I Heart Kuya (Completed, 2019)

By forgottenglimmer

9.3M 166K 35.5K

Language: Taglish Started in Nov 2011 | Revamped in July 2018 | Finished in March 2019 Published in Paperback... More

Prologue (June 25, 2018)
Chapter 01 - He's Coming Back (June 26, 2018)
Chapter 02 - What Did I Do to Deserve You? (June 27, 2018)
Chapter 03 - Why do you care? (June 28, 2018)
Chapter 04 - Del Verde (June 29, 2018)
Chapter 05 - Memories (June 30, 2018)
Chapter 06 - Catching Up (July 01, 2018)
Chapter 07 - The Bachelorette Party (July 03, 2018)
Chapter 08 - Red Light Special (July 05, 2018)
Chapter 09 - Look Who's Calling (July 07, 2018)
Chapter 10 - The Phone (July 08, 2018)
Chapter 11 - The Entourage (July 10, 2018)
Chapter 12 - The girl who wears her heart on her face (July 12, 2018)
Chapter 13 - The Wedding (July 14, 2018)
Chapter 14 - Naughty Games (July 17, 2018)
Chapter 15 - The Rainy Wedding Party (July 19, 2018)
Chapter 16 - With a smile (July 21, 2018)
Chapter 17 - Please don't make a scene (July 24, 2018)
Chapter 18 - Where is she? (July 26, 2018)
Chapter 19 - Red Wine (July 28, 2018)
Chapter 20 - What really happened (July 31, 2018)
Chapter 21 - Three Hours (August 07, 2018)
Chapter 22 - Family Matters (August 09, 2018)
Chapter 23 - Caught in the Act (August 11, 2018)
Chapter 24 - Insensitive One (August 14, 2018)
Chapter 25 - A much due apology (August 16, 2018)
Chapter 26 - Drink's on me (August 18, 2018)
Chapter 27 - Boyfriend (August 21, 2018)
Chapter 28 - Why is he here? (August 23, 2018)
Chapter 29 - He deserves all the happiness in the world (August 25, 2018)
Chapter 30 - Meet the parents (August 28, 2018)
Chapter 31 - Always in a compromising position (August 30, 2018)
Chapter 32 - Moving In (September 01, 2018)
Chapter 33 - Disillusion (September 04, 2018)
Chapter 34 - Tom's Incident (September 06, 2018)
Chapter 35 - I Thought this was what you wanted (September 08, 2018)
Chapter 36 - Just Like the Old Times (September 11, 2018)
Chapter 37 - Dangling a carrot (September 13, 2018)
Chapter 38 - I'm sorry that you've met me (September 15, 2018)
Chapter 39 - Sinfully Sweet, Fatally Loved (September 18, 2018)
Chapter 40 - Bite (September 21, 2018)
Chapter 41 - Minor Inconvenience (September 22, 2018)
Chapter 42 - Undressed (September 25, 2018)
Chapter 43 - Miyaw (September 27, 2018)
Chapter 44 - It doesn't have to be difficult for it to be real (Sep 29, 2018)
Chapter 45 - Catch You (October 02, 2018)
Chapter 46 - Request (October 4, 2018)
Chapter 47 - Not for him (October 7, 2018)
Chapter 48 - Ebb and Flow (October 16, 2018)
IHK now published into Paperback! (October 26, 2018)
Chapter 49 - Choices (October 29, 2018)
Chapter 50 - Honesty Hour (October 31, 2018)
Chapter 51 - Doctor, Doctor (November 3, 2018)
Chapter 52 - I want to love you (November 6, 2018)
Chapter 53 - Maybe we're not (November 8, 2018)
Chapter 54 - Everybody leaves (November 10, 2018)
Chapter 55 - Properly, this time (November 13, 2018)
Chapter 56 - Friends? (November 15, 2018)
Chapter 57 - Happy birthday (November 17, 2018)
Chapter 58 - Gentle (November 20, 2018)
Chapter 59 - Suprise (November 22, 2018)
Chapter 60 - Melee (November 24, 2018)
Chapter 61 - Passionately (November 27, 2018)
Chapter 62 - Cope (November 29, 2018)
Chapter 63 - As long as you're happy (December 01, 2018)
Chapter 64 - Gone (December 4, 2018)
Chapter 65 - It's okay (December 06, 2018)
Chapter 66 - It's gonna be me (December 8, 2018)
Chapter 67 - Dread (December 11, 2018)
Chapter 68 - Back (December 13, 2018)
Chapter 69 - Angel (December 17, 2018)
Chapter 70 - Damaged Goods (December 31, 2018)
Chapter 71 - Sliding Doors (December 31, 2018)
Chapter 72 - Crazy (December 31, 2018)
Chapter 73 - Concerned Citizen (December 31, 2018)
Chapter 74 - Out (March 14, 2019)
Chapter 75 - Up high or down low (March 14, 2019)
Chapter 76 - Distant (March 15, 2019)
Chapter 77 - Closed (March 16, 2019)
Chapter 78 - Mending (March 17, 2019)
Chapter 79 - Yellow (March 17, 2019)
Chapter 81 - Always a family (March 17, 2019)
Chapter 82 - Perils (March 17, 2019)
Chapter 83 - Reluctance (March 17, 2019)
Final Chapter - Full circle (March 17, 2019)
Epilogue (March 17, 2019)
Final Author's Note (March 17, 2019)

Chapter 80 - First Love (March 17, 2019)

14K 342 29
By forgottenglimmer

#IHK80

'Di katulad ng karaniwang libing, walang umiiyak. Alam naman ng lahat na hindi ito masayang sandali, at wala rin namang nagsasaya. Pero payapa lang ang lahat habang inilalagak si Tom sa huli nitong hantungan— na para bang nakahinga na ng maluwag lahat ng mga nagmamahal nito sa buhay na kahit na hindi na nila ito makakasama dito sa mundong ibabaw, sa wakas, hindi na ito nahihirapan pa.

Nakatanaw lang si Lenard kay Jane na naghuhulog ng puting bulaklak kasama ang mga magulang niya at si Jewel. Ang mga magulang at kapamilya naman ni Tom sa kabilang banda.

Halos hindi na naiintindihan ni Lenard kung ang nararamdaman niya ba ay dahil sa pamamaalam sa malapit na kaibigan, o sa mga problemang hanggang ngayon ay dala-dala niya.

He can't even grieve properly because of all the hurt and pain from all those recent revelations. Gusto niyang magsabi kay Jane ng lahat ng nararamdaman niya, but he didn't want to taint her with his darkness. Lalong lalo na ngayon na tuluyan nang hindi nito makakasama si Tom— nila ng baby nito.

Kaya nang matapos ang libing, niyakap niya na lang ang kaibigan ng mahigpit na mahigpit.

"Kung may kailangan ka, nandito lang ako ah..."

"Salamat Len ha..."

Jane gave him one last squeeze in around the arms bago ito nagpunta kasama ng pamilya nito at naglakad sa kani-kanilang sasakyan. Halos nagsimula pa ngang maubos ang mga tao, bago napansin ni Lenard na wala na yata talaga siyang ganang gumalaw. Na kahit ang pag-alis sa lugar na 'yun, hindi niya mabigyan ang sarili niya ng drive at rason para kumilos.

Hanggang sa naubos na lahat ng nakikipaglibing, pero nandoon pa rin si Lenard. Feeling useless and purposeless. Ni hindi niya alam na may mas isasama pa pala kaysa sa pakiramdam niya noong umalis siya ng bahay nila 3 years ago. Mas masaklap pa sa puso niya noon na punong-puno ng galit at lungkot, mas miserable pa pala ang pakiramdam ng pusong parang wala ng gana. Wala nang laman.

Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa sasakyan. As he allowed his subconscious to take over. Naisip niya, na siguro ito 'yung nararamdaman ng mga taong sinasaktan nila ang sarili nila. Hindi para mahirapan at masaktan— pero para makaramdam ulit.

He didn't realize he is already on his way to Verde.

Hindi niya alam kung dahil ba sa kawalan ng mapagsasabihan that he already resolved into this. Biglaan lang. Halos hindi niya nga pinagisipan eh. Basta ang alam niya, kailangan niyang makarating doon.

To the place that provokes every bit of his cell the most.

Because he just wants to clear something. Although at the back of his mind, he also wanted to see her.

"No..." Napahinto siya at the middle of his drive. Pushing away his thoughts, and the fact that in truth, the main reason why he's going there is not just because he wants answers, it's because he needs her more than anything else now.

"No... Bakit ba ako nandito?!" He whispers to himself. Pilit na dine-deny ang katotoohanan na naiisip niya. Gusto niyang makipagaway sa naririnig niyang boses sa utak niya. Because in all the walls he has built around him, dati niya pa tinatak sa bumbunan niya na hinding-hindi siya pupunta dito.

Never to ask for help.

Not even to confront.

Pero anong ginagawa niya ngayon?

Almost mechanically, he is already here. Na parang wala na lang ang lahat ng nangyari sa halos kalahati ng buhay niya.

After a few breathes, he still decided to step on the accelerator.

Normal lang ang mabibilis na sasakyan lalo na sa freeway. But Lenard is too emotionally and unstable that he almost swerved to the opposite lane.

Mabuti na lang at naiwasan agad niya ang paparating na sasakyan na napapunta na sa gutter.

"Pakyunang-ina! Magpapakamatay ka ba?" Sigaw ng driver na nakasalubong niya na ngayon ay naiwang nakaparada sa gili

He wanted to stop and apologize. Pero may papadating na rin na iba pang sasakyan sa likod at harap niya that he had no choice but to move.

"I'm sorry... I'm sorry..." He hissed. Apologizing to no one in particular, but to everyone.

Ilang sandali pa, he didn't realize he is already treading that familiar path in the town's cul-de-sac.

Halos wala pa ring pinagbago ang lugar na ito. May mga mangilan-ngilang establishments lang na naitayo, pero hindi gaano kalala ang pagkaka-develop ng mga lupa.

Nandoon pa rin ang simbahan sa sa gitna ng plaza. 'yung pamilihang-bayan. Bahagyang nagbago lang 'yung city hall na ngayon ay mas malaki na.

Lumiko siya sa pinakadulong-street sa may tabi ng maliit na clinic at doon na nagsimula ang kaba niya.

Kaba na hindi niya alam kung saan nanggagaling. Kung dahil ba sa hindi siya handa? Sa galit? O sa pagkasabik?

Pero ang alam lang ni Lenard, ito 'yung unang beses sa buhay niya na wini-wish niya na sana, wala na lang 'yung hinahanap niya. Na sana, lumipat na sila. Na iba na 'yung makita niya sa lugar na hanggang ngayon ay sobrang pamilyar siya. Para may dahilan siya pra umalis kahit walang napala.

"5 minutes lang..." Sabi niya sa sarili niya nang maiparada ang sasakyan sa 'di kalayuan ng isang bahay. Iniisip niya kasi na hindi siya maghihintay doon ng matagal. May denial pa rin siya sa sarili niya kung bakit nandoon siya ngayon.

Pero ilang segundo pa lang ang lumilipas, parang gustong tumalon ng puso niya mula sa dibdib niya nang may maglakad na pamilya mula sa main street, papunta mismo sa tapat ng bahay na kanina niya pa tinitignan.

"Sht." Instinctively, napayuko si Lenard na parang nagtatago, kahit tinted naman ang sasakyan niya. Agad niya ding inayos ang sarili niya. Umupo muli ng maayos at nakita ang isang batang babae na sa tantsa niya ay halos 7 taong gulang na.

Biglang sumakit na naman ang dibdib niya. Sumigid ang galit.

This is clearly her mom, and her lover.

Lover pa din ang tawag niya sa lalaking kahit alam niya na asawa na itong legal ni Aleli.

Ang lalaking ito na minsan na rin niyang tinawag na ninong. Simula bata siya, he associated this guy to her father more than to his mom. Kaibigan ito ng tatay niya eh. At kahit hindi niya naman talaga ninong sa binyag, because he was so close to their family, pinatawag na rin sa kanya itong ninong.

And he never knew that this will happen. Na sasama ang nanay niya sa lalaking ito na parang wala itong pamilya.

And worse, na mahuhuli niya ito 3 years ago sa ganoong paraan. Kaya ngayong nakikita niya ulit ang dalawa, nagbabalik na naman ang lahat. Gusto niyang pagsisihan kung bakit nagsayang pa siya ng oras para makapunta dito.

Sa isip niya, sa oras na pumasok ang "masayang pamilya" na 'yun sa bahay nila, papaharurutin niya ang sasakyan niya paalis sa lugar na 'yun at hinding-hindi na babalik pa. Pangako niya sa sarili niya.

Pero naghahanda pa lang siyang buhayin ulit ang sasakyan, hindi niya alam kung bakit nagpaiwan ang nanay niya sa labas matapos pumasok ng ninong niya at ng batang babae. At hindi niya alam kung bakit parang naglalakad na ito ngayon papunta sa sasakyan niya.

"Shit. Shit." This time, totoong gusto niya na talagang yumuko at magtago.

In no time, nasa gilid na nga ng sasakyan niya si Aleli. Kumatok ito sa pintuan sa kinauupuan niya

Walang choice si Lenard kundi buksan ang bintana.

"Anak." Ani Aleli na may kakaibang ekspresyon sa mukha. "Gusto mo bang pumasok sa loob ng bahay?"

Lenard felt offended that he can feel the heat rise up on his face. The audacity?! Ni hindi man lang ito nagresort sa kung anong small talk o kung ano pa man. Kung magsalita ito ay parang ilang oras lang silang hindi nagkita at walang nangyaring sa pagitan nila sa higit na ilang taon.

He wanted to roll the window back up, pero pinigilan ito ni Aleli.

"Lenard."

"Uwi na ako."

"Kung hindi ka papasok sa bahay, buksan mo ang pinto at ako ang papasukin mo diyan."

"Why would I do that?!"

"Just do it. Bakit ka nandito? Alam kong may sasabihan ka, kaya huwag mo nang sayangin 'yung pagod na ipinunta mo dito, at sabihin mo na. Magusap na tayo."

Lenard can't believe his eyes and ears. He wanted to ditch respect and just drive away. Pero hindi niya alam kung ano pa rin ang nagtulak sa kanya para sundin ang sinasabi ni Aleli.

Maya-maya, katabi niya na ito sa loob ng kotse. Napailing na lang si Lenard.

"Alam mo, mana siguro talaga ako sa'yo. Sobrang sama mo." Aniya sa ina. "You can even show me some kindness, huh?

"Lenard. Alam ko galit ka sa'kin. Pero gusto lang din kitang makausap. And if I show you kindness, hindi mo rin naman ako papaniwalaan eh. Maybe it'll just drive you away..."

"And you didn't even bother trying huh?

"Please naman nak."

"Can you stop calling me anak?"

"Lenard. Ano bang ipinunta mo dito?"

"Bakit?! Para mapaalis mo ako agad?"

"What? No?" Umiling ang nanay niya. "Alam mo bang nasa kanto pa lang ako, napansin ko na agad 'tong kotse ng tatay mo."

Lenard cursed internally. Hindi niya 'yun naalala.

"So kilala mo pa rin pala 'tong sasakayan ni dad 'no? Kahit kinalimutan mo na siya."

"Lenard naman."

"So, ano 'yun? 'Yung batang babae? Kapatid ko na 'yun? Astig ah."

"We, adopted her... 8 years old na si Mina, Lenard. Hindi namin siya tunay na anak, but we're treating her as one."

So mali ang nasa isip niya. Because of his clouded thoughts, halos nakalimutan niya ang basic math. Imposible ngang maging anak 'yun ng nanay niya at ng ninong niya. Ganun pa man, may kung anong kumurot na naman sa dibdib ni Lenard. Ang sakit. Sobrang sakit.

"Buti pa siya 'no?"

"You know why we adopted her?"

Lenard waited for her to continue.

"Albert had some prostate problems. And we can't conceive a child. I guess... sumpa na sa'min 'yun."

Napabuntonghininga si Lenard.

"So am I supposed to feel bad for you guys?"

"No..."

"Then what?"

"Gusto ko lang malaman mo."

"Para?"

"I don't know..." Aleli smiled bitterly. "Hindi ko rin alam anak. I'm so sorry... for everything. I know you're mad at me. At alam ko rin na nahirapan ka sa nangyari."

"Nahirapan? Wow. Kulang pa 'yung salitang 'yun sa lahat ng pinagdaanan ko."

"I'm sorry..."

"Sobrang hirap. At ang nakakainis pa, kahit na galit na galit ako sa'yo ma, ikaw pa rin 'yung una kong hinanap ko ngayong sobrang bigat ng problema ko. And this is so unfair!"

Naramdaman na lang ni Lenard ang paghawak ni Aleli sa kamay niya.

And he didn't know why it felt so comforting. At ayaw niyang aminin 'yun. Ayaw niyang sabihin 'yun dito.

But he allowed her.

"Sa lahat ng ginawa mo sa'kin."

"I'm sorry son. I'm sorry for doing this to you. I'm sorry you even have to find it that way. Na ang sama ng nanay mo no?"

"Why?"

Umiling si Aleli.

"There are no whys."

"You didn't even think of dad?" He asked. "Ni hindi mo man lang naisip na may asawa ka. Na may pamilya ka bago mo ginawa 'to?" Lenard chuckled. "Well, I guess, hindi mo nga naisip 'yun 'no? Hindi mo pinagsisihan. Ang saya-saya mo ngayon eh."

"Hindi mo naiintindihan."

"Ipaintindi mo kasi."

"It was Albert all along."

"What are you talking about!?"

"Baliktad anak. Si Albert ang naiisip ko sa bawat oras na nandoon ako sa tatay mo."

"W-what?"

"It's true."

"How dare you say that!?" Sumigaw na si Lenard.

"I know you love your dad. At alam kong mataas ang tingin mo sa kanya and I want you to keep doing that."

"Ano bang pinagsasabi mo?!"

"But Albert—- he is my first love. And I'm sorry I made the wrong choice of marrying your dad. And it's because I thought 'eto 'yung tama. Because we already have you."

"No..."

"I'm sorry... I'm so sorry anak. I'm not sure if you'll still believe me if I say I love you and I will always do. And I'm sorry that everything has implicated you. I can only blame myself. Hindi ko man lang nasabi sa'yo ng tama ang lahat."

"What's left to say?"

"Na masakit. Dahil noong nagsasama pa kami ng tatay mo, everyday of my life, somebody is always reminding me and making me realize that It's okay to chase love. To choose love."

"So hindi mo mahal si dad? What kind of bullshit is this mom? Kung jina-justify mo lang 'yung mga pagkakamali mo sa mga twisted na pagpapaliwanag na 'to, let me out of here!"

"I'm telling the truth Lenard. Siguro mali nga ako. Mali ako na pinakasalanan ko pa ang tatay mo."

"Wow. Ayun pa talaga ang pagkakamali."

"It's because he got me pregnant."

"Ma! Gustong-gusto mo ba talaga akong saktan!?"

"This is why I never came to explain. Because everything will be so hard to digest."

"Stop this! Get out!"

"Pero ito ang totoo. Hindi ko pinagsisisihan na dumating ka sa buhay ko kahit hindi planado. Pero siguro, karma ko na rin na nalaman mo 'yung relasyon ko sa ninong mo sa ganoong paraan. In that way, hindi matutuloy ang plano ko na isama ka sa'kin."

"Why would I do that?! Hindi ako sasama sa'yo kahit hindi ko pa nalaman 'yung affair mo! So ano? Aalis ka pala talaga at iiwan si dad kahit anong mangyari?"

"It was a long and hard decision. But someone made me realize that first loves are always the greatest loves."

"That's bullshit. Sinong magsasabi niya—" But before Lenard can finish his sentence, alam niyang hindi nagsisinungaling si Aleli. "Jesus."

"Lenard..."

"Sinong nagtatak ng ka-bullshitan na 'yan sa utak mo? Sino?"

Lenard already knew, but he just wants to hear it from his mom's lips.

Pero umiling lang si Aleli.

Later, Lenard slowly goes back to Verde.

Ni hindi niya alam kung bakit hindi niya magawang magmadali, kahit sa utak niya, gusto na lang niyang lumipad doon.

Hindi niya alam kung bakit wala pala talaga siyang alam tungkol sa buhay niya. Na hindi niya maintindihan kung bakit parang palagi na lang siyang may bago nalalaman na nagpapabago ng pagtingin niya sa buhay niya.

The traffic isn't so bad, but he was maintaining a 30kph speed.

He was already passing near Del Verde University, almost near the town's border, nang may bumusina sa likod niya. Siguro dahil na rin sa kabagalan ng takbo niya.

"Oo na... Mauna ka na..." He said to himself habang iginigilid ang sasakyan para paunahin ang nagmamadaling motorista. He probably needed to stop anyway to come to his senses bago pa bumalik sa freeway.

Pero bago pa man niya mapa-andar muli ang sasakyan, he suddenly noticed someone.

It's Mia.

At kasama nito si Andres.

Hindi niya alam kung may nananadya talaga na doon pa siya sa mismong tapat nila pumarada. Pero alam niya sa sarili niyang hindi niya ito sinadya.

And the unsurprising thing is, nakatingin din si Miala sa kanya. Almost recognizing this car. Eh kung 'yung nanay niya nga na ilang taon na nilang hindi nakikita, kilala pa rin ang kotse ni Sonny, 'eto pa kaya na tumira sa bahay nila ng ilang buwan.

Nakatayo ang dalawa na parang nag-aabang ng bus pauwi.

He suddenly had no choice. He inched his car forward.

"Uhm... Pabalik kayo ng Manila?" He said almost mindlessly. "Sabay na kayo kung okay lang." Naisip niya na manang-mana nga siya sa nanay niya sa mga ganitong bagay. He is feeling the worst feeling in the world, pero hindi halata sa boses niya na parang okay lang siya at walang pinagdadaanan.

He suddenly had hope on what's inside Aleli's head. Na baka nagaalala rin naman ito at nakakaramdam ng masama pero hindi lang ipinapahalata.

Just like what he's doing now.

And he knows everyone who can hear him will think of him as an arsehole na walang pakiramdam.

"Hindi na." Si Andres ang unang nagsalita. Very sure about it. "Mas okay, kung hindi na."

Tumango lang si Lenard before rolling up his windows.

He didn't know if he felt better or worse. He just stepped on his gas and drove away with more questions, than answers.

*later*

>>Next Chapter: Chapter 81 - Always a Family

Continue Reading

You'll Also Like

252K 2.9K 73
It is another story of a man who loves to play girls. *2013*
1.1M 36K 31
(Trope Series # 3) Arielle was contented living her quiet life. She's got a job that pays well, a place to live, eats three times a day, and had frie...
1.2M 18.7K 50
Sophia's a hopeless romantic. Ayaw niyang pumasok sa isang relasyon kung hindi naman ito pangmatagalan. At kung papasok man siya sa isang relasyon, d...
2.8M 94.5K 88
Book 2 of 10 Steps To Be A Lady. Read 10STBAL first before proceeding to this story.