Chapter 32: Afraid 4 love 2 fade

1.2K 59 3
                                    


MAYCEE'S POV:

       HINDI ko na nakayanang pigilan ang damdamin ko. Namiss ko siya ng todo. Naging bahagi na siya ng araw-araw ko.
When she explained what happened to her this day, I felt so embarrassed. Talagang wala akong maitago sa kanya at alam niyang nainis ako sa hindi niya pag-report sa akin.

       May mga oras na sinasaway ko ang sarili ko at paulit-ulit na pina-aalalahan na hindi lovelife ang dapat kong pag-tuunan ng pansin. I responded to her kiss, at alam kong kahit wala akong sabihin ay alam niyang lumalalim ang nararamdaman ko sa kanya. Inaasahan ko na ang tanong niyang "what's holding you back?"

       Matapos ang halik na 'yon ay tila walang naganap. Bumalik si Shine na naging mapag-biro at naging magaan ang atmosphere sa pagitan namin habang kumakain.

       "It's late na babe," sabi niya sabay tingin sa wristwatch niya.

       "Hoy! Hindi porket nagkiss tayo, babe babe ka na dyan. Mukha mo."
       "Ay! Hindi pa ba kita babe?"
       "Hindi pa. Nadala lang ako kanina."
       "Hmm... okay lang. Sabi ko nga,willig akong maghintay."
       "And stop seducing me please. Nakaka-inis ka."
        "Hala! Seduce daw. Alam mo minsan kasi Em, maging honest ka sa sarili mo."
       "Naku, umuwi ka na nga."
       "Yeah, maaga pa ako bukas."

Susunduin mo ba ako?

      "Aah..."
      "Magfa-file na ako ng resignation bukas."
      "Okay."
      "Okay lang talaga? Hindi mo na ako makikita sa office?"
       "Kailan ba kita hinadlangan sa mga desisyon mo?"

..... At wala akong karapatan.

       "Fine. Maybe, sunduin na lang kita? How about a movie bago ako maging busy sa new work ko?"
       "Tingnan na lang natin."
       "Okay."

       Kinabukasan ay maaga rin akong pumasok. Out of town si Doc ng two days kaya ako lang muna sa clinic mag-isa.
Bandang alas Diyes ay may kumatok at isang boquet of flowers na naman ang pinadala ni Sunshine.

Em,
   Just to make u smile.

Love,
Ash

     Nilagay ko sa vase ang bulaklak at pinatong sa mesa ko. Minsan, humihiling ako na sana, sana..... Totoo si Shine
at hindi nalulunod lang sa muli naming pagkikita. Mahina si Shine sa tukso noon pa man. 'Yung tipong alam kong pinaglalabanan niyang huwag mahulog
pero nahuhulog pa rin. Hindi ko alam kung paano ko 'yon kakayanin. Noong umalis siya na sulat lang ang iniwan ay halos mamatay ako sa luob-loob ko.
Nabuhay ako ng labing tatlong taon na wala siya, wala siya pero siya lang ang tanging naging laman ng puso ko.

        Nasa malalim akong pagbabalik-tanaw ng magring ang cellphone ko.
       "Babe..." masigla niyang bati.
       "Uhmm.. Ano'ng sabi ko?"
        "He! He! Nagustuhan mo ba?"
       "Oo.
       "Mabuti naman."
       "Nasa'n ka na ba?"
       "On the way na sa ospital. Mimeet ko yung head doon. Dumaan ako kina Balot kanina para sa letter of resignation."
       "Okay, goodluck then. Thank you sa flowers. Ang gaganda."
       "Kasing ganda ng mahal ko diba?"
       "Siyempre naman."
       "Hahahah!" sabay kaming tumawa.
       "O siya. Tawagan kita ulit if masusundo kita ha."
       "S-sige.."
       "I miss you.."
       "Sows! Sige na, ingat sa pagmamaneho."
       "Of course! Pakakasalan pa kita eh."
       "At bakit tayo na ba?"
       "Malapit na Em, tiwala lang. Hahahah!"

        Natatawa kong inend ang call ni Shine. Sa buong maghapon ay dalawang pasyente lang ang dumaan sa clinic. Nakakabato rin pala ang trabaho kong ito. Namimiss ko ang trabaho sa loob ng ospital bilang nurse talaga. Pero bagong salta pa lang ako sa Maynila at paunti-unti lang muna ang pag-usad ng buhay ko dito. Kailangan ko ng trabaho para sa anak ko at sa pamilya ko.

Hanggang Kailan Maghihintay?  (Completed)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora