The Unwanted Wife (Unwanted D...

By Aimeesshh25

1M 14.7K 1.4K

Siya ay isang babaeng simple, kalog at mapang asar. Lahat nang may kinalaman sa pagkabaliw. Siya na 'yon. Lah... More

THE UNWANTED WIFE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
EPILOGUE

CHAPTER 45

13.1K 181 15
By Aimeesshh25

ERIN'S POV

Nanatili akong nakatingin sa nakalayong sasakyan ni Darren. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Alam kong hindi kami nakapag usap ng ayos bago niya ako iwan kaya hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman.

Inaamin kong nasasaktan ako sa sitwasyon naming pareho. Pero hindi ko naman puwedeng sisihin lang siya. Ang mali lang talaga sa amin ay ang oras. Wala kami sa timing.

"Sundan mo siya."

Wala sa sariling napatingin ako sa katabi. Hindi siya nakatingin sa'kin. Kumunot ang noo ko. Matunog siyang napangisi bago ako niligon.

"You want to talk to him? Fine, hindi na kita pipigilan." Natigilan ako.

"A-Ano bang sinasabi mo?"

"I'm not that stupid, Erin. Alam ko kung gaano mo siya kagustong pigilan kanina! I saw it in your eyes."

"Red..."

"What? I know, Erin. You still love him."

Napamaang ako. "Red, hindi..ano ka ba."

"Then why did you let him hug you? I was watching you the whole time." Nakita ko ang pagsilip ng luha sa mga mata niya. "At alam mo ang masakit? Ni walang pagtutol akong nakita sa'yo."

Hindi na ako nakapagsalita dahil ano pa ba ang saysay ng pagtanggi ko, tama naman siya. Hinayaan ko nga siyang yakapin ako.

"Pero hindi ibig sabihin noon na mahal ko pa siya. Ikaw na ang mahal ko ngayon, Red." Mahinang sinabi ko, kinagat ko ang labi nang manginig iyon.

He chortled but there's no humor in his eyes.

"Huwag na tayong maglokohan. If you still want him, so be it. Ayoko nang humadlang sa inyo."

Natulos ako sa kinatatayuan.

Huminga siya nang malalim at sandaling napatitig sa akin bago ako iwanan at tumungo sa loob. Hindi makapaniwalang sinundan ko siya ng tingin.

Agad naman akong tumalima at sumunod sa kanya. Naabutan ko siyang may kausap sa cellphone. Nakatalikod siya sa'kin.

"Wait, are you sure?" Tanong niya sa kabilang linya. "Really? Si Lolo? Uh, okay. Yeah. Tss, of course! I will. What the fuck?" Huminga siya ng malalim. "Alright. Bye." Saka niya binaba ang cellphone. Saglit pa siyang napatitig dito bago lumingon kung saan ako nakatayo.

"Sinong kausap mo?" Kinakabahang tanong ko. Hindi nagbago ang mukha niya at blanko lang siya habang nakatingin sa'kin.

"My mom." Simpleng sagot niya.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang magsalita siya dahil sa sobrang lamig.

"A-Ah. Ganoon ba." Tumango na lang ako.

Humakbang siya palapit sa akin. Kinabahan ako kaagad. Alam kong galit siya sa'kin. Nang konting pagitan na lang ay saka niya ko tinitigan. Napabuntong hininga siya.

"Go to your room and change your clothes. May pupuntahan tayo." Sinabi niya at agad akong tinalikuran.

Ngunit bago pa siya maka-akyat ay agad akong humabol at hinawakan siya sa braso.

"What?"

"Saan tayo pupunta?"

"Airport." Aniya at pinagpatuloy ang pag akyat. Napasimangot ako sa kasungitan niya.

Naghihimutok akong tumungo sa kuwarto at nagpalit ng damit. Nagsuot lang ako ng brown pants at black top.

Tumingin ako sa salamin. Inilugay ko ang buhok at naglagay ng make up. Light lang. Tinitigan ko ang kabuuan sa salamin.

"Ayos na 'to. Hindi ko naman kasi alam kung anong gagawin namin sa airport."

Baka may susunduin. Alangan naman mag concert si Red roon.

Lumabas na ako ng kuwarto. Tumama agad ang paningin ko kay Red na naghihintay sa paglabas ko. Nang makita niya ako saka siya nagsimulang maglakad.

"Let's go." Aniya.

Napasimangot pa ako lalo.

Galit talaga siya sa'kin. Sinundan ko siya ng tingin at dire-diretso lang siya sa paglalakad.

Mamaya ko na lang siya lalambingin. Magkakabati rin kami! Yes! Ganiyan nga, Erin!

Buo ang loob kong sumunod sa kanya patungo sa kotse. Nakita kong nakasakay na siya at ako na lang ang hinihintay.

Parang tanga akong nag abang kung pag bubuksan niya ako ng pintuan pero kanina pa ako nakatayo ay walang nangyayari.

"Papasok ka ba o ano?" Masungit niyang sinabi nang maibaba ang bintana. Napanguso ako.

"Eto na nga oh!" Ani ko at mabilis na sumakay sa tabi niya.

Sa buong biyahe ay hindi niya pa rin ako pinapansin at sobrang naiinis ako! Kaya naman hindi na ako nakatiis at nilingon ko siya.

"Saan tayo pupunta?" Nakangiting tanong ko. Hindi siya nag abalang lumingon man lang.

"Tss. Diba nasabi ko na?" Inis niyang saad.

Ah sa airport nga pala.

Tinarayan ko siya. Tangene nito, nagtatanong lang!

"Ah oo nga. Ahm, anong gagawin natin doon?" Tanong ko ulit para may mapag usapan lang.

Naghintay ako ng isasagot niya pero saglit lang siyang lumingon sa'kin.

"Susunduin natin ang kapatid ko."
Nagulat ako.

May kapatid siya?

"Talaga? Babae ba?"

"Yeah." Napatango naman ako.

Katahimikan ulit ang bumalot sa amin at kating-kati na akong mag bukas ng bagong topic. Nakakainis kasi. Talagang binabalewala niya ako. Nagalit ba siya dahil sa pagyakap ko sa kaniya? Dahil lang doon, sinabi niya na agad na mahal ko pa ang lalaki.

"R-Red.." kinakabahang tawag ko. Hindi siya nagsalita o lumingon man lang. "Red, galit ka ba?"

Hindi pa rin siya nagsalita. Patuloy lang siya sa pagmamaneho na animo'y walang kasama sa loob ng sasakyan.

Galit nga talaga siya.

"R-Red..sorry na." Mahinang sabi ko. Umisod pa ako para mapalapit sa kanya pero masamang tingin lang ang ibinato niya sa akin.

Agad naman akong napaatras at lumayo sa kanya. Inirapan ko siya habang nasa unahan ang tingin niya.

Katakot ang punyemas na 'to. Hampas kita riyan e.

"Okay. Galit ka nga. Hindi na lang kita kukulitin baka magalit ka pa lalo sa akin at ayoko ng madagdagan pa 'yon. Nakakatakot ka pa naman pag nagagalit ka. Ika--"

"Shut up, will you?" Natigilan ako nang inis niya akong lingunin at isigaw iyon sa akin. Napatitig ako sa kanya.

Hindi na kasi ako sanay na nagagalit siya sa akin kahit na noon ay lagi naman siyang ganito. Pero ngayon, nakakagulat talaga.

Mukha naman siyang nabigla sa isinigaw at agad na umiwas ng tingin. Huminga ako ng malalim at tumingin na lang sa labas ng bintana.

Itikom mo muna kasi ang bunganga mo, Erina!

Pero akala ko ba.. gusto niya ako..pero bakit niya ako sinisigawan?

Tahimik kami pareho nang makarating sa airport. Agad akong lumabas at hindi na siya hinintay. Hindi naman niya ako pagbubuksan.

Nang makababa siya ay luminga-linga siya sa paligid. Inis siyang napatingin sa cellphone at nagpipipindot doon.

Hinayaan ko na lamang siya baka magalit pa ito sa akin. Iginala ko na lang ang paningin ko at nilibang ang sarili sa mga taong nadadapuan ng aking mga mata.

Natawa pa ako nang makakita ng mag jowang nag-aaway habang mabilis na naglalakad ang lalake para hindi maabutan ng babae.

Arte ng lalaking 'to!

"Kuya? Oh my Gosh! Kuya, here!" Napatingin ako sa boses na iyon. Sobrang lakas pero may accent ang kanyang pagbigkas.

Isang magandang babae ang bumungad sa akin. Sobrang puti niya na kahit si snow white ay mahihiyang magpakita. Mahaba ang blonde niyang buhok. May katangkaran, sexy manamit at sobrang ganda.

Sinundan ko ito ng tingin at nangunot ang noo ko nang makitang papalapit ito sa puwesto namin.

"There you are." Sambit ni Red.

Nakangiting lumapit ang babae kay Red at yumakap dito. Gumanti naman ng yakap ang asawa ko. Saka niya ito hinalikan sa pisngi.

"Hey, how have you been?" Nakangiting tanong ni Red. Napairap ang babae at ni-flip pa ang magandang buhok niya.

Edi ikaw na! Mukhang rebonded siya ah, pero parang sosyal ang pagkakagawa sa buhok niya.

"I'm definitely fine! But you know what, kuya? My life there were full of shits! Ugh!" Maarteng aniya. Napangiwi ako.

"Hey! Watch your mouth!" Saway ni Red rito. "Stop cursing! You little girl."

Napanguso ang babae sa sinabi ni Red. Kung mag usap sila parang wala ako rito ah. Okay! Ayos lang yan, Erin. Sino ka ba kasi?

"I'm not little girl anymore, kuya! Psh! Can't you see? I'm dalaga na kaya!" Saka ito umikot.

Sige ng mahilo kang gaga ka!

"Tss. But, you still my little girl." Sagot nito.

Wait, I need tissue! Gosh!

Napairap ang babae at napabaling sa akin. Nagtatakang napatitig siya sa akin.

"And who are you?" She asked.

Ayun! Napansin rin!

"I'm Erin" sagot ko. Nginitian ko pa siya. Tumaas ang kilay niya.

"Erin..then?"

Napatingin ako kay Red nang hawakan niya ang kamay ko. Napatitig doon ang babae at nangunot ang noo.

"Okay. Wait, what's the meaning of that?" Turo niya sa kamay naming magkahawak.

"Derus, She's Erin. My wife." Pakilala niya kay Derus daw. Nanlaki ang mga mata nito at napatakip pa sa bibig.

"Wait--what?" Napailing si Red sa inakto ng babae, bumaling siya sa akin.

"Erin, she's Derus Rain. My sister." balewala niyang sagot.

Ang ganda niya na, ang ganda pa ng name.

Hindi niya na pinansin ang nakangangang kapatid niya dahil sa pagkagulat.

"May asawa ka na kuya? Bakit..bakit hindi ko alam?" Nakasimangot niyang tanong. Nagkibit balikat lang si Red.

"M-May isinama pa naman ako." Mahinang dagdag pa nito. Napatingin sa kanya si Red.

"What?" Tanong ni Red. Napatingin sa akin si Derus at inirapan ako. Nagulat ako roon.

Okay, Kalma self! Kapatid 'yan ng asawa mo.

"I'm sure na magugustuhan mo ang makikita mo ngayon." Nakangising aniya.

Kumalabog agad ang dibdib ko.

"What do y--" Hindi pa natatapos magsalita si Red nang mapatigil siya at mapatingin sa likuran. 

Napangiti si Derus sa reaksyon ng kapatid niya at nginisian niya naman ako. 

Nagtatakang napasulyap ako kay Red na ngayon ay nakatulala na.

Ano bang meron?

"Oh, Derus narito ka lang pala! Bakit mo ako iniwan doon?" Ani ng isang boses.

Kumalabog agad ang puso ko nang marinig ang boses niya.

Ang boses niyang napakaganda, ang boses niyang parang musika. Napalunok ako. Hindi ako puwedeng magkamali.

Napatingin siya sa lalaking katabi ko. Bumakas ang gulat sa kanyang magandang mukha. Napaawang pa ang magandang labi nito. Hindi ako makapaniwala.

"D-Drake.." tawag nito matapos ang ilang sandaling katahimikan.

Awtomatikong napatingin ako kay Red at kitang-kita ko kung paano umawang ang kanyang labi nang marahan siyang tawagin ng babaeng kararating lang. Kitang-kita ko ang mga mata niyang halos nakadikit na sa babae dahil sa pagkamangha. Tila panandalian akong nawala sa paningin niya at isa lang ang nakikita niya.

"C-Clarisse." nanghina siya nang banggitin niya ang pangalan ng babaeng kaharap namin.

Lalo siyang gumanda kumpara noong huli ko siyang nakita at walang-wala ako kumpara sa kanya.

Doon ko pinagkatitigan si Red, tila manghang- mangha siya habang nakatitig sa babaeng sobrang tagal niyang hindi nakita.

"Uhm. It's good to see you." Nakangiting sambit nito at agad na lumapit kay Red at hinalikan ito sa pisngi.

Nagulat ako roon at hindi na nakaimik.

Dahan dahan pa silang napatingin sa isat isa. Kitang-kita ko ang pagkislap ng mga mata ni Red. Napailing ako at agad na napayuko.

Hanep. Para silang nasa pelikula. Sila ang bida...at ako..hmm siguro 'yong magandang kontrabida na lang.

Nakatingin lang ako sa kanila na parang tanga. Nakalimutan yata nilang narito ako. Naiinis ako at sobrangng pagpipigil ang ginagawa ko.

"I-It's nice to see you too, Clarisse." Bakas pa rin ang pagkagulat na sambit niya. Napangiti si Clarisse.

"So? Let's go!" Anunsiyo nito. Binuhat nito ang kanyang maleta. Pero napatigil siya nang bawiin ito ni Red sa kanya.

"Ako na." Aniya.

"No, it's okay."

"Clarisse." Nambabanta ang boses nito. Natawa ang babae sa paraan ng pagbanggit ni Red sa pangalan niya.

"Okay. Hindi ka pa rin nagbabago hmm." Ngumiti lang si Red bago kunin ang kanilang mga dala.

Napatingin ako sa kanina lang na magkahawak naming mga kamay. Unti-unti niya itong binitawan at agad na umalalay sa babaeng kararating lang.

Lihim akong napangisi ngunit nasasaktan. Dumating lang ang nauna, nakalimutan niya na agad ako.

Sinundan ko sila ng tingin at nakitang malapit na sila kung nasaan nakapark ang kotse ni Red.

"Ang bilis makalimot!" Inis kong saad. Nakita kong nakasunod na rin sa kanila si Derus.

Marahas kong pinalis ang hindi ko napansing namumuong luha sa mga mata ko. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot.

Huminga muna ako ng malalim bago nakangiting sumunod sa kanila. Hindi puwede akong mag inarte dahil alam kong galit pa rin sa'kin si Red. Pero hindi ko maiwasang mainis dala sa inasta niya.

Pasakay na si Red ng sasakyan nang saktong tumigil ako sa gilid. Nagtama ang aming paningin. Nagulat siya nang makita akong nakatayo roon. Napatingin siya sa may passenger seat bago sa akin. Sumimangot ako.

So? Si Clarisse na pala ang nakaupo sa puwesto ko?! Buwisit!

Mabilis siyang lumapit sa akin at agad akong hinawakan sa magkabilang balikat. Kinakabahan siya, ramdam ko.

"E-Erin..."

"Hmm?" Walang ganang sagot ko.

"A-Ah..." He sighed. "Saglit lang."

Peke akong ngumiti. Nakahinga naman siya nang maluwag sa ngiti kong 'yon. Kakatukin niya na sana ang bintana sa unahan para siguro paalisin at doon ako paupuin pero mabilis itong bumaba.

Nabitin sa ere ang kamay niya at isang mala anghel na babae ang sumalubong sa amin. Ngumiti ito ng pagkaganda-ganda.

"Uhm, excuse me." mahinang aniya. Napakaganda ng boses. Hindi ko mapigilang hindi mapaismid.

"Dadaan ka?" Mataray kong tanong dito. Natigilan ito at nangunot ang noo.

"What?"

"What mo mukha m--aray!"

Mabilis akong napatingin kay Red nang humigpit ang hawak niya sa balikat ko. Nagulat ako at hindi ko 'yon inaasahan. Ngayon niya na lang ulit ginawa sa akin 'to.

"Uh, sorry to interrupt you, guys. But hindi pa ba tayo aalis?" Magalang na tanong niya.

Huminga ng malalim ang katabi ko bago bumaling sa kanya.

"Oh yeah, sorry." Saad  nito. Binuksan niya ang pintuan sa may likod at agad akong inalalayan.

Hindi ako kumibo o nagsalita man lamang. Nanatili akong nakatayo roon. Tumingin siya sa akin at sinenyas na pumasok na pero hindi ko siya pinansin. Napapikit siya sa inis.

"Pumasok ka na." Mariing utos niya.

"Ayoko." Sinilip ko pa ang makakatabi ko. Inip na inip ito habang nakadungaw sa akin. Hindi na ko nagulat nang tarayan niya pa ako.

Punyemas! Kung hindi ka lang kapatid ni Red! Arrgh!

"Erin! Sakay!" Sigaw niya sa akin. Lalo akong nainis, parang maluluha na ako sa galit na nararamdaman.

"Bakit sumisigaw ka?"

"Dahil ang tigas ng ulo mo!"

"Ako pa? Eh, ikaw nga 'tong nagka amnesia!"

"What?"

"What? Duh!" Panggagaya ko sa boses niya.

"Bilisan mo na."

"Bakit ba nagmamadali ka? Saan ba ang lakad mo ha?" Nakapameywang kong tanong sa kanya. Inis niyang sinarado ang pintuan ng sasakyan. Saka niya ako hinawakan sa magkabilang balikat.

"Mamaya tayo mag usap. Sa ngayon, sumakay ka na muna. Please, Erin?" Ramdam ko ang panginginig ng kanyang mga kamay na nakapatong sa aking balikat. Nagpipigil siya ng galit.

Napairap ako. At ikaw pa ang galit ah? Alam mo, gago ka.

"Kuya? Hindi pa ba tayo aalis?" Isang mataray na boses ang nagsalita mula sa loob ng sasakyan. 

Napatingin ako kay Red. Tinanguan ko siya. Nakahinga naman siya ng maluwag at bubuksan na sana ang pinto pero inunahan ko na siya.

Ha! Akala ko ba paalisin niya si Clarisse sa unahan! Pero isang salita lang ng babaeng iyon ay sumunod agad siya!

Nang makasakay ako ay sa unahan agad ako tumingin. Hindi ko pinansin ang pagsulyap sa akin nito. Narinig kong bumuntong hininga siya bago isinara ang pintuan.

"Sorry." Rinig kong usal nito kay Clarisse nang makasakay siya.

"It's okay." Ngumiti ito.

Umiwas ako ng tingin.

Hindi ba dapat sa akin siya humingi ng tawad? Bakit ganoon?

Nasasaktan ako. Kahit na napakababaw lang ng dahilan na ito para sa iba pero sa reaksyon niya pa lang kanina, hanggang sa ngayon..alam kong mahalaga pa rin siya.

Alam kong mahal niya pa rin ang babae.

Bagsak ang mga balikat na napatingin ako sa labas. Inaliw ko ang sarili sa pagbibilang ng poste na aming nadadaanan.

"Kumusta ka na?" Mahina lang ang pagkakatanong na 'yon, pero parang sa'kin niya sinabi.

"I'm fine. How about you?"

Ngumiti lang si Red, bago tumingin ulit sa kalsada.

"Bagay na bagay talaga sila. Psh! Sana sila na lang ulit." napatingin ako sa nagsalita.

Nakatingin siya sa dalawang taong masayang nag uusap sa unahan. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay saka ito nagsalita

"What?" Mataray niyang tanong.

"Whatdog" bulong ko. Tumaas ang kilay niya.

"Psh. Alam kong hindi ka mahal ng kuya ko, kaya huwag kang magselos diyan!" Inis niyang sambit sa'kin.

Sa sobrang lakas ng pagkakasabi niya ay napatingin sa amin ang dalawa sa may salamin.

Kahit na nasaktan ako sa sinabi ng batang ito, nginitian ko na lang siya. Alangan namang patulan ko diba? Edi nagmukha akong isip bata nito?!

Perooo! Buwisit sa kadaldalan! Nireal talk ako eh! Pag hindi ko natansya ito, talyang 'to tingnan niyo.

"Derus?" Tawag ni Red.

"Yes, kuya?"

"May problema ba?"

"Hmm, nothing." Nakangising aniya bago sumulyap sa akin. Hindi ko na lang sila pinansin at nagdasal na lang na sana makauwi na kami.

Napasulyap ako kay Red. Nakangiti siya habang nagmamaneho. Lihim akong napangisi.

Ganoon ba siya kasaya dahil nakita niya ang totoong mahal niya?

Masama ang loob akong umiwas ng tingin. Minabuti ko na lang na mag isip ng positibong bagay, gaya ng bakit ang ganda ko? Bakit walang makakatalo sa kagandahan ko?

May nakatalo na sa iyo! Gaga!

sambit ng utak ko.

Napasulyap ulit ako sa unahan at napaismid nang makita ang mala dyosang babaeng katabi ng asawa ko.

Edi sila na. Pakialam ko.

Ngunit nang lumingon ulit ako at nahuling sumusulyap si Red kay Clarisse, tila may malaking bagay na bumagsak sa puso ko.

Umiwas ulit ako ng tingin at palihim na pinunasan ang namumuong luha.

Ayos lang 'yan, Erin. Ganiyan talaga pag nakikita ang ex. Ikaw nga rin diba? Naging ganiyan ka rin kaya ngayon, alam mo na ang nararamdaman ni Red.

Ang galing manggaslight ng utak ko ah.

Ngunit...tunay ba 'yong sinabi niya na hindi niya na kami hahadlangan ni Darren? Kung ganoon, ayaw niya na ba sa akin?

Bumuntong hininga ako at kinalma ang sarili. Hindi na ako muling lumingon sa kanila. Nanatili ang mga mata ko sa kalsada.

Continue Reading

You'll Also Like

4.9M 320K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...
69.1K 37 47
R18