Si Amethyst Ang Purple Witch

By purplemist_DheEnz21

662 157 4

I know I'm a bit different . . . I know I'm a bit . . . off sometimes. I Maybe Weird . . . And a loner . . . ... More

Prologue:
Chapter 1- 'Paligsahan'
Chapter 2 - Malikmata
Chapter 3 - Rebelasyon
Chapter 4 - Pagpupulong
Chapter 5 - Engkwentro
Chapter 6 - Pagkalito
Chapter 7 - Gabay
Chapter 8 - Bahaghari
Chapter 9 - Kakaiba
Chapter 10 - Musikalya Bahaghari Academy
Chapter 11 - Dhean
Chapter 12 - Panaginip
Chapter 13 - Kaarawan
Chapter 14 - Nakaraan
Chapter 15 - Elemento
Chapter 16 - Lawa
Chapter 17 - Top 1
Chapter 18 - Misyon
Chapter 19 - Lila
Chapter 20 - Nakalipas
Chapter 22 - Suspects
Chapter 23 - Show
Chapter 24 - May Kakaiba
Chapter 25 - Biktima
Chapter 26 - Hinala
Chapter 27 - Reyna
Chapter 28 - Bihag
Chapter 29 - Dibersyon
Chapter 30 - Pagsasanay
Chapter 31 - Frat

Chapter 21 - Vocalist

12 1 0
By purplemist_DheEnz21

"Maharlika? ---" sinubukan nyang hulaan kung sino ang may hawak ng kamay nya.

"Bilisan mo nalang," it said coldly. For about 8-10 minutes magkahawak lang ang kamay nila hanggang sa maabot nila ang pinaka baba ng hagdan at dahan dahan pa shang inalalayan nito hanggang sa buksan nya ang pinto at nagulat pa sha na ang nilabasan nila ay ang bundok at gubat kung saan sila unang naka kita ng Unicorns at bahaghari.

Matapos nito ay binitawan na ang kamay nya.

Saglit pa silang naglakad at ng lingunin ni Amethyst ang pinanggalingan ay wala naman ng bakas nito. Nasan na Yung hagdan? Nasabi pa nito sa pagtataka.

"Saan tayo pupunta?" Malayo na si Dhean, magkakausap naman sila Ehmerald, Mitzy at Fransesca samantalang malalayo naman sina Daniella at Alonzo kaya walang ibang napagtanungan si Amethyst kundi si Marquee.

"Akina baka nabibigatan ka---"

"Okay lang ako don't worry. Basta maglakad ka nalang jan," ngiti nito na halos irapan nalang niya dahil naglabasan nanaman ang mga dimples nito at ayaw nyang makita dahil baka nanaman may maisip sha at marinig nanaman nito.

Napangiti lalo ng maluwag si Marquee habang naka yuko.

Hala hala halaaaa. Gawin mong blanko ang utak mo, blanko, blankoooo.

Siguro di na napigilan ni Marquee at natawa na talaga sha ng tuluyan.

"You can just close it if you want to," seryoso nitong sabi pero di padin nawawala ang ngiti.

"Pano?"

"Hawakan mo ang sintido ng ulo mo and say Saradhe to close it. Abre to open it. Come on try it," at ginawa nga nya ang sinabi nito.

"Read my mind,"

"Wow. I can't. Job well done," ngumiti pa ulit ito.

"Now read it," bahagyang tumahimik pa si Marquee para makinig.

Thank you.

Your welcome. Lalo pang nilakihan ni Marquee ang pagkakangiti at nangiti nadin si Amethyst.

"C'mon guys, nandito na tayo," hatak ni Ehmerald kay Mitzy at Amethyst.

"Ano? Saan?" Umikot ang mata ni Mitzy pero walang makita.

Linabas ni Ehmerald at Dhean ang wand nila, may binulong at inikot ikot and poof!

Lumabas bigla ang naka camouflage bilang mga dahon at ugat ng puno na isang kulay Lila na mini van.

"Woah. Di na yata ako masasanay sa magic," natutuwa si Mitzy at inikot pa ang sasakyan.

"Pero teka, pano tayo magkakasha jan?" Ngiwi ni Amethyst.

"You'll see," sabay ng naunang pumasok sina Dhean at nahuli si Mitzy at Amethyst.

"Wooooooow," halos sabay pa silang dalawa ng makapasok sa van. Sobrang laki ng space nito at ni hindi manlang nila alam kung paano nangyari yun.

Maraming pindutan ang bumungad sakanila pag pasok dito at nag umpisang magsi pindot si Dhean at Ehmerald sa magkabilang side ng mini van. May malaking sala set na may malaking lamesa din sa gitna sa bandang kanan ng van malapit sa driver's seat kung saan umupo sila Fransesca at iba pa. Sa kaliwa naman ay isang malaking space kung saan maraming pindutan at nandoon sina Ehmerald at Dhean at may maliit na pintuan doon.

"Feel free to roam around guys," si Ehmerald habang naka talikod sakanila.

Pag pasok nila sa maliit na pintuan na yon ay mahabang pasilyo pa pala na may tig dalawang pintuan. Sa magka bilang side naman ay isang malaking spasyo na puro salamin at hinala nila ay ang mini training room na kakasha ang apat ka tao.

Sumunod sa kanan at unang pintuan ay isang malaking kwarto na may anim na double deck na mga kama.

Pumasok sila sandali at iniwan ang mga maleta nila at nagpatuloy sa huling pintuan sa kanan pero naka lock ito. Pinihit pa ulit ni Mitzy dahil baka na stock lang pero ayaw padin.

"Mitzy, Yze, tawag na kayo ni Maharlika," at nagmadali na silang lunabas sa makitid na pasilyo.

"Walang oras magpahinga ngayon. Ang oras ng tulog ay 8. Kakain saglit magpapahinga and then derecho na sa pag sasanay," seryosong seryoso si Dhean na nagpipindot saglit sa may likuran nya at biglang nawala ang mga bintana. Dumilim at binuksan nalang ni Ehmerald ang mga ilaw sa van, "makinig mabuti. Alam naman na yata ng lahat na mga 'spiya' tayo diba?" May kutob man sina Yze at Mitzy ay nagulat padin sila ng marinig ito mula kay Dhean, "May kanya kanya tayong destinasyon. Marquee, Daniella at Mitzy, kayo sa isang 5stars Hotel sa Makati. Mitzy, ikaw ang lead vocalist. At Marquee, manager ka nilang dalawa. Ehmerald, ikaw ang lead vocalist kasama mo si Frans at Alonzo vocalist din sa isang sikat na club sa Makati. Yze, ikaw at ako. Sa isang club sa Manila. Ikaw ang lead vocalist and boyfriend mo ako na vocalist din,"

Nanlaki ang mga mata nilang lahat.
Shempre lalo na si Amethyst pero di nalang sha nagpahalata.

Si Mitzy, ay nag training kasama si Fransesca, Ehmerald, Alonzo at Daniella sa training room nagsasanay sa mind power ni Mitzy samantalang sa sala naman sina Amethyst at Dhean kasama ang iba pa ay doon nagsanay na humiram ng elemento, kung paano ito dahan dahang kunin at kung paano ito gamitin ng maayos.

Naging mahaba ang mga trainings nila at inabot din ng tatlong oras habang bumabyahe si Lily, ang mini van nila.

After ng nakakapagod na training ay agad naman nadin silang kumain at natulog.

Madaling araw at nanggising na ang alarm ni Lily. 4:00 a.m. nagsi ligo na sila at nagsikain matapos ay nagkaron pa sila ng mga basic training sa wands and simple tricks nito. Halos 7 a.m. na ng maka rating sila sa kanya kanyang destinasyon.

Kanya kanya na silang pag susuot ng mga contact lenses, wigs, at paglalagay ng kung ano anong kolorete sa mukha gaya ng fake na nunal at mga dimples. Naka inom narin ng mga potions ang ilan sakanila lalo na ang mga batang sina Amethyst, Mitzy, Ehmerald at Dhean para mag mukhang matatanda na sila na eepekto lang ng dose oras kung kaya kumilos na sila.

Napag desisyunan na nila na ang way of contacting each other ay ang speaker na inilalagay sa ngipin upang di sila mahalata. Maraming protective gadget ang ipinamigay at pinaliwanag ni Dhean sakanila bago sila lumabas. Nag dasal nadin sila ng mataimtim para sa hiwahiwalay nilang misyon at ang huli nga ay naiwan na si Yze at Dhean sa sasakyan.

"Lahat ng gagawin natin ngayon ay pag papanggap lang. Nasa public man tayo o nasa iisang kwarto, once na maka labas na tayo sa sasakyang ito, mag papanggap na tayo. Trabaho lang ito kaya wag mong dibdibin mashado," sabay abot nito ng potion at sabay nilang ininom.

Hila hila ni Dhean ang mga maleta nila agad na silang tumuloy sa isang malaking club kung saan sarado pa ito ng umagang iyon. Sinabihan sila na kilala na sila ng may ari at na mamaya pang 4 ang buKas ng bar at bumalik nalang sila.

Hindi sila pwedeng sa van lang matulog dahil mahahalata sila. Naghanap sila ng malapit lang na semi hotel dahil ang pagkaka kilala sakanila ay may kayang mag boyfriend.

"Single room, King sized bed, three days," sabi agad ni Dhean.

"Ka-kailangan ba talaga iisa lang tayo ng kwarto?" Tanong nya agad kay Dhean ng marinig nito na ang kwarto na hiningi ni Dhean mula sa desk clerk ay isang room lang.

"Loooove," hila sa baywang nya si Dhean papalapit agad sa katawan nito na lalo pang nagpalaki ng mata at nagpa kaba sakanya, "mashado ka talaga conservative," sabay halik pa nito sa noo nya.

Oh my God jusko Loooord! Ano ba tong pinasok ko!!!! Nangangatog agad ang tuhod nya sa presence palang ng katawan nito na nakadikit sa katawan nya habang nag lalakad sila papuntang elevator.

Diba sinabihan na kita once na lumabas na tayo ng Lily, kailangan na nating magpanggap? Na kahit nasa iisang kwarto lang tayo magpapanggap padin tayo? You'll never know kung sinong nanunuod!

I-Im sorry Maharlika.

Pagdating nila sa 16th floor agad nilang nakita ang room nila at pumasok sila doon ng nagdadabog si Dhean na walang sali salita at puro telepathy lang.

God dammit Yze! Ipapahamak mo ba ang misyon natin? Pag sakaling may nagtanong sa desk clerk na yun at yun ang sinagot nya, pwedeng buking na tayo!

"I'm sorry na nga,"

Mag ingat ka naman! We are on a mission at akala ko naman naintindihan mo na! Sabay bagsak nya sa pintuan at maleta na kina gulat pa ni Amethyst dahil sa utak lang ito nagsasalita.

Go easy on her bro it's her first time. Kabado pa yan.

Pareho nilang narinig sa mga utak nila. Dun na nag umpisang maluha si Amethyst habang naka talikod kay Dhean na naka upo sa gilid ng kama at naka yuko.

Yze? Pasensha kana kay Maharlika Dhean. Halimaw kasi yan pagdating sa mga misyon. Kumbaga always on cam sha. Wag ka mailang ganyan talaga ang mga misyon natin okay? Very comforting at naka bawas ng sama ng loob nya ang mga sinasabi ng napag alaman nyang si Marquee at agad naman nyang sinagot. May iba pa sha sanang naririnig na boses kaya lang siguro ay dahil sobrang layo na nila kaya't di na magkaintindihan.

Nagpunta sha sa bathroom upang maghilamos at nagulat pa ng makita ang mukha nya at ang wig nya na blond wavy hair at halos di na nya makilala ang sariling ichura. Mas humaba ang face nya at mas nagmukhang matured dahil sa ininom na potion. May kunwaring earing pa sha sa nose at kilay at dark ang eyeliner at lipstick nya.

Not so very me. Natawa pa sha bahagya at Nag bago ng make up. Kinuha nya ang wand at bumanggit ng ilang salitang natutunan nya sa training and pooof! Nag iba na agad ang ichura nya. Nawala ang wig na blond at pinalitan ng bob cut na brown hair. Nawala pati din ang mga hikaw sa kilay at ilong pati ang makapal na eyeliner. Naglagay ng pekeng nunal sa may noo, at nag shades. Pati ang dress ay napalitan ng simpleng casual dress lang at ang stiletto ay napalitan ng semi hi heeled sandals. Ng makuntento sa ichura ay lumabas na.

Pag labas nga nya ay nakita nyang naka hilata na si Dhean at mukhang naka tulog na kaya't kinuha nya ang handbag nya susi ng hotel room at dahan dahang umalis.



💜💜💜💜💜💜

Wala sa usapan nila ang pag alis nya pero naisipan nyang bumalik malapit sa club na pagtatrabahuhan nya at napiling kumain sa halos tapat nito ng lumpia bilang meryenda para hindi mabusog.

"Buti nalang nga at nagbubukas na sila ngayon ano?" Sabi ng isang matabang ale na nakasuot ng apron.

"Anong buti nalang 'ta eh ang ingay kaya nyan pag gabi tapos lagi pang may rambol ang gulo tuloy sa lugar natin," reklamo ng mas batang mukhang waitress. Naka pustura ito at may chewing gum na nguya nguya.

"Eh dito din naman nag babanlaw ang mga costumer jan sayang din kaya," sagot ulit ng matabang ale na Aling Kalla ang pangalan.

Ng umagang yun dalawa lang
silang kumakain sa carinderiang yun at umalis na ang isa kaya malaya silang nakikipag kwentuhan.

"Bakit po? Nag sarado po ba yang bar?" naki sabad na agad si Amethyst.

"Aba oo iha. Matapos ng nangyaring patayan jan pansamantala silang nagsarado mga 3 araw," sagot ni Aling Kalla.

"Eh pano ba naman, jan mismo naganap ang pagpatay at hanggat ngayon di padin alam kung sino ang talagang suspect," sagot ng isa pang babaeng payat na may dala dalang mga maduduming pinggan.

"Ay talaga po may namatay jan? Naku kawawa naman," sagot ni Amethyst na sinasadyang dahan dahanin ang pagkain at alam nyang makaka kalap sha ng information sa mga kausap.

"Oo mabait na bata yun si Alexis. Napaka ganda ng boses at napaka ganda din sayang talaga yun. Bata pa," sagot ng babaeng may chewing gum na napag alaman nyang Tessa ang pangalan.

"Ganun po ba? Wala po bang suspect? Sana po nahuli na para magkaron sha ng justice," sabat ulit ni Amethyst.

"Meron pero bago pa mamatay ang biktima umalis na yun jan sa bar pero ang sabi mula jan sa katabi ng bar na tindahan, ayun oh. Kita mo?" Tumuturo turo pa si Aling Kalla, "na bumili daw iyon ng sigarilyo sakanya isang araw bago naganap ang pag patay,"

"Matalik nyang kaibigan yun dati kaya di ko maintindihan kung bakit naiturin nilang suspect yun," nagpunas ng kabilang lamesa si Tessa.

"Ah, baka naman po may ibang suspects pa," kunyari ay walang pake si Amethyst na nguya lang ng nguya ng lumpia.

"Aba oo iha meron pa," pag lalagay ni aling Kalla ng mukhang bagong lutong ulam sa lalagyan.

"Sino pa po?" Biglang bigla ay tumaas ang interest nya sa mga kausap.

--------End of Chapter 21-----

Continue Reading

You'll Also Like

249K 7.4K 60
I could say this is one clichΓ© story. A college girl died and transmigrated into an otome game she once played. Unfortunately she becomes the villain...
182K 473 107
Erotic shots
47.9K 2.8K 22
𝐁𝐨𝐨𝐀 # 𝟏 𝐨𝐟 π“π‘πž π‘πšπšπ³ 𝐬𝐞𝐫𝐒𝐞𝐬. Love or betrayal? Consumption of betrayals. Internal betrayal? Yes! Will they be overcome? Or W...