Hanggang Kailan Maghihintay...

By Shan_sky

65.9K 2.9K 346

Gxg ( june 2017-Apr. 2020) A typical "Maybe this time" story. They were separated when they were young. T... More

Prologue
Intro
Chapter 1: Mahal Kita Kasi
Chapter 2: 13 Years
Chapter 3: Dating Pag-ibig
Chapter 4: Guilt
Chapter 5: Memories
Chapter 6: Ang mga Nakaraan
Chapter 7: Reasons
Chapter 8: This time?
Chapter 9: Kilig
Chapter 10: Nandito Ako
Chapter 11: Again
Chapter 12: What will I do?
Chapter 13: Your smile
Chapter 14: Hanky Cake
Chapter 15: Unan sa Tag-ulan
Chapter 16: goodbye Kiss?
Chapter 17: Dapat ba?
Chapter 18: Haba ng Hair
HANGGANG KAILAN MAGHIHINTAY?
Chapter 20: Posts
Chapter 21: Say Yes?
Chapter 22: <3 I <3 <3 21 - 20-oo<3
Chapter 23: Mahal
Chapter 24: Isang Araw
Chapter 25: Pansamantala
Chapter 26: Makita Kang Muli
Chapter 27: Patient Tsan
Chapter 28: Over Again
Chapter 29: Ikaw lang
Chapter 30: Facing Fear
Chapter 31: Miss Kiss
Chapter 33: Quiet moment
Chapter 34: Hiding
Chapter 35:Muli
Chapter 36: It's been a while
Chapter 37: Here I am
Chapter 38: Magsimula na
Epilogue: Love on top

Chapter 32: Afraid 4 love 2 fade

1.2K 59 3
By Shan_sky


MAYCEE'S POV:

       HINDI ko na nakayanang pigilan ang damdamin ko. Namiss ko siya ng todo. Naging bahagi na siya ng araw-araw ko.
When she explained what happened to her this day, I felt so embarrassed. Talagang wala akong maitago sa kanya at alam niyang nainis ako sa hindi niya pag-report sa akin.

       May mga oras na sinasaway ko ang sarili ko at paulit-ulit na pina-aalalahan na hindi lovelife ang dapat kong pag-tuunan ng pansin. I responded to her kiss, at alam kong kahit wala akong sabihin ay alam niyang lumalalim ang nararamdaman ko sa kanya. Inaasahan ko na ang tanong niyang "what's holding you back?"

       Matapos ang halik na 'yon ay tila walang naganap. Bumalik si Shine na naging mapag-biro at naging magaan ang atmosphere sa pagitan namin habang kumakain.

       "It's late na babe," sabi niya sabay tingin sa wristwatch niya.

       "Hoy! Hindi porket nagkiss tayo, babe babe ka na dyan. Mukha mo."
       "Ay! Hindi pa ba kita babe?"
       "Hindi pa. Nadala lang ako kanina."
       "Hmm... okay lang. Sabi ko nga,willig akong maghintay."
       "And stop seducing me please. Nakaka-inis ka."
        "Hala! Seduce daw. Alam mo minsan kasi Em, maging honest ka sa sarili mo."
       "Naku, umuwi ka na nga."
       "Yeah, maaga pa ako bukas."

Susunduin mo ba ako?

      "Aah..."
      "Magfa-file na ako ng resignation bukas."
      "Okay."
      "Okay lang talaga? Hindi mo na ako makikita sa office?"
       "Kailan ba kita hinadlangan sa mga desisyon mo?"

..... At wala akong karapatan.

       "Fine. Maybe, sunduin na lang kita? How about a movie bago ako maging busy sa new work ko?"
       "Tingnan na lang natin."
       "Okay."

       Kinabukasan ay maaga rin akong pumasok. Out of town si Doc ng two days kaya ako lang muna sa clinic mag-isa.
Bandang alas Diyes ay may kumatok at isang boquet of flowers na naman ang pinadala ni Sunshine.

Em,
   Just to make u smile.

Love,
Ash

     Nilagay ko sa vase ang bulaklak at pinatong sa mesa ko. Minsan, humihiling ako na sana, sana..... Totoo si Shine
at hindi nalulunod lang sa muli naming pagkikita. Mahina si Shine sa tukso noon pa man. 'Yung tipong alam kong pinaglalabanan niyang huwag mahulog
pero nahuhulog pa rin. Hindi ko alam kung paano ko 'yon kakayanin. Noong umalis siya na sulat lang ang iniwan ay halos mamatay ako sa luob-loob ko.
Nabuhay ako ng labing tatlong taon na wala siya, wala siya pero siya lang ang tanging naging laman ng puso ko.

        Nasa malalim akong pagbabalik-tanaw ng magring ang cellphone ko.
       "Babe..." masigla niyang bati.
       "Uhmm.. Ano'ng sabi ko?"
        "He! He! Nagustuhan mo ba?"
       "Oo.
       "Mabuti naman."
       "Nasa'n ka na ba?"
       "On the way na sa ospital. Mimeet ko yung head doon. Dumaan ako kina Balot kanina para sa letter of resignation."
       "Okay, goodluck then. Thank you sa flowers. Ang gaganda."
       "Kasing ganda ng mahal ko diba?"
       "Siyempre naman."
       "Hahahah!" sabay kaming tumawa.
       "O siya. Tawagan kita ulit if masusundo kita ha."
       "S-sige.."
       "I miss you.."
       "Sows! Sige na, ingat sa pagmamaneho."
       "Of course! Pakakasalan pa kita eh."
       "At bakit tayo na ba?"
       "Malapit na Em, tiwala lang. Hahahah!"

        Natatawa kong inend ang call ni Shine. Sa buong maghapon ay dalawang pasyente lang ang dumaan sa clinic. Nakakabato rin pala ang trabaho kong ito. Namimiss ko ang trabaho sa loob ng ospital bilang nurse talaga. Pero bagong salta pa lang ako sa Maynila at paunti-unti lang muna ang pag-usad ng buhay ko dito. Kailangan ko ng trabaho para sa anak ko at sa pamilya ko.

        Alas tres ng tumawag si Shine at sinabing susunduin niya nga ako. Sa boses pa lang niya sa kabilang linya ay nabuhayan na ako ng dugo. Wala pang ala-singko ay gumayak na ako. Nasalubong ko pa si Ma'm Balot sa hallway.

       "Good afternoon po," bati ko.
       "Oh hi! Mukhang may date ah."
       "He, he. Uhm, nasa parking na po siya."
       "I'm glad you're good na. Give Shine a chance," sagot niya sabay kindat. Ang cool cool talaga ni Ma'm. Minsan gusto ko ngang usisain ang love story nila ni Ma'm Penny.

        Pagdating ko ng parking ay nakangiti niyang binuksan ang pinto ng kotse. "Hop in, sorry namimimitig paa ko."

        Pagsakay ko na kotse ay bineso ako ng Shine. She smells fresh as the flowers she gave me a while ago.

        "Shit! Oo nga pala, nakalimutan ko 'yung bulaklak sa clinic!" Aktong bababa ako ng pigilan niya ang braso ko.

      "Bukas na lang Em, tara na."
      "Ha?"
      "May reservation ako ng dinner for two sa Manila Hotel. We need to be there at seven."
        "Ah okay. Sosyal, ano'ng mero'n?"
        "Mero'n akong Ikaw."
        "Asus!"

       Pagdating namin sa Hotel ay medyo naiilang ako. Mabuti na lang at naka dress ako ng pumasok kanina. Hindi masyadong dyahe.

       "With candle light pa talaga ha."
        "Siyempre naman. Samantalahin ko ng hindi pa ako toxic sa work."
        "Iba ka talaga. I just wonder kung ilang babae na ang ginawan mo ng ganito?"
       "Ikaw pa lang Maycee."

       Maya-maya sa kalagitnaan ng pagkain namin ay napansin kong hindi siya mapakali.

        "E-lbm ka ba?"
        "Hahah! Hindi ah!"
        "Kanina ka pa kasi ikot ng-ikot ng diyan, eh."
        "Wala, wala 'to. Anyway, desert? Parating na rin."
       "Binubusog mo talaga ako ha. Baka may gayuma 'yon?"
       "Di ko na kailangan 'yon."
        "Ahahah! Conceited ang ale."
       "Hopeful lang."

        While we are on our dessert, may tatlong lalaki ang humarana sa tabi ng mesa namin. "Maybe This Time."

        "Hmmm... trying to be romantic ha," sabi ko. Kanina pa naman umiikot ang mag tumutugtog na 'yon sa mga katabi naming mesa.

        "Romantic naman talaga ako, hindi lang halata."

        Nakagaan lalo sa mood ko ang tunog ng violin nila. Si Shine naman ay pangisi-ngisi lang. Matapos ang tugtog at ang desert namin ay nakatitig lang sa akin si Shine.

        "Oh, hindi ka pa ba busog sa kinain natin? Sa tingin mong 'yan parang panghimagas mo pa rin ako."
        "Ha! ha! hah! Hindi naman. Gusto lang kitang titigan."
        "Bahala ka nga."

        Kinuha niya ang kamay ko sa ilalim ng mesa at inusog papalapit ang upuan niya sa akin. Pinipisil pisil niya ang kamay ko habang nakakatitig pa rin sa akin na parang ako lang ang tao sa mundo.

        "Okay ka lang ba?" Tanong ko sabay ganti ng pisil sa kamay niya. I always love this feeling of playing with her hand.

       "Actually hindi eh."
       "Bakit naman?"
      "May gusto sana akong sabihin."
       "Hmmm?"

       Inangat niya ang kamay naming magkahawak. Sa isa niyang kamay na nakatikom ay nilabas niya ang isang engagement ring. Kinabahan ako ng todo sa antisipasyon.

       "Maycee.... Will you marry me?"

        Nanlaki bigla ang mata ko. Pinigilan niya ang kamay ko ng tangkain kong kumalas sa pagkaka-hawak niya.

       "Ash....."

       "Em.... Please? Mabaliw baliw na ako kung paano ka magiging aking muli. Hindi na ako makapag-hintay. Em please, parang awa mo na."

        "Ash... hindi pinag-mamakaawa ang pagmamamahal. Hinahayaan 'yong lumago sa paglipas ng panahon."

        "Alam ko, alam ko pero gano'n din naman diba? Alam kong mahal mo pa rin ako. Pinapangako kong, hindi kita ipe-pressure sa kahit anong bagay. Malaya ka pa ring gawin lahit ano'ng gusto mo. Sabihin mo ng desperada ako pero oo, desperada na ako. It's now or never."

        "Akala ko ba willing kang maghintay?"

        "Oo pero, natatakot ako Em.... Natatakot akong sa paglipas ng panahon ay may mahalin kang iba."

         Dama ko ang sinseridad ni Ash. Yumuko siya at umiyak. Hindi magaling si Ash sa paglalahad ng damdamin. Alam kong ito lang ang paraan niya para mapa-oo ako.

       "Umiiyak ka na naman. Sino ba ako para iyakan mo ko ng ganyan?"
        "Kailangan kita Em, mahal na mahal kita. Alam kong sa past, madami akong pagkukulang pero hindi ba puwedeng this time.... Last chance ko na talaga. Please, I'm begging you."

         "Ano ba talaga gusto mong mangyari? Ang pag-a-ask ng kasal ay para lang sa magkarelasyon. Ni hindi pa nga tayo. Ano ba'ng pumapasok sa isip mo?"

        "Wala lang akong maisip. Ewan ko, hindi ko alam. Ang alam ko, lang.... I wanna be with you for the rest of my life. Yun lang."

        "Ash....." Inangat ko ang mukha ni Shine. "Look at me. Hindi sa ganitong paraan. Masyado kang nagmamadali. Pinayagan na nga kitang manligaw diba? Hindi pa ba sapat na 'yun muna? Ayaw kong magkamaling muli. Ang masaktan ako o ang masaktan kita. Gets mo ba? Ano ba kasing pinag-aalala mo?"

        "I just want you to be mine."

         Kitang-kitang ko ang lungkot at kawalang pag-asa sa mata ni Sunshine at dinudurog no'n ang puso ko. Huminga ako ng malalim atsaka nagsalita.

       "Okay fine. Ash... sinasagot na kita. Tigilan mo na 'yang pagluha mo. Siguro, let's just start from here. Masyadong malayo kung iniisip mong kasal agad."

      "Talaga?! Tayo na?!"
      "Oo."

         Hinalik-halikan ni Ash ang kamay ko. "Salamat Em... salamat."

        "Hay naku ikaw talaga. Dami mong drama. O sige na, sa 'yo na ako."

-----------------------------

At last after 2 months :)

Shan
03132019

Continue Reading

You'll Also Like

206K 8.2K 64
The great Lien Naeree Abueva ang babaing hinahangaan ng lahat dahil sa galing nito sa pagmomodelo, her life was almost been perfect kung 'di n'ya lan...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
7.7M 228K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
221K 5.5K 42
Rich Elijah Sandoval - sya ang shibs na trip na trip akong bwisitin mula higschool pa lang sya. Lagi nya akong hinahabol habol, Sinusundan kahit san...