon. Gusto kong humingi sa kanya ng tawad, pero hindi ko naman alam kung papaano. Oo nakita ko na siya dito sa Pilipinas, pero di ko alam kung saan siya pupuntahan para makausap ng ayos.

"Kanina ka pa tahimik."

"May naalala lang ako. Tanda mo ba yung ikinikwento ko sayong estudyante ko sa Spain."

"Ah oo, si Alexa ba yun? Kamusta na pala siya?"

"Actually, nandito siya sa Pilipinas."

"Really? Teka nagkita na ba kayo?"

"Hindi pa."

"Kapag nagkita kayo isama mo ako ha? Gusto ko mameet ang batang iyon."

"Grabe ka naman sa pagkakasabi ng bata."

"E ilang taon na ba yun?"

"23 na siya."

"O mas matanda ako ng dalawang taon sa kanya. Hahaha by the way, salamat sa kanya. Kung di mo siya nakilala for sure di mo matatapos ang apat na taon mo sa Spain. Excited na akong makilala siya." Napabuntong hininga na lang ako sa mga sinabi ni Trisha, sana nga ganoon lang kadali iyon.

Kai, I'm so sorry. Sana maintindihan mo ang sitwasyon ko. Kung nasaan ka man sa sulok ng Pilipinas, sana makita ulit kita.
.
.
.
.
.
.

Kai's POV

"Ahhh!"

"Okay ka lang?"

"Okay lang ako." Bigla ko kasing nakagat ang dila ko habang kumakain ng salad, sino naman kaya ang nakaalala sa akin sa mga sandaling ito.

Tweet tweet SMS

Napalingon ako sa pouch ko, kinuha ko agad ang cellphone ko.

"Kai, nandito ako sa tapat ng bahay niyo."

Isang text ang biglang mas lalong nagpagulo ng iniisip ko.

"Sinong nagtext?"

"Ah wala, 8008 lang. Expired na daw ang load ko." Pagsisinungaling ko kay Jane.

"Okay, after natin kumain doon tayo malapit sa table ni Anne."

"Okay."

Continue Reading

You'll Also Like

257K 13.5K 35
There are so many reasons why she has to leave her. Illegal transactions, money, and an unusual life... She wants to be free. She wants to have a rea...
9.4K 562 26
growing up in a place infested with rebels and terrorist, LA Marzan at a young age was determined to be this person when she grows up --- a Soldier...
26.1K 669 41
Siya si Lianne Sky Redson Vergara the ruthless and heartless person, matalino at mayaman Isa kilalang personality o sa madalingsalita top one famo...