HF 2: His Thantophobia

By propername

381K 5.5K 925

He is her serendipity. He fell in love and is afraid of losing her. - HF: Her Serendipity (book 1) HF 2: His... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 29*
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Epalogs
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue & Author's Note
APOLLO'S STORY

Chapter 6

9.1K 105 21
By propername

Wag mong basahin kung hindi ka pa handa. Chos! :D

-

Akala ko noong una, sadyang malas lang ako kaya hindi natuloy ang kasal ko. Akala ko kasi, sa akin lang nangyari yun. Alam ko namang posible pero hindi ko inaasahang hindi lang naman pala ako ang nasa Cups and Cakes na dumaranas ng sakit na kagaya ng nararamdaman ko.

"Bakit... Paanong hindi natuloy ang kasal niyo?" tanong ko. Alam kong nakatingin lang sa akin si Cheska habang nagtatanong ako.

Umalis si Charlene sa likod ng cash register at umupo sa stool na nasa loob ng counterkung saan kami umuupo kapag nangangalay na kaming mga nagta-trabaho sa Cups and Cakes. Kami naman ni Cheska ay nakatayo lang at hinihintay siyang magsalita. Kitang kita ko kung paano pinipigilan ni Charlene ang mapaluha. Alam ko kasi ganoon din ako.

"Noon pong ikakasal na kami, nauna po ako sa simbahan. Nagtaka nga po lahat kung bakit wala pa rin si Zach samantalang dapat ay nandoon na siya sa tabi ng altar at hinihintay ako bago pa man ako makarating. Humiwalay pala kasi siya ng kotse kay Tyler. Kahit na pinilit na nila si Zach na sumabay sa kanila, tumanggi si Zach. Matigas kasi talaga ang ulo non eh," sabi niya tapos suminghot pa siya bago muling nagsalita. "Isang oras kaming naghintay sa kanya sa simbahan hanggang sa makatanggap kami ng tawag galing sa mga pulis. Naaksidente raw si Zach."

Hinimas ko yung likod ni Charlene. Tahimik siyang humihikbi. Walang luha. Humihikbi lang. Siguradong masakit sa dibdib ang ganon. Kung yun ngang paghagulgol, masakit na sa dibdib. Paano pa kaya kung pinipigilan mo ang hagulgol na yun?

"I considered myself the unluckiest bride in the world. Kulang nalang maglupasay na ako sa simbahan sa sobrang sakit. Pero ayokong gawin yun. Hindi pa naman patay si Zach eh. Naaksidente lang. Kaya kahit na nakasuot pa kami ng gowns at tuxedos, pinuntahan namin yung ospital kung saan siya dinala. Napapatingin nga yung mga tao sa ospital non eh. Iniisip siguro nila na nagkamali kami ng punta. Sa ospital kami magdaraos ng kasal imbes na sa simabahan. Nakakapanlumo nang makita ko si Zach na nakahiga sa isang kama at dugong dugo ang ulo. Ang dumi-dumi niya non. Nagpagulong-gulong pa nga raw kasi si Zach sa daan pagkatapos mabangga at tumalsik sa windshield palabas ng kotse. Gusto ko siyang hawakan, yakapin... hindi pwede."

Kinuha ko naman ang isang box ng tissue saka iniabot iyon kay Charlene. Hindi rin pala biro ang nangyari sa kanya.

"Jelai, Xyrene, kayo muna ang magtakeover dito, please," pagtawag ko sa baker namin at sa isa ko pang crew. Agad naman silang sumunod.

Pumasok kami sa kitchen ng shop at doon ipinagpatuloy ni Charlene ang pagkekwento.

"Hindi ko magawang hubarin yung gown ko. Hindi ko magawang magpalit ng damit. Hindi ko magawang umalis sa ospital. Gusto kong makita si Zach. Gusto ko siyang makausap. Sabi ko nga, kahit hindi na muna matuloy ang kasal, mabuhay lang si Zach. Sadyang matigas ang ulo ng lalaking yun at naka-survive siya kahit na medyo malakas ang pagkakatama ng ulo niya sa daan. Inoperahan siya. Coma for two years."

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Kahit si Cheska, hindi rin makapagsalita. Who would have thought that Cups and Cakes Miss Smile and the jolly and kind guy I bumped into in the hospital, both experienced such things. Hindi mo mahahalata sa mga ngiti nila. Except for Zach since he doesn't remember anything but still.

"Hindi naman ako nawalan ng pag-asa. Lagi ko siyang kinakausap. Lagi ko siyang dinadalhan ng mga bulaklak. Lagi ko siyang kinukwentuhan. Nagta-trabaho ako noon bilang secretary sa kompanya nila na pinatatakbo ni Tyler. Ayaw nga nila muna akong pagtrabahuhin pero gusto ko. Gusto kong malibang. Kasi kung mananatili lang ako sa tabi lagi ni Zach, babaon lang nang babaon sa akin yung sakit. Konting distraction kumbaga."

The feels... Ganong ganon ako. Pilit akong nagta-trabaho para hindi mabaon masyado yung sakit kahit na alam kong baon na baon na.

"After two years, I saw his fingers move. Halos magkandadapa-dapa na ako sa pagkataranta matawag lang yung doktor. Nalimutan kong may intercom naman. Tumakbo pa ako. Lahat kami ay nasa tabi ni Zach nang magmulat siya ng mga mata. Tinitigan lang niya kami sandali. Saka itinanong ni Tyler kung kilala raw ba siya nito kasi baka nagka-amnesia na si Zach. Inisa-isa niya silang lahat. Yung mga pangalan pati na rin kung ano sila sa buhay ni Zach. Nang magtama na ang tingin namin, gusto ko siyang sugurin ng yakap. Ang tagal niya bago magsalita. Kinabahan tuloy ako. At para namang dinikdik ang puso ko nang pinong pino nang tanungin niya kung sino raw ako."

Saglit na tumigil si Charlene. Pinahid ko naman ang gilid ng mga mata ko. Kwento pa lang niya, nadadala na ako sa sobrang sakit. Ganon din si Cheska.

"Selective amnesia. Kagaya ng mga nababasa at napapanood natin, kung sino ang huling tao at ang pinakang iniisip niya nang mga sandali bago pa siya maaksidente, yun ang taong hindi niya maaalala. Gayunpaman, hindi ako nawalan ng pag-asa. Kagaya rin ng mga nababasa ko, puso ang nagmamahal. Hindi ang mata kaya maaaring maalala niya ako. Ginawa ko ulit ang lahat. Nag-effort ako. Ako na yung nanligaw. Ako na yung nanuyo. Ako yung nangulit. Alam kong naaasiwa na siya sa kakulitan ko at pagsunod-sunod ko sa kanya pero dahil mabait si Zach, pinilit niya akong pakisamahan. He is shooing me in the most gentle way he knows but it hurts just the same. No matter how gentle he did it, he still is getting rid of me."

Pinunasan niya yung mga mata niya at ilong.

"Tatlong taon at kalahati kaming ganon. Hindi ko rin alam kung paano ko nagawang tumagal nang ganon. Ni hindi ko nga maramdaman ang sarili ko non eh. Pakiramdam ko, sa sobrang pagbibigay ko ng sarili ko at pagmamahal ko kay Zach, naubusan na ako para sa sarili ko. Pakiramdam ko rin, nagmanhid na ang buong katawan ko. Hindi ko na maramdaman ang puyat, ang pagod... ang sakit. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi niya ako maalala. Ginawa ko naman lahat eh. Inulit ko lahat ng bagay na pwedeng magpabalik ng alaala niya. Naisip ko na imposible namang mangyari na magkaroon siya ng selective amnesia and at the same time, short-term memory loss. Yung tipong kahit lagi niya akong kasama, konting lingat lang niya, hindi na niya ulit ako kilala. Ganoon ang laging nangyayari. Lagi ko siyang dinadalaw at sinamahan. Lagi rin niya akong tinatanong kung sino raw ba ako at kung ano ang pangalan ko. Naisip ko nga noon. Hindi kaya sign na yun? Sign na para tumigil na ako dahil baka hindi naman talaga si Zach ang lalaking para sa akin? Paano kung hindi ako yung para sa kanya at nakaharang lang ako sa daan ng babaeng talagang nakalaan para sa kanya? Doon nagsimula ang what ifs ko. Si Tyler ang nag-console sa akin nang mga sandaling yun. Sabi niya, wag ko raw sukuan si Zach. Madali para sa kanilang isipin. Masakit para sa akin na gaiwn."

Relate na relate ako kay Charlene. Magkaiba man ang nangyari sa amin, halos parehas pa rin ng pinagdaraanan at nararanasan.

"Isang gabi, ako na mismo yung sumuko. Ako na mismo yung bumitaw. Ako na mismo yung bumigay. Baka nga tama ako. Baka hindi ako yung nararapat para sa kanya. Maybe it is fate's way of cutting off the unwanted and undestined strings and tying the real pair. Masakit man isipin, pero yun nga siguro yun. Letting go hurts, but holding on is a lot worse. Lumayo ako. Kung saan-saan ako pumunta for three years. Nag-soul searching. Hindi ko na kasi nakilala ang sarili ko. Sa sobrang pagpapaalala ko kay Zach kung sino ako sa buhay niya, nalimutan ko kung sino nga ba talaga ako. Nag-resign na rin ako kina Tyler. Nagpaalam ako sa kanilang lahat, bukod kay Zach. Bakit ako magpapaalam sa kanya? Ni hindi nga niya ako kilala eh. Nagkaroon ako ng mga boyfriends sa ibang bansa pero hindi nawala yung sakit. Hindi rin ako nakalimot. Mahirap eh. Sobrang hirap. Pati pamilya ko, iniwan ko para hanapin ang sarili kong nawala. Until I found Cups and Cakes. Naisip ko na baka kapag pinalibutan ko ang sarili ko ng matatamis, mawala yung pait. Hindi nawala pero nakatulong kahit kaunti. I never moved on but at least, the wounds are starting to heal bit by bit. Until Tyler came here. Last year pa siya regular customer dito pero ngayon lang niya ako nakilala. Napaisip na naman ako. Hindi kaya ganon nga talaga ako kadaling kalimutan?"

Huminga siya nang malalim. Ang dami ng naranasan ni Charlene. Hindi mo inaasahan talaga.

"It has been three years since the last time I saw Zach. And the pain is still fresh. It became fresher than ever. Mahirap pala talagang mag-move on. At nakakapanlumong isipin na hanggang ngayon, hindi pa rin niya ako maalala. Minahal nga kaya niya ako?"

Niyakap nalang namin si Charlene nang magsimula na siyang humagulgol.

Sobrang tapang ni Charlene. Biruin mong ilang taon niyang pinagtiyagaan si Zach. Bu unfortunately, Zach and their love story seemed to be a hopeless case. Hindi ko alam kung ano ang mas masakit: yung hindi natuloy ang kasal mo, hindi ka na kilala ng lalaking sana'y mapapangasawa mo... o yung hindi natuloy ang kasal mo, may iba palang nabuntis yung lalaking sana'y mapapangasawa mo.

Paano kung katulad lang ng nangyari kay Charlene ang mangyari sa akin? Paano kung nakaharang nga din lang pala talaga ako sa daan ng babaeng nararapat para kay Keith? Is this also fate's way of cutting off the unwanted and undestined strings and tying the real pair?

Heto na naman ako sa mga tanong ko na hindi ko rin naman masagot-sagot.

Napabaling ako sa wall clock habang nakahiga sa kama. Alas diyes na ng gabi pero hindi pa rin nauwi si Keith. Ilang gabi at araw na siyang ganito. Kung minsan nga, hindi na siya nauwi. Lagi na siyang nasa tabi ni Alynise. Hindi naman ako makapagreklamo. Buntis si Alynise eh. Kailangang kailangan siya nito sa tabi nito. For the sake of their child.

Hindi na nga rin niya ako tinetext pag minsan. Magtetext lang siya kapag minsan tapos ang iikli pa. Kaunting conversation tapos hindi na siya magrereply. Hindi kaya nakakalimutan na rin niya ako?

Narinig kong may nagdoorbell sa baba. Pumikit ako. Tinatamad akong magbukas. Baka isa na naman yun sa mga prankster na mahilig magpipindot sa mga doorbell ng mga nananahimik na tao para lang makaabala saka tatakbo o kaya magtatago.

Pero hindi tumitigil ang pagdo-doorbell. Hindi naman ito pwedeng magnanakaw dahil... sino ba namang magnanakaw ang magdo-doorbell pa para lang sabihing magnanakaw siya diba? Kahit tinatamad ako, bumangon ako at bumaba. Hindi na ako sumilip pa sa peephole. Mamatay na ang lahi ng prankster na nakikisabay sa pag-e-emote ko.

"Bakit ang tagal mong magbukas? Ang lamig kaya rito," reklamo niya pagkapasok niya ng bahay.

Si Keith pala! Akala ko kung sino.

"Sorry. Akala ko kasi kung sino," sagot ko nalang. Sinundan ko siya nang umakyat na siya ng kwarto.

"Bakit? Sino ba ang akala mo?"

Amoy-babae. Amoy-Alynise.

"Wala. Baka kasi yung mga batang mga naggagala pa ng gabi tapos namimindot ng doorbell ng iba para mang-abala."

Umupo ako sa kama. Walang pasabing naghubad siya ng tshirt niya para magpalit ng pambahay.

"Alam mo namang uuwi ako eh."

"Hindi ko alam. Hindi ka na naman kasi nauwi eh. Akala ko doon ka na titira kina Alynise. Ipapadala ko na nga sana yung damit mo kaso dumating ka naman," malumanay kong sagot sa kanya.

Napatigil siya sa pagbibihis. I heard him sigh.

"I'm sorry. Napapadalas kasi yung cramps ni Aly eh. Saka, naglilihi na rin kasi siya eh."

"Seriously? Lagi nalang bang 'pasensya' at 'sorry' ang alam niyong sabihin sa akin?"

Naalala ko yung sinabi ni Tyler noong nagkamali ng bigay na cupcake si Charlene. Para tuloy gusto ko ring gamitin yun kay Keith. Bakit nga ba naman kasi lagi nalang yun ang lagi niyang sinasabi sakin? Quotang quota na siya lagi sa pagso-sorry.

"Ah," mahinang sabi ko saka humiga na sa kama. Nagbihis siya saka tumabi sa akin. He hugged me.

"Glenn, sorry talaga." Hayan ka na naman. "Babawi ako. Promise. Hindi ko lang talaga siya maiwan."

Hindi ko lang talaga siya maiwan. Umalingawngaw yun sa utak ko. So, hindi mo kayang iwan si Alynise pero ako kaya mong iwan-iwanan lang, ganon?

"Birthday bukas ng kapwa ko photographer noon sa Paris. May pa-party siya. Glenn, ikaw sana ang gusto kong maging date."

"Bakit hindi nalang si Alynise? Tutal, hindi mo naman siya kayang iwan."

Inaatake ako ng selos at inis at tampo. Halo-halo. Nakakasira ng ulo.

Lalong humigpit yung yakap niya sakin. Nararamdaman ko rin yung hininga niya sa batok ko. Nakakakuryente pero... Naramdaman ko rin ang pagdampi ng labi niya sa leeg ko. Pawis na pawis pa man din ako kanina.

"Keith, pawis na pawis ako maghapon," saway ko.

"Okay lang," sabi niya. "Sama ka na ha? Ibibili kita ng dress. Tapos paaayusan kita sa salon."

"May dress naman ako rito. Hindi mo ako kailangang bili. Kaya ko ring ayusan ang sarili ko."

"Gusto kong sobrang maganda ka bukas. Gusto kong makita nilang lahat kung gaano kaganda ang babaeng mahal ko."

Keith, ako si Glenn. Hindi ako si Alynise. Baka nakakalimutan mo. Baka siya yung babaeng tinutukoy mo.

"Ayaw mo bang simple lang ang ayos ko? Hindi ba ako maganda kahit simple lang?" tanong ko sa kanya nang harapin ko na siya.

Ang gwapo-gwapo ni Keith. Kahit saan ko siya tingnan, ang sarap lang niya talagang titigan. Siguro, dapat nalang akong magpasalamat na kahit papaano ay minahal ako ng katulad niya.

Hinawi niya yung hibla ng buhok ko na napupunta na sa mukha ko. "Maganda ka kahit simple ka lang. Yun nga ang nagustuhan ko sayo diba? Pero bukas kasi, siguradong pabonggahan yung mga yun. I mean, gusto lang na mas mag-ayos ka bukas. But either way, you're still gorgeous for me." Then he gave me a peck on my lips.

I gave him a slight smile. "Thanks."

*

Hindi ko na makilala ang sarili ko nang iharap ako ng babaeng nag-ayos sa akin. Yung babaeng din yun ang namili ng isusuot ko. Hindi ko na alam na may mas igaganda pa pala ko. Akala ko, kung ano yung mukha ko noong kasal, yun na ang full force na beauty ko. Hindi pa rin pala. Nakaka-proud tingnan ang sarili ko sa salamin.

She chose the haltered red dress that hugs my body. Kitang kita ko yung pagkakurba ng katawan ko. Meron pala ako non.

"I am so proud of myself! I knew it. Ang ganda-ganda mo," sabi sakin nung babae. Pinaikot pa niya ako sa harap ng salamin.

Inulan ako ng papuri ng mga nasa salon. Mukha raw akong model. Sabi pa nung iba, akala raw nila ay artista ako. Maglalabas na raw sana sila ng papel at ballpen para magpa-autograph. Well, I know some of them are just pulling my leg.

Kahit si Keith, napanganga nang makita ako. Muntikan pa nga siyang matalapid habang papalapit sakin dahil hindi niya napansin yung wire na nakalagay sa sahig. Nagtawanan pa nga yung mga tao sa salon. At nag-iritan naman sila nang halikan ako ni Keith sa harap nila.

Keith, mas maganda na ba ako kay Alynise?

"Keith, you might want to look on the road," I said. Kanina pa kasi siya nakatitig sa akin. Eh nagda-drive kaya siya!

He chuckled. "I just couldn't take my eyes off you. Para tuloy ayoko nang tumuloy doon at iuwi ka nalang." Kinurot ko yung kamay niya. Tumawa lang siya. "Wag na nga kaya tayong pumunta roon? Baka may iba pang magkagusto sayo eh."

"Mag-drive ka na nga lang."

Dama ko na naman ang pamumula ko sa mga sinasabi ni Keith. Kung ganito kaya lagi ang ayos ko, maiwan pa kaya niya ako?

Hanggang sa pagkarating namin sa hall kung saan gaganapin ang party, hawak-hawak niya yung kamay ko. Kulang nalang ay ibulsa niya ako sa kanyang tux. Ang gwapo-gwapo niya sa tux niya. Ang formal-formal niyang tingnan.

Sobrang dami ng tao. Tama nga si Keith. Bongga nga ang mga tao rito. Mabuti nalang talaga at pinaayusan niya ako. Kung hindi, baka nanlulubog na ako sa sobrang hiya. And Keith was always holding my hand and not letting go. I feel safer and more comfortable.

Biglang may sumalubong sa kanyang lalaki na may hawak na wine.

"Keith! Long time no see." Then the manly hugged. "It has been a long time."

"Jim! Oo nga eh. Para tayong magre-reunion ngayon dito," sagot ni Keith.

Nagkwentuhan sila habang ako naman ay nagmamasid lang. Ang bongga ng lahat ng nakikita ko. May ilan akong nakikitang models. Andito kaya si Alynise?

Pero nahagip ng mata ko ang isang pamilyar na mukha. Naka-tuxedo siya na kulay blue ang panloob at ang ganda rin ng pagkakaayos ng buhok niya ngayon. Hindi nawawala yung lukot sa mukha niya. Seryosong seryoso siya habang nagmamasid din at may hawak na wine. Ano kayang ginagawa rito ni Tyler?

"Oh, who do we have here? Who is this goddess with you, Keith? Pinsan mo?" tanong nung lalaki. Napatingin ako sa kanya.

"Ah, n-no. It's Glenn," sagot ni Keith.

"Glenn..." His forehead knotted while trying to recognize me. I bet he won't. Hindi naman niya ako kilala eh. "I-I'm sorry. I forgot. Sino nga ba ikaw?"

"This is Glenndaline Ocampo, my girlfriend. My... my suppose-to-be wife."

Pakiramdam ko ay nasaktan ako sa sinabi ni Keith. Hindi ko alam. Basta, nasaktan lang ako. Suppose-to-be wife... kung hindi lang siya nakabuntis ng iba.

"What? I... I thought you and Aly... Hindi ba you're... Akala ko pa man din..." Hindi alam ni Jim kung ano ang sasabihin niya. Nadawit na naman si Aly. "Kaya pala sabi nila ikakasal ka na raw, hindi lang natuloy. Siya pala yung bride mo. Akala ko si Aly."

I bit my lower lip to prevent myself from crying. May affair ba talaga sila nung nasa Paris sila?

Pinisil ni Keith yung kamay ko. "H-hindi. Si Glenn yun."

"Pero hindi ba... she's pregnant?"

Nanlalambot ang mga tuhod ko. Nasasaktan ako sa pag-uusap palang nila. Kadarating palang namin pero parang gusto ko nang umuwi. Can I stand being here the whole night?

"Aly is here. Nakita ko siya kanina." Wala nang emosyon ang mukha ni Jim. "Akala ko nga siya ang date mo eh. Anyway, enjoy your night! The birthday boy's talking with the other guests."

Tumango lang si Keith saka kami naglakad na papasok. May mga sinasabi siya na hindi ko marinig. Nabibingi ako sa pag-iyak ng puso ko.

Isa na namang pamilyar na mukha ang nahagip ng mga mata ko. Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ako o ano. Nawala din siya agad. Pero nakita ko talaga! Nakita ko siya... at nakatingin siya samin. Tiningnan ko uli siya at hinanap pero hindi ko na siya makita. Namalik-mata lang ba talaga ako o nakita ko talaga si Grace dito? Nakabihis siya na parang kabilang sa mga bisita.

"Keith, my boy! Akala ko hindi ka na darating," sabi ng lalaking may laruang korona sa ulo. Hula ko, siya yung birthday boy.

They patted each other's shoulders. "Ennard, ang tanda mo na. Happy birthday!" Saka iniabot ni Keith yung regalong binili namin kanina.

"Wow! Uso pa pala ang pagreregalo ngayon. Iilan lang ang nagbigay sakin eh. Puro mga sapok ang natanggap ko sa mga kasamahan natin."

Nagtawanan pa sila. Napansin naman ako ni Ennard. "Ganda naman ng date mo, Keith. Kaano-ano mo?" Bago pa makapagsalita si Keith ay nagsalita ulit si Ennard. "By the way, I saw your girlfriend. Akala ko siya ang date mo. She came here alone and she is looking prettier every single day. You hit a jackpot, dude. Ganoon nga talaga siguro kapag buntis, ano? Blooming."

Si Aly na naman.

"Actually, she is not my--"

"O! Heto na pala ang magandang binibining pinag-uusapan natin eh. Aly, you're boyfriend is here!"

Daig ko pa ang tinapakan ng sandaang elepante nang tawagin nila si Aly. Lalo na nang lumapit siya. Nalimutan ko kung paano ko pinuri ang sarili ko kanina. Kapag katabi ko siya, siya pa rin talaga yung nagsa-standout. Siya pa rin yung nakakalamang. Siya pa rin talaga lagi yung "mas".

"Oh! So, you're talking about me? You know, talking about people behind their backs is rude."

Ang ganda-ganda niya talaga. Nakaka-down para sakin.

"Ikaw naman! It's okay if you are talking good things about them. We are just chitchatting about how pretty you are and how lucky he is to have you."

Hindi ba nila nakikita? Nandito ako. Harap-harapan ba? Kaunting kaunti nalang, babagsak na yung mga luha ko. Kaunting kaunti nalang.

Lumapit si Aly samin at mataktikang tinanggal ang pagkakahawak ng kamay namin ni Keith. Hindi ako nagreact. Si Keith naman ay napatingin lang sakin. Umabrisyete sa kanya si Aly.

"Look how cute you two are! Bagay na bagay talaga kayo. Can someone please take a shot of this lovely lovers?"

Hinila ni Alynise palayo sakin si Keith... at hinayaan ko lang naman siyang gawin yun. Panay ang pagbaling sa akin ni Keith. Naglabasan na ang mga cameras at sunod-sunod ang mga kumuha ng litrato nilang dalawa.

"Keith, smile naman diyan!"

At yun ang dumurog sa puso ko. Ang makita ang pagngiti ni Keith habang may iba siyang kasama.

"Kiss! Kiss naman diyan!"

I wanted to close my eyes. I wanted to run away. Everything flashed back. Noong niyaya ako ni Keith na pumunta sa plaza... Noong umulan... Noong nakita ko siyang kahalikan si Grace... Almost same scenario. Different girl, but still, the same pain.

Hindi ko na kinaya. Napatid na ang manipis na taling siyang dahilan kung bakit ako nananatili sa tabi ni Keith. Naglaho na ang lahat ng dahilan kung bakit ako kumakapit... kung bakit ako nagtitiis.

Laking pasalamat ko at matibay pa rin ang mga tuhod ko at nagawa pang tumakbo palayo. Hinayaan ko nalang na pumatak ang mga luha ko. Sayang yung binayad ni Keith para sa makeup ko. Hindi ko pa rin kayang pantayan si Aly.

"What's wrong, Keith?" narinig kong tanong ni Ennnard.

"What the hell, man! That is Glenn! Glenn is my girlfriend, asshole!" I heard him shout.

Binilisan ko ang pagtakbo ko. Di bale nang matapilok. Kailangan ko lang talagang makalayo... makauwi... makatakas. Sobrang sakit na. Hindi na kaya ng puso ko. Sobra-sobra na to.

"Glenn!"

At gaya ng inaasahan ko, naabutan niya ako. Hinawakan niya ako sa braso at pinihit paharap sa kanya.

"Keith, hindi ko na kaya. Ano ba talaga ang nangyari sa inyo sa Paris? Talaga bang trabaho lang ang nangyari don? Bakit parang pakiramdam ko... naging kayo," naiyak kong sabi.

"I-I don't know. Hindi ko rin alam kung bakit nila sinabi yun. I swear, hindi naging kami. We are not even sweet with each other for them to think that way. And I have always been telling them about you. Kaya sobrang nakakagulat na hindi ka nila kilala," he answered.

"Hindi ko na alam kung paano pa kita paniniwalaan, Keith."

Hinawakan niya yung kamay ko. Nahihirapan akong huminga. Indeed, having a broken heart is like having broken ribs. Outside, it looks fine. But inside, every breath hurts.

"Glenn, please. Wala talaga akong alam sa mga sinasabi nila."

I slowly slid my hand off his grip. Napatingin siya roon.

"Ginawa ko ang lahat. Nagtiyaga ako. Nagtiis ako. Pinilit kong kumbinsihin ang sarili ko na wala kang kasalanan. Pinilit kong kumbinsihin ang sarili kong okay lang ako. Pinilit kong kumbinsihin ang sarili ko na kakayanin ko hanggang sa mapatunayan mong wala ka naman talagang ginagawang masama. To the point na ako na mismo ang lumoloko sa sarili ko. Sa tuwing nakikita ko si Aly, hindi lang selos at insecurity ang nararamdaman ko. Pati na rin awa... Awa para sa sarili ko dahil alam kong kahit kailan, kahit ano ang gawin ko, hindi ko kayang pantayan ang katulad niya."

Napapailing nalang si Keith habang nakatungo. Marahas na pinahid ko ang mga luha sa pisngi ko.

"High school pa lang tayo, nagpapaka-martyr na ako. Kahit na nasasaktan na ako, nakita mo naman, sayo pa rin ako. Ginawa ko naman diba? I stayed. Kahit pa nga nitong mga nakaraang araw ay parang nakakalimutan mo na ako dahil lagi ka nang na kay Aly. Nagreklamo ba ako? Hindi diba? Ang mahirap kasi sayo, dahil alam mong may naghihintay sayo, pinaghihintay mo. Dahil alam mong hindi kita iiwan, iniiwan-iwan mo lang ako. Dahil alam mong ilang beses mo mang akong iwanan, parati kang may mababalikan. Pero hindi ko nalang talaga kaya, Keith. Hindi ko na kaya."

Siguro ay nahuhulaan niya na ang sunod na mga sasabihin ko. "Glenn, no. Please naman. Wag. Hindi ko kakayanin."

"Stop being unfair. Mahal ko ang sarili ko, Keith. And I want to save myself while I still could. I want to save myself from crashing even before you do. Paano kung hindi naman pala talaga tayo ang end game? Paano kung... Paano kung si Aly pala? If I will stay, it will be unfair for the three of us. Keith, ayokong maging unfair sa inyo... doon sa bata. Saka, ano nalang ang iisipin ng mga tao? Hindi mo ba nakita ang mga reaksyon nila kanina? Ang reaksyon ng ob gyne noon ni Aly? Girlfriend mo ako pero nakabuntis ka ng iba. Pare-parehas lang tayong masisira kung mananatili tayo ng ganito. This setup won't work, Keith. One have to give up and leave."

"Glenn..."

"Wag na nating pahirapan ang mga sarili natin. Tapusin na natin to."

Sinubukan kong patigasin ang anyo ko lalo na nang umiyak si Keith sa harapan ko. I want to hug him and tell him how much I love him.

No, Glenn. Don't. You have to do this. Even though it would kill you, do it. Do what is right. Not what is easy.

"Keith, I am breaking up with you."

Lalo siyang umiyak. Hinawakan pa niya uli yung kamay ko. Iling siya nang iling. "Glenn, ayoko. Hindi ko kaya."

Hindi ko mapigilan ang luha ko pero at least, napigilan ko ang sarili kong yakapin siya. Again, I tried to get my hand from his grip. Hindi naging madali pero nagawa ko pa rin. Nanghihina na siya. Kulang nalang ay lumuhod siya sa harapan ko.

Na ginawa niya bago pa man ako makatalikod.

"Glenn, please. Ikamamatay ko kung mawawala ka."

No, Glenn. No.

For the last time, please.

Niyakap ko siya habang nakaluhod siya. Alam kong mali dahil baka mahirapan ako sa pagkakawala sa kanya pero gusto kong pagbigyan ang sarili ko kahit sa huling pagkakataon. Pagkatapos naman nito, baka hindi ko na siya mayakap ulit.

"Tama na, Keith. Nagkakasakitan nalang tayo," bulong ko sa kanya.

Tinulungan ko siyang makatayo. Iyak pa rin siya nang iyak. Para akong nakikipagtitigan sa araw. Ang sakit sa mata.

Nang makatayo na siya, inipon ko ang lahat ng lakas na meron ako at kumalas sa kanya. At dahil nanghihina na siya, naging madali lang iyon para sa akin. I tapped his shoulder and said the worst words I can ever say.

"Good luck sa anak niyo."

Mabuti nalang at may dumaan agad na taxi. Mabilis na pinara ko ito at sumakay doon. Hindi ko napansing may isa pa palang sakay si Manong pero pumasok na ako. Kailangan ko nang umalis. Tapos na ang role ko bilang extra sa buhay ni Keith.

"Ma'am..."

"Paandarin niyo nalang po," sabi ko. Hinahabol kasi ni Keith yung taxi. Pinapatigil din niya.

Nang tuluyan nang makalayo yung taxi, I looked back. Nakaluhod si Keith sa daan habang nakatungo. It broke my heart. Nag-iwas agad ako ng tingin. And then I cried my heart out. Wala akong pakielam kung magmukha akong tanga sa paningin ng katabi ko pati ng driver. Hindi nila alam ang pinagdaraanan ko.

"Miss, panyo."

Hindi na ako nag-alinlangan pang tanggapin yung panyo. Alam kong kailangan ko non.

"Salama—"

Napatigil ako nang mapagtanto ko kung sino ang lalaking katabi ko na nagbigay sa akin ng panyo.

Si Zach.

*

Sino ang nagsasabing KLennJaLine CaNietas pa rin sa huli? Just asking. :)

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
2.4K 359 121
Online series #4 A not so love story about Kara Shin... and her ex-boyfriend. Date written: 09-17-21 Date published: 09/30/21 - 11/30/21
612K 15.5K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
105K 6.8K 4
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...