The Devil's Angel (ON HOLD)

Galing kay MissyJokerMissy

9.2K 289 45

Si Angelina Joaquin. Na may maamong mukha, kaya nahuhumaling sa kanya ang mga kalalakihan. Na may, magaganda... Higit pa

The Devil's Angel
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31

Chapter 3

546 18 0
Galing kay MissyJokerMissy

Nagising ako dito sa loob ng kotse. Nakita ko yung lalaking nakamaskara na parang leader kanina no'ng kabilang grupo.



Gumalaw ako nang bigla akong nakaramdam ng sakit ng ulo. Hinawakan ko ito at nakita kong may dugo ang ulo ko.



"Move, the you'll die."



Hindi talaga ako gumalaw dahil ayoko pang mamatay. Marami pa akong plano sa buhay ko.



"P-parang awa niyo na po. Wag niyo kong papatayin please."


"Let's see."


At bigla niyang hinampas sa ulo ko ang isang matigas na bagay.



"D-dugo."




Napatingin naman siya sakin.




Napatulala ako at kasabay no'n ay ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi niya 'ko pinansin. Hinayaan niya lang ako.




Maya-maya huminto na ang sinasakyan namin. Tuloy tuloy padin ang pag-agos ng luha ko. May naaalala kasi ako sa tuwing nakakakita ako ng dugo. Hindi ko naiiwasang hindi maiyak.



Hinatak niya ako palabas ng kotse. Masakit ang pagkakahawak niya sa braso ko. Kumikirot din ang ulo ko dahil sa pagkakahampas niya. Pero hindi ko ito inintindi at para lamang akong manika na hinahatak niya habang ako ay nakatulala.



Hindi ko na napansin ang lugar na pinagdalhan niya sa akin. Kaya nagulat na lang ako nang bigla kaming huminto sa paglalakad. At nang mag angat ako ng tingin ay wala na palang suot na maskara ang lalaking humahatak sa akin. Pinagmasdan ko ang mukha niya pero wala akong maalala kung nagkita na ba kami kaya hindi ko masabi na may kasalanan ako sa kanya kaya bakit naman niya ako dinala dito?




"Where's Wren?" Tanong nitong lalaki na may hawak sa akin.




Napasipol naman ang tinanungan niya sinulyapan ako saglit bago bumaling sa lalaking nasa gilid ko. "Nandon sa office niya." Sagot niya. Tinitigan niya ito nang parang nagbabanta bago nagkibit balikat na nilampasan kami.





"Ge." ani nitong lalaki bago ako muling kinaladkad.




Hinatak niya ulit ako paakyat. Nang makaakyat kami ay lumiko kami sa kaliwa at saka dumiretso ng pasok sa kwarto sa dulo ng pasilyo.




Pagkapasok namin ay bumungad sa amin ang isang lalaki na nakaupo sa swivel chair at mukhang malalim ang iniisip.




Naramdaman niya ata ang presensiya namin kaya nag angat siya ng tingin at nagtagpo naman ang mga mata namin. Napatulala ako sa mukha niya. Siya naman ay napakunot ang noo at agad na umayos ng upo.



"Who is she?" kunot-noong tanong nito.





"Witness," he answered.


"Witness?" Nakakunot noo paring tanong ng lalaki. He stood up and he walked slowly, he stops in front of his table. May inabot siyang kung ano doon na hindi ko alam kung ano.



"Yes, sir."



Tinitigan naman ako ng maiigi nitong lalaki atsaka siya tumingala na animo ay nahihirapang huminga. "Didn't I tell you to make sure there's no inconvenience?!" 



Napapiksi ako sa pagtaas ng boses niya. Napalunok ako nang dumapo sa akin ang nanlilisik niyang mga mata.


"Yes, sir."



"Then what about her?" turan nito na parang mapapatid na ang pasensiya ano mang oras.



"I'll make her shut up," sagot naman nitong lalaki. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig, a-ano daw? Shut up?



Yumuko siya na mukhang hudyat na aalis na. Naramdaman ko ang panunuyo ng lalamunan ko nang hatakin ako ng lalaki paalis.



"No, stop." pigil naman ng lalaking big boss ata nila. 




Naglakad siya papalapit sa amin. "What happened to your dress?" Tanong niya nang makalapit sa akin.


Napatingin naman ako sa suot ko at nag angat ng tingin sa kanya. Nakatitig lamang ako sa kanya dahil sa sobrang pagkabigla, nang makita ko sa itsura niya ang pagkainip ay agad akong humaghilap ng isasagot.




"Uh, natapunan ako ng wine kanina. A-ano... kasalanan ko naman." Sagot ko sa mahinang boses.




Mula sa kinatatayuan ko pumunta siya sa likuran ko. Maya-maya....





"What happened to your head?"





"Huh? Uh..." napatingin naman ako dito sa lalaking nanghatak sa akin kanina. Nakakunot noo siyang nakatingin dito sa lalaki marahil ay nagtataka kung bakit ganito ang inaakto nito.





"H-hinampas niya ako ng matigas na bagay." Sagot ko sabay turo don sa lalaki.





Nabaling naman sa lalaking nanghatak sa akin ang paningin niya. "You did what?" Galit na tanong niya.






He cleared his throat before answering. "I hit her with a gun."




Sa isang iglap ay nakita ko nalang na nakasalampak ang lalaki sa sahig. Sa gulat ko ay hindi ako naka-react. Hinampas rin kasi siya ng big boss ng baril sa ulo. Teka... b-baril?



"Leave." napapahilot sa sintidong ani niya.





"What the hell bro?!" Protesta ng isa.





"I said leave, are you stupid?"





"Tsk. Fine!"





Tumingin naman sa akin itong lalaki.




"Are you alright?"




Nakatanga naman ako sa kanya matapos niya akong tanungin.



I am indeed confused. Bakit niya ko tinatanong kung ayos lang ba ako? eh diba masasama silang tao?



Tumango nalang ako bilang sagot sa tanong niya.





"C'mon, let's treat your wound"




"Uh, salamat" nagpasalamat ako matapos niyang gamutin ang sugat ko sa ulo.




Ilang minuto ko din siyang tinitigan, mula sa buhok niyang maalon, sa kanyang matangos na ilong, ang malalim at misteryoso niyang mga mata, at ang labi niyang.... hindi ko na natapos ang pagtitig ko sa kanya dahil bigla na siyang tumayo.







Naglakad siya papunta sa inuupuan niya kanina bago kami dumating, at kinuha niya ang isang coat na nakasabit sa swivel chair.






Lumapit siya sa akin at iniabot ito, "You should go home, Diego will send you home," he said.






And after that he left me in this room.









Sinamantala ko ang pagkakataon na pagmasdan ang paligid. Grabe! ang laki neto mas malaki pa sa apartment na inuupahan ko, isama mo na yung kabilang kwarto mas malaki pa rin ito.




Hanga 'kong pinagmamasdan ang kwarto na 'to, na sa tingin ko ay ang opisina niya nang pumasok naman 'yong si Diego, siya pala yung lalaki kanina pa. Inaya na niya akong ihatid pauwi.



Papasakay na ako ng sasakyan nang muli akong lumingon sa bahay, ay hindi mansyon pala ito, lumingon ako umaasang makita yong lalaki kanina pero bigo akong tumalikod at tuluyan nang sumakay.




Napatingin ako sa relo ko at nakitang maga-alas tres na ng madaling araw. Ang bilis ng oras, hindi ko na namalayan.







Sa biyahe ay tahimik lamang. Pinipigilan ko ang sariling tanungin itong lalaki dahil natatakot akong mamaya hampasin niya na naman ako ng kung anong bagay sa ulo. Sa huli, napigilan ko naman ang sarili at hinayaan nalang anurin sa utak ko ang mga tanong.




"Ah, diyan liko mo sa kaliwa tas don nalang ako sa kanto bababa,"




"I know." malamig at masungit niyang sagot sa akin, hindi nalang ako sumagot dahil baka magalit pa siya.




"Ahm, dito na lang." turo ko sa isang convenience store malapit sa tinitirhan ko.





"No, sir wants me to take you in front of your apartment," he uttered with finality.



Tumango nalang ako at hindi na nagreklamo para hindi na humaba ang diskusyon.





Hindi rin naman nagtagal ay nakarating na kami sa tapat ng apartment na inuupahan ko, bumaba na ako atsaka nagpasalamat sa kanya, tango naman ang isinagot niya sa akin saka pinasibad na paalis ang sasakyan.








Matagal pa akong nanatili sa tapat ng apartment nang napagdesisyunan kong umakyat na at magpahinga.



Nang makapaglinis at matapos mag ayos ng sarili ay humiga na ako para sana matulog pero hindi ako dinadapuan ng antok. Iniisip ko pa din kasi kung anong pangalan nong lalaki kanina. Hayst! Mababaliw ako sa kakaisip nito eh!!
















Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...