Against the Heart (Azucarera...

Bởi jonaxx

43M 1.4M 954K

Charlotta Yvonna del Real is the queen of Altagracia. Anak ng may-ari ng malaking Azucarera, she has it all... Xem Thêm

Against the Heart (Azucarera Series #1)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 26

853K 32K 23.9K
Bởi jonaxx

Kabanata 26

Happy

Kinabukasan, ganoon pa rin ang naging routine ko. Umaga, aalis, para magtrabaho. Usually, buong araw na ako sa asukarera kung hindi uuwi at hayaan na ang mga tauhan na gawin ang trabaho nila. Ngayon, may panibagong schedule sa mga gagawin ko.

I feel stupid waiting on the reception area of his office. Kaya lang hindi ko naman gustong mangyari ang nangyari kahapon. Ayaw kong makaistorbo sa mga kliyente.

Bakit ba?

Tumayo ako at biglaang gustong dumiretso sa opisina ni Leandro. Ano ngayon kung may kliyente siya? Pakealam ko do'n?

Bahagyang nagulat ang receptionist sa biglaan kong pagtayo.

Naisip ko rin bigla ang mga pinapakalat ng mga tauhan namin. I ordered them to spread that Leandro's services aren't reliable. Kahit na alam kong wala sigurong maniniwala dahil alam ng lahat ang galit ng mga del Real sa kanya, pinagpatuloy ko pa rin. Bukod pa roon, ilang araw pa lang na open ito kaya paanong may matinong "review" at galing pa sa tauhan ng asukarera?

Iritado, humalukipkip ako at bumalik sa pagkakaupo. Kanina pa ako binabantayan ng receptionist at wala akong pakealam kung ano ang iniisip niya.

Why do I have to wait here? At... mag-iisang oras na ako rito, ah! Ganyan ba katagal ang pakikipag-usap sa kliyente?

Mabuti na lang at bukod sa akin, wala nang ibang naroon. Kanina nang dumating ako, may dalawang paalis na. Ang isa sa naunang matandang lalaki na narinig kong magpapaayos sa kanilang talyer ay nagmamadali at medyo natatakot pa sa akin. I wanted to remind them that they shouldn't be here but seriously, I need to find a reliable alternative kahit sa La Carlota lang. Nang sa ganoon ay kasabay ng paninira ko rito, may maisusuggest naman akong iba sa kanila.

Bakit ba ako ang namomroblema sa lahat ng ito?

Bukod pa rito, napuyat ako kagabi kakahanap ng magandang puwesto kay Leandro sa Cebu! I even negotiated with the owner last night. Naghahanap pa ako ng iba, in case hindi niya magustuhan iyong nahanap kong commercial building! Nakakainis naman ito! Ang dami kong iniisip na tingin ko hindi ko na dapat trabaho.

"Ma'am... pasensiya na po pero baka kailangan mong bumalik na lang mamayang hapon. Bibigyan na lang po kita ng priority number," naglakas loob na sa wakas na magsabi ang receptionist na kanina pa halatang may gustong iparating.

It's eleven thirty and nobody went out of his office yet!

"Bakit mamayang hapon pa? Hindi pa ba matatapos 'yang kliyente niya? Papasukin ko na lang!" banta ko.

Umiling agad ang receptionist. "Hindi, Ma'am. Aalis na rin naman 'yan ngayon dahil lunch break ni Engineer. K-Kaya... sana mamayang hapon ka na lang."

Ngumuso ako at inisip ang lunchbreak. My brow palpitated and realized my perfect timing. Dapat pala hapon na lang ako pumunta rito! After lunch, ganoon! Ako pa ang mag-aadjust! I didn't even barge in earlier just because I have a bit of regard for this but right now, my little good deed is being abused!

"Hindi ba no noon break kayo? Are you fooling me so I'd leave?" bulalas ko sa receptionist.

"Ah, hindi, Ma'am. Uh... may noon break po kami. Sa gobyerno po 'yang no noon break."

Uminit ang pisngi ko nang natantong tama nga pala siya. This is a private business so it has lunchbreak.

"Oh sige. Anong oras ba ang lunchbreak?"

"Eleven thirty to one po sana."

I glanced at my watch and realized a discrepancy.

"It's eleven thirty four! E 'di lunchbreak na? Bakit hindi pa lumalabas ang kliyente niya?"

Humalukipkip ako at tumayo ulit, naiinip na. Takot na umiling ang receptionist at binalingan ang lalaking nasa likod niya. Nagkibit balikat ang lalaki. I narrowed my eyes.

"Palabasin n'yo na!" utos ko.

"Ma'am, si Engineer lang po ang puwedeng gumawa no'n at puwede rin po niyang iextend ang schedule niya kung kailangan. Kung kailangan na twelve na siya mag break, baka gagawin niya."

Ngumuso ako at mas lalo lang nairita. Anong klaseng rule 'yan? Basura. Tapos ako pinapaalis ako rito kahit na kanina pa ako naghihintay? Sana pala dumiretso na ako sa loob ngayon at pinaalis ko ang naunang kliyente!

"Bakit? Sino ba ang kliyente?" desperada ko nang tanong.

"Ma'am, sorry po pero ang mga ganitong bagay ay pribado."

I groaned and rolled my eyes. "I just want to know if I know the person so I can just go in."

"B-Bawal po kasi 'yon kahit pa sino ang client."

I groaned again, very frustrated now.

"At dayo rin naman po 'yong nasa loob. Taga Dumaguete pa po para sa pinapatayong private school kaya... b-baka hindi n'yo kilala."

"Oh? Talaga? Ako hindi nila kilala but all of the people here in Negros can't miss me-"

Sa kalagitnaan ng pagsasalita ko ay lumabas ang kliyente. Sabay kami ng receptionist na bumaling. Shocked at the image of the woman who went out, naestatwa ako sa kinatatayuan ko.

"Thank you, Engineer. We'll schedule your visit soon and I'll send you the plan so you can coordinate with my Architect."

Confident na naglakad ang babae paalis doon. Hindi lumabas si Leandro sa opisina niya kaya nagkaroon ako ng pagkakataong sipatin ang babae. She gave me a knowing look and she smiled.

"Miss del Real," she said cooly before signing something on the receptionists' table.

Kasing edad siguro ni Leandro ang babae. Tama nga akong kilala niya ako pero bahagya akong nafrustrate kasi hindi ko siya kilala. Sino ba ito? Probably a rich girl from Dumaguete? Nagpapatayo ng school?

Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang damit na isang maiksing black tube dress and a skimpy stilletos. The dress made her body look like an hourglass ad her wavy hair completed her sexy look. I swallowed hard and realized that the woman had been inside Leandro's office, undisturbed, for hours!

Hindi ko na hinintay na makaalis ang babae o na sabihan ako ng receptionist ng kahit ano, dumiretso na ako sa opisina ni Leandro.

"Ma'am?" agap ng lalaking hindi ako mapigilan.

Nang buksan ko ang pintuan sa opisina ni Leandro, naabutan ko siyang hinihilot ang kanyang batok at patayo na galing sa pagkakaupo. Images of him using his head until it hurts that way flashed my mind and it wasn't very pleasant. Hindi ko nga lang alam bakit kasali iyon sa iniisip ko ngayon!

"Ang tagal n'yo, ah? Anong ginawa n'yo rito?" diretsahan kong tanong. "At bakit masakit 'yang batok mo?"

Tumaas ang isang kilay niya at dumiretso ang tingin sa likod ko. Narinig ko ang pagsarado ng pintuan bago siya nagpatuloy sa paghakbang.

"We discussed what I can do for her buildings and she told me what she wants. Matagal talaga ang mga meeting." He smirked.

Irritated now that my questions were somehow maliscious and he probably noticed it, mabilis kong inalis iyon sa utak ko. Ano ba, Charlotta? Pakealam mo ba kung ano nga ang ginagawa nila rito sa loob? Whether it's business or something else, the heck I should care!

Naupo ako sa upuan sa harap ng kanyang lamesa, walang pakealam na nakatayo na siya at halatang magbi-break na.

"May nahanap akong commercial building sa Cebu. Maganda ang puwesto-"

"It's my lunch break. I have clients this afternoon so I can't waste time."

"Susunod ako sa'yo sa bahay mo!" sabay tayo ko dahil hindi ako puwedeng mag-aksaya rin ng oras.

Nakahawak na siya sa door handle ngayon at lalabas na sana pero dahil sa sinabi ko, natigilan siya. He looked at me and I don't know why I saw amusement in his eyes and lips.

"Hindi ako uuwi. I have a small kitchen or pantry here and that's where I'll eat."

Uminit ang pisngi ko pero hindi na ako nag-aksaya ng panahong damhin ang kahihiyan.

"O, e 'di do'n!"

Ang tapat na silid na hindi naman kalayuan ang pintuan ay isa palang maliit na kitchen. Nakita ko sa isang maliit na pang-apatang lamesa ang hinandang pagkain. Bago siya pumasok ay narinig kong inutos niya sa dalawang tauhan ang lunch break. I saw how they closed the blinds of the window and the glass door.

Walang hiya-hiyang sumunod ako sa kanya. Wala akong pagkain na dala at hindi rin naman ako gutom. Sanay akong malipasan dahil kapag abala sa asukarera, nakakalimutan ko minsnag mananghalian kaya anong kaibahan nito roon?

Naupo siya at binuksan ang nakahanda nang pagkain. May dalawang klase ng ulam doon. Kumuha siya ng dalawang plato sa lalagyanan at nilapag ang isa sa harap ko.

"Hindi ako kakain!" agap ko.

He only sighed. Nagpatuloy siya sa pagkuha sa mga baso, kutsara, at tinidor.

"Nandito lang naman ako para sabihin nga sa'yo na nakahanap ako ng commercial space sa Cebu. I'm sure you'd rather be there than here. It's a bigger city and you'd have a better chance for your business."

"Hindi ako aalis dito," aniya habang nilalapag ang baso sa tabi ng pinggan ko.

"It's unreasonable for you to say that. Cebu is a big city and the commercial space I am eyeing is better than this. Maghahanap pa ako ng magandang subdivision doon para sa bahay mo naman. Kumpara rito, mas okay doon dahil may security-"

"Hindi ko kailangan ng subdivision o security. Dito lang ako."

My mouth dropped open. Naglagay siya ng kanin sa aking pinggan. Habang nagsasalita ako ay pinagmasdan ko paano siya naglagay doon.

"Kailangan mo 'yon. If you plan on being a businessman, then you have to- ano ba 'yan?!" apila ko sa kalagitnaan ng paglalagay niya ng kanin.

"You're here and I'm eating my lunch. I'm not that rude to not give you any-"

"That's not it! I'm saying why are you giving me too much rice? Do I look that hungry to you?"

He smirked and put a scoop from my plate to his.

"Isa pa, hindi kakain dito. May kailangan lang talaga akong sabihin sa'yo at kung marami kang kliyente, ibig sabihin hindi ako magkakaroon ng oras sa working hours mo. I'm not here to eat."

That's the last thing I'd do, actually. Eating with Leandro. Anong meron? Pinapaalis ko ang isang ito tapos nakikikain ako?

"It's lunch time. Don't tell me you're fasting or o a diet?"

"Hindi ko kailangang mag diet, no! Hindi ako kakain!" sabi ko habang pinagmamasdan siyang naglalagay na ng ulam sa akin at sa kanyang pinggan. "And where did you get these? You're not allowed to buy food or anything."

Matalim niya akong tiningnan pero nagpatuloy siya sa paglalagay ng pagkain sa kanya namang pinggan.

"Forget it. La Carlota is always there for you, right? Bahala ka. As long as I know you feel the inconvenience."

Bahagya akong nakaramdam ng gutom lalo na noong nakitang nagsimula na siyang kumain, walang pakealam sa akin. Napatingin ako sa aking pinggan at nakitang nakakatakam ang ulam pero masyadong marami talaga siyang nilagay na kanin.

"So... the property in Cebu is in the center of the city. It's a new building so you won't have to worry much about renovation."

Nagpatuloy siya sa pagkain at nagpatuloy naman ako sa pagsasalita.

"I'm eyeing two exclusive subdivisions for you. Hindi nga lang malapit sa kung nasaan ang building kaya naghahanap pa ako ng iba."

Uminom siya ng tubig at pagkatapos bumaling sa akin. Matalim ulit ang kanyang mga mata habang nagpapatuloy ako sa pagsasalita.

"Kumain ka na," aniya.

"Hindi nga ako kakain," naiirita dahil nawala sa isipan ko ang mga sinasabi.

"Kumain ka o hindi ka na makakabalik dito."

Kumunot ang noo ko at ngumisi. "You really think I can't come back even with your threat."

"I'll close the doors for you so unless you break the glass, hindi kita papapasukin dito sa susunod kung hindi mo kakainin 'yan," he fired back.

"I'll bring a baseball bat and swing it on your windows."

"Ganyan ka lala ang kaya mong gawin dahil lang hindi mo gustong mananghalian dito? I allowed you to come talk to me even with your nonsense and yet you have violent plans?"

Napawi ang ngiti ko. Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng nangyayari, ang pinaka ayaw ko ay ang isipin niya na gaya ni Daddy, bayolente ako. I won't actually swing a baseball bat on his windows! It's just a threat and yet he fired an offensive remark!

Hindi pa rin talaga nagbabago. You say the wrong words at the wrong time, Leandro.

"I said I'm not hungry. Why are you forcing me to eat?"

"Magugutom ka mamaya kaya kumain ka sa tamang oras. Kahit pa hindi ka gutom ngayon."

"Pakealam mo kung magugutom ako mamaya? E 'di kakain ako mamaya sa labas."

"Bakit hindi na lang dito? Don't worry, there's no poison. Kumain na nga ako. So you can go on with your day and go back to your work without interruption for another lunchbreak."

Back to work? Fortunately, magaling akong maghandle ng asukarera at lahat ng supervisors ko, ginagawa ng tama ang kanilang trabaho. They need less supervision that sometimes I can waste time in other things like sleeping for siesta!

"Hindi na ako babalik sa asukarera. Dito lang ako. We'll discuss about your new building in Cebu."

"Tss..." aniya at nagpatuloy sa pagkain. "I have clients this afternoon."

"Then after your clients. O ngayon? Kaya nga ako nagpapatuloy sa pagsasalita rito para malaman mo ang tungkol sa properties na nakita ko."

"Should I just throw you out now?" he narrowed his eyes, losing his patience.

Uminom ulit siya ng tubig, naistorbo ulit ang pagkain niya.

"I let you in here even when I'm not sure I won't hear anything of what you're talking about. Dapat ay hindi talaga kita pinapapasok pero hinahayaan kita."

Sumubo ako ng kanin na may kaunting ulam para tumigil siya sa mga banta niya. Slowly, his lips rose and his eyes calmed. Nginuya kong mabuti ang kinakain kahit pa gustong-gusto nang magsalita.

"Just eat," he said a bit calmly now.

"Happy now? I can talk now?" sabi ko nang nalunok na ang lahat.

"Ang sabi ko kumain ka na riyan."

"I am eating!"

Hindi ko alam kung dinadagdagan niya ba ng pagkain ang pinggan ko para lang manahimik ako dahil sa pagkain o may ibang dahilan siya. Mas madali nga lang paniwalaan ang ibang dahilan niya.

"Huwag mo na ngang dagdagan? Anong tingin mo sa akin? Balyena?"

"Kaya ko dinadagdagan dahil ang payat payat mo. You should eat more nang magkalaman ka naman."

Somehow, I pictured the woman who walked out of his office a while ago. Now, I'm furious.

"Ganito na talaga ang katawan ko kaya huwag mo akong itulad sa mga minamanyak mong kliyente na may malalaking boobs at pwet!"

He chuckled. "Minamanyak? Really now?"

"Oh, don't deny it! Don't tell me you're some saint. Lahat ng lalaki lumuluwa ang mga mata sa mga ganoong hugis ng katawan!"

"Why? Did someone lose their eyeballs looking at your boobs?" his gaze lowered on my boobs.

Uminit ang pisngi ko lalo na nang nakita ang pagtagal ng mga mata niya roon. The glint on his eyes made me shiver. I crossed my arms on my chest. He looked away with a smirk on his face.

"You pervert!"

"Sino sa atin ang nagsali ng ganoon sa usapan? Hindi ba ikaw naman? I'm here eating and you go on talking about lewd stuff."

"Lewd stuff? Me?" halos magwala ako.

Nanatili ang ngiting nakaplaster sa kanyang labi.

"Tigilan mo ang pag-iisip ng masama sa ginagawa ko sa kliyente ko. Hindi ko pinaghahalo ang trabaho at pagnanasa kaya ayusin mo ang pag-iisip mo."

"Ako pa ngayon-"

"Kumain ka na riyan o magtatawag ako ng tauhan at palalabasin kita rito," banta niya ulit sa akin, hindi pa nawawala ang ngiti sa kanyang labi.

Sa iritasyon ko, hindi ako makapagsalita. Tahimik akong nagpatuloy sa pagkain. Habang nagpapatuloy naman siya, sumusulyap sulyap siya sa akin. Nilalagyan niya ng tubig ang aking baso at maya't-maya ang pagbalik ng ngiti sa kanyang labi.

"Busog na ako," sabi ko nang nakalahati na ang nilagay niya sa pinggan.

"Ang konti ng kinain mo," he noted.

"Hindi nga ako gutom. Kakain naman ako kung gutom ako!" iritado ko nang ulit.

His lips curved again. "I'll finish your food, then."

Tahimik akong tinanaw siya na ilang subo lang na kinain ang pagkain ko. Uminom siya ng tubig pagkatapos at kalaunan, siya na rin ang naghugas ng pinagkainan namin. Nanatili ako sa upuan, tahimik at nag-iisip pa ng ibang sasabihin.

I remained there as I watch him freshen up and clean up the pantry. Fifteen minutes till his work resumes, he looked at me. Nagpunas siya ng kamay, katatapos lang mag toothbrush at uminom ng tubig. Hawak ko ngayon ang isang baso ng tubig na ibinigay niya kanina, kasabay ng pagkuha niya ng tubig sa sarili.

"Dito ka maghihintay o sa lobby?" he asked.

"Sa lobby na."

He nodded and opened the door for us.

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

6.1K 195 11
Will you take risk for the sake of love?
MOON Bởi Maxine Lat

Hành động

20.1M 701K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
7.5M 211K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
3.5K 512 29
A cruel destiny is a mysterious concept no one could ever understand. Buong akala ni Megan ay wala na siya sa mundo. Siya mismo ang tumapos sa sarili...