Gold Digger

By Dj_Elsiebrande

37.4K 590 44

{Fancy Girls Series Part 2 ~ Maryan Lioness ~ } Isang napaka-mayaman na maganda at sexy na dalaga o Rich and... More

Author's note
Prologue
Chap. 1
Chap. 2
Chap. 3
Chap. 4
Chap. 5
Chap. 6
Chap. 7
Chap. 8
Chap. 9
Chap. 10
Chap. 11
Chap. 12
Chap. 13
Chap. 14
Chap. 15
Chap. 16
Chap. 17 (ANG SIMULA)
Chap. 18
Chap. 19
Chap. 20
Chap. 21
Chap. 22
Chap. 23
Chap. 25
Chap. 26
Chap. 27
Chap. 28
Chap. 29
Epilogue
Message from the Author
Join my Fbgroup page

Chap. 24

741 18 1
By Dj_Elsiebrande

Umalis na sina KC at Jose. Panay lotion si Maryan na tila iritang-irita na talaga at super nanggagalaiti nang biglang lumabas si Rojz galing sa banyo ngunit hindi nakatapis. Naka-shorts na ito di tulad ng dati.

"Hindi ko ba sa 'yo nasabing bawal din ang lotion?" anang binata habang tinutuwalyahan ang ulo.

"Tagal mo kasi sa banyo! Daig mo pa ang babae! Ogre! Hindi ka man lang sa akin naawa, pinagpipiyestahan ako rito ng mga langaw at di nakakapagpalit!" sagot ni Maryan habang hawak-hawak niya ang duster na kulay puti na bigay ni Rojz.

"Ayun pala eh! Nagsayang ka pa ng lotion dahil matatanggal din naman 'yan 'pag naligo!"

Di na ito pinansin ng dalaga at dumiretso sa banyo sabay binangga niya nang malakas si Rojz sa baywang.

Habang nakahiga si Rojz na naghihintay sa papag na kama ay biglang dumating si Maryan na ikinagulat nito dahil wala itong bra na suot. Kaya't tumalikod na lang si Rojz para hindi maakit dahil ang balak niya sa dalaga ay matuto ito sa buhay mahirap.

"My ghaadd! Wala man lang foam ang kama? Diyos ko naman, Rojz! Yung spinal cord ko! At saka, hayop talaga! Unan natin talaga 'yang mga sako na 'yan? Okay ka lang? Diyan ba talaga ako matutulog?" iritang sigaw ni Maryan na tila sinabugan ng granada ang dibdib sa galit.

"Oo! Matuto kang mamuhay nang ganito! Ikamamatay mo ba kung makatulog ka sa isang kama na walang papag, at unan ay gawa sa sako?"

"You're such a disgusting human. Taong grasa! Pulubi, pobre! Whatever you call! At saka, magkatabi ba talaga tayo sa kama?" nakangising tanong ni Maryan ngunit hindi siya sinagot ni Rojz.

Hanggang sa dahan-dahan siyang gumapang at niyakap niya nang mahigpit ang binata kahit nakatalikod ito sa kanya.

Bumilis lalo ang tibok ng puso ni Rojz nang maramdaman niyang naidikit sa kanya ang utong sa dibdib ni Maryan.

"Do you wanna make love again, hon. My pussy needs your tongue," pang-aakit na kindat ni Maryan dahil akala niya ay doon sa pang-aakit na paraan niya maisasama si Rojz sa ama.

Ngunit nasawi ito nang iniwas ni Rojz ang kamay nito sa kanya.

"Doon ako sa plywood na sofa matutulog. Hindi ngayon ang oras para makipaglandian kaya tigilan mo ako, Maryan! Hindi mo ako maaakit. 'Yan tandaan mo! Dahil alam ko naman na sipping ang ginagawa mong sandata para mapaikot mo ang isang lalaki. Kaya gusto kong ipaalam sa 'yo habang maaga pa na hindi na sa akin tumatalab yan. Sorry ka, nasabi mo na ang alas mo." Ginantihan ito ng kindat ng binata sabay iniwan ito ni Rojz at pumunta sa sala.

Sobrang nainis si Maryan at nagwala't sumigaw na lang sa galit hanggang sa nakatulog na umiiyak na naman.

Paglabas ni Rojz ay natawa siya sa sarili. "Akala mo, ha! Haha! Pero ang sarap mo pa ring kainin," sabi niya sa sarili habang nagpipigil lang tumawa.

Kinaumagahan . . .

Maryan PoV

Ang sarap pa naman ng panaginip ko na nakasakay raw ako sa unicorn at nag-fo-float sa rainbows nang biglang nalunod ako sa toilet bowl. Di ko maintindihan kung bakit napunta roon ang panaginip ko.

Pagkagising ko ay napasigaw ako dahil binuhusan ako ng hinayupak na 'to ng may yelong tubig.

"Hoy, Maryan! Gising ka na! Ipapagluto mo pa ako ng almusal!"

Sobrang nabwisit talaga ako sa ogre na 'to! Sarap dukutin ang mata kaya't sumigaw rin ako.

"Paano ako makakapagluto eh basang-basa na 'tong duster na binigay mo dahil sa stupid ice bucket challenge mo? My god! Wala akong ibang damit kundi ito lang walanghiya ka, buwisit!" Agad pumasok si Rojz sa kuwarto.

Paglabas niya roon ay tinapon niya sa pagmumukha ko itong isang duster na luma. Pero pakshet naman! Ang baho. Mukhang gamit na. Amoy balat ng kargador sa tabi-tabi.

"Suutin mo 'yan! Tapos magluto ka na rin!"

"You stupid scumbag ogre! Suot na 'to eh! Bakit mo ako pinapasuot ng suot na? Ang baho-baho pa! Ang sarap mong sakaliiii—Kung hindi lang ako nakakapagtimpi!"

"Ay, oo nga pala, Maryan. Nakalimutan ko! Iyan yung duster ni Manang Cecelia. Pinagpawisan at naiwan niya rito. Sorry, 'yan lang available na damit kaya labhan mo na lang," nakangising sinabi ni Rojz.

"K. Fine. Nasaan ang washing machine mo?"

"Wala akong washing machine. Kamay ang gamitin mo!"

"Huwat? I can't believe this! Hindi ako marunong!" sigaw ko kasi hindi naman talaga ako marunong. Kaya napilitan na lang ako suutin ang tuyong pawisan na duster ng kapitbahay namin daw na nagngangalang Cecelia.

Nang buksan ko ang ref. Halos walang laman kundi mga nymphs. Hindi mga nymphonia kundi maliliit na cockroach na na-freeze, so gross! Grabe talaga 'tong lalaking ito. Ang sarap patayin sa gigil. Nagre-request ng almusal! Wala namang laman ang ref! Pakain ko kaya sa kanya itong mga baby ipis! Bakit ba kasi nakalagay rito itong ref eh pang-display lang pala!

"Anak ng pating naman oh! Bakit walang laman ang ref mo, ogre!"

"Sinadya ko talaga 'yan para ikaw ang lumabas at bumili sa tindihan ni Manang Cecelia!" sagot ni Rojz na ikinabahala ko.

"Hindi ba pwedeng maggulay or prutas na lang tayo tutal I'm a vegan, you know?"

"Maryan! Sino ba ang masusunod dito. Ikaw o ako?"

Kakainis talaga 'tong lalaki na 'to. May araw ka rin sa akin.

Agad kong itinali ang buhok ko nang papusod at sinuot ang suot kong nalaglag sa kanal na V-neck long sleeves na kulay black dahil pati bra ko ay naisama sa kanal noong nahulog kami roon ni KC.

"Pabili po." Walang sumasagot.

"Pabili po, may tao?" Wala pa rin.

"Punyeta naman! May hayop ba diyan na bingi?"

Biglang may lumabas sa tindahan na duling at bungi na ale. "Ano'ng gusto mo, Maryan? Suwerte ni Rojz sa 'yo. Ang puti-puti mo. Wig ba 'yang buhok mo? At saka, kinulayan mo ba'ng mata mo ng green?"

"Shut the fuck up, you ugly hog! I need noodles and eggs! Mestisa ako kaya natural na green mata ko! Kayo ba yung may-ari ng damit na 'to? At saka, kung mayron kayong naluto diyan sa inyo, bilhin ko kahit magkano? Please." Wala namang masama kung pag-trip-an ko 'tong duling na ale sa harapan ko kaya't pinasilip ko sa kanya yung suot-suot kong damit niya at nag-request ng niluto nila.

"May naluto kaming tuyo. May instant din kaming noodles, ganda. Oo, akin 'yan! 'Yan kasi yung suot ko noong nag-one-night stand kami ni Rojz!" ngising sinabi ng ale.

"Shit! What an asshole!" Napa-eyeroll ako. "May asim pa po kayo? Just wow!"

"Oo naman, mayroon pa. Hinalo ko nga diyan sa tuyong ibibigay ko sa 'yo, hija!"

Agad kong inabot ang itlog, instant noodles, at pancit canton, at tinanggihan ko ang tuyo dahil kinikilabutan na talaga ako sa mga tao rito. Naaawa na ako sa ale na 'to. Baliw na!

Pagkatapos kong mabili iyon ay bumalik ako sa cursed place ni Ogre Rojz.

Nagulat na lang ako't nagdadasal siya. Buti di siya nasusunog sa lagay na 'yan dahil parang pinababang Lucifer na nag-anyong tao siya sa paningin ko.

"O, nandiyan ka na pala, Maryan. Iluto mo na 'yan. Magtatanghali na, wala ka pa ring nailutong almusal."

"Huh? Ako rin ang magluluto? Look, Rojz. Hindi ako marunong magluto and there is no way I am gonna cook breakfast for you! Ito, preserved food na noodles."

"Masama sa kalusugan yung preserved foods. Ayoko niyan kainin. Iluto mo ako ng itlog," sabi niya.

"Tangina naman! Ayoko na! Ayoko na talaga, Rojz, sa pinagagawa mo sa 'kin! Hindi na talaga nakakatuwa! Hindi ako marunong magluto tapos pinipilit mo ako! Mga maid lang ang marunong kaya mag-hire ka na lang ng isa! I'm out!" naiiyak at pasigaw kong sumbat.

Ano 'yon? Alila niya ako at kailangan ko pang lumuhod sa kanya? Ano siya? Hari?

Pagkalabas ko ay todo buhos ng luha ko. Hindi ko na alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko. Gusto ko nang magpakalayo-layo kay Ogre.

Ngunit naalala ko na naman si Dad. Yung boses niyang paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko with echo pa. Yung pagkasabi niyang makukulong ako 'pag di ko nadala sa kanya si Ogre Monster Rojz. Salot na mag-ama na 'yan sa buhay ko! Shit talaga!

Hanggang sa maalala kong nakalimutan ko pala ang bag ko. My cellphone, laptop, at pera, nandoon. Kaya nang babalik na ako ay hindi ko na alam ang lugar na kinatatayuan ko at naliligaw na ako.

Habang naglalakad ako, dumaan ako sa mga lasenggo na tambay na pinaka-trauma ko.

"Wow, miss! Ang puti mo naman! Tara inom ka!" sabi ng isa na mukhang rapist. Di ko sila pinansin at patuloy akong naglakad habang pikit-mata na parang walang narinig dahil sa takot.

"Bastos ka, ha! Kinakausap ka namin eh!" Biglang tumayo yung isa. Hinila at hinawakan ako sa braso saka nagsimula silang magtawanan.

"'Wag po! Hindi po ako marunong uminom!" Pilit akong umiwas pero mukhang pagti-trip-an o may balak sila sa akin.

"Puti naman niyan. Miss, Korean ka? Pero green ang mata, o! Panahon na 'to para makatikim tayo ng Koreanang Kano! Di ka pa siguro nakatikim ng burat ng pure pinoy gaya namin!" ngising sinabi n'ong kalbong mantikain ang ulo.

Biglang may dumating to the rescue na mala-Fernando Poe. "Babae 'yan! Matuto kayong gumalang!"

"Pakialam mo ba!" Hindi nakapagtimpi at inatake niya sila. May tinamo rin siyang suntok pero sanay talaga siya sa martial arts kaya magaling umilag. Bugbog-sarado tuloy ang mga lasinggerong tambay na 'to na halos hirap makatayo dahil sa suntok at sipang natamo mula sa lalaking ito. Kakaibang action na naman ang buminyag sa aking mata.

Ang lalaki ng braso at matipunong katawan sa ilalim na kanyang sando. Wala man lang bahid ng pasa na tinamo at hingal na hingal. Kyut tingnan kahit pinagpapawisan na.

Naalarma ang paligid kaya't pinagtitinginan at nabilib sila rito habang yung iba naman ay kinukunan ng video ang matinding bakbakan.

Sino pa? Eh di, si Ogre Rojz. "Ano'ng pakiramdam mabastos, Maryan? Langya! Pinahirapan mo pa ako! Tara na at iuwi na kita!" Saka niya ako sinugod at binuhat muli nang pabigla gaya ng pagbuhat niya sa akin noong nasa Japan kami without the sako nga lang.

Grabe! Yung puso ko. Tumitibok at kinikilig! Like, hindi ako nandiri kahit nakadikit sa akin yung pawisan niyang balat. At least, hindi mabaho. But he saved me from danger. Akala ko, katapusan ko na at ako ang sunod na ilalaman ng tabloid na patay at nagahasa bigla-bigla. What is something with this guy na parang may care siya sa akin.


Continue Reading

You'll Also Like

2.1K 659 34
Kahit ano pang tapang mo sa akin pa rin ang bagsak mo.
7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
70.8K 1.8K 33
This story is not suitable for young readers. Plagiarism is a crime. Be unique PS: Credit to 🪐⛈🦕 for the photo. Not edited
8.8K 200 38
"Am I insane to love you? I tried so many times to avoid and forget you but my heart says it's only you. I want to show the world how precious you ar...