FATE 2: DESTINY'S HEART - COM...

By WeirdyGurl

100K 5.8K 1.5K

Alyce lived an antagonist life as Allysa's evil twin sister and now, she is trap in a phase where she should... More

Heavenly Prologue
I. Welcome Back Alyce
II. Avoiding Alyce
III. Damnwin To The Rescue
IV. ET & GAGO
V. You're My Precious Moment
VI. Si ET ang BUKO
VII. Destiny's Night
APRIL FOOLS
VIII. Je Te Veux
IX. Sweet Frenemies
X. Knowing Darwin Fate
XI. The Unseen Faded String
XII. Stuck On You
XIV. Let Her Fall
XV. End Is Here
XVI: Alyce's Confession
XVII: Far From Each Other
XVIII: Resisting their love
XIX: Her Hidden Memories
XX. Could I Love You Any More?
XXI. Making Every Moment Precious
XXII. Love Me
XXIII. Orphanage
XXIV: Align of Forever
XXV: Paalam
Destiny's Love Letter
XXVI: Without You
XXVII: The Truth
XXVIII: Darven & Darwin
XXIX: He's Home
XXX: I Choose You
Epilogue
AUTHOR'S NOTE

XIII. Alyce's Feelings

2.4K 141 66
By WeirdyGurl

"MY gift," inabot ni Keeper kay Darwin ang isang framed sketch nilang dalawa ni Alyce. "I couldn't get out of it from my head. I have weaknesses in precious moments."

It was only a half body sketch. Magkayakap sila roon ni Alyce. They were both smiling as she wrapped her arms on his neck while he was holding her on her waist. He couldn't help his smile. It was a good memory indeed.

"Thank you."

"She did so much effort for that which she don't rarely do in other people. It was so sweet of her. Kaya bawasan mo ang pag-away sa kanya. Iniinis mo kasi lagi kaya naiinis din siya sa'yo."

Natawa siya. "Ang cute niya kasing mapikon."

"Bully,"

"I'm just giving her all the time in the world to appreciate life, Keeper." His tone now was serious. "I'm not sure what lies a head of us or how she will be able to cope up after this, but I don't want to give up on her. I wanted her to be happy... without me in her life."

"Darwin?"

"We all know that I can't stay in this world forever. Sooner or later, I have to replaced my father. Taking in the responsibility means leaving the life here on earth. Leaving my friends and my human family. Kaya bago 'yon mangyari, kailangan ko munang masigurado na masaya si Alyce. It's the least that I can do for her."

"She'll be fine," Keeper smiled. "She's strong."

"I know,"







ITINIGIL ni Alyce ang pagtugtog at muling inabot ang lapis at piano sheet na kanina pa niya sinusubukang buoin. This is the first time na gagawa siya ng sariling kanta. She was playing randomly at the keys earlier when she realized she was playing the same melody the whole time.

She liked the feeling of it. It was so refreshing. Para bang may na discover siyang talent na 'di pa niya nasusubukan. Muli niyang itinabi ang piano sheet at sinubukan ulit na ituloy ang melody na nagawa na niya kanina. 

She was interrupted by a call from her phone.

Inabot niya ang cell phone sa itaas ng piano at nakita niya na rumihistro ang pangalan ni Darwin sa screen.

"Hello," sagot niya. "Napatawag ka?"

"Busy ka?"

"Hindi naman, why?"

"You seemed happy."

Napangiti siya. "'Yan lang ba ang tinawag mo?"

"I just have a feeling... just checking."

"Well, I am. May kino-compose akong music. Sinisimulan ko pa lang. I'm not sure kung kailan ko siya matatapos pero I'm hoping na matapos ko agad siya."

"Matatapos mo 'yan. Huwag mo lang masyadong i-pressure ang sarili mo."

"Hindi ko pini-pressure ang sarili ko. I'm just enjoying this new discovery. Na saan ka ba ngayon?"

"Nasa café lang, nangangape."

"I'll visit later."

"Why?"

"Can't I?"

Natawa ito sa kabilang linya. "Of course, you can. I'll be expecting you in awhile."





NANG dumating si Alyce sa Dolce Fate ay wala si Darwin. Lumabas lang daw saglit, 'di nagsabi kung saan. Paakyat siya ng rooftop nang matigilan siya. Nasa second floor siya ng café. It was a vacant space at kalahati ng floor na 'yon ay kwarto at opisina ni Darwin.

It was kind of weird, pero parang may humahatak sa kanya para buksan ang nag-iisang pinto roon. Naigala niya ang tingin sa paligid. Walang tao. Wala ring CCTV camera. Hindi naman siguro mamasain ni Darwin kung sisilip siya sa opisina nito.

Maingat na naglakad siya palapit sa saradong pinto. Lock kaya ang pinto? The last time, nang malasing siya ay hindi niya masyadong nabisitihan ang lugar dahil nagmamadali siyang umalis.

Paghawak niya sa knob ay lock. Pero nang pihitin niya ulit ng dalawang beses ang pinto ay bumukas 'yon. It created a creaking sound when she opened it. Hindi niya tuloy alam kung lock ba talaga 'yon o hindi kanina.

Pumasok siya sa loob at sobra siyang namangha sa nakita. Darwin's room was a vintage inspired room that are mostly in sepia colors. Ang dami nitong cabinets at book shelves. May malaking lumang mapa pa ng mundo sa pader. May nakatusok na red pins sa mga specific na lugar. A red string is tied with those pins na siyang nagko-connect sa mga pins sa iba't ibang lugar.

Sa isang bahagi ng silid ang patung-patong na lumang travel suitcases na hindi na ginagamit sa panahon ngayon. May nakadikit na mga stickers ng iba't ibang flags ng ibang bansa sa katawan ng mga suitcases. He has one grandfather clock near his working table.

Nasa kabilang panig ng silid ang working table nito, sa kabila naman ang kama. Napansin niyang nakapalibot ang wall shelves sa silid. She was not sure if those were books dahil mukhang journals naman yata ang mga 'yon.

Lumapit siya sa mesa at nakita niya ang nakabukas na photo album. The photos on that page are taken from his birthday. Napangiti siya. It was really Darwin's. He loves keeping memories. Which she think is very sweet for a guy.

Inangat niya ang nag-iisang frame sa mesa nito. It was a sketch of his family. Marahil ito ang ama at mga kapatid nito.

"Alyce?"

Mabilis na naibaba niya ang picture frame sa mesa at nilingon si Darwin. "S-Sorry, bukas kasi ang pinto kanina." Pagsisinungaling niya.

"Kanina ka pa?"

"Hindi naman, kakarating ko lang naman."

Lumapit ito sa kanya. "Sorry, makalat ang kwarto ko. Sa labas na lang tayo mag-usap."

"I don't think it's a mess. I like your room. It reminds me so much of the past."

Ngumiti ito. "Halika na," hinawakan siya nito sa kamay at hinila na palabas ng silid nito.

"Nakita ko ang frame ng family mo."

Natawa ito. "Mukha kaming extended family ng Adam's family, diba?" dumiretso sila sa ibaba at naupo sa dating puwesto nila.

"Hindi naman," she chuckled. "Medyo lang."

"So how was your new discovery?"

"Hindi ko pa tapos, pero like I said, I'm not in a rush. Matatapos ko rin 'yon." Nangulambaba siya. Naibaling niya naman ang atensyon niya sa magpamilya sa kabilang table. They seemed happy. "Nakakainggit talaga ang kasiyahan ng ibang tao."

"Pwede ka namang maging masaya," naibaling din nito ang tingin sa magpamilya. "It's still a choice, Alyce."

"Alam mo," ibinalik niya ang tingin sa mukha ni Darwin. "Naiisip ko minsan, na itigil na lang lahat ng ito at lumagay na lang sa tahimik."

"Kinakabahan ako riyan sa iniisip mong katahimikan."

Natawa siya. "Hindi 'yong morbid na katahimikan, ano ka ba? 'Yong iniisip ko, maging full time music teacher na lang tapos may makikilala akong lalaki na mamahalin ko at mamahalin din ako. Tapos bubuo kami ng pamilya. Tapos sa kanila ko na itutuon ang buong atensyon ko."

"Sino namang lalaki ang iniisip mo?"

"Hindi ko pa alam. Pero kung sino man ang lalaking 'yon, sa kanya ko lang ibibigay ang sarili ko –" natigilan naman siya nang biglang inihit ng ubo si Darwin. Mabilis na sinenyasan niya ang isang staff na bigyan sila ng tubig. "Darwin, okay ka lang?"

Hinagod nito ang dibdib. "O-Okay lang ako," mabilis na ininom nito ang baso ng tubig na inabot ng staff rito. "Nasamid lang ako."

"Ang laki-laki mo na nasasamid ka pa."

"Masama?"

Umayos siya ng upo at napa-ismid. "Hindi ka naman yata naniniwala sa'ken e. Iniisip mo na puro kalokohan na naman ang pinag-iisip ko."

"I'm not, ikaw, napaka-judgmental mo sa'ken."

"Gusto ko na lamang ng simpleng buhay."

"If that's what you want, then do it."

Tinitigan niya si Darwin. Gusto ko ng simpleng buhay pero bakit ikaw ang nakikita ko sa buhay na gusto ko? Nakakainis din minsan. Mukhang malabo rin kasi na magkagusto sa kanya si Darwin.

"Ikaw?"

"Anong ako?"

"Don't you have plans of settling down?"

"Wala pa sa isip ko,"

She leaned both her arms on the table and rested her head on it. Nakatingin siya sa labas ng café. Ang hirap magkaroon ng feelings para sa isang tao na malabong magkakagusto sa kanya. Ipinikit na lamang niya ang mga mata. She silently sulk in her mind. Mabigat sa puso pero wala e.

"Pinuntahan mo lang ba ako dito para tulugan?"

I came to visit you because I missed you. But you seemed fine being away from me. 'K fine. Bahala ka riyan.

"Alyce?"

"Uuwi rin ako mamaya."







KANINA pa paulit-ulit na tinitignan ni Darwin ang folder ni Darven Franco. Curious talaga siya kung sino ito at kung anong koneksyon nito kay Alyce. At kung bakit ito namatay.

"Nabanggit na ba sa'yo ni Alyce ang tungkol sa kanya?" naupo sa tabi niya si Keeper.

"Hindi ko nga sigurado kong kilala niya ba si Darven o hindi. Pero may pictures silang magkasama."

"Mukhang matagal na ang picture na 'yan ah." Kinuha ni Keeper ang picture ng dalawa. "Baka nga acquaintance lang sila pero 'di talaga close."

"Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit namatay siya nang hindi man lang ulit sila nagkikita ulit. Are they just destined to each other but not meant to be?"

"Magtatanong-tanong ako sa itaas. Baka may makuha akong impormasyon."

"I'm not sure if End will allow. I'm banned with heaven information."

"Ikaw lang,"

Naipitik niya ang mga kamay. "Keeper ang talino mo talaga!"

"Kumpara naman sa aming dalawa ni Strar mas may utak ako kaysa sa isang 'yon. Nawawala na naman ang 'sang 'yon."

"Ang isang 'yon, kung umasta parang walang kasalanan."

"I'll let you know kapag may nakuha akong impormasyon."

He smiled. "Thanks Keeper." Tinapik niya ito sa likod. "I will owe you this one."

"How's Alyce,"

"Madami na namang iniisip,"

"Hindi naman talaga nauubusan ng iniisip ang mga babae. It's already in their nature. Kaya nga masyado silang komplikado."

Natawa siya. "Sinabi mo pa."









ILANG beses nang papalit-palit ng posisyon ng higa si Alyce sa sofa sa sala. Iniiisip niya talaga si Darwin. Paano kaya ito magkakagusto sa kanya? Ano kaya ang type nito? Clearly, he doesn't like her attitude – her evil side, siguro. Pero mabait naman siya e. She's prim and proper. Does he like woman with feisty personality? 'Yong palaban kagaya ni Allysa?

Ideal naman kasi ang kakambal niya. Siya kasi, masyadong pa sweet. Mas mukha siyang younger sister ni Darwin kaysa girlfriend material. Hay naku! Ayoko na mag-isip.

"Ma'am Alyce, ayos lang po ba kayo?"

Mga paa ni Manang Arma ang nakikita niya dahil naka-dangling na ang ulo niya sa side ng sofa habang ang mga paa naman niya ay nakaipit sa arm rest.

"Okay lang po ako manang," umayos siya ng upo.

"Alas tres na, baka ko gusto mong mag-snacks."

"Manang," inangat niya ang mukha sa matanda. "Maganda naman ako, diba?" tumango ito. "Alam kong madalas pangit ang ugali ko pero mabait naman ako, diba?" tumango ulit ito. "Sa tingin n'yo, may magkakagusto sa'ken?"

"Sino ba ang tinutukoy mo? Ang binatang laging nandito?"

Napabuga siya ng hangin. "Kaso, mukhang barkada lang talaga ang tingin niya sa akin."

"Bakit 'di mo subukang sabihin sa kanya ang nararamdaman mo sa kanya?"

"Baka ho kasi lumayo siya sa'ken. Kahit na ang annoying niya minsan, pinapagaan pa rin niya ang kalooban ko. Masaya ako kapag kasama siya. Ayoko hong i-risk ang mga magagandang bagay na 'yon dahil lang sa gusto ko siya."

"Hindi mo naman malalaman ang sagot kung 'di mo susubukan. Wala namang magbabago kung pareho n'yong pinapahalagahan ang isa't isa."

"Kaso po, hindi po ako sigurado sa sarili ko, may pagka-selfish pa naman ako." Napakamot siya sa noo. "Pag-iisipin ko po muna siguro. I don't want to rush things for us. Ayokong sirain ang magandang samahan namin sa ngayon."

Naupo ito sa tabi niya. "Kapag nagmahal ang isang tao, dapat sinasabi 'yan at hindi itinatago. Maganda man o masakit ang makuha mong sagot, ang importante ay pinaalam mo sa kanya ang nararamdaman mo. Huwag mong hintayin na mawalan ka ng pagkakataon bago ka naging tapat sa sarili mong damdamin."

Napangiti siya. "Salamat ho, manang. I'll take note of that."

"Mukhang gusto ka rin naman ng binatang 'yon. Hindi lang siguro nito 'yon masyadong pinagtutuonan ng pansin."

"Manang, baka ho umasa ako."

"Huwag ka nga lang masyadong umasa sa mga sinasabi ko."

"Sabi ko nga," natawa na lamang siya.







BE mine tonight Alyce.

Napabalikwas ng bangon si Alyce. Natutop niya ang dibdib sa sobrang lakas ng tibok ng puso niya. Napapaginipan na naman niya ang eksena na 'yon. Bakit ba pakiramdam niya ay nangyari talaga 'yon? Na hindi lang 'yon basta panaginip lamang.

Paano kung may nangyari talaga sa kanila ni Darwin nang gabing 'yon at hindi lamang niya 'yon maalala. Pero bakit naman 'yon maaalis sa memorya niya?

Marahas na napabuntong-hininga siya. Bakit ba hindi kita maalis sa isipan ko? Bumaba siya ng kama at isinuot ang roba niya. Tinungo niya ang balcony ng silid niya. Sinalubong siya ng malamig na simoy ng hangin. Nayakap niya ang sarili bago naingat ang tingin sa mga bituin sa langit.

Pero tila may mga matang nakatingin sa kanya sa paligid. Naibaba niya ang tingin at naigala sa buong paligid. Muling umihip ang malamig na hangin. Napansin niya ang isang anino ng lalaki na bigla na lang nawala. Kumunot ang noo niya. Imposibleng may ibang taong nakapasok sa bahay. Silang dalawa lamang ni Manang Arma ang nasa bahay.

Bumalik na siya sa loob at in-lock nang maigi ang glass door palabas ng balcony. Itinakip niya ang makapal na kurtina at bumalik sa kama. Agad na hinanap niya ang cell phone in-denial ang numero ni Darwin.

Hindi siya mapalagay. Kailangan niyang marinig ang boses nito. Thank God, he immediately picked up the call.

"Alyce?"

"I-I'm scared," halos gumaralgal ang boses niya. "May nakita akong anino ng tao sa labas kanina."

"It's already past midnight. Baka wala lang 'yon."

"I know, pero hindi ko lang mapigilan ang takot ko."

"Just go to sleep, I promise I won't put down the phone."

"I wish you're here,"

"I'm always here Alyce."

Hindi niya alam kung bakit bigla na lamang siyang inantok. Darwin's words made her calm and sleepy. Biglang nawala ang takot at kaba sa puso niya. Tila naniwala ang utak at puso niya na nasa tabi lang talaga niya ito nang mga oras na 'yon.

"Promise?" it barely came out as a whisper.

Namimigat na ang talukap ng kanyang mga mata. Nararamdaman na niya ang antok.

"I promise, now go to sleep now," it sounded like he was really there. Parang totoo. "I will always be here."







IBINABA ni Darwin ang cell phone pagkatapos niyang marinig ang mahinang paghinga ni Alyce mula sa kabilang linya. Alam niyang nakatulog na ito. Gaya ng pangako niya ay hindi niya pinatay ang linya. Nasa labas siya ng bahay nito at nakatunghay sa may balkonahe ng silid nito.

Siya ang nakita nito kanina.

Agad niyang pinuntahan ito nang maramdaman niya ang takot nito sa puso niya. It was making him uncomfortable. Masisiraan yata siya ng bait kapag 'di niya inalam kung ano nga bang nangyayari rito.

Mabuti na lamang at isang masamang panaginip lamang ang nagpakaba kay Alyce. Kahit papaano ay gumaan na ang pakiramdam niya.

Natigilan lamang siya nang mapansin niya ang paglihis nang kaonti ng kurtina sa may sala. Hindi siya pwedeng dayain ng paningin niya. May nakatingin sa kanya kanina. Si Alyce lamang at si Manang Arma ang nasa bahay.

Imposibleng si Alyce 'yon.

Continue Reading

You'll Also Like

45.9K 1.1K 35
"Opposite do attracts ika nga. Pero maniniwala ka ba kung ang magkaparehas ay ma-attract sa isa't isa?"
410K 13.5K 21
(Finished) All good boys are boring - but Andres Emilio Rivera is an exception.
507K 12.1K 33
Almost Perfect Series III Sana hindi nalang ako nainlove sa bestfriend ko. Sana sa kambal niya nalang. Sana sakanya nalang.
85.4K 1.7K 61
Will their broken heart beat bring them back to each other's arms... or to someone new? As the two old sweet hearts met again after being played by u...