SAYEH

Galing kay Margarita29

70.5K 1.7K 137

Sayeh... ang aking pangalan at ako, ang titikim sayo! Higit pa

Una
Pangalawa
Pangatlo
Pang-apat
Panglima
Pang-anim
Pang-pito
Pang-siyam
Pang-sampu - Ang Alay
Pang labing isa - Ang mga Busaw
Pang labing-dalawa
Pang-labing tatlo
Pang-labing apat
Pang-labing lima
Pang-labing anim
Pang labing pito
Panglabing walo
Ang huling pagtikim
Ang ngiti sa kanyang mga labi
Pasasalamat

Pang-walo

3.3K 82 1
Galing kay Margarita29

 

"Misty, sa bahay niyo na lamang tayo gumawa ng groupworks natin" suwestiyon ni Samara sa kanya habang naglalakad pauwi.

"Sa inyo na rin kami matutulog" nakangiting segunda ni Olivia.

 

"May multo sa bahay" 

Napahinto si Samara sa sinabi niya. Hindi lingid sa kanyang kaalaman na malaki ang takot nito sa mga multo kung kaya't malaki ang kumpiyansa niyang sabihin ang bagay na iyon. Tumigil rin si Olivia saka pinuntahan si Samara.

"Hindi  totoo yung mga sinabi ni Misty! Tinatakot ka lang niya"

 

Tumigil si Misty. "Totoo yun. Alam mo ba kagabi, may nakita akong duguang babae sa kwarto ko. Humihingi ng tulong sakin. Pagkatapos kaninang umaga, may nakaukit na "AKIN KA" sa unan ko. Nagpatawag pa nga ng albularyo ang mama't papa ko e."

"Shut up Misty. Tara na" piksi ni Olivia.

"Buti close kayo kahit ampon lang si Samara noh?" nakangiting tanong niya kay Olivia.

 

"Shut the fuck up. Magkapatid kami!" inis na sabi ni Olivia.

 

"K. Paniwalain mo sarili mo. Diba Samara?" Nakangiting nilingon ni Misty si Samara. Hindi ito sumagot. Basta lang nakatungo. Naramdaman niyang tinulak siya ni Olivia.

 

"Wag mong panghimasukan ang ibang bagay Misty. Ang groupworks ang  atupagin mo keysa sa pang iintriga saming dalawa! Tara na" Nagpatiunang maglakad ito hila hila ang kapatid. Kaya ang nangyari, naiwan si Misty sa likuran. Nakangiti dahil nagtagumpay siyang inisin ang mga ito. Magpapatuloy na sana siya sa paglalakad nang may mapansin na kung ano sa gilid. Napalingon siya. Saka nanlaki ang mga mata nang makita ang matandang albularyo sa di kalayuan. Ang albularyong nagbigay ng proteksyong tinapon niya sa eskwelahan. May takip ang kaliwang mata nito ngunit ang kinabahala niya'y punong puno ng dugo ang pantakip na iyon at may tumutulo ring dugo mula roon.  Idagdag pa ang matalim nitong tingin sa kanya. kinilabutan siya. Hindi siya makagalaw. Tila ramdam niya ang galit nito. Pero bakit?

Dahil kaya sa tinapon kong anting anting?

 

"Misty!"

 

"Ahh!" Napaupo si Misty nang tawagin siya ni Olivia. Nasa harapan na niya pala ito ngunit hindi man lamang niya napansin. Muli niyang tiningnan ang direksyon kung nasaan ang matanda. Wala na ito. 

"Anong nangyari sayo?"

 

"Yung matanda" saka niya tinuro ang lugar kung saan niya nakita ang matanda. Kunot noo namang sinundan ni Olivia ang direksyon na kanyang tinuro saka binalik ang tingin sa kanya. Nakita naman niyang napahawak si Samara sa huli.

"Wag mong takutin ang kapatid ko. Tara na! Tama na ang drama mo" Marahas siya nitong tinayo. Nainis siya sa sinabi nito dahil hindi siya nagdradrama. May nakita talaga siya. Tinitigan niya si Samara saka umirap dito at nagpatiuna na pauwi.

Anong nangyari sa matandang iyon? Bakit ganun itsura nun? Ang sama makatingin ah...

Dala-dala niya iyon hanggang sa makarating sila sa kanilang bahay. Napakunot pa ang kanyang noo nang makitang maraming usok na lumalabas doon. Agad silang napatakbo sa sobrang pag-alala na baka nagkaroon ng sunog.

"Mama!" tawag ni Misty habang binubugaw ang usok ngunit agad rin siyang napahinto nang maamoy niya iyon. Umikot ang kanyang mga mata saka umupo sa sofa.

"Hoy! Misty. Hindi ka ba tutulong sa pagbugaw ng usok sa bahay niyo?" tanong ni Olivia. Binubugaw nila ni Samara ang usok.

"Via, amoy insenso yung usok" komento ni Samara.

"Hala? Bakit ang daming usok ng insenso sa bahay niyo?"

 

Ngumiti si Misty. "Diba sabi ko sa inyo? May multo nga kasi dito"

"Misty!" Napalingon silang lahat nang marinig ang mama ni Misty na maraming dalang insenso at isang dustpan ng kamanyang na pinapausok.

"Tita, bakit ang dami niyong dalang ganyan?" takang tanong ni Olivia.

"Para good vibes at hindi na ginagambala ng masamang espiritu itong anak ko. Masama kasi ugali kaya nilalapitan ng mga kakaibang nilalang"

 

"May multo talaga dito?" napalingon sila sa tanong ni Samara.

"Wala"

"Meron"

"Siguro"

Sabay sabay nilang sagot sa tanong nito saka nagkatinginan. Bumuntong hininga si Misty saka umakyat sa kanyang kwarto.

Ayokong isiping merong kakaibang nilalang dito sa loob ng bahay. Like duh! Walang multo noh!

Nagbihis siya saka muling lumabas ng kanyang silid. Pagbaba niya'y siya na lamang ang kulang sa hapag kainan. Pagkatapos nilang kumain lahat ay ginawa na nilang kanilang gawain.

"Misty.." Napalingon si Misty sa pagtawag ni Samara.

"Bakit?"

 

"Ano kasi... Hindi na lang kami matutulog dito"

 

Napakunot ang noo niya. Napatingin siya kay Olivia ngunit ganuon rin ang itsura nito. Nakakunot ang noong nakatingin sa kapatid. Saka siya napangiti.

"Naniniwala kang may multo dito?" nakangiting tanong niya.

"Hindi naman sa ganun.. kaya lang kasi.."

 

"Alam mo.. Wag ka sa multo matakot. Sa masasamang tao ka matakot, hindi sa multo. Wag ka ngang duwag. Mas nakakatakot pa ang tao keysa sa multo" pairap na sabi niya ito saka nagpatuloy sa paggawa.

"Tama siya Sam. For the first time" sarkastikong pagsang ayon ni Olivia

 

"Thank you for the sarcasm Olivia"

 

Ilang sandali pa'y tapos na nila ang dapat gawin kaya nagyaya nang matulog si Samara. Sa kalagitnaan ng gabi'y nagising si Misty sa isang lugar na hindi pamilyar sa kanya. Madilim, masangsang, nakakangilo ang amoy.

"Umiwas ka sa kanya"

 

Napalingon siya sa nagsalita. Bumungad sa kanya ang matandang nagbigay ng proteksyon sa kanya.

"Ano bang kailangan mo?"

 

Hinawakan siya nito ng sobrang higpit. Nagimbal siya nang magbago ito ng anyo. Naglaho ang isang mata nito, ngayon ay maraming dugo na ang tumutulo doon. Dahan dahan nitong inilapit ang mukha sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata.

"Nakakatakot siya. Hindi siya ordinaryo"

 

"Sino?"

 

Lumingon sa kanan ang matanda saka nanginginig na lumayo sa kanya.

"Sandali lang!" tawag niya rito. Tinangka niya pa itong sundan ngunit may pumigil sa kanya at tinakpan ang kanyang mga mata. Mahigpit, hindi siya makakilos. Nang hawakan niya ang kamay sa kanyang mata't napahinto siya. Basa iyon, malagkit, nakakadiri.

"Sino yan?"

 

Hindi ito nagsalita bagkus ay naramdaman niyang dinilaan nito ang kanyang mukha.

"Shit! Sino kang baboy ka! Fuck! Wag mo akong dilaan! kadiri ka!"

 

Pinilit niyang kumawala mula sa pagkakahawak nito ngunit hindi niya magawa. Pinilit niyang abutin ito mula sa likod ngunit hindi niya kaya. Inulit ng kung sinuman ang pagdila sa kanya. Lalo siyang napasigaw sa sobrang inis. Tila nilalasahan nito ang kanyang mukha.

"Sabing wag mo kong dilaan! Shit ka"

 

Hinawakan niya ang kamay niyon sa kanyang mata saka pinasada hanggang sa mga braso nito. Bumagsak ang kanyang kamay nang maramdamang walang braso ang may hawak sa kanya.

Shit! Kamay lang.. pero bakit di ako makagalaw.. Pero bakit may nagpapasasa sa pagdila sakin.

"Fuck! Let me go!"

 

Sa Huling pagdila nito sa kanya'y nadapa siya nang may tumulak sa kanya. Nang lingunin niya iyo'y nakita niya ang duguang si Samara.

"Misty...... Tulungan mo ko"

 

 

"Aaaahhhhh" 

 

"Misty!"

 

Napabangon si Misty. Hingal na hingal ang kanyang pakiramdam. Nilingon niya ang paligid. Nasa kanyang harapan si Olivia. Tila naalimpungatan ito mula sa pagkakatulog nang dahil sa kanya.

"Anong nangyari sayo?"

Pumasok sa kanyang isip si Samara.

"Si Samara?"

Napalingon silang dalawa sa natutulog na  si Samara. Napahinga ng maluwag si Misty nang makita ito.

"Ano bang nangyari sayo?" takang tanong nito.

Hindi niya alam kung dapat niyang sabihin o hindi ang kanyang mga nakita. Baka hindi ito maniwala kaya humiga na lamang siya  patalikod na nalilitong si Olivia. "Wala. Matulog ka na"

Panaginip na naman? Paanong nakita kong duguan si Samara? Anong meron sa matanda? Punyeta! ano bang meron sa panaginip ko at pati pagdila sakin nandun? Feeling ko isa akong pagkaing nais kainin. Kainis nalilito na ako sa mga nangyayari sakin!


Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

47.2K 15.4K 67
Greatest achievement: #1 in Wattpad (Mystery and Thriller Category) [Completed] 'Kailangan kitang protektahan dahil mahalaga ka. Minahal kita dahil...
4.3K 306 28
Sonya Cetera Amarez is a girl who longs to feel God's presence. Kahit na lumaki siya sa isang relihiyosong pamilya, hindi pa rin niya mahanap ang ina...
578K 17.2K 86
Kayla is not your ordinary girl. Why? Because she really isn't. May kakayahan siyang hindi naiinitindihan ng ibang tao. She has a third eye. Hindi n...
56.2K 529 8
You can't win against me,so be mine.=KL Del Fero A GANGSTER/ROMANCE story. Cover by: Agaphita Franco @Soldier- What if your enemy turns into a hero...