Gold Digger

By Dj_Elsiebrande

37.4K 590 44

{Fancy Girls Series Part 2 ~ Maryan Lioness ~ } Isang napaka-mayaman na maganda at sexy na dalaga o Rich and... More

Author's note
Prologue
Chap. 1
Chap. 2
Chap. 3
Chap. 4
Chap. 5
Chap. 6
Chap. 7
Chap. 8
Chap. 9
Chap. 10
Chap. 11
Chap. 12
Chap. 13
Chap. 14
Chap. 15
Chap. 16
Chap. 17 (ANG SIMULA)
Chap. 18
Chap. 19
Chap. 20
Chap. 21
Chap. 22
Chap. 23
Chap. 24
Chap. 26
Chap. 27
Chap. 28
Chap. 29
Epilogue
Message from the Author
Join my Fbgroup page

Chap. 25

790 12 1
By Dj_Elsiebrande

Pagkatapos naming dumating sa bahay ay ibinaba na niya ako mula sa pagkakabuhat.

"Ano'ng napala mo? Tigas kasi ng ulo mo. Sa panahon ngayon, yung mga gaya mo, hindi basta-basta pwedeng maglibot sa lugar na 'to mag-isa. Sige na, ipagluto mo na ako."

"Ayan ka na naman, eh! Di ba, sabi ko sa 'yo, hindi ako marunong magluto?" Nilayasan ko siya.

Sinisilip ko siya habang nanonood siya ng Eat Bulaga. Nagtago ako sa may gilid at tinawagan si Max.

"Hello, babe? Napatawag ka?"

"Dalhan mo ako ng McDo Happy Meal naman o! Tumutunog na ang tyan ko. Gutom na ako, babe, please!"

"Saan ka?" Sinend ko ang location ko kay Max sa Whatsapp.

Habang naghihintay ako sa tawag ni Max ay may nakita akong puno ng bayabas kaya lumabas muna ako. Hindi ko na tiningnan pa kung ano'ng ginagawa ni Ogre. Basta, kusa lang akong lumabas.

Pagkarating ko sa harap ng punong bayabas ay syempre, ginamit ko ang utak ko, di tulad ng mga tangang tao sa mundong ito. Sinungkit ko noong una ang mga bayabas kaso ayaw tamaan kaya sinubukan kong akyatin dahil gutom na gutom na talaga ako at kinain ito.

Makalipas ang ilang minuto o oras . . .

"Hoy! Ano'ng ginagawa mo diyan? Bumaba ka diyan! Nagiging unggoy ka na ngayon kung umakyat ng puno!" Nagulat na lang ako nang marinig ko boses ni Rojz sa ibaba kaya bumaba ako.

"Ano sa tingin mo'ng ginagawa ko?"

"Talagang hilig mo ng prutas at gulay, 'no?"

"Oo, healthy kasi siya at ayaw kong ipahamak ang sarili ko sa mga unhealthy food."

"Ano pala ito?" Inangat ng kamay niya ang hawak niyang Happy Meal McDo na ikinagulat ko kaya't inagaw ko iyon sa kanya.

"Ano 'to?" pagsisinungaling ko.

"Maryan naman. 'Wag mo na akong paikutin pa. Tara at kailangan mo na talagang magluto ng itlog dahil hindi na talaga magbabago ang isip ko 'pag ako ang napuno sa 'yo. Hindi na kita susulputin pa at magtatago ako para di mo na ako mahanap habambuhay! Binabantaan na talaga kita!" Dinuro pa ako ng ogre na 'to. Seryoso siya as in, kaya kailangan ko na talagang sumunod sa mga patakaran niya.

Noong una, yung noodles. Tinuruan niya ako. Medyo madali dahil ibo-boil lang yung tubig at buksan ang plastic na paminta at madami pang cheche-bureche.

Ngunit noong sa itlog na, parang mahirap dahil tumatalsik pa ang mga mantika nito.

"Masakit 'yan, Rojz. Please naman, kawawa skin ko!" pagmamakaawa ko.

"Hindi pwede! Kailangan mong matuto!" Iniwan niya ako pagkatapos niyang maipakita sa akin kung paano.

Makatapos ang ilang minuto habang nakaupo siya, inilagay ko na sa mesa ang itlog na niluto ko.

"Ano 'yan? Ipapakain mo sa akin 'yang tutong na itlog na 'yan?"

"Sorry na, Rojz, palpak eh! At saka, pati pagbukas ng itlog ay nahihirapan ako."

"Paano ka di mahihirapan eh ang hahaba ng kuko mo! Sabi ko na sa 'yo noon pa na mag-nail cutter ka. Sige, ikaw na ang kumain ng tutong na itlog na 'yan! Bibili na lang ako sa labas!"

Naiyak ako sa sinabi niya at nagdadabog pa siya. Kinain ko na lang ang tutong na itlog habang luhaan ako kasi pinaghirapan ko naman 'yon, eh. Di ko ma-carry na umulam ng itlog kasi ang kadalasan kong kinakain ay lobster at iba't ibang klase ng seafood.

Pagkatapos ko kumain ay nagpahinga na ako't umupo sa tv. Biglang pinatay na naman ito ni Rojz.

"May gagawin ka pa Maryan. Maglalaba ka!"

"Sorry pero hindi rin ako marunong. Masisira din kamay ko bullshit ka! Plano mo bang sirain ang kutis ko Rojz ha! Plano mo ba!." Sigaw ko.

"Yang mga damit mo lang naman ang lalabhan mo!"

Wala akong magawa kundi sumunod. Umupo ako sa maliit na silyang pambata tapos dalawang palanggana ang nasa harapan ko at may isang malaking dos por dos na kahoy. Di ko alam para saan pa 'to. Sana pamalo na lang sa ulo ni Rojz para tuluyan na siyang mamatay.

"O! Nandito na pala si Aling Cecelia. Siya na ang magtuturo sa 'yo! Aalis muna ako."

Pumasok ulit itong aleng bungi at duling pa para turuan niya akong maglaba.

Makalipas ang ilang minuto ay tagaktak na ang pawis ko at nangangalay na mga kamay ko. Hirap na hirap ako. Pagtayo ko ay tila nangangatog na rin ang binti ko. Para akong nag-gym.

"Maryan, di ka pa tapos. Isasampay mo pa 'yan."

"Ha? Nakikita mo ngang hirap na hirap ako rito eh! Kailangan ko ng juice. Ipagtimpla mo ako ng juice o iced tea man lang."

"Pasensya na pero huling habilin ni Don Rojz ay hindi susundin ang utos n'yo. Hindi ko alam kung nagda-drama rin kayo dahil dalawang labahan lang naman ang ginawa n'yo. Ang magkapares na itim na damit n'yo at yung duster ko."

"So, ano ngayon? Nagrereklamo ka? Hindi mo ba ako kilala? Pwede kitang bilhan ng kumikintab na pustiso kaya ipagtimpla mo na ako ng juice!" sigaw ko.

"Talaga, Maryan?"

"At saka nakakairita na. Paano mo pala alam ang pangalan ko? At bakit Don ang tawag mo kay Ogre Rojz."

"Secret!" Biglang napahilot ako ng ulo nang sinabi niya iyon.

"May alam ka pang pa-secret-secret pero sinabi mo naman na 'yang yeast galing diyan sa asim ng pekpek mo ay hinahalo mo sa tuyo na ulam mo! My gawd! Umalis ka sa harapan ko! Kaya ko na 'to, basta umalis ka na! Ngayon din!" Sumigaw ako nang sobra at pinandilatan ang matanda kaya umalis ito.

Binuksan ko na lang ang YouTube at doon ko pinanood ang mga tutorial kung paano magsampay, pati na rin ang pagpaplantsa dahil pikon na pikon na ako sa pinagagawa sa akin ni Rojz.

Tumagal nang ilang linggo. Ganito palagi ang cycle namin sa bahay. Pinaplantsa ko mga damit niya, oo tangina niya! Ginawa niya akong maid niya! Pero panay naman ako panood ng tutorial sa YouTube kung paano gawin lahat.

Mahirap sa una. First week ng pagiging yaya ni Rojz. Wala akong ginawa kundi umiyak dahil ang hirap mag-adjust, lalo na sa gaya kong laking mayaman. Pero sa second week, medyo ako nasasanay sa lahat ng gawaing-bahay. Pagwawalis, minsan nagma-mop. Third week, nakasanayan ko na. Na-enjoy ko rin ang pagluluto at nasasarapan ako sa luto ko. Carry lang. Forth week o isang buwan na ang nakalilipas, pagpasok ni Rojz ay nagulat siya na tila hirap maipinta ang kanyang mga mata.

"Ano'ng ginawa mo sa bahay ko?"

"Nag-mop ako pagkatapos magwalis. Tapos kinuha ko yung mga damit na hindi na ginagamit ng kapitbahay at pininturahan ko at ginawang kurtina at cover ko sa sofa para masarap na ang tulog mo dito sa sala at masarap tingnan. Ang babait ng kapitbahay natin. Binibigyan nila ako ng kung ano-ano," ngiting sinabi ko kay Rojz.

Paglabas ni Rojz ay maraming nakapila roon na mga lalaki at babae na tila ginawang tambakan ng regalo ang bahay niya dahil kung ano-ano ang dala.

"Rojz, mahal na mahal namin 'yang si Koreanang tisay. Ang ganda-ganda niya at ang bait pa. Kaya pinamimigay namin itong mga hindi na namin nagagamit na gamit pati pagkain para sa inyo. Ginugutom mo raw kasi siya at hindi binibilhan ng damit."

Biglang nainis si Rojz at tumingin at natanong sa akin. "Totoo ba 'yon?"

Sumigaw muli ang ale. "Di, joke lang, Rojz. Gusto lang kitang asarin dahil bagay kayo."

Sa sobrang inis na sinabi ni Rojz ay pinalayas niya ang mga ito at humarap sa akin na tinatago ang ngiti or pakipot! Ay 'sus! "Mukhang ini-enjoy mo na yata. Yung ref?"

"May bago din tayong ref kasi inayos nila."

"Parang nag-iba ang ihip ng hangin, Maryan. Nakikipagkaibigan ka na sa kanila na kung tratuhin mo dati ay wagas?"

"Rojz, ngayon ko lang kasi na-realize na ang hirap maging katulong. Ang hirap maging mahirap. Gusto kong magpasalamat sa 'yo. Kung hindi dahil sa 'yo, Rojz, hindi ko mare-realize kung gaano pala kahirap magtrabaho at mamuhay nang kulang sa budget at walang experience or di bihasa sa lahat. I just realized na I am just wasting my time sweating to have a shape in the gym pero dito mas may sense pa magpawis at magpapayat. Dito ay wala pang bayad."

"Ano iyot?"

"You son of a bitch! My goood! Ang sabi ko, Rojz, di ka lang bingi! Manyak ka pa!"

"Ah, sorry! Sabi ko iyon hindi iyot! Okay, nasaan ang uulamin ko?"

"Nandoon. Tara, upo ka," nakangiti kong sinabi sa kanya at nagtitimpi sa berde niyang tainga na tila di niya pinapasakan ng cotton buds.

Pagkaupo niya. Hindi ko ma-explain ang mukha niya. Parang nabigla talaga sa buong bahay. Syempre ako pa? Tila na-renovate ang bahay na 'to gamit ang utak ko dahil mga recycled ang ginamit ko. Naging isang art studio ang squatter's house niya. Yung squatter na bahay, naging moderno.

Pagkabukas ko ng mga ulam ay muli siyang nangisay sa tuwa.

"Wow! Mukhang masarap 'to, Maryan. Ano'ng tawag diyan?"

"Nahanap ko yung recipe niyan sa internet. Monggo with Tuyo, tapos itong isa naman ay Champorado with Tuyo."

"Okay na sana yung Monggo with Tuyo pero mag-isa ka na lang kumain niyang Champorado with Tuyo." Hindi ko alam pero parang nangasim ang pagmumukha niya. What to do? Sa YouTube lang naman ako kumukuha ng mga ganiyang recipe source. Arte ni Mister Rojz Lakiabs?

Bigla ko sa kanyang inabot ang isang baso na parang chocolate shake. "O! Ayan ang juice." Iniabot ko at ininom niya.

"Sarap naman nito, Maryan. Laki ng improvement mo!"

"Oo naman, healthy 'yan. Medicinal 'yan. Yung recipe galing sa China. Cockroach chocolate juice, yung mga nymph sa refrigerator mo ang ginamit ko."

Bigla na lang siya napa-spit at nasuka. "Bigyan mo ako ng tubig! Dali! Tangina!" Nagmadali naman akong kunin ang baso at nilagyan ko ng tubig saka inabot sa kanya at ininom.

"Maryan naman! Halos lahat yata ng makita mo sa YouTube at Google, ginagaya mo. Okay na sana lahat para sa iyo, eh!"

"Mas reliable kasi 'yon kaysa doon sa sugar mommy mong duling na nga, bungi pa. Ano na? Pupunta ka na ba sa ama mo? It's been a month, for godsake, Rojz!"

"Pag-iisipan ko pa."

"Ha? Ano?"

"'Wag kang mag-alala. Hindi ako aayaw. Tara at saluhan mo akong kumain."

Agad naman akong naupo sa tabi niya at kumain kasabay siya. Ngunit napapansin ko na parang ninanakawan ako ng tingin ni Rojz habang kumakain kami. Ano'ng problema ng lalaking ito! Sinisilip-silip kuno ang dibdib ko. Sorry siya. Mas gusto ko na braless ako sa duster. Mahangin kasi. Kahit naman sa mansyon. Pambahay ko talaga na hindi ko sinusuutan ng bra.


Continue Reading

You'll Also Like

17.3K 1.1K 35
WARNING! (R18) COMPLETED NOBELISTA SERIES 1 Mala-santo ang pangalan, tumira ng mahigit isang taon sa loob ng kumbento ngunit sa isang iglap ay naging...
565K 15.4K 42
Throughout her life, Jayce has devoted herself to always do her best for her parents. She always wants to show and prove to them that she is the daug...
767K 15.9K 49
"Where am I?!" Pinipilit niyang makatakas sa pagkatali niya pero hindi niya iyon magawa. May nakatakip din sa mga mata niya kaya wala siyang makita...
3.7K 238 27
Si Jonathan Darius Moxford ay takda nang ikasal kay Natashia Nathalia Reyes. Lahat ng preparasyon ay ayos na, mula sa pinakamaliit na souvenir para s...