HESUS: The New King

By mimiko784

18.6K 845 302

Sa pagkawala ni Sebastian, papasok ang organisasyon sa panahon ng kadiliman. Ang panahon kung saan pinag-aaga... More

SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6

KABANATA 3

1.3K 98 53
By mimiko784

KABANATA 3

Pinakiramdaman kong maigi ang sunod-sunod na mga katok sa pinto. Mahina lamang ito na tila'y katok ng isang babae. Dala ng kuryusidad ay mabilis kong tinungo ang pinto. Huminga muna ako ng malalim at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri bago nagdesisyong buksan ito.

"Hi! Pwede bang pumasok?"

Bumungad sakin ang isang maamong mukha ng babae. Malaki ang ngiti nito sa labi. Isa siya sa kasama ko kanina sa sasakyan nang dalhin ako rito sa Prime mansion mula sa Bahay Aliwan. Hindi kataasan ang buhok, makinis, maputla, may malalaki ngunit nakakapanghalinang mga mata. Maganda ito sa pangkalahatang aspeto.

Hindi pa ako nakakasagot ay tumuloy na siya papasok at iginala ang paningin sa kabuuan ng silid.

Maigi nitong pinasadahan ng tingin ang bawat detalye nang kung anong nahahagip ng kanyang mga mata. Hinaplos niya ang mga plorerang nadadaanan at isa-isang sinuri ang mga gamit na gawa sa marmol.

Itinaas niya ang dalawang kamay sabay umikot at nagpatihaya sa nag-iisang couch na naroon.

"Hindi nga nagkakamali ang mga taga Seldon ukol sa mga sabi-sabi. Ang Primero Isla ay siya nga talagang napakaganda. Ito ang pinakamakapangyarihang isla kung ikukumpara sa isla ng Alwana at isla ng Seldon. Nabubuhay ang lahat rito sa karangyaan na nagmumula sa katas at kayamanan ng organisasyon."

Nag-iba siya ng posisyon at pinagkrus ang mga binti. "Lahat ng mga kagamitang naririto ay nagsusumigaw sa karangyaan kahit pa ito ay silid lamang ng isang piniling katulad natin. Ang marmol na sahig. Ang aranyang kay liwanag. Ang upuang ito na kay lambot. Ang silid na matatawag kong akin. Sino nga ba ang mag-aakalang naririto ako ngayon sa sitwasyong ito." mataas niyang litanya. Pakla siyang humalakhak at nagbuntong hininga. "Nakita mo naba ang labasan?" Pagpapatuloy niya. Umiling ako.

"Kung ang labasang tinutukoy mo ay ang labas ng mansyon, hindi pa."

Tumango ito at padabog na tumayo. Nagpatuloy siya sa may balkonahe at iniangat ang nakatabing na kurtina. Nagpakawala ito ng isang malalim na buntong hininga at tinanaw ang hangganan ng karagatan.

"Hindi nga naiiba ang silid na ito sa silid na pinagdalhan sakin. Ngunit di hamak na mas maganda ang tanawin mula rito. Kitang-kita mo ang paglubog ng araw. Ang malawak at maingay na dagat. Ang malaking bulwagan kung saan madalas nagaganap ang mga pagtitipon. Sadyang napakagandang silid para sa isang pinili..." mabilis itong magsalita. Bahagya siyang natigilan ng wari'y may naalala. "...oo nga pala! Patawad hindi pa pala ako pormal na nagpapakilala..." inilahad nito ang kamay sakin. "Carlotta. Carlotta Siene Sagadrata."

Ngumiti ako at tinanggap ang kanyang kamay.

"Cassandra," payak kong sagot. Ngumiti itong muli at dinungaw ang mga bituin sa kalangitan.

"Isang napakagandang kaharian sa gitna ng karagatan. Isang napakalaking emperyong nagtataglay ng kapangyarihan. Iisang pinuno...at iisang pinili. Kaakibat sa trono ay tinik ng tagumpay. Ang tagumpay na magwawakas ng maraming buhay."

Madiing nakakuyom ang kanyang mga kamao at nag-igting ang bagang. Nawala ang kanina lang ay mga ngiti sa labi nito. Bigla siyang nagseryoso at napatingin sa kawalan na tila kaylalim ng iniisip.

"Napakatahimik at payapa ng buong isla. Parang isang napakagandang kaharian sa kalangitan. "

Hinayaan ko lamang siyang magsalita. Naguguluhan ako sa takbo ng aming usapan.

"Ang lahat nang ito'y panandalian lamang. Isang napakahabang hagdanan. Ang bawat baitang ay may kaakibat na pagsubok. Pagsubok na magwawagayway sa bandila ng tagumpay o kamatayan. "

Hindi ko makuha ang ipinupunto niya. Waring may alam siyang hindi ko alam. Bahagya itong nagulat at tila natauhan. Ipinilig nito ang ulo at muli'y humugot ng isang malalim na buntong hininga.

"Have you heard about The love on stars?" Bahagya itong lumingon sakin. Nag abot ang aking mga kilay sa mga katagang lumalabas sa kanyang bibig. Sa totoo lang ay hindi ko na alam kung saan patungo ang usapan na ito.

"They said that an unmarried woman can count a maximum of seven stars on seven consecutive days. And the first guy that you're with on the eight day will be your soulmate."

"And where did you get that?"

"Iyan ang sabi-sabi ng mga matatanda samin sa isla ng Seldon. Noong una kong narinig ang tungkol dun ay nagsimula agad akong magbilang ng mga bituin sa kalangitan at nangarap na sa pagsapit ng ikawalong araw ay makikita ko na ang lalaking nakalaan para sakin. Ang lalaking magiging kasangga ko para mabuhay sa napakamalupit na mundo. Sa malupit na mundong binuo ng mga Hesus. Ngunit iba ang sumalubong sakin sa ikawalong araw. Nawala ang prinsipeng hinahangad, napalitan iyon ng mga malalakas na pagsabog. Mga baril na walang tigil sa pagputok. Mga hiyaw ng babaeng pilit na nilalapastangan...at mga daing ng mga ka nayon kong panawan na ng buhay. Lahat nang ito'y gawa at utos ng nasa itaas ng trono."

Sumikip ang aking dibdib ng marinig ito. Hindi naiiba ang storya nito sa storya ng isla Alwana.

"At sa oras na iyon ay napagtanto kong tanging ang sarili ko lamang ang makakapagligtas sakin. Hindi ko na kailangang magbilang pa ng mga bituin... dahil imbes na bituin ay mga natitirang pinili na lamang ang bibilangin ko. At sa ikaanim na linggo, sisiguraduhin kong ang bandera nang tagumpay ang aking iwawagayway."

Nag-iba ang tono ng kanyang boses. Napaayos ako ng tindig sa narinig. Nahihimigan ko narin ang kakaibang aura nito.

"Ano ang sadya mo rito Carlotta? Hindi ka naman siguro naparito para lamang isiwalat ang nabigo mong misyon." Pang-uusisa ko. Pagak itong tumawa na animo'y isang demonyo.

"Kanina ay may narinig ako..." tinaasan ko lamang ito ng kilay "...may gaganapin raw na paligsahan bukas. May tatlo pa raw babae na darating na makakasama at makakatunggali natin."

"Isang paligsahan?"

"Oo isang paligsaan. Sa huli ay iisa lamang ang nakatadhanang mabuhay sating lahat. Bawat linggo ay may mangyayaring iliminasyon. Ang matitira ang siyang mabubuhay at magdadala ng susunod na uupo sa trono."

"So tama nga ang hinala ko—"

"Oo Cassandra, magiging magkatunggali tayo bukas." Diretsang saad nito. Bahagya akong napatda. Nagbago ang kanyang mga mata. Determinasyon. Iyon ang nakikita ko.

"Then why are you here? Bakit ka nakikipagkaibigan sakin ngayon?" Tanong ko. Bahagya siyang umatras at tumalikod. Kumuyom ang kamao at napabuntong hininga. Pagak itong tumawa. 

"Hindi ako naririto para makipagkaibigan Cassandra. I don't need a friend. Walang maitutulong sakin ang pakikipagkaibigan sa estado natin ngayon."

"Kung gayon ay bakit ka naririto? Ano ang sadya mo sakin sa kalagitnaan ng gabi?"

"Kinikilala ko lamang ang aking mga magiging katunggali, Cassandra."

"Ngayon at nakilala mo na ako ay maaari mo nang lisanin ang silid na ito. Salamat nalang sa pabaon mong leksyon sakin ngayon."

"Not so fast Cassandra—"

"Out! Get out of my room !" Pagtataboy ko dito. Pailing itong ngumiti.

"Hayaan mo at ito na ang una at huli kong pagdalaw sayo. Patawad sa istorbo. Babalik na ako sa aking silid. Lets meet at the dead end."

Iyon lamang at walang lingon-lingon siyang umalis. Naiwan akong nag-iisip. Paligsahan? Iliminasyon? Thats bvllshit! Tipid akong ngumiti at muling bumalik sa aking kama. Let's see kung sino ang matitirang matibay. Ipaglalaban ko ang isla ng Alwana at gagawin ko ang lahat para magtagumpay kahit ito man ay labag saking kalooban.

NAGISING ako kinabukasan. Ang una kong napansin ay ang nakapatay na ilaw. Kunot noo akong bumangon at kinusot ang aking mga mata. Ang huli kong natatandaan ay hindi ko pinatay ang ilaw. Kahit sa Alwana ay hindi ako nagpapatay ng ilaw. Takot ako sa dilim kaya't natutulog akong nakabukas ang ilaw.

Ipinagwalang bahala ko lamang ito. Marahil ay dumalaw si Ly dito at pinatay ang ilaw. Sinuklay ko ng aking mga daliri ang buhok. Duon ko napansin ang isang manipis at kulay dilaw na bestida. Lumapit ako dito at sinuri ito. Napatango ako at kaagad nagtungo sa banyo. Mahigit labin-limang minuto rin akong naligo. Sinuot ko ang bestida at nirolyo ang tuwalya sa aking buhok. Saktong paglabas ko ay siya ring pagpasok ni Lynea na may dalang isang tray ng pagkain.

"Good morning!" masiglang bati ko. Yumukod ito bilang pagbati. Pinagmasdan ko ang sarili sa malaking salamin. Mula dito ay kita ko ang ginawang paglapag nito ng dala sa maliit na mesa. Muli ako nitong tinignan at tipid na ngumiti.

"Magandang umaga, miss. Napakaganda yata ng inyong gising."

"Mas maganda iyong nasa mabuti akong kondisyon pambungad sa umaga lalo pa't may gaganaping paligsahan mamaya, Ly." Kumunot ang noo nito.

"Saan nyo po narinig ang tugkol sa paligsahan mamaya, miss? Narito po sana ako para ipaalam sa inyo ang gaganapin mamaya." Tuwid ito kung makatayo. Nasa harap ang dalawang kamay at pormal na pormal tingnan sa suot nitong pencil skirt at sleeveless white top na d'tali ang leeg.

"Kay Carlotta. Dumalaw siya rito sa silid kagabi." Tumango ito at pinasadahan ako ng tingin.

"Napakaganda niyo po sa bestidang iyan miss. Tumitingkad ang natural niyong kagandahan." Puna nito.

"Thanks to you Ly. Hindi parin talaga nagbabago ang galing mo sa pagpili ng aking susuotin. " puri ko dito sabay kindat. Nawala ang kanyang kakarampot na ngiti at napalitan ng pagkunot ng noo.

"Hindi ko po maintindihan ang sinasabi niyo miss. Para sa kaalaman niyo ay wala po akong kinalaman patungkol sa inyong damit." Para akong nabingi saglit sa narinig. Kumunot ang noo at nahulog sa isang malalim na pag-iisip.

"Kung gayon ay hindi ikaw ang naglatag nitong dilaw na bestida sa couch upang isuot ko sa araw na ito?" Umiling ito bilang sagot. Nanlumo ako at napahawak sa malapit na silya. Kung hindi ito ay sino? Sino ang pumasok rito ng hindi ko alam? Muli akong napatingin sa salamin. Nanlaki ang aking mga mata ng mapansin ang kulay pulang marka sa aking leeg. Inilapit ko ang sarili sa salamin upang tingnan ito ng mabuti. Napabuga ako ng marahas na hininga ng mapagtanto kung ano ito. Hinaplos ko ang bahaging iyon at nag-igting ang panga sa galit. Ngayon ko lang rin napansin ang kakaibang bango sa aking silid!

"Marka ng halik po ba iyang nakikita ko miss?" Bigla kong itinago ang aking leeg sa kanyang paningin.

"Sino ang lapastangan na pumasok dito?!" Hysterical na sigaw ko. Hindi ko mapigilan ang galit. Nabastos ako ng hindi ko alam!

"Napakaswerte niyo miss! Marahil ay dinalaw kayo ng Emp kagabi."

"At papaano mo naman nasisigurong siya nga ang pumasok sa silid ko?!"

"Walang sino mang lalaki ang mangangahas na pumasok sa silid ng pinili maliban kay Emp. Isang pagtataksil sa organisasyon at labag sa batas iyan. Kamatayan ang parusa kung sakali." Paliwanag nito. Padabog akong umupo.

"Ang sabi mo kailanman ay hindi bumibisita ang Emp sa unang araw!"giit ko. Hinagod ko ng aking hintuturo ang parte kung nasan ang marka.

"Hindi ko rin alam ang eksaktong dahilan ngunit hindi naman iyon nakakapagtaka, miss. Nakakahigit ang iyong ganda kung ikukumpara sa ibang mga pinili. " kababakasan ng galak ang mukha nito. Dapat ko ba iyong ikatuwa? Napailing ako at nanlumo.

Tatlong tunog ng gong ang umugong...

"Hudyat nang pagtitipon miss. Halina po kayo." Tumayo ako at lumapit sa malaking bintana. May mga kabayo sa ibaba na sa bilang ko ay anim. Mayroon ring mga kulay itim na watawat na may tatlong kulay pulang letra na hindi pamilyar sakin. Nagsimula nang magtipon ang lahat.

Kasunod kong bumaba si Ly. Sa paglabas ko'y kaagad akong dinaluhan ng isa pang babae at dinala ako sa wari ko'y aking magiging pwesto. Doon ay may isang kulay itim na kabayo, meron itong kakarampot na kulay abo sa may bandang tiyan.

Hindi katagalan ay nakihanay narin ang dalawa kong kasama na sinundan ng tatlo pang mga babae. Marahil ay ito na ang mga dagdag na pinili. Kapwa nakatuon ang atensyon ng lahat sa gitna kung nasaan ang limang d'sinding tourch.

Hindi katagalan ay nagsidatingan ang walong lalaki, kapwa sila may suot na itim na kurbatang may tatak ng organisasyon. Isinisigaw niyon ang matataas na posisyon. Umupo sila sa mga silyang nakalaan para sa kanila. Isang nakakabinging tambol ang umugong.

"Good morning everyone. In accordance to our tradition. The 'pinili's were about to shed blood for our organization...." Nilapitan ako ni Ly at yumukod sa harap ko. Ganon rin ang ginawa ng mga tagapagsilbi ng aking mga kasamahan.

Hawak nito ang isang patalim.

"...the knives was made of stone which symbolizes the foundation of the organization. The pinili's blood is a sign of commitment and surrendering lives..." Kinuha ni Ly ang aking kamay at itinapat ang kutsilyo rito. Walang pagdadalawang isip na hiniwa nito ang aking balat. Napapikit ako sa sakit at hapdi. Sinalo ng hawak nitong puting panyo ang tumutulong dugo. Nakarinig ako ng impit na sigaw na nanggagaling sa isa sa aking kasamahan. Halatang iniiwasan ni Ly ang aking mga mata. Parati itong nag-iiwas ng tingin.

"...the white cloth with blood signifies infinite loyalty and burning of blood is accepting and serving death..." Dinala ng mga ito ang panyong may bahid ng dugo sa nakasinding torch at sinunog. Kitang-kita ko ang unti-unting paglamon ng apoy dito. Nagsipalakpakan ang lahat ng tuluyan itong maglaho sa mainit na apoy.

"Let the battle begin!" Hiyawan ang naghari sa buong isla. Bakas sa mga mukha nila ang tuwa sa nangyayari. Madiin akong pumikit at diniinan rin ang paghawak sa duguang kamay.

"The five tourch in front were the key to the next battle. Five were to live and one will die. The first battle will be a race. Gamit ang mga kabayo ay mag-uunahan kayong libutin ang buong isla. Ang limang makakabalik ang siyang makakaangkin sa limang tourch habang ang isa ay alam nyo na ang kahihinatnan. Walang puwang dito sa Primero isla ang talunan. Ang magiging ina at magdadala sa susunod na tagapagmana ay dapat kasing tibay ng bato." Napatango ako at hinimas ang kabayo. Minsan na akong tinuruan ni amang mangabayo kaya't may ilalaban ako sa karerang ito.

"Kapag narinig niyo ang putok ng baril ay ito na ang hudyat para sa inyong pagsisimula." Habang nagsasalita ito ay inilibot ko ang paningin sa hilera ng mga importanteng bisita. Hindi nahanap ng aking mata ang nais nitong makita. Nasaan na ang bastos na emperor!

Katabi ko ang iba pang mga pinili. Halatang napaghandaan nila ang gaganaping paligsahan sapagkat kapwa sila nakasuot ng damit na naaayon sa tema ng laro. Samantalang ako ay heto at naka bestida. Nahagip ng aking paningin ang iilan sa mga espesyal na panauhing napapagawi ang tingin sa direksyon ko. Nagtaas ang mga ito ng kilay... marahil ay dahil sa suot kong matingkad na bestidang kulay dilaw.

Sumakay ako sa kabayo at napadiin ang hawak sa lubid ng umuga-uga ito. Sh!t.

Nagsipwesto na kami at naghanda para sa karera. Naglakad ang isang lalake sa gitna. May hawak itong baril at itinutok sa langit. Sa pagputok nito ay mabilis kong pinatakbo ang kabayo. Kumaripas naman ito at nakikipag-unahan.

Pumasok kami sa masukal na gubat.

Sa una'y nakikita pa namin ang isa't isa ngunit kalaunan ay nagkahiwa-hiwalay rin.
Magkasama kami ni Carlotta sa tinatahak na daan. Maraming mga sagabal na baging at ugat ng mga puno. Mabilis ang takbo ng kabayo. Nadadaanan namin ang iba't ibang parte ng isla. Sa igsi ng panahon ng panunungkulan ni Emanuelle ay napalawak at napaganda nito ang primero isla. Maraming mga naglalakihang tore ang nakapalibot dito. Hindi ko alam kung para saan iyon.

Nagulat ako sa ginawang pagdakma ni Carlotta sakin. Hindi ko iyon napaghandaan kaya saglit akong napatigil sa gulat. Galit na pumadyak ang kabayo. She's playing bad!

Kaagad kong pinatakbo ang kabayo. Nauuna na ito sakin. Saglit ako nitong nilingon at kinindatan. Hindi pa ako tuluyang nakarecover ng madapa ang kabayo sa nakausling malaking ugat. Nalaglag at nahampas ako sa kahoy. Halos mawalan ako ng ulirat sa sakit. Madiin kong kinagat ang pang-ibabang labi at tinanaw si Carlottang hindi ko na makita. Sh!t. Hindi ko ininda ang sugat na nasa paa at hapdi ng sugat sa kamay, agad akong bumangon at sumampang muli.

Umabot ng ilang oras ang aming pagtakbo. Nakaramdam na ako ng pagod at pinagpapawisan narin. Sikat na sikat ang araw at masakit sa balat. Nadaanan ko ang training camp ng Primero isla. Ang maliit na sapa at ang malawak na talahiban. Ang oras ay nadagdagan pa. Tumigil kami saglit at pinainom ko ang kabayo para magkalakas muli dahil ramdam ko ang paghina nito ng takbo.

Hindi ko alam kung sino ang nangunguna.

Nagpatuloy ako hanggang sa unti-unting nawala ang araw.

Sa kalagitnaan ng pagtakbo ay narinig ko ang isang malakas na sigaw. Humihingi ito ng tulong at kababakasan ng sakit sa bawat impit. Madiin akong pumikit. Nasundan iyon ng tunog ng kabayong tila nasasaktan. Sa kabilang banda naman ay naririnig ko na ang mga tambol hudyat ng nalalapit na katapusan.

Pinatigil ko ang kabayo at nilingon ang lugar kung saan nanggagaling ang sigaw. May mga araw talaga na ipinapahamak ako ng aking kuryusidad. Pinihit ko ang kabayo papunta sa kung saan nanggaling ang ingay.

Halos malaglag ako ng bahagyang tumalon ang sinasakyan dahil sa paparating na isa pang kabayo. Matulin ang takbo nito at may pana sa bandang tiyan. Nasindak ako sa nakita kaya't binaybay ko ang pinanggalingan nito.

"Aaaaaah!!!!" Nakakatindig balahibong sigaw.

Napatakip ako ng bibig ng masilayan ang nakakatindig balahibong eksena. Isang nakaitim na lalaki ang nakatalikod sa gawi ko. Hawak nito ang isang katana at sa likod naman ay ang parehabang bag na may lamang mga pana. Nakahiga sa lupa ang babae...isa sa mga bagong dating na pinili... may bahid ng dugo ang noo at kakikitaan ng takot ang mga mata. Sigaw ito ng sigaw. Humihingi ng tulong. Sa puntong iyon ay tila nabahag ang aking buntot. Nanginig ang aking mga kamay na may hawak sa renda. Lumukob ang takot sa aking dibdib. Itinutok ng lalaki ang katana sa babae... bago pa nito maituloy ang gagawin ay mabilis na akong umalis roon.

Kahit na binabagabag ng konsensya ay nagpatuloy parin ako. Nakasalalay rito ang isla ng Alwana kaya't hindi ako pupwedeng matalo!

Sa wakas ay nahagip na ng aking paningin ang Prime mansion. Naroon naghihintay sa aking pagdating ang nakasinding tourch. Naroon narin si Carlotta at ang tatlo pa. Nang makarating ay agad akong bumaba at kinuha ang tourch gamit ang nanginginig na mga kamay. Napaiyak ako sa pagod at takot. Halos mabuwal ako sa aking kinatatayuan. Bumabalik sa aking balintataw ang nasaksihan kanina. Ang mga mata ng babae. Alam kong nakita ako nito kanina. Alam kong sakin ito humihingi ng tulong. Pero may mga pagkakataon naman talagang kailangan mong magbulagbulagan para sa ikabubuti ng karamihan. Kailangan kong magbulagbulagan para maipanalo ko ang laban at mabawi ang Alwana. Kaya't tama lang ang ginawa ko. Wala akong dapat pagsisihan roon.

Iginala ko ang tingin sa paligid ng maramdamang tila may nakatitig. Hindi nga ako nagmamali. Ilang metro mula sakin ay naroon ang emp. Nakaupo sa gitna. Nakadekwatro. Tila haring nakatingin sa kanyang mga alipin. Kaagad akong dinaluhan ni Ly at binigyan ng tubig.

"Salamat."

"Nagtagumpay ka miss." Tipid akong ngumiti at pinasadahan ng tingin ang aking mga kasamahan. Isa doon ang nawala. Napatingin ako sa pinanggalingan. Hindi lamang iyon nalalayo rito.

"Congratulations!" Nagbunyi ang lahat sa naging resulta. Pagod akong tumayo at namaypay. Basang basa ang aking damit sa pawis. Naubos ko ang isang bote ng tubig na ibinigay ni Ly. Inalalayan ako nito.

"Rachel Declaro got eliminated. You can now rest and prepare for dinner. I'll be joining you." Saad ng emp. Hindi ko alam kung sadya ba itong tumingin sa gawi ko o napadaan lang. Isinandal ko ang aking braso sa balikat ni Ly upang kumuha ng lakas dito. Ngayon ko lang naramdaman ang sobrang pananakit ng binti. Dumudugo pa ang sugat ko.

"Kailangan nating magamot ang sugat mo
Miss. Meron akong ipinahandang gamot sa iyong silid." Nag-aalalang saad ni Ly. Tumango ako't nagpadala rito. Sa di kalayuan ay nahagip ng aking paningin ang isang bulto ng katawan. Kulay itim ang suot nito, may dalang katana at parehabang bag na naglalaman ng mga pana. Bumilis ang tibok ng aking puso. Siya ang lalaki sa kagubatan kanina. Ang lalaking may katana!

Sunod-sunod ang aking paglunok ng makitang papalapit ito sakin.

"M-may problema ba miss?" Tanong ni Ly. Marahil ay napansin nito ang aking panginginig. Yumuko ako at pumikit ng magkasalubong kami...ngunit nilagpasan lang ako nito. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Nilingon ko ito at nakitang kay Emanuelle ito papunta. Yumukod siya't nagbigay pugay. Nag-uusap ang dalawa.

"Tayo napo sa inyong silid miss at nang magamot na natin iyang sugat mo sa kamay at paa." Nawala ang tingin ko sa kanila. Nahulog ang aking paningin sa aking mga kamay. Namumuo na ang dugo rito ngunit wala akong maramdamang sakit. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa matinding takot o pagod. Noon ay hindi ako pinapahawak ng espada ni ina. Ayon rito'y ang sandok ang para sa mga kababaihan at ang espada naman ay para sa mga kalalakihan.  Nagsimula lamang akong magsanay  sa pakikipaglaban pagkatapos ng trahedya. Si Carding ang naging guro ko . Itinuro nito sakin lahat simula sa paghawak ng espada at sa tamang depensa. Ito ang naging kasagang ko sa lahat. Napabuntong hininga ako at nag-angat ng paningin. Halos mapalundag ako sa kaba. Mula sa di kalayuan ay sabay na tumingin sakin ang lalaki at si Emanuelle. Kaagad akong nag-iwas ng tingin. Fvck!


-mimi

Continue Reading

You'll Also Like

27.5M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
4.6M 191K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
6.7M 136K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...