Your Place Or Mine? BOOK VERS...

By turning_japanese

19.4M 162K 25.6K

One night with a total stranger. And fate brought them together once again. That's where their whirlwind rom... More

Description
Intro
Chapter 1: What the hell?!
Chapter 2: The Girl from the bar
Chapter 3: I wish....
Chapter 4: The tigress
Chapter 5: Vince
Chapter 6: We meet again Part 1
Chapter 7: We meet again Part 2
Chapter 8: Z3
Chapter 9: Halter Top
Chapter 10: The Crime?
Chapter 11: Moving on...
Chapter 12: I'm back!
Chapter 13: The witch
Chapter 14: Talk$hit
Chapter 15: Jessica
Chapter 16: Ouch!
Chapter 17: The Party
Chapter 18: My fiancee
Chapter 19: His Fiancee
Chapter 20: Confused
Chapter 21: The As$hole
Chapter 22: Confrontation
Chapter 23: The Engagement
Chapter 24: Unexpected
Chapter 25: The Annual Dance
Chapter 26: Not Again...
Chapter 27: Finally...
Chapter 28: The Groom
Chapter 29: Ralph
Chapter 30: Hopeless?
Chapter 31: The Wedding (Part 1)
Chapter 32: The Wedding (Part 2)
Chapter 33: Cebu (Part 1)
Chapter 34: Cebu (Part 2)
PC: The Suite
Chapter 35: The Check-up
Deleted?
Chapter 36: He loves me...he loves me not?
Chapter 37: The Blushing Bride
Chapter 38: Ohemgi!
Chapter 39: Friends?....
Chapter 40: A glimpse of his past...
Chapter 41: Untitled
Chapter 42: Conflicts
Chapter 43: Confessions
Chapter 44: Questions and Answers
Chapter 45: All About Trust
Chapter 46: Sem Break
Chapter 47: Seth
Chapter 48: House Blessing
Chapter 49: FB
Chapter 50: Two beats in one heart?
Chapter 51: The bracelet
Chapter 52: Secrets
Chapter 53: Christmas (Part I)
Chapter 54: Christmas (Part 2)
Chapter 56: Auld Lang Syne
Chapter 57: Only You
Chapter 58: Valentine
Chapter 59: Kirsten
Chapter 60: When All Else Fails....
Chapter 61: Breathe Again
Chapter 62: Reese Is Home
Chapter 63: The Truth
Chapter 64: After All
EPILOGUE
Answers
Private Chapter: "Birthday Gift"
Private Chapter: "The Suite"
"Birthday Gift"

Chapter 55: The Other Woman

183K 1.9K 788
By turning_japanese

HALEY'S POV

"Haley –" Si Micah.

Sumunod pala ito paglabas ko. Mukhang importante ang sasabihin nito kasi lumabas siyang walang pakialam sa hitsura niya.

"Kung bibigyan mo akong ilang minuto sasabihin ko sa'yo lahat ng alam ko," seryosong sabi nito.

Kinabahan ako sa sinabi niya. Nakaramdam ako ng takot pero buo na ang loob ko. Tumango ako at bumalik ako sa loob. Umupo siya sa tapat ko. Wala ng atrasan 'to. Kailangan kong magpakatatag sa mga malalaman ko. Ayokong nang maging paranoid.

Tumingin muna sa akin si Micah bago nagsalita. Parang tinatantya nito kung ready na ba ako sa mga malalaman ko.

"Transferee si Kirsten from all-girl school. Isa siyang Tourism student. Second year siya, third year naman kami. Nagkakilala sila ni Russell I think sa isang school charity event," simula nito.

Magkasing edad kami kung ganon.

"After that, madalas na silang magkasama. They started dating after two weeks. Actually, hindi naman talaga siya niligawan ni Russell."

Hindi rin siya niligawan. Just like me. What we had was even worse. I slept with him that same night we met. And I didn't even know his name.

"Hindi ko siya gusto para kay Russell. At alam kong ganon din siya. She's fake. Mabait siya sa akin kapag nakaharap si Russell. Masyadong selosa at possesive. At ayaw niyang may lumalapit kay Russell na mga babae. Minsan inaaway at sinusugod niya ang mga nagkakagusto kay Russell."

Possesive? Ganon ba ako? Masyado ba akong nagiging demanding sa oras ni Russell? Wala naman akong inaway na babaeng involved sa kanya. Ako pa nga ang inaway ni Camille noon.

"Gusto niya kasi lagi silang magkasama. Hanggang sa mawalan ng oras si Russell sa ibang bagay. She was the reason why Russell gave up being the captain of the soccer team. Ayaw ni Russell na pag-awayan pa nila ito. Nalungkot ako noon kasi ito ang pinangarap ni Russell."

He gave up being a captain? Parang si Vince. Siya pala ang dahilan. He must be really devastated like Vince.

"Napaka-selfish niya. Even his toy collecting hobby, pinagdiskitahan niya. Hindi niya masakyan ang hobby ni Russell. She found it weird and creepy. One time, she planned on throwing them all and Russell got so furious. Muntik ng ma-pick up ng truck. Those are some of his priced possessions. Most of those were bought in the US and Japan. Pero syempre, mas importante pa rin si Kirtsen at hindi pa rin niya ito mahiwalayan."

Kaya pala. Natuwa si Russell nung malaman niyang I collect action figures, too. Kaya pala sinabi niya na bihira ang babaeng nakaka-appreciate ng ganong hobby. Ibig sabihin, naalala pa rin niya ang babae nung time na 'yon.

"Dumating sa point na hindi kami nag-usap ng ilang buwan ni Russell dahil nagseselos siya sa closeness namin. Kaya iniwasan ako ni Russell. At umiwas na rin ako."

"One time, I was invited by Tita Cecille. At tinanong ako kung may kinalolokohan daw ba itong babae. I wondered why she asked. At kinalolokohang babae pa talaga ang ginamit niyang term. Russell has four credit cards, and all four have enormous monthly bills. And when his Mom mentioned when this bad spending habit started, it was when he started dating Kirsten."

Kirsten. I hate that name.

"Hindi lang 'yon. He's getting large amount of cash based from company's cash vouchers. She just wanted to know kung saan daw dinadala ni Russell ang pera. She asked me, kasi ayaw daw niyang komprontahin si Russell at baka isipin nito na hinigpitan siya sa pera. Lolobo talaga ang bill ng card niya kasi halos everyday may regalo sa kanya si Russell. At madalas ding magpabili ng kung anu-ano. She's taking advantage of him pero ayokong makialam. But when he planned on getting her a car, inawat ko siya. Nahirapan daw kasing mag-commute si babae. Mabuti na lang nabola ko si Russell. Sabi ko sa kanya, mas sweet kapag hatid-sundo siya, at mas marami pa silang time na magkasama. I wasn't sure kung naniwala si kamote. Or baka na-realized din niya na it was too much."

She must be very special. He really loves her that much. Parang nanliliit ako sa sarili ko. Gusto kong tanungin ang sarili ko. Ano ba ako sa buhay ni Russell? It seems that I am nothing compared to her.

"When Tita found out about her, she had her background checked. She worked as a waitress at an early age. When she moved to Aberdeen. She's a part-time receptionist sa isang bar. She came from a very poor family. Her mom was very sick. And she found out that Russell was supporting her financially, from her tuition fees to her daily allowance."

Bakit ako, hindi ako binibigyan ni Russell ng mga regalo? Kaya ba ganon na lang siya regaluhan ni Russell? Because she's poor and she has nothing? At kaya hindi niya ako madalas regaluhan, it's because I have almost everything?

"Walang pakialam ang parents ni Russell kung anong klaseng pamilya meron siya. It was the pattern of Kirsten's practice bothered them. She's hopping from one school to another, all are big time schools. Parang naghahanap siya ng mayamanng boyfriend na mabibiktima. How could she afford the tuition and what's the point in tranferring to different schools yearly? At 'yon ang hindi nila nagustuhan. She's a gold-digging bitch and that's how she made easy money to get by. She was even involved with different men even with older ones."

"When Russell was confronted by his parents, what shocked us all was Russell knew all about her past. At wala silang nagawa. They can't make him leave her. So his Mom decided to invite Kirsten."

Alam ni Russell lahat ang tungkol sa pagkatao niya and yet he still accepted her. Ganon niya ito kamahal? Wow! This girl must be something. Sobrang ganda siguro niya. Hindi lang galit ang nararamdaman ko ngayon kundi matinding inggit. Alam kong mahal ako ni Russell pero hindi ganito.

"Nagtataka ako kung ba't baliw na baliw si Russell kanya. Oo maganda siya pero wala akong nakikitang extraordinary na features sa mukha niya. Payat pa." Ngumiti ito habang nakatangin sa akin. "Don't worry, 'di hamak na mas maganda at sexy ka sa kanya," dagdag nito na parang nahulaan niya ang nasa isip ko.

I smiled. I like Micah. Kung lagi ba naman siyang ganyan, papayag na 'kong maging hipag siya. Pero kapag naiisip ko ang pagiging babaero ng kapatid ko, ayokong maranasan niya ang nararanasan ko ngayon. Gusto ko siya, pero ayoko pa rin si Hans para sa kanya. Ngayon pa lang, gusto kong sabihin sa kanya na iwasan si Hans. Pero moment ko 'to. Tsaka na ako eeksena sa buhay nila.

"Going back, so 'yon nga, then his parents set the date to meet her. Unfortunately, Tita Cecille invited me too so I had to be there. At noon ko lang nakita ang prangka at maldita na Tita Cecille. Sinabi niya kay Kirsten na hindi niya nagugustuhan ang spending habits ni Russell nung maging sila."

Parang nakikinita-kinita ko ang nangyari. Same scenario nang palayasin ng Mommy ni Russell sa bahay nila si Camille, nung magwala ito sa sobrang kalasingan.

"Kirsten was offended. At si Russell naman ang inaway nito. Hindi man lang daw siya pinagtanggol. She even demanded na magsama na sila ni Russell para wala raw magawa ang parents niya. Or run away. Akalain mo 'yon. Anong klaseng babae ang ganon? Pero, hindi pumayag si Russell kasi wala pa siyang sariling pera that time. At hindi pa niya nahahawakan ang trust fund niya."

"After that, all his credit cards were cut at pinagbawalan na rin siyang kumuha ng petty cash sa kumpanya nila. So walang nagawa si Russell. He was broke."

"At madalas na rin silang mag-away kasi she kept on insisting na do'n tumira sa condo ni Russell. Bagay na tinutulan ni Russell. He can't afford to support both of them. Bihira na rin silang lumabas."

"One day, he received a text threat from her na kapag hindi siya sumama sa kanya makikipaghiwalay ito sa kanya. Nagbigay siya ng oras at lugar kung saan sila magkikita. But Russell had a game that time kaya hindi ito nakapunta. Well, she's always like that. She always put Russell in a situation to choose between her over someone or something. And that's it, kinabukasan nakipag-break siya kay Russell thru text lang. And she totally avoided Russell. At hindi rin siya hinabol ni Russell. Bagay na ipinagtataka ko hanggang ngayon. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko na rin nman tinanong na si Russell about it. Basta ang alam ko masaya ako kasi wala na siya sa buhay ng best friend ko."

Bakit kaya? Nagsawa na rin kaya si Russell sa ugali niya? Whatever the reason, parang nabuhayan ako ng loob.

"Nabalitaan namin ni Russell na may bago na itong boyfriend. Out of curiousity, Russell asked me to check on her. Wala akong ibang information sa bago niyang boyfriend bukod sa naka-BMW Z3 ito. And lately, we found out na kay Hans pala ang Z3 na 'yon."

Ang Z3. Naalala ko na. That was during the house blessing. Kaya pala nakatitig dito si Russell nung time na dumating si Hans na gamit ang Z3.

"Kirsten's boyfriend was Hans' friend. At hiniram nito ang Z3 sa pagsundo kay Kirsten sa school. He was same guy na tumangay ng kita at puhunan ng business nilang magkakaibigan."

Wait, si Jandex ang boyfriend nung babaeng 'yon? Ito ang pinalit niya kay Russell? He was my high school crush. Kaya lang ayaw akong palabasin si Hans kapag nasa bahay sila. I didn't know why. Kaya hindi ko ako nagkaroon ng chance na makilala siya.

"Ibang klase siyang pumili ng boyfriend. Sabi ni Hans, pagmamay-ari nila Jandex ang isa sa pinakamalaking shipping line sa bansa. And I think she suffered the same fate sa family ni Jandex. Ayaw din sa kanya ng mga ito. And Jandex had the same fate as Russell. He was denied all of his financial rights. Walang perang hawak si Jandex bukod sa pera sa negosyo na sosyo nila Hans. After that, they're gone with the wind."

"Nainis ako kay Russell kasi pinahanap pa rin niya ito. Maybe because her mother was sick. At sinong matinong anak ang iiwan ang ina sa ganitong kalagayan? At si Russell ang sumagot sa lahat ng expenses ng nanay niya. They have relatives, pero may kanya-kanya rin silang mga buhay. Napakawalang-kwenta niyang tao. Paano niya nagawang iwan ang nanay sa ganong sitwasyon?"

"Ito rin ang pinagkakaabalahan ni Russell for the past few months kasi inatake ulit ito at naka-confine . At lagi niyang hinahanap ang anak niya. Kaya naaawa si Russell at tinuloy nito ang pagpapaimbestiga kung nasaan si Kirsten. Pero hindi sila makita."

Kaya siya laging ginagabi ganon ba 'yon? Nasa ospital ito.

"Paano nalaman ni Russell na nasa Singapore ito?" tanong ko.

"Nalaman ni Russell na nasa Singapore ito thru Hans. When Russell asked about the Z3, ayon, may connection pala ang mga pangyayari. Pinapahanap rin kasi ni Hans si Jandex dahil don sa perang tinangay nito. Pero walang alam si Hans na kilala ni Russell si Kirsten. Nakwento lang sa akin ni Russell ang naging pag-uusap nila ni Hans. Na kilala daw ni Hans 'yung boyfriend ni Kirsten. Na nakakulong daw ito sa kasong physical injury. He assaulted Kirsten."

"Nung malaman ni Russell ang lahat ng 'yon, he stopped the investigation. But when Russell found out that Kirsten's boyfriend was out on bail, naging concern siya para sa safety ni Kirsten. Na baka balikan siya nito. Sinabihan ko na siya na 'wag makialam. Pero hindi ito nakining. Kaya sinundo niya si Kirsten sa Singapore at inuwi dito. Para na rin makasama pa niya ang mama niya na mahina na."

After all she's done, concern pa rin si Russell dito? Ganon niya ito kamahal?

"I'm sorry, ako dapat ang susundo sa kanya sa Singapore. Pero tuwing naiisip kita, nagi-guilty ako. It was Russell's decision na 'wag nang ipaalam sa'yo ang lahat. He's hoping that everything will be over kapag dumating na si Kirsten dito sa Pilipinas."

"At sa tingin ko, siya ang dahilan ng pag-alis ni Russell kagabi. 'Wag naman sanang mangyari ang inisip ko. Sana mag-usap muna kayo. Alamin mo muna kung ano ang side ni Russell. Bigyan mo siya ng chance na magpaliwanag."

Hindi ko alam. Naguguluhan ako. Sa sobrang daming sinabi ni Micah hindi ko na nagawang magtanong. I had too much information to digest.

"Maraming salamat, Micah. Tatanawin ko itong napakalaking utang na loob sa'yo."

***

I parked my car just beside Russell's. Tumingin ako sa taas ng kwarto. And he was there, waitingfor me. Nagmadali akong pumasok sa bahay. I'm heading upstairs when he got out of the room. Sinalubong niya ako sa hagdan. I went straight to our room trying to ignore him. Hinubad ko ang mga sandals ko at hinagis sa shoe rack. And I slump to bed and shut my eyes. I don't want to see him.

"Where have you been? Ba't di ka umuwi?"

Nagpanting ang tenga ko. Siya pa ang may karapatang magtanong ng ganyan ang tono? Dumilat ako. Nakatayo siya sa paanan ko.

"How did you know? Bakit kararating mo rin lang?"sarcastic kong tanong.

Umupo siya sa tabi ko. Hindi niya pinansin ang pasaring ko. "Past 3am na ako dumating. Pagdating ko, wala ka. Saan ka ba galing? Nag-alala ako sa'yo," sabi nito.

Nag-alala siya, matapos niya akong iwan. He was calling and I had to cancel and shut my phone down. Dahil ayoko siyang kausapin.

"Kung sasabihin ko sa'yo kung saan ako galing, sasabihibn mo rin ba sa akin ang totoo kung saan ka talaga galing?" hamon ko sa kanya.

"May inasikaso lang ako," paiwas na sagot niya.

There he is. Magsisinungaling talaga siya hangga't gusto niya. At hanggang kelan ako magmumukhang tanga? Hindi ako makakapayag.

"Pwede mo bang sabihin sa akin kung ano 'yon? It must be urgent since you left just like that."

Yumuko ito, tila hindi niya kayang salubungin ang mga mata ko.

"I can't. Not today. Please, not today," parang hirap na hirap na sabi nito.

"Bakit hindi ngayon?" kulit ko.

Anong pinagkaiba ng ngayon sa ibang araw?

"I don't wanna ruin our day," maikling sagot nito.

"Well it's already ruined. Nang umalis ka at iwanan mo ako," hindi ko napigilan ang sarili ko.

"I'm sorry," nakayuko pa ring sabi nito.

"Sorry? Hindi ngayon? Bakit hangang kelan mo ako balak lokohin? Hanggang kelan mo balak magsinungaling?" Napaupo ako mula sa pagkakahiga.

Nagulat siya sa reaksyon ko. Pero hindi siya nakapagsalita.

"Pano kung sabihin ko sa'yo na alam ko na lahat? Lahat-lahat. Magsisinungaling ka pa rin?"

Napanganga siya sa sinabi ko. Umiling ito. Hindi siguro siya makapaniwala na alam ko na ang lahat. Parang nanghihina siyang umupo sa kama.

"Pa'no mo nagawa sa akin 'to? All this time, you've been lying to my face? Pinagmukha mo akong tanga. Bakit mo 'ko niloko?" I'm holding back my tears.

"Please, let me explain. Wala akong intensyon na lokohin ka." Lumapit siya para hawakan ang mga kamay ko pero iniwas ko ito.

"Bakit? Akala mo ba maitatago mo sa akin ang panloloko mo habang buhay?"

"Wala akong nakikitang masama sa ginagawa ko. I'm just doing a favor for someone else. That's it. My only mistake was hindi ko ito sinabi sa'yo. And I'm really sorry."

He doesn't want me to be hurt because he's doing a favor for someone else. Bakit niya iisipin na masasaktan ako?

"Sino 'tong someone na 'to?" nangingining na 'ko sa galit.

Gusto kong manggaling sa bibig niya mismo kung sino ang taong 'to.

"It's not important," matigas na sabi nito.

"It is important. Siya ang dahilan kung ba't ka nagsisinungaling sa akin. That person ruined my Christmas with you. Now, tell me, sino siya?"

Hindi pa rin siya sumagot. At gusto ko siyang sigawan at murahin.

"Anong ginawa mo sa Singapore?"

Nagulat siya sa tanong ko. Hindi niya siguro akalain na malalaman ko pa ang bagay na 'yon.

"Babae ba ang dahilan? Are you cheating on me? Bakit mo ginagawa ito para sa kanya?!"

Napahawak siya sa ulo niya na parang sumasakit ito.

"I don't wanna hurt you kaya hindi ko na lang sinabi. I was just trying to help. Hindi ko namalayan na parang responsibilidad ko na ito na hindi ko maiwan. Ilang beses na akong pinagsabihan ni Micah pero hindi ako nakinig. Parang pumasok ako sa isang sitwasyon at hindi ko na alam kung paano ako lalabas. Tama si Micah. Magiging magulo ang lahat pagdating ng araw. At hindi ko inaasahan na ito na 'yung araw na 'yon."

Humrap siya sa akin at pilit na inaangat ang mukha ko. Nanatili akong nakayuko at pilit na lumalayo sa kanya.

"I am not cheating on you. I was just helping her family. Please, believe me."

Her.

Hindi niya masabi talaga kung sino itong tao na 'to. Kahit alam niyang alam ko na lahat ang nangyayari.

"I took care of her Mom because no one else will. Hindi ko na sinabi sa'yo kasi hindi ko akalain na aabot sa ganito. I thought I can just easily get away with it, pero hindi pala. I decided to look for her para mawawala na sa akin ang reponsibilidad. Wala talaga akong balak ipaalam sa'yo. At kahit sa huling pagkakataon, I am planning to keep it from you kung hindi mo nalaman ang totoo. I wanna start my life life all over again with you. I want to forget all about her. Pero parang nananadya ang pagkakataon na pinaglalapit pa kami lalo."

"I left last night because I thought I had to. Her mother died just after mdinight. On Christmas. She has nothing left. And I think I had to be with her."

Kaya siya umalis. Hindi ba niya ako naisip nung time na 'yon? Asawa niya ako.

"Why didn't you tell me?" At gusto ko siyang sigawan.

"What will I say? Hey I'm meeting my ex bacause her mother died. Sa tingin mo, madali bang sabihin sa'yo 'yon? I just can't. Alam kong magdududa ka na after I left. Nakahanda na ako. I was planning to tell you everything after the Holiday. But I didn't expect that you'd find out everything this soon. I didn't intend to ruin our Chrsitmas. I'm really sorry."

"Hindi mo ine-expect na umabot sa ganito? Bakit? Dahil ba sa sobra akong maluwag sa'yo? Na hindi ako palatanong? Sobrang naging mabait ba ako sa'yo?" tuluy-tuloy ulit ang pagtulo ng mga luha ko.

Naiisip ko 'yung mga time na nagmumukha akong tanga na walang alam. Naghihintay ako sa kanya hanggang madaling araw at hindi ko alam kung nasaan siya.

"Honestly, yes. Nagpapasalamat ako at hindi ka palatanong. Kaya sabi ko sa sarili ko magiging madali na ang lahat. But when you started asking about sa mga lakad ako, natuwa rin ako that time. Iba rin pala 'yung feeling kapag tinatanong mo kung saan ako pupunta at sino ang kasama ko. That you really cared. Kaya pinakiusapan ko si Micah to handle everything for me. Para naman magkaroon ako ng time sa'yo."

Hindi ito nabanggit ni Micah. Kaya pala hindi na siya umaalis noon at lagi na lang kaming magkasama.

"Nung bumalik kayo galing Singapore? Saan kayo tumuloy?" tanong ko.

Naala ko ang pagdalaw ko sa condo niya. Pinagdiinan ko ang word na, "kayo."

"We went straight to the hospital to visit her mom. I left her there."

He left her there. Hindi niya ito sinama sa condo?

"Ikaw? Saan ka nagpunta after no'n?" tanong ko.

"I went to shop for clothes kasi halos wala kaming nadalang gamit niya from Singapore."

Confirmed. Sa kanya pala talaga ang mga damit na nakita ko sa condo. Para sa ibang babae pala talaga ang mga damit na 'yon. Hindi para sa akin.

"So, saan siya nag-stay?"

Lumapit siya at hinawakan ako.

"She's staying somewhere else. Somewhere safe. I heard his boyfriend is already here and she's afraid he will come after her. Siguro naman alam mo rin ang tungkol sa nangyari sa Singapore."

Parang gustong sabihin ni Russell na, kung si Micah ang source ko, malamang nasabi na niya lahat sa 'kin.

"Hindi sa condo mo?"

Kumunot ang noo nito.

"No," naguguluhang sagot nito. "What made you think na do'n siya tumutuloy?"

"I was there to pick up your mails. I saw the bed fixed. That was two days after you arrived from Singapore. That day, you arrived few hours from you arrival time."

Ngumiti ito. Parang may isang magandang bagay na naalala.

"Wala akong ginawang masama. But the fact that I was hiding something, I was guilty kaya hindi ko kayang magpakita agad sa'yo. I stayed there for few hours before going home to see you. The moment the plane landed, all I wanted was to go home and be with you. You know how I missed you so much," puno ng emosyong sabi nito.

Oo, alam ko. And I think he was reminding me on how he missed me that day. He was kissing me like crazy as I opened the door for him. Hindi na nga kami umabot sa kwarto. We ended up in couch.

At wala ako sa mood mag-blush sa mga oras ito. I hate to admit that I am. Kaya rin siguro nakalimutan niyang ibigay ang pasalubong niya. His mind was pre-occupied with things.

"Please, I'm really sorry. Forgive me," pagsusumamo nito.

"I don't know," sagot ko. "Naguguluhan ako."

I have tons of questions earlier. Pero nakalimutan ko na 'yung iba. May isa akong gustung-gustong malaman. At natatakot akong tanungin ito sa kanya.

Natatakot akong tanungin o natatakot akong malaman ang isasagot niya?

Inipon ko lahat ang lakas ng loob na meron ako. Umayos ako nang upo at tumingin sa kanya.

"Do ­­– you still love her?"

There you go.

"Haley–"

I want to close my eyes. Dapat na ba akong matakot sa reaksyon niya?

"Just answer it."

Yumuko ito at umiling.

Seeing him like that made my world collapse. Ngayon pang lang, nagsisisi ako kung bakit pa ako nagtanong.

"I don't know," he said in his most desperate tone.

I think he's going to cry. At ito na ang kinatatakutan ko. This is not the answer that I wanted to hear.

I don't know.

Hindi niya alam. Yes or no lang naman ang gusto kong marinig. Is "I don't know" better than yes? Or was I expecting him to answer, no?

He is supposed to say, no! Damn it!

"Why?" I looked up stop my tears.

Bakit kami umabot sa ganito? He loves me. Why am I asking these things to him?

"Naguguluhan ako. We never had the chance to settle what was left between the two of us. I just want you to give me time. And I want you to trust me. Please."

His words are killing me. Sana hindi lang ako nagtanong. Sana nanahimik na lang ako at nagtanga-tangahan. Kesa ganito ang maririnig ko mula sa kanya.

Naguguluhan siya kung may feelings pa rin siya dito o wala na. This is not right. Hindi siya dapat nagkakaganito. He told me he loves me. At 'yon lang dapat ang nararamdaman niya.

At anong time ang hinihingi niya? Bigyan ko sila ng time sa isa't isa ganon ba? I'll give him time to mend his broken heart? I'll give him time to have closure with her? Maloloka na yata ako.

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. At wala na akong pakialam kung ano ang isipin niya. I won't pretend that I'm hurting. Kahit na magmukha akong tanga at desperado sa harap niya, I couldn't care less.

"Please don't cry. Nahihirapan na rin ako."

These words made me sob even more. Nahihirapan siya kasi umiiyak ako sa harap niya? O nahihirapan siyang magdesisisyon kung ano ang gagawin niya?

Ayokong kaawaan niya ako. Kaya pinunasan ko ang mga luha ko at pinilit kong ngumiti.

"Sorry kung nahirapan ka." Kahit na hirap na hirap ako pinilit kong magsalita nang deretso. "Don't worry, I will give you time para makapag-isip."

He smiled. "Thank you." At hinaplos niya ako sa mukha.

"I'm giving you space as well." Pumiyok ako nung sinabi ko ito.

Yes, I mean it. Ito ang pinakamahirap na desisyong gagawin ko. But I have to do it.

Nawala ang ngiti sa mga labi niya. Alam niya kung ano ang ibig kong sabihin. This would mean, hindi ko siya makikita at makakasama. No Russell means – no life. And I'm wondering why am I still breathing.

"Haley–"

"Gusto kong makapag-isip ka nang maayos, nang wala ako sa tabi mo. Gusto kong isipin mo wala kang asawa. Na hindi mo ako nakilala. Can you do that?" pabulong kong sinabi ang mga ito.

Pero sa tingin ko, sapat ang lakas ng boses ko para marining at maintindihan ang mga sinabi ko. Sa pagkakataong ito napahagulgol ako. I can't accept that this is how we should end things with us. That I wanted him to treat me like we've never met. That I didn't exist.

"At please, 'wag kang maawa sa akin." I almost choke with my own voice trying to control my sobs.

Gusto kong malaman ang totoong nararamdan niya. Ayokong ako ang lalabas na nangugulo sa mundo nila. Na para akong isang third party. Or rebound lang. Na parang, okay sana sila ngayon kung hindi niya ako nakilala.

"It doesn't have to be like this, please–" Lumapit siya para yakapin ako.

Pero marahan ko siyang tinulak.

"Please Russell, ibigay mo na sa akin ito. Alam mo bang kapag nakikita kita, nasasaktan ako?"

I can see that he's trying to hold back his tears. At ayokong bigyan ng meaning ito. I don't want to think that those tears are for me. Dahil ayokong umasa. Ayoko nang mag-isip.

"Gusto ko ring makapag-isip. At maghihintay ako hanggang sa ma-realize mo kung ano ang gusto mong gawin. Gusto ko pagbalik ko hindi na ako masasaktan kahit na ano pa ang maging desisyon mo. Gusto kong magpakatatag. At gusto kong gawin ito nang wala ka sa tabi ko."

I will try to forget him. Kahit mahirap. Kahit alam kong imposibleng mangyari ito. Pero kailangan.

"Don't worry, hindi makakarating kina Mommy ang nangyari. I will honor my vows. Hindi ako makikipaghiwalay sa'yo. Magtitiis ako hangga't kaya ko."

Pinunasan ko ang mga luha ko na tila walang balak tumigil sa pagpatak. I grabbed my bag and hurriedly left the room. Hindi ko alam kung sinundan ba niya ako o hindi. Pero hindi na ito mahalaga. Sumakay ako sa kotse at pinaandar ito. I stopped at the fifth block. Doon ko ibinuhos lahat ng sama ng loob ko. My whole body is trembling with anger, hate, frustration, and deep inside me is shouting for help. I've never felt so alone. Jess is in the US. And I can't just go to my Mom, magtataka siya. Hans is using my place so I can't go there. And Irish is in Bicol to visit her folks.

It took me good five minutes to decide to drive again. Where will I go? Hindi ko alam. Pretty much, this will be my life now. No direction.

Continue Reading

You'll Also Like

21.5M 699K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
19M 202K 76
This story is now published under Summit Media's SIZZLE. Available in all leading bookstores and stores nationwide.
7.8M 200K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...